webnovel

Chapter 89

Editor: LiberReverieGroup

"Chun'er," bulong ng prinsipe. Hindi na siya kasing gwapo at kasing kisig na gaya ng dati bagkus siya ay nagmukhang matanda. Hinawakan niya ng mahigpiy ang kamay ng kanyang kapatid na babae at sinabi "ikaw ay napabayaan ko ."

Nanatiling tahimik si Zhao Chun'er, habang siya ay umiiling. Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagtatago ng kanyang damdamin ngayon ay inilabas na niya ito sa pagiyak habang umiiling.

Dahan dahang tumayo si Chu Qiao ng walang nakakapansin o nakatingin man lang sa kanya. Sa ganitong sitwasyon ang kanyang presensya ay di kinakailangan. Hindi maitataging siya ay responsable sa lahat ng nangyari, dahil sya ang nakasaksi sa pagpatay ng sampung kalalakihan. Pinulot niya ang kanyang espada. Pinulot din niya ang sira sirang banig at lumabas na sa pinto.

Sumarado ang unahang pinto ng malakas. Bumuhos ang malakas na ulan. May kasamang malamig na hangin, ang panahon ay tuloy tuloy ant walang katapusan.

Gamit ang banig bilang pantabing siya ay mabilis na sumilong sa tirahan ng mga kabayo. Pagkakita sa kanya ng itim na pandigmang kabayo, ito ay nagalak at masayang iniiling ang kanyang ulo. Pinagpag nya ang kanyang katawan na nabasa ng ulan. Siya ay tamawa habang lumakad papalapit sa kabayo, hinagod niya ito sa ulo at sinabi niya "Tanggap mo parin ako sa kabila ng lahat".

Hindi man naintindihan ng kabayo ang kanyang mga sinasabi ay nagagalak ito dahil siya ay naroroon.

"Ikaw lang ang malalapitan ko ngayong gabi." Si Chu Qiao ay ngumiti at sumandal sa nakaupong kabayo, nilalambing siya nito gamit ang leeg nito.

May biglang malakas na tunog ng nalaglag na gamit mula sa isang lalagyanan. Siya ay tumayo upang tignan ang nalaglag nalaman niya na ito ay isang maliit na banga ng alak. Matagal tagal narin syang di nakakatikim ng alak. Ngunit ng tumiwalag sya sa pwersa ng Southwestern Envoy ay di niya alam na nakuha nya pala ang banga ng alak kay He Xiao.

Sa labas ng bahay ang bagyong may kasamang kulog at kidlat ay paytuloy parin ang paglakas. Napuno ng makakapal na ulap ang kalangitan at natabunan ang papasikat na araw. Sa loob ng bahay ay mainit lalo pa at may tsiminea. Ang anino mula sa magkapatid na hari ay maaaninag sa bintana.

Ang babae ay naupo sa tirahan ng mga kabayo. Siya ay nag unat habang sumandal siya sa kabayo. Hinawakan nya ang kanyan espada sa isang kamay habang ang is niyang kamay ay ang alak. Uminom siya. Naramdaman niya ang mainit na likidong bumababa sa kanyang lalamunan. Siya ay nasamid at inubo ng matindi. Tumingin sa kanya ang kabayo. Habang siya ay umuubo ay hinagod niya ang leeg ng kabayo at sinabi "ayos …. Ayos lang ako…" natawa siya ngunit may mga luhang dumaloy mula sa kanyang mga mata dahil sa matinding pag ubo. Samatala ang ulan sa labas ay tila hindi na titigil. Ang kanyang anino ay makikitang mahina,at maliit at napakalungkot.

Ang ulan ay tumila na, at sa wakas maguumaga na. ang araw ay sumikat na. pinakain ni Chu Qiao ang kabayo at lumakad sa pinto at kumatok at sinabi "Gising na ba kayong dalawa?" ng may malakas ngunit paos na boses "Itutuloy na natin ang ating paglalakbay."

Malakas na tunog ang narinig nya mula sa loob ng bahay. Si Chu Qiao ay nakatayo at tahimik na naghihintay sa labas at bumukas ang pinto at iniluwa non ay si Zhao Chun'er tumingin ito sa kanya ngunit walang ekspresyon na maaninag sa mukha nito. Pero sa malumanay na boses ay sinabi nito "Gusto kang Makita ni Ikalabing Tatlo. "

Tumango si Chu Qiao at sumunod kay Zhao Chun'er sa loob ng bahay. Si Zhao Song ay nakaupo sa bungkos ng mga dayami. Maayos at malinis na ang kanyang itsura at maayos din ang ayos ng kanyang buhok liban na lang sa laylayan ng kanyang damit na hinahangin. Siguro ay maiisip ni Chu Qiao na isa itong masamang panaginip.

