webnovel

Chapter 291

Editor: LiberReverieGroup

Lumakas ang ulan, at hinipan pa pabukas ang isang bintana. Umihip ang nagyeyelong hangin sa kanyang manggas, dahilan upang maamoy niya ang amoy ng mga bulaklak ng wisteria, tulad nalang noong umupo siya sa duyan na puno ng mga bulaklak ng wisteria noong bata pa siya. umihip ang hangin sa kanyang tainga at itinaas ang dulo ng kanyang palda at buhok. Nang tumulak ang katulong ng palasyo, lumipad siya ng mataas sa hangin. Tila napakalapit ng kalangitan; parang mahahawakan niya ito kung iuunat niya ang kanyang kamay. Puti ang mga ulap, tulad ng mga baka sa labas ng pass na inilarawan sa kanya ng kanyang ina. Ang mga sigaw na nagmumula sa kanyang mga kapatid sa bulwagan ng martial arts ay umalingawngaw sa kanyang tainga.

Mainit ang sikat ng araw noon. Ang kapaligiran ay patuloy na masaya. Napakabata pa niya, na may malinaw na tingin sa kanyang mga mata. Inunat niya ang kanyang mga binti at sinundan ang paggalaw ng duyan, itinuon ang kanyang tingin lagpas sa matataas na pader ng syudad at sa tarangkahan ng palasyo, tungo sa isang itim na pintuan sa harap pa. Nakita niyang nakatayo ang lalaki sa gitna ng bakuran, isang malamig na tingin sa kanyang mga mata. Ang hangin, habang umiihip sa kanyang manggas, ay halos binantaan siyang liliparin palayo. Hindi nakilala ang kanyang mukha, hanggang sa punto kung saan dahan-dahan itong nagsimulang mawala.

"Master Shuixiang, tinatawag ka ng Kamahalan. Master Shuixiang?" tawag sa kanya ng pinunong eunuch sa natatarantang paraan, ngunit hindi siya tumugon. Ang mukha ni Yan Xun ay nakalubog sa usok mula sa insenso. Tumingin ito sa kanya, biglang naunawaan ang lahat.

Matagal na tumingin si Yan Xun bago tahimik na nagtanong, "Ang pangalan mo ay Shuixiang?"

Hindi siya sumagot o tumalikod, nakatayo pa rin sa kanyang orihinal na posisyon.

Nagtanong ulit si Yan Xun, "Nakatira ka sa Taiji Convent?"

Hindi pa rin siya sumagot. Ang katahimikan sa puntong ito ay naging nakakatakot. Ang kandila ay suminag sa kanyang katawan, bumubuo ng mahabang anino sa sahig, mukhang mahina.

Dahan-dahang lumuwag ang kilay ni Yan Xun. Taimtim siya nitong tiningnan, walang anumang pagkapoot. Simple niyang sinabi, "Alis."

Naramdaman ni Shuixiang na nagsimulang humigpit ang kanyang lalamunan. Ang kanyang mga kamay, na nasa tabi niya, ay nanginginig nang mabagal. Sa kabila ng ilang pagtatangka, hindi niya maikuyom ang kanyang kamao. Ang katigasan ng ulo, kahihiyan, ang poot na kumain sa kanyang puso tulad ng mga parasito... Ang mga damdaming iyon ay agad na nawala sa pangungusap na iyon. Ang kanyang puso, kung saan binuo niya ng galit, ay nagkadurog-durog sa sandaling iyon. Nakaramdam siya ng puwang, sakit, at lamig.

"Master Shuixiang, sinasabi sa iyo ng Kamahalan na umalis. Alis na, madali!" Ang bihasang punong eunuch ay nagsimulang makaramdam na may hindi tama habang hinihikayat siya mula sa gilid. Bumuntong-hininga si Shuixiang, at nagsimulang marahang maglakad palabas ng silid.

