webnovel

Chapter 24

Editor: LiberReverieGroup

"Okay lang." sagot ni Chu Qiao at bahagyang ngumiti, "Magiging ayos din ako pagkatapos ko magpahinga."

"Oh." Tumango nalang si Huan'er at lumabas na ng silid. Pagkasarang pagkasara ng pinto, nagbago kaagad ang itsura ng bata. Naisip niya sa sarili niya, kahit ang ganoong eskandalo ay hindi sapat para iligpit si Zhu Shun? Osige. Ako mismo ang tatapos sa kanya.

Dahan-dahang kinakagat ni Chu Qiao ang labi niya habang nakaupo sa upuan niya. Mukhang kailangan niyang makaisip ng bagong plano ngayon.

Ang mga pinto sa bakuran ng tagapangasiwa na si Zhu Shun ay mahigpit na nakasara, pero ang sigaw ng lalaking parang kinakatay na baboy ay maririnig sa malayo. Ang mga magbubukid ay nakayukong dumadaaan. Walang kahit sino ang nagtangkang tignan kung ano ang nangyayari, pero makikita pa rin ang nagagalak nilang ekspresyon – makita lang na naghihirap si Zhu Shun ay mas lalong nagpapasaya sa kanila kaysa sa nakukuha nilang sweldo sa dulo ng taon.

Habang butt-naked siyang nakahiga sa higaan niya, dumaing at humagulgol si Zhu Shun, maya't-maya ang sigaw sa mga nagsisilbi na naglalagay ng gamut sa kanya, na parang sila pa ang dahilan kung bakit ito sumasakit. "Screw you! Gusto mo bang mamatay ako sa sakit?"

Pawis ang mukhang maingat na sumagot ang isang tagasilbi, "tagapangasiwang Zhu, kailangan mo tiisin ito. Dumidikit ang balat mo sa iyong pantalon, kailangan natin silang paghiwalayin!"

Ang silangang parte ng silid ay sa tabi ng tubig at may ilan pang shrub na nakakalat sa paligid. Isang matulis na dagger ang humiwa sa gilid ng bintana. Tahimik niyang binuksan ang bintana habang nasisisigaw si Zhu Shun, dahan-dahan ang pagtayo ni Chu Qiao habang hawak ang sariling gawang foldable crossbow, na nakatutok ang pana sa ulo ni Zhu Shun. Nagmula ang crossbow sa local na tribo sa kagubatan sa South Africa, na may mahirap na design. Maaari itong kalasin, tiklupin at may kakayahan itong palihim na tumira sa malapitan na may mahusay sa accuracy.

Gamit ang crossbow na ito, naka puslit siya sa isang highly-secured private party, at tinapos ang target sa isang undercover na misyon sa ibang bansa. Madaling dalahin ang crossbow na ito at sa parehong oras ay sobrang nakakamatay, na ang isang dalubhasang mangangaso ay kayang makapatay ng isang fully-grown na tigre gamit ito. Sa Cold Weapon Era, ang sandata na ito ay bagay na bagay sa mga assassins, na para bang ginawa talaga ito para sa kanila. Sobrang swerte ni Zhu Shun dahil siya ang unang mamamatay sa ilalim nitong cross-spacetime superweapon.

Sa pagkakataong ito, isang lalaki ang tumakbo sa loob ng silid at natatarantang sumisigaw, "Steward Zhu! Steward Zhu!"

"Anong iniiyak-iyak mo dyan?" sigaw ni Zhu Shun, "Sa tingin mo ba ay lamay ito? Hindi pa ako patay!"

"Steward Zhu, sir, ang tao sa ibang courtyard ay nandito. May pinapunta ang Second Grand Master at itinatanong kung bakit hindi pa napapadala ang ipinangakong babaeng alipin?"

Matisod-tisod na napaupo si Zhu Shun, na nakalimutan ang tungkol sa kanyang sugatang puwet. Napahiga sya ulit sa higaan na dumadaing at humahagulgol sa sakit. Sa gitna ng mga sigaw, sinabi nya, "Natatakot ako na ang babaeng alipin na aking ipinangako ay hindi ko maibibigay. Hindi sya pakakawalan ng Fourth Young Master. Naghanda ako ng sampung bagong biling mga alipin sa Xi Lei Hall. Kumuha ka ng maglalabas sa kanila."

"Opo sir, naiintindihan ko po." Sagot ng lalaki tapos ay tumalikod at tumakbo.

"Wag mo kalimutang sabihin sa Second Grand Master na malubha ang sakit ko. Bibisitahin ko siya paggaling ko." Pahabol na sigaw ni Zhu Shun.

Yung crossbow sa labas ng bintana ay dahan-dahang ibinaba. Luminga-linga si Chu Qiao habang may naiisip na bagong ideya.

Siguro ay mayroon pang paraan para patayin ang lalaking ito nang hindi dinudungisan ang kamay niya.

Nang magbukas ang pinto sa piitan sa Xi Lei hall, isang nakakasukang amoy ang umalingasaw. Yung lalaking pinapunta ng pangalawang sambahayan ay napasimangot at sinabi nang nakatakip ang ilong, "Ano ito? Sa tingin nyo ba ay pwedeng ihandog sa grand master ang ganitong uri ng mga babae?"