"Umalis ka na" ang sabi ni Zhao Song na nakatingin sa kanyang direksyon. Ang kanyang salita ay malumanay ngunit may diin. "Ayoko ng makita ka pa kahit na kalian."

Inaasahan na ni Chu Qiao ang ganitong sitwasyon. Sa malumanay din na tono ay sinabi niya "Dalhin ko kayo pabalik sa Zhen Huang, malayo pa tayo at ako ay nag aalala para sa inyong dalawa kung iiwan ko kayo."

Napataas ng kilay si Zhao Song nang tumingin siya kay Chu Qiao. "ano naman sayo kung buhay kami o patay?."

Nakaramdam ng matinding lungkot si Chu Qiao. Huminga siya ng malalim at sinabi "Ang lugar na ito ay apektado ng gera. Maraming mga bandido na nagkalat kahait saan. Ang mga pinuno ng gera ay pinaiigting ang pagbabantay ng kanilang nasasakupan at mga mandirigmang naglilingkod sa kanila. Sa ganitong sitwasyon hindi nila kikilalanin ang kapangyarihan ng mga may dugong bughaw. Kaya hindi kayo pwedeng makilalang dalawa hanggang hindi pa kayo nakakabalik kay Zhen Huang. Sa kanluran malapit sa ilog nagtipon tipon ang mga bandido. Ikaw …. "

"Tama na" ang sabi ni Zhao Song na inip na inip na sa paghihintay "Ang sabi ko ano ba sayo kung buhay kami o patay ?."

Nakaramdam si Chu Qiao na mabigat na pakiramdam. Bumuntong hininga siya ng malalim at bago siya nakapagsalita sa mahinang tinig "Zhao Song alam kong galit ka sa akin at kahit anong gawin ko ay di ko mababayaran ang nawala sa iyo. Pero hindi ko hahayaang mamatay kayo ng ganoon na lamang."

Napataas ang kilay ni Zhao Song at tumingin kay Chu Qiao. "AhChu alam mo ba kung anong pinaka nagustuhan ko sa iyo noon?"

Nabigla si Chu Qiao sa kanyang narinig. Napatingin siya kay Zhao Song, lumakad siya ng marahan "Gusto kita ng ganyan ka. Mataas ang tiwala sa sarili, kahit ano ka man, sino ka man at kahit sa di magagandang sitwasyon. Hindi bumababa ang tingin mo sa iyong sarili at magmumukmok lang sa isang tabi. Hindi ka nawawalan ng pagasa,tiwala at lagging may paninindigan sa iyong kakayahan. Ngunit " napuno ng galit ang mata ni Zhao Song habang tinatapos ang kanyang sinasabi" hindi ko gusto ang ugali mo ngayon – ikaw ay mayabang at makasarili, lagi mong sinasabi na nagliligtas ka ng buhay ng iba. Sino ka ba ? Ano bas a tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Pagiging mabait at mapagbigay? Pakikipagkasundo? O paggawa ng mabuti para makabalik ka sa dati mong buhay, sa msaya mong buhay?"

Napailing na lamang si Chu Qiao at nakagat ang kanyang pang ibabang labi habang sinusubukan niyang magpaliwanag "Zhao Song ako…"

"Alis , ayaw na kitang makita pang muli" ang sabi ni Zhao Song galit na galit. Sinabi ko na sayo dati diba madkaiba tayo ng paniniwala. Sa susunod na magkikita tayo, kailangan isa sa atin ang mamatay. Ang pagtataksing sa trono, pagpatay sa mag inosenteng tao, hindi yun mababayaran kahit mamatay kappa ng isang daang beses."

"Zhao Song….."

"Alis" nangangalit na sabi ni Zhao Song.

Napatayo si Chu Qiao ng nanginginig ang kanyang mga binti. Inayos ang kanyang tindig at saka sinabi "Zhao Song, Iiwanan ko lang kayo pag nakarating na kayo sa Zzhen Huang. Kahit hindi niyo ako kailangan, andito pa ang Prinsesa. Mapanganib ang paglalakbay. Sigurado akong hindi mo gugustuhing maulit ang nangyari sa prinsesa."

Nang marinig ito ni Zhao Chun'er ay hindi sya nakagalaw. Tiningnan ni Zhao Song si Zhao Chun'er pero ang sabi niya "proprotektahan ko ang kapatid ko. Hindi mo trabaho yun."

