♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
"Bitch, don't me! Matuto kang rumespeto sa mas nakagaganda sa'yo!" Sigaw ni Ursula habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Julia.
"Ouchy! Oo na, oo na! Fine! You win, you win!" Kita sa mukha ni Julia ang sakit na nararamdaman sa ginagawa ni Ursula.
"Babe, tara na nga, let's go find something to eat!" Inaya ni Julia si Kevin, sumunod lang sa kan'ya ito.
Sinundan ko ng tingin ang dalawa papunta sa pinakamalapit na escalator. Kinabig naman ako ni Ursula, tiningnan ko ito at minumwestra n'ya na sundan ko ang dalawa.
"Anong tinatayu-tayo mo d'yan? Lumaban ka!" Sabi nito sa akin.
"Para saan pa, tanggap ko naman na ang mga nangyayari ngayon. Mas maganda nang maging masaya nalang para sa kanila kaysa naman masaktan pa ako ng paulit-ulit kung tutuloy akong ipaglaban 'yung nararamdaman ko."
"Ang drama mo, wala pang hapon, start na agad ng afternoon primetime slot! My goodness, hindi ka talaga marunong kumilatis ng totoo sa peke."
Ha? What the heck?
"Paano naman naipasok 'yan? Saan naman nanggaling 'yang mga sinasabi mo? Ha, Ursula?"
"Hay nako, ako nalang ba lahat ang gagawa ng action para magtuloy ang kwentong ito?" Sabi ni Ursula habang naglalakad papuntang escalator upang sundan sila Julia at Kevin sa susunod na floor. "Punyatera!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
"Babe, gusto ko nito, it looks delicious! Could you buy me one? Please?"
Foot spa, pabebe ampupu. Clingy pa!
Sino?
Si Julia.
Kay nino?
Walang iba kundi ang pinagpalit ko para lang makuha ang bokyang laman ng kahon ni kuya Wil, si Kevin.
Ang hirap talagang maging T.A.N.G.A.
"James, gusto ko nito, it looks deliciious! Could you buy me one? Please?" Sabi ni Ursula habang nakaturo sa kaparehong pagkain na tinuturo ni Julia kay Kevin. At, ang p***, nakapalupot rin sa akin.
"Ursula, ano ba?"
"Babe, gusto ko rin non! Tsaka 'yun rin oh!" Pabebe overload.
"James, gusto ko rin non! Tsaka 'yun rin oh!"
"Ursula, what the fuq? Ano ba ang trip mo ngayon, ha?" Bulong ko sa kan'ya, tiningnan lang ako at tinawanan pa.
"What? I'm just making an impression of that bitchy bruha. Ang arte n'ya, my friend!"
Bitch na.
Bruha pa.
San ka pa?
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Tuloy lamang kami sa paglalakad sa mga kiosks ng foods, nang mag-ring ang cellphone ni Kevin na s'ya namang sinagot kaagad.
"Babe, I'll just go there, ha?" Paalam ni Julia sa kan'ya bago ito pumunta sa kabilang kiosk. Pero parang hindi naman ito narinig o napansin ni Kevin.
Tinutulak ako ni Ursula papunta kay Kevin pero buti nalang at malakas ako at matindi ang balance kaya't 'di ako diri-diretsong bumangga kay Kevin na patuloy lang sa pakikipag-usap sa cellphone. Mukhang seryosong topic ang pinag-uusapan nila at doon talaga s'ya naka-focus.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Kevin's POV
Tumawag si Greg, mayroon s'yang tinatanong tungkol sa aming thesis. Sinagot ko, kaysa sa wala kaming maging progress.
"Greg? Bakit?"
"Kevin! May itatanong lang ako tungkol don sa ano..."
"Sa ano? Dalian mo ba!"
"Bakit? Nasaan ka ba?"
"Nasa mall ako, kasama ko si Julia."
"Ah okay."
"Naandito rin si James, may kasama s'yang babae eh. Kaibigan siguro n'ya."
"Ah, edi mas okay?"
"So what are you trying to point out? Kung wala ka nang ibang sasabihin or itatanong, I suggest na i-end mo na 'tong call. Or should I end it myself?"
"Wait, wait, wait! Teka lang! Sorry na, Kevin, 'eto na, magtatanong na 'ko..."
"Sige, nakikinig ako."
Hinawakan ko ang kamay ni Julia at naglakad papalayo kina James.
"May nakita kasi ako dito eh, parang may mali sa code natin. Okay lang ba na baguhin ko 'yung iba, tapos may aayusin lang ako sa design natin..."
"Oo, okay lang sa akin. Buti nga nakita mo 'yung mga mali, kundi, patay tayo d'yan!"
"Sige, sige. Tapos, Kevin, kailan ba tayo makapupunta kina James para sama-sama tayo sa paggawa?"
"Bakit ako tinatanong mo? Bakit hindi s'ya 'yung tanungin mo?"
"Eh, 'di ba, sabi mo kasama mo s'ya ngayon? Bakit hindi ikaw magtanong? Bakit hindi ikaw ang kumausap?"
"Oo, sige na nga. Ito, teka, itatanong ko la-"
Napahinto ako sa pagsasalita. Bakit? Dahil nakikita ko na nakatingin sa akin si Julia na nasa tapat ngayon ng isang stall.
Kung nandoon s'ya, sino 'tong...
"Hello? Hello, Kevin? Nasaan si James?"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