webnovel

Chapter 274

Editor: LiberReverieGroup

Sa hangin, umugoy ang damo habang ang batang heneral na nakasuot ng berdeng baluti ay binuksan ang sulat sa kanyang kamay habang nakaupo sa taas ng kanyang kabayo. Isang kabayo ang lumapit mula sa likuran. Ito ay si Wei Shuye. Nang makita kung paanong inilalantad ng ekspresyon ni Zhao Che na tila namomoblema siya, napataas ng kilay si Wei Shuye at nagtanong, "Nagpadala ba ulit ng sulat si Zhuge Yue?"

"Oo." Pagkatapos lamang maghintay ng ilang sandali ay itinaas ni Zhao Che ang kanyang ulo at tumawa, sinasabi, "May anak na siyang babae ngayon at hinihiling na bigyan ko siya ng titulo."

"Oh?" matapat na tumawa si Wei Shuye. "Medyo mapalad siya na magkaroon ng parehong anak na lalaki at anak na babae. Dapat tayong magpadala ng ilang mga regalo."

"Huwag ka nang mag-isip. Humiling siya mismo ng isang listahan ng mga regalo."

Medyo nagulat si Wei Shuye nang marinig iyon bago tumawa muli. "Ama na siya ng dalawa tapos ay naaasiwa pa rin siya."

Malambing ang titig ni Zhao Che na para bang naalala niya ang ilang mga bagay mula sa nakaraan. Ngumiti siya at sinabi, "Simula pagkabata, palagi na siyang ganito. Naaalala mo ba dati noong nasa Shangwu Hall tayo, lahat ay magsasagawa ng piging at ang iba ay maghahanda ng mga regalo, gayonpaman siya ang kakaiba dahil hindi niya tayo sinabihan ng anumang bagay. Isang beses inilibre niya ang ika-13 kapatid sa isang pagkain, at nangyaring kaarawan niya ito. Pagkatapos noon, ipinagmamalaki ni ika-13 kapatid kung paano siya inilibre ni Zhuge Yue. Ngunit sa huli, sa ikalawang araw, higit sa 20 tindahan ang nagpunta sa mayordomo ng ika-13 kapatid upang mangolekta ng utang. Tila, maraming binili si Zhuge Yue gamit ang pangalan ni ika-13 kapatid."

Tumawa si Wei Shuye. "Oo, siguradong natatandaan ko iyon. Nang oras na iyon ay gumastos talaga ng malaki ang ika-13 na Prinsipe. Ginugol niya ang kalahating taon na halaga ng salapi sa isang kainan at kinailangan humiram ng salapi sa akin sa tatlong buwan na sunud-sunod. Kahit ngayon hindi pa niya ito binabalik sa akin."

"Haha, sinasabi nilang lahat na ang ika-13 kapatid ay ang pinaka masigasig na tao, ngunit siya talaga ang pinaka tuso. Mula pagkabata, siya lagi ang hindi magbabalik ng salaping hiniram niya."

Habang nag-uusap sila, naglalakad sila pabalik. Ang pangunahing palasyo ni Zhao Che ay matatagpuan sa syudad Shuanghan, katabi ng Beiluosi. Ang sakop na lugar ay malaki, kasing laki ng syudad Zhen Huang. Sa nakaraang ilang taon ng pagpapaunlad, ang populasyon ay mabilis na dumarami at mabilis na nagiging numero unong sentro ng komersyal sa hilaga.

Bago pa man sila makapasok sa syudad, naririnig nila ang isang alon ng mga tumatakbong kabayo. Ang binibining nasa pinaka harapan ay nakasuot ng isang malaking pulang kapa habang nakasuot siya ng botang gawa sa balahibo ng fox. Ang kanyang mukha ay medyo mapula, at ang kanyang magagandang tampok ay tila ipininta siya mismo ng mga diyos. Tiningnan siya nang mabuti, masasabi na ang kanyang tiyan ay bahagyang nakaumbok, pinapahiwatig na buntis siya. Pagkakita kay Zhao Che, nagliwanag ang kanyang mga mata tapos ay hinampas ang kanyang kabayo, tumatakbo patungo sa kanya. Hindi maiwasan ni Zhao Che na sumimangot, gayonpaman ay itinatago ni Wei Shuye ang kanyang pigil na tawa sa gilid.