"Thirteenth Brother…"

"Huwag mong sabihin duwag ka at kailangan mo ng isang kaaway para protektahan ka " sigaw ni Zhao Song sa kanyang kapatid na si Zhao Chun'er na magsasalita sana ngunit nanahimik nalang at nakagat ang pang ibabang labi.

Sa mga oras nayon, Pinanuod na lamang ni Chu Qiao ang papaalis na karwahe ni magkapatid na palayo ng palayo. Nakaramdam siya ng pagod. Nang gabing iyon ay nagkaroon ng bagyo kaya siya ay nag kasakit at halos di na makatayo. Pero ng mag umaga na ay nagdesisyon sya na sundan ang karwahe kay sumakay siya sa kanyang kabayo.

Sa mga araw na nagdaan, Palihim nyang sinusundan ang karwahe ng magkapatid. At dahil hindi nya ito matutulungan sa kanilang paglalakbat sa gabi ay tintangal nya ang anumang hahadlang sa dadaanan nila. Sa tuwing makakasalubong siya ng mga bandido ay paalisin nya ito. Sa tuwing makakasalamuha sya ng mag walang hiyang bandido ay pinapaalis niya ito sa pamamagitan ng pagpapakilala nya ng tunay nyang katauhan. Sa araw ay palihim syang sumusunod. Dahil sa kanyang kabayo na magaling ay hindi siya nahuhuli. Pero dahil sa apat na araw na walang pagkain at pagod nagkasakit sya.

Nang magising siya ay umuulan pa din. Nakahiga parin siya sa lapag at nakikita niya ang simpleng kasuotan ni Zhao Chun'er at may hawak na mangko kasama ang dalawang pirasong tuyo na rasyon.

"Kumain ka. Sino ang sasama sa amin pabalik kung mamatay ka !" ang sabi ng prinsesa ng pamilyang Zhao ng malumanay na sabi habang nakatingin sa kanya mula sa itaas. Ibinaba nya ang mangkok sa sahig at umalis na.

Natalsikan ng putik ang mukhan ni Chu Qiao na nagmukhang peklat. Tumingin siya sa anino ni Zhao Chun'er habang naglalaho sa ulan. Hindi niya napansin na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Pagkaraan ng pitong araw, ang napakagandang lungsod ng Zhen Huang ay lumitaw mula sa makapal na alimuom. Ang lungsod ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng kanlurang Meng na may tatlong daan taon ng gera at away ay nanatiling nakatayo sa kapatagan ng Hong Chuan. Mukha na itong pinagtutulugan ng mga leon. Nang makita ni Chu Qiao ang lugar kung saan siya nanirahan sa loob ng walong taon ay nakaramdam sya ng lungkot at pagod.

Nang inikot niya pabalik ang kabayong kanyang sinasakyan pahilaga, para bumalik, nakarinig sya ng tunog ng kabayo mula sa likod. Mahinahong siyang tumingin sa kanyang harapan habang nanatiling tahimik.

"Aalis ka na ?"tanong ni Zhao Song.

"Oo"

"Babalik ka para hanapin sya?"

"Oo"

"Babalik ka pa ba? "

"Hindi ko alam, siguro maaaring oo maaaring hindi"

"Haha" si Zhao Song biglang napatawa ng buong puso.

Hinangin ang damit na dati ay mayroon pang braso, namukha siyang saranggolang natanggalan ng isang pakpak. "Tumingin ka, Isa parin akong duwag!"

"Zhao Song" ang tawag ni Chu Qiao sa mababang tono, "Maraming salamat sa pakikipagkita mo sa akin sa huling pagkakataon."

Tumawa ng mapait si Zhao Song. "Pwede mo akong samahan sa mahaba kong paglalakbay. Hindi ba dapat akong pumunta at ipasabi ang aking pagbati?" Ikinalat ng hangin ang dilaw na buhangin. Si Zhao Song ay nakabihis ng simpleng kasuotan lamang ngunit may presensya ng pagiging isang prinsepe. Ang kanyang buhok ay nililipad ng hangin. "Ito na talaga siguro ang huli.Sa susunod na pagkikita natin wala na akong mararamdaman pang pagkakaibigan sa ating dalawa. Hindi na ako maaawa pa." Sabi ni Zhao Song sa malamig na tinig.

Marahan na umiling si Chu Qiao at sinabi "Hindi kita papatayin."

"Problema mo na iyon," ang sabi ni Zhao Song "Ang sino mang magtaksil sa trono ay nakatakdang mamatay."

Nang marinig ni Chu Qiao ang sinabi ni ni Zhao Song ay napataas sya ng kilay, sumimamgot at dahan dahang sinabi "Zhao Song ano ba talaga ang Maharlikang Imperyo? "