Maliwanag na kumutitap ang mga kandila sa palasyo. Si Yan Xun, na tila naiinis, ay pinaalis ang kanyang mga tagasilbi at umupo sa harap ng kanyang lamesang pinag-aaralan na kakaayos lang niya. Ibinaba niya ang kanyang ulo at binasa ang ilang mga dokumentong naiwan. Ang kanyang panulas ay sumulat sa buong papel, naglalabas ng banayad na tunog. Umihip ang hangin, inangat ang mga manggas ni Shuixiang at naglalantad ng isang pares ng sapatos mula sa loob. Ang kanyang mga hakbang ay tahimik, kahit na ang mga keridang pumapasok sa palasyo ng maraming taon ay hindi mapapantayan ang paraan ng paglalakad niya.

Nang binuksan ng tagasilbi ang pinto, sinalubong siya ng hangin at ulan. Inangat niya ang isang paa at lumabas ng pintuan ng palasyo, nakalantad ang kalahati ng kanyang mga balikat. Oras na para umalis siya, at dapat na siyang umalis. Gayunpaman, hindi sinasadya, tumigil siya doon, nanatiling nakatayo, hindi makagalaw.

Itinaas ng punong eunuch ang kanyang kilay at lumapit upang suportahan ang kanyang braso. "Ihahatid na kita sa labas." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, tinulungan siya nitong makalabas ng pintuan.

Ang nakababatang eunuch sa palasyo ay lumapit upang isara ang mga pintuan. Sumunod si Shuixiang at pinayagan ang punong eunuch na mauna sa kanya habang itinungo niya ang kanyang ulo. Nang umihip muli ang hangin, ang kanyang belo ay nilipad. Napasinghap ang punong eunuch, at tumungo upang kunin ito, niluwagan ang hawak sa kanya. Tumalikod siya at sumilip sa pintuan, na hindi naisaradong mabuti. Sa kadiliman at malamlam na ilaw, mag-isa siyang nakaupo doon. Hindi siya tumingala, ngunit tumigil siya sa pagsusulat.

Habang dahan-dahang nagsasara ang pintuan ng palasyo, marami siyang naalala na nakalimutan niya. Dati, noong bata pa sila, inosente at walang muwang, mabilis na lumipas ang oras habang inilulubog nila ang kanilang sarili sa kagalakan. Napakatagal na rin… napakatagal na mula nang naalala niya ang mga alaalang ito. Akala niya ay lubos na niyang nakalimutan ang mga ito. Gayunpaman, sa sandaling ito, tumayo siya roon habang ang mga alaalang iyon ay bumaha sa kanyang isipan na hindi mapigilan.

Noon, nasa tuktok ng kasaganaan nito ang Xia. Ang kanyang ama ay nasa mabuting kalusugan at ang kanyang mga kapatid ay bata pa. Nakipag-away sila sa bawat isa nang may kalakasan at kaisipan ng mga maliliit na bata. Labis siyang inosente at walang muwang noon, hindi makita ang mga kalupitang isinasagawa sa likod ng mga eksena. Hindi niya nakita ang mga espadang namamantsahan ng dugo sa likod ng mga makukulay na kumot; maging ang mga tunog ng pandigmang tambol ay nalunod sa mga tunog ng instrumentong pangmusika. Nabuhay siya sa sarili niyang mundo habang niloloko ang sarili, kumbinsido na pakakasalan niya ang lalaki isang araw, pagkatapos ay susundan at alagaan ito buong buhay niya, maniniwala at makikinig sa kanya.

Kung nanatili ang mga bagay sa ganitong paraan magpakailanman, hindi ba't mawawala ang dramang mangyayari sa hinaharap?

Sino ba talaga ang mali?

"Master Shuixiang, ang iyong belo." Tumalikod si Shuixiang, sa gulat ng punong eunuch. Kahit na hindi pa nito nakikita ang mukha niya dati, nakita nito ang mga mata niya. Gayunpaman, ngayon, mukha siyang mas matanda ng 20 taon. Ang mga gilid ng mga mata niya ay kulubot, habang ang kanyang buhok ay puti. Ang hitsura sa mga mata niya ay hindi na kalmado, mukha itong patay at bumagsak.

"Salamat," tinanggap ni Shuixiang ang belo mula sa punong eunuch, ngunit hindi ito ibinalik. Tumalikod siya at naglakad patungo sa labasan ng palasyo, hindi kinailangan ang sinuman na pangunahan ang daan para sa kanya dahil sa kanyang pagkapamilyar sa lugar.