"Wala kang sinabi sa akin kahit na nakabalik ka na. Hmph, sa huli, hindi ba't nadiskubre pa rin kita?" Ang babae ay ina ng dalawa, at kahit na ang pangatlong bata ay malapit nang ipanganak, subalit wala pa rin siyang isang bahid ng paggulang habang iwinawasiwas niya ang latigo tapos ay itinaas ang kanyang baba at tiningnan si Zhao Che gamit ang kanyang nakasingkit na mata na puno ng pagmamataas at kaligayahan.

"Buntis ka, bakit ka pa sumakay ng kabayo? Hindi mo ba naalaala ang aking mga sinabi?"

"Tch!" Pinilantik ni Wan Yanrou ang kanyang dila at hindi pinansin ang kanyang puna. "Ipinanganak ako ng aking ina sa isang kabayo. Kaming mga kababaihan sa Silangang Hu ay hindi kasing hina tulad ng babae ng Xia." Pagkasabi niya noon, tumalon siya pababa ng kabayo at tumakbo sa tabi ni Zhao Che at sinubukang sumakay sa kabayo nito. Maliwanag na nais niyang sumakay kasama si Zhao Che.

"Iakyat mo ako! Iakyat mo ako!" Tumingkayad si Wan Yanrou at ngumawa. Ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay talagang makakapigil sa kanyang paggalaw.

Nang makita ang matigas na ulong hitsura nito, sa wakas ay sumuko si Zhao Che at may buntong-hininga, isinakay niya ito sa kabayo. Hindi na siya nangahas na magmadali pa at kinokontrol lamang ang kabayo sa isang mabilis na lakad.

Si Wan Yanrou na nagsabi na ang mga babaeng Xia ay mahina at banayad sa huli ay masunuring yumukyok sa yakap ng kanyang asawa, nakangiting tulad ng isang pusa na kakakain lamang ng isda.

Pagkabalik nila sa palasyo, agad nagkumpulan ang mga tagasilbi sa pag-uulat tungkol sa pinakabagong impormasyon mula sa lupain. Galit na galit si Wan Yanrou, bumalik siya sa likurang palasyo, para makipaglaro ng bola sa kanyang anak.

Sinabihan ni Zhao Che ang mga tagasilbi na alagaan siyang mabuti tapos ay naglakad siya papunta sa pangunahing palasyo. Ang araw ng hapon ay maliwanag habang tumatama ito sa lupa, ginagawa ang lahat na isang gintong kulay.

Ang balitang ipinadala ay mula kay Zhao Yang. Ang nilalaman ay halos pareho sa impormasyong ibinigay ni Zhuge Yue ngunit mas detalyado. Naging aktibo si Zhao Yang sa hilagang hangganan, at ang makapagbigay ng mas marami pang detalye ay natural lamang. Sa una pa lang, ang sulat ni Zhuge Yue ay ipinadala kalahating buwan na ang nakalilipas. Sa sandaling iyon ay hindi pa matindi ang labanan. Ang kakayahang makilala ang sitwasyon nang maaga ay kahanga-hanga na.

Alam ni Wei Shuye na hindi magsusulat ng liham si Zhuge Yue upang iulat lamang ang isyu sa kanyang pamilya. Ito ay kababalik lamang niya mula sa kampanya sa Tuyuhun at na si Zhao Che ay hindi nais na mag-alala siya nang labis. Tulad nito, umuwi si Wei Shuye at ibinigay ang kanyang mga pagbati bago bumalik sa palasyo. Sa sandaling pumasok siya sa palasyo, nakita niya na nagtipon si Zhao Che ng isang pangkat ng mga tagapayo ng militar at tinatalakay ang mga bagay sa militar.

Nagtagal ang diskusyon ng apat oras hanggang sa oras ng hapunan. Nagpadala si Wan Yanrou ng mga tagasilbi upang madaliin sila na maghapunan nang maraming beses. Sa katunayan, malapit na siyang pwersahang pumasok sa pagpupulong upang makipagtalo sa mga ministro. Noon lang sa wakas ay nagbago ang isip ng mga ministro at tinapos ang pulong. Inanyayahan ni Zhao Che si Wei Shuye para sa hapunan, at tinanggap ni Wei Shuye. Ang tanging problema na kinakaharap niya ay galit siyang tinitignan ni Wan Yanrou, na inaasahang sa wakas ay masasarili na ang kanyang asawa.