Yung tagapagsilbi kanina ay magalang na sumagot, "Hindi madaling makabili ng alipin ngayon. Noong nalaman ng mga nagbebenta na para sa Zhuge household ito, nasitaasan ang mga presyo. Itong mga nandito ay nadala lamang pagkatapos ng pagsisikap ng aking amo. Wala ka nang dapat ipag-alala pa. Pag malinis na sila, sigurado akong magaganda sila. Sigurado akong magagalak ang grand master pag nasilayan sila!"

"Sige! Wag nang magpaligoy-ligoy pa, pakawalan nyo na sila."

Ang mga babae sa piitan ay matagal na hindi nakita ang araw dahil nakakulong sila. Kaya nang nailabas sila, na mukhang gusgusin, nababalisa, at nakapikit ang mga mata, mukha silang mga tuta na mahigpit na nagdidikit-dikit.

Napakunot ang noo ng lalaki na galing sa kabilang sambahayan at sinabing, "Diba dapat sampo lang? Bakit labing-isa ito?"

"Talaga?" madaling binilang ulit ng trabahador ang nandoon. "Baka mali nang naalala si Steward Zhu, sandali, babalik ako at itatanong."

"Huwag ka nang mag-abala pa, wala akong oras, dalhin mo na lang sila!"

Tulad ng napag-utusan, ilang maskuladong lalaki ang lumapit at tinulak ang isa sa mga babae at sumigaw, "Sundan nyo!"

Nasindak ang mga bata. Isa sa kanila ang nag-umpisa nang humikbi.

"Ang sino mang umiyak ay mamamatay! Pangahas!" isa sa mga lalaki ang sumigaw habang hinawakan ang isa sa medyo malinis na bata.

Sa pagkakataong ito, yung batang babae na hinawakan nya ay tumalikod at kinagat ang kamay nung lalaki nang walang pag aalinlangan, na dahilan para biglang mabitawan ang bata na may kasamang sigaw. Kinuha ng bata ang pagkakataong ito at tumakbo palayo.

"Ah! Nakatakas yung isa! Habulin sya!"

Nag-umpisang mataranta ang mga tagasilbi habang nakatingin sa direksyon ng batang tumatakbo. Hinila niya pabalik ang taga-silbi sa kabilang courtyard at pasigaw na sinabing, "Butler Zhu, ang lugar na yan ay sakop ng Qing Shan Court ng Fourth Young Master, hindi tayo maaaring pumunta diyan!"

"Isa lang naman itong nakatakas na alipin, anong dapat mong ipag-alala doon?" Sagot ni Butler Zhu, inalis ang kamay ng tagapagsilbi at hinabol ay batang nakatakas.

Pabukas na sinipa ang pinto sa Qing Shan court. Ang tauhan ng Second Grand Master ng Zhuge ay tumakbo sa loob ng court na parang isang scavenger, na gumulat sa mga tagapagsilbi katulad ni Huan'er na naglilinis ng mga plorera sa pasilyo.

Kakapatawag palang kay Zhuge Yue sa Hong Shan court ni Zhuge Huai, ang gwardiyang katulad ni Zhu Cheng ay wala rin. Gustong-gusto ni Zhuge Yue ang katahimikan, kaya't may pagka kalat ang court at kakaunting tao ang nasa paligid. tanging mga tagapagsilbi ang natira.

si Huan'er, bilang nakakatanda sa mga tagapagsilbi, ang lumapit at nanginginig na nagtanong, "sino kayo? Ang lakas ng loob mong tumapak dito. Hindi mo ba alam na ito ang courtyard ng Fourth Young Master?"

"Nandito kami dahil may nakatakas na alipin at dito pumunta. Pasensya na kung kami ay nakakaabala, sana ay maintindihan mo kami."

"At bakit ka naman hahanap ng alipin dito sa aming court?" dahil magalang naman ang kumausap sa kanya, mas naging matapang si Huan'er at mas lumakas ang tiwalang nagtanong, "Saang court ka galing? Hindi mo ba alam ang panuntunan?"

"Kami ay nagsisislbi sa Second Grand Master. Kung gusto mong magreklamo, sabihin mo sa iyong fourth young master. Sasabihin din namin sa Second Grand Master mamaya."

Nang marinig ang pangalan na Second Grand Master, napatahimik si Huan'er at nawalan ng tiwala sa sarili, "Wala kaming nakitang alipin dito. Kayo... huwag kayong manggugulo dito ha."

Isa sa mga tagasilbi ang lumapit at sinabing, "nandoon siya sa bahay na iyon! Nakita ko siyang pumasok sa bintana nito."

"Hindi kayo pwedeng pumunta doon. Silid iyon ng tagasilbi ng young master." Gulat na saad ni Huan'er

Naghihinalang tumingin si Butler Zhu kay Huan'er at malalim ang boses na sinabing, "Pasukin nyo at kuhanin ang bata."

"Wag!" Nang lalapit na si Huan'er ay pinigilan siya ng isa sa mga maskuladong lalaki, at walang ibang nagawa kung hindi paanorin ang pagpasok ng mga ito sa silid.

"Butler Zhu! Siya iyon!"

"Xing'er!" Tawag ni Huan'er. Tumalikod siya at sinabing, "Nagkakamali kayo! Isa siyang tagasilbi sa court namin, hindi ang alipin na hinahanap nyo!"

Malamig siyang tinignan ni Butler Zhu at sinabing, "Marami na akong nakitang mga alipin na katulad mo na pinagtatakpan ang kapwa