Boom! Ang mga pintuan ng palasyo ay buong naisara na sa wakas. Patuloy na nagngalit ang hangin habang ang mga nakababatang eunuch ay mabilis na lumapit dala ang payong. Hinabol siya ng punong eunuch, ngunit nakita lamang ang kanyang anino na gumagala sa kalungkutan, sa mahabang kalye na nababalot ng hamog. Ang mga patak ng ulan ay bumagsak sa kanyang balikat, pinapatingkad ang kanyang malungkot na hitsura.

Ang araw na ito ang ikaapat na araw ng ika-siyam na buwan, sa ika-14 na taon ng panahon ng Kaiyuan. Sa ika-12 buwan sa parehong taon, ang Taiji Convent, na matatagpuan sa silangan ng kabisera, ay nakaranas ng malaking sunog, tinupok ang buong lugar.

Nang gabing iyon, si AhJing, ang komandante ng mga piling sundalo ng kabisera, ay pumasok sa palasyo. Nang makita niya si Yan Xun, naghahapunan si Yan Xun. Matapos sumaludo, ipinahayag niya sa mababang tinig, "Si Master Shuixiang mula sa Taiji Convent ay lumisan na."

Nagtaas ng kilay si Yan Xun at nagtanong, "Patay?"

"Hindi, umalis siya."

"Oh."

Tumungo si Yan Xun upang patuloy sa kainin ang lugaw niya at nagtanong, "Hindi ka pa kumakain?"

Gustong sabihin ni AhJing na kumain na siya, ngunit pakiramdam niya ay hindi niya dapat linlangin ang kanyang hari. Matapat siyang sumagot, "Kakarating ko lang mula sa Peidu. Hindi pa ako kumakain."

Kaswal na nagsalita si Yan Xun, "Umupo ka at sabay na tayo kumain."

"Hindi ako maglalakas-loob." Sagot ni AhJing.

Hindi siya pinilit ni Yan Xun habang lumingon siya upang utusan ang mga katulong ng palasyo na maglatag ng isang hiwalay na lamesa para sa kanya. Naupo si AhJing sa upuan sa gilid at kumain ng kalahating mangkok ng lugaw. Matapos niyang kumain, inutusan siya ni Yan Xun na umalis. Si AhJing, nagtataka, ay mahinang nagtanong, "Kamahalan, hindi mo ba nais malaman kung saan siya nagpunta?"

Mahinahong sumagot si Yan Xun, "Hindi na kailangan."

"Magpapadala pa ba tayo ng mga tao upang bantayan siya?" Isang katulong ng palasyo na nakasuot ng berde ang sumulong, kumuha ng isang dakot na gintong sangkap, at inilagay ito sa gintong palayok ng insenso, nagdadagdag ng amoy ng insenso na umiikot na sa paligid ng palasyo.

Sandaling nag-atubili si Yan Xun bago sumagot nang walang emosyon, "Hindi na kailangan."

Agad na nagsisi si AhJing na nagsalita ng labis. Matapos niyang lumuhod upang batiin si Yan Xun, umalis na siya.

Ang labas ng palasyo ay kasing-puti ng nyebe, hindi katulad sa loob na nababalot ng kadiliman. Ang maliwanag na liwanag ng buwan ay suminag sa lupa, kinukulayan ang lupa ng puti. Gayunpaman, mayroon pa ring kadiliman na umiikot sa mga sulok.

Namatay ang mga ilaw sa palasyo. Ang punong eunuch ng opisina ng panloob na pangangasiwa, sa kanyang likuran na nakabaluktot, ay lumabas. Ang eunuch ng Tongshi House, na nasa tabi niya, ay nagtanong, "Sinong babae ang nais ipatawag ng Kamahalan ngayong gabi?"

"Wala," ang punong eunuch ay ginamit ang kanyang hinlalaki at hintuturo upang senyasan na ang emperador ay hindi maganda ang pakiramdam habang nagpatuloy siya, "Ang Kamahalan ay natutulog na."

Tahimik ang palasyo. Humiga si Yan Xun sa kanyang higaan at ipinikit ang mga mata.

Ang gabi ay walang katapusang mahaba.