webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

sajuficnlit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
38 Chs

Demolition Job

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"Good day to all, I will be presenting in front of the class..."

Na-assign akong maging reporter ng isang buong lesson sa aming klase dahil naging absent ako noong naaksidente ako dahil kay Oxford. 💁🏻

Ramdam ko na may nakatingin sa akin... 👀

Oh yes. Oo alam ko na na sasabihing obvious dahil nag-rereport ako at lahat ay nakatingin sa akin...

Iba 'yung nararamdaman mo, iba 'yung pakiramdam, para bang mayroong tumatawag sa akin ngunit hindi sa pamamagitan ng tinig kundi mga mata. 👀

Na-realize ko na hindi naman pala ako ang tinitingnan ng karamihan ng aking mga kaklase. Hindi ako, kundi ang aking slides na naka-project sa whiteboard. Karamihan sa kanila ay gan'on, ang nalalabi ay sa iba nakalaan ang atensyon. Hindi ko kawalan ang hindi nila pakikinig sa mga pinagsasasabi ko, papatayin ko sila kung magtatanong sila mamaya.

Inilibot ko ang aking mga mata at nagbakasakaling mahagip ng kahit peripheral vision ko man lang kung sino ang talagang nagmamasid at sinusubukang titigan ako sa aking mga mata.

It really felt like someone is scanning me or like someone is directly staring through me and at my soul.

And so, through my thick-framed glasses 👓, my eyes met with those of someone sitting right at the corner of the room.

Si Kevin.

Bigla naman akong nautal sa pananalita ko, medyo nawala ang idea at thoughts ko. Na-mental block na ako...

Feeling ko tumigil ang lahat, nag-freeze ang mundo, nag-stop ang buong katawan at kaluluwa ko, nag-pause sa mismong moment na 'yon na parang pinapasok n'ya ang inner conscience ko.

Naririnig ko ang pagmamakaawa ng kan'yang nangungusap na mga mata, ito'y nanghihingi ng tawad sa kan'yang nagawang pagkakamali sa akin.

Pagkakamali nga ba?

Ginawa lamang n'ya ang tingin n'yang tama at tugma sa nararamdaman ng kan'yang nag-aalab na damdamin. 🔥

Agad naman putol ang eksena dahil may humarang, ang instructor. 👨‍🏫

"Is something the matter, James? You seem distracted with something I couldn't identify."

"I'm sorry, I just got a little drowned in my own pool of thoughts. Allow me to continue, ma'am."

Nagpatuloy ako sa pag-rereport.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Dahil medyo nagsasawa na ako sa pagkain sa canteen and I wanted to treat myself in somewhere fancy, I went out of out campus and went to a restaurant nearby.

The place has the ambiance of that of Starbucks, almost no difference at all. The only difference I could give is that this sells meals unlike our local Starbucks na biscuits, donuts, bagels, croissants at sandwiches lang ang available, minsan lang may pasta and other stuff.

Umorder ako ng isang meal,ang ulam ay sweet and sour fish.

I went around to look for a place. 🔎🔍🔎🔍

It didn't take so long for me to find a place in the restaurant. I'll patiently wait here for my food, salamat naman at may pa-WiFi ang management. 👨🏻‍💻

Nakita ko sa hindi kalayuan ang server, mukhang hinahanap yata ang table ko kaya't itinaas ko na ang aking table number. 💁🏼‍♂️🙌🏻

Lumapit s'ya at inilapag sa lamesa ang potato mojos at cheese croquettes at ang in-order kong sweet and sour fish at lemonade.

Nagtaka ako bakit may potato mojos at cheese croquettes.

Kahit nakakatakam, hindi ako nagpakain sa temptation at greed. Kaya kahit medyo labag sa kalooban, I had to tell the truth. Not only because it will set you free but also it is the right thing to do. 😇😇😇😇

"Teka, kuya. Wala po akong order ng potato mojos at cheese croquettes." Sabi ko.

"Ay sir, sa inyo po 'yan. Di sa shumo-show biz insider ako sa buhay n'yo sir, pero kung hindi kayo 'yung um-order n'yan, it is either someone ordered for you or on-the-house 'yan. For this case, number one ang fact." Tumuro s'ya sa bandang banyo, pero wala naman akong nakitang nandoon. "Ay mukhang shy yata sir, secret admirer ang peg!"

"Sige, salamat kuya."

"Aalis na po akes, tawagin n'yo nalang po ako kung may kailangan sila. Enjoy your meal!"

Bumalik na sa kitchen ang server at naiwan akong nakatitig sa pagkaing galing sa isang "secret admirer" according to kuya na ate pala.

Kinuhanan ko ng picture ang mga potato mojos at cheese croquettes at akin itong ipinost sa Instagram na ishinare ko na rin sa Facebook with a caption asking who was it from and thank you to whoever it may be.

Tinawag ko ulit si kuya at pinabalot ang in order kong sweet and sour fish. Mamaya ko nalang kakainin, for dinner nalang.

Et voilà!

May nag-react sa Facebook at pumuso sa Instagram!

...

Si Brix!

Naka-receive rin ako ng message sa Line.

"Did you like it? I heard you really like potato mojos and cheese croquets."

Galing ang message kay Brix. Nireplyan ko naman.

"I would kill for it. Well not literally, and by the way, thanks for the free meal."

"You're always welcome, James. I wonder when will I be welcome to enter your ❤️?"

Ang bills naman ni Brix, sumegway agad-agad.

Lumingon ako at sinubukang hanapin si Brix, at nand'on nga s'ya malapit sa banyo.

Alam n'yang hindi na s'ya makakapagtago pa kaya't kumaway nalamang s'ya. Makikita na mukha s'yang hiyang-hiya sa sariling ginawa.

Lumapit s'ya at umupo sa tapat ko.

"Let's share the food, I can't finish it all, you know." Aya ko sa kan'ya na nanginginig yata hindi dahil sa lamig kundi sa hiya.

May hiya pa pala s'yang natitira.

Ngayon pa s'ya nahiya?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Medyo napangalahati na namin ang fuds nang maisip ko na ipaalala sa kan'ya ang status.

Ang status at kung ano ba talaga.

"Brix, I'm really sorry I had to repeat this pero wala talaga akong nararamdaman para sa'yo. I hope this is the last time you'll be doing this to me."

Feeling ko dinudurog ko ang puso n'ya sa mga sinabi ko.

Hindi lang pala dinudurog, pinulbo...

"I really hate myself for telling you all of this, I really am, Brix."

"Stop, you don't have to. Gusto ko lang gawin to. Maybe you can just think of it as a thing a mate does for another mate?"

Natahimik ako. Nakokonsensya ako sa ginagawa kong pag-reject kay Brix. Nailalagay ko ang sarili ko sa puwesto n'ya at nasasaktan ako.

"Just let me be like this. Someone that cares, someone that thinks about you, someone that only thinks of you, someone that only wants to make you happy. I'm not asking you to be in a relationship with me, I'm asking you to be someone I can do all these things for."

Sa puntong 'yon, nakita kong naluluha na s'ya.

"James, I just need someone. Please be that someone for now. Please be that person for the time being, until I find someone else and my feelings for you is gone."

Pinahiram ko s'ya ng panyo. "Okay, kung pansamantala lang naman pala, I can be that person."

"I'll be that person."

"Thank you."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