Pagkatapos kumain, pumasok na sila sa silid-aralan. Dumiretso si Zhao Che at nagtanong, "Anong masasabi mo tungkol sa bagay na ito?"

Malumanay na ngumiti si Wei Shuye at sinabi, "Dapat ay matagal nang mayroong ideya ang Kamahalan, bakit tinatanong mo ako?"

Sumimangot si Zhao Che. "Hindi pa ako nakakapagpasya."

"Kamahalan, kapag nag-aalangan ka, nakapagpasya ka na."

Dahan-dahang naupo si Zhao Che at hinaplos ang tasa sa kanyang kamay, malalim na nagninilay-nilay.

"Ang Ginang ng Jingan ay handang ipagkanulo ang buong mundo at salakayin ang Meilin Pass, pinahihintulutan ang mga taga Quan Rong na pumasok. Ito ay kalapastangan sa sarili nito. Kamahalan, sa oras na ito, kahit na siya ay kadugo ng imperyong Xia, hindi ito isang bagay na maaari nating hindi pansinin."

Nang makitang hindi nagsalita si Zhao Che, nagpatuloy si Wei Shuye, "Dati ay ilang beses niyang sinubukan na isabotahe si Chu Qiao. Kung hindi para sa iyo, matagal nang umaksyon si Zhuge Yue. Sa mga nakaraang taon, hindi siya pinakialaman ng imperyong Tang, hindi naghanap ng gulo ang Qinghai sa kanya, si Yan Xun sa kung anong kadahilanan ay walang ginawa tungkol sa kanya kahit na maraming beses siyang may pagkakataon na gawin ito. Idagdag pa, dahil sa lihim nating proteksyon, hindi niya kinailangang ipagsapalaran ang kanyang buhay. Gayumpaman, sa oras na ito, sumobra na siya."

Sandaling natahimik si Zhao Che bago sumagot, "Ang mga taga Quan Rong ay nakarating na sa Beishuo."

"Ang Dakilang Imperyong Yan ay umiral lamang sa loob ng anim na maikling taon. Ang mga kapangyarihan sa loob ng imperyo ay hindi pa rin matatag, at mayroon pa ring maliit na pwersa ng mga pwersa ng Xia sa loob ng kanilang hangganan. Sa bansag ng muling-pagkabuhay ng Imperyal na pamilya ng Xia, makakakuha si Prinsesa Chun ng kalamangan para sa maikling oras. Gayumpaman, sa sandaling masaksihan ng mga sibilyan ang kalupitan ng mga taga Quan Rong, agad silang magigising. Sa oras na iyon, lulubog si Princesa Chun sa isang kumpletong pagkatalo. Ang pamagat na traydor ng buong kontinenteng ito ay susundan siya sa kasaysayan." Ipinagpatuloy ni Wei Shuye ang kanyang pangangatuwiran. Ang mga taon ng labanan ay ang kanyang pagbibinyag sa dugo dahil hindi na siya ang maginoong prinsipe ngunit isang nakakatakot na heneral.

Napasimangot si Zhao Che at dahan-dahang nagtanong, "Sa palagay mo ba ay posible ang sinabi ni Master Zhang?"

Napatawa si Wei Shuye. "Kamahalan, alam mo ang sagot sa iyong sarili. Bakit mo ako tinatanong?"

Tumingin si Zhao Che sa kanya at tumawa din. "Tama. Hindi nakakapagtaka na sinabi ni AhRou na nagiging salawahan ako. Talagang lubos lang ako mag-isip."

"Ang lahat ng pinuno ay pare-pareho. Dati ay isa ka lamang hari, ngunit ngayon ikaw ang Emperador ng Xia. Responsable ka para sa maraming tao. Imposibleng hindi mas-isip nang mabuti."

"Naiintindihan ko. Ang pamumuno ng Yan Bei ay halos hindi nagpapatatag, at sa gulo sa Hilaga, hindi natin magagawang lumaban ng dalawang-panig na digmaan, at imposibleng makakuha ng anupaman sa paggawa nito."

Nagtanong si Wei Shuye, "Paano ang tungkol sa mungkahi ni Zhuge Yue?"

"Titignan natin." Sumimangot si Zhao Che. "Nasa ibang sitwasyon tayo sa kanya. Ang Qinghai ay palaging tinanggal mula sa sitwasyon nang walang labis na poot sa lupain. Gayunpaman, ang ating mga mandirigma, lalo na ang mga nakakataas na komander, ay kinapopootan ang mga tao sa Yan Bei. Mas magiging mahirap na hikayatin silang lumaban para sa Yan Bei kaysa kumbinsihin silang magpakamatay. "

Walang magawang napabuntong-hininga si Wei Shuye at umiling. "Hay, paano ito pakikipaglaban para sa iba?"

Si Zhao Che, din, ay walang magawa na ngumiti ng mapait, "Hindi makarating ang mga salita sa mga taong ito."

"Nga pala, ang mga opisyales ng seremonya ay nagpadala ng kagyat na pangkat. Anong nangyari na napaka importante?"

Pagkasabi nito, sa wakas ay naglantad si Zhao Che ng isang maginhawang ngiti at sinabi, "Naghahanap ako ng asawa para kay Xian'er. Bigay ng diyos ang anak na babae ni Zhuge Yue. Dapat kong tiyaking makuha ang pagkakataon bago ang imperyong Tang."

"Ang Emperador ng Tang na si Li Xiuyi? Hindi ba't may emperatris na siya?" gulat na puna ni Wei Shuye.

"Nakalimutan mo ba na may iba pang anak si Li Ce? Ang anak ni Lady Zhan na palaging naninirahan sa Qinghai."

"Tama, ngayon naaalala ko na." Tumango si Wei Shuye. "Minsan ko pa ngang nakita ang batang iyon. Kamukha niya ang kanyang ama, lalo na ang pares ng mga mata na iyon."

Sumandal si Zhao Che sa upuan at buong pagmamalaki na sinabi, "Matapos kumuha ng labis sa akin, sisiguraduhin kong ibabalik niya ang utang sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang anak na babae sa aking anak."

Sa hangin na umuungal. Kahit na kakasimula pa lang tumubo ng damo, ang lahat ng Qinghai ay malago na halaman.

Kailaliman ng gabi nang dahan-dahang isinara ni Chu Qiao ang mga bintana habang suot ang kanyang malinis na puting pangtulog. Ang tunog ng ulan ay agad na naharang habang ang silid ay ganap na naiilawan ng pares ng mga kandila sa katahimikan. Isang pares ng mga kamay ang yumakap sa kanya mula sa likuran, na may mainit na hiningang kumikiliti sa kanyang likuran. Lubos na pagod si Zhuge Yue habang nakasandal ito sa malambot niyang katawan, bumubulong, "Hindi ka pa rin natutulog."

"Kung hindi ka bumalik, paano ako maglakas-loob na maunang makatulog?" Ngumiti si Chu Qiao tapos ay tumalikod, bahagyang hinalikan siya sa labi, nagtanong, "Nagugutom ka ba? Dapat ba nating sabihan ang kusina na maghanda ng hapunan? Sinabihan ko ang mga tagasilbi na hintayin ang iyong pagbabalik."

Ngumiti si Zhuge Yue na para bang hindi siya nasiyahan sa kanyang damping halik. Ibinaba niya ang kanyang ulo at inilibing ang kanyang mga labi kay Chu Qiao. Ang kanyang dila ay mabilis na tumulak sa kanyang bibig. Ang kanilang mga dila ay magkaugnay sa isang maalab na sayaw.

Malumanay na niyakap ni Chu Qiao ang kanyang baywang habang maalab na ibinalik ang kilos. Hindi nagtagal, ang temperatura sa silid ay tila nadagdagan ng ilang antas. Ang paos na tinig ni Zhuge Yue ay narinig sa kanyang tainga, ang tono nito ay puno ng pagnanasa, binibigyan ang kanyang mga salita ng isang partikular na pakiramdam ng pang-aakit, "Ilang araw na rin ba? Hindi mo ba ako namis?"

Ang mukha ni Chu Qiao ay pulang-pula tapos ay mababaw siyang hinihingal, bago isinandal ang kanyang ulo sa dibdib ng lalaki. Itinaas ang kanyang ulo, ang kanyang matubig na mata ay napaka kaakit-akit at maganda.

"Na-miss talaga kita. Kung patuloy mo akong mamaltratuhin ng ganito, sisimulan kong maghanap ng mga kerida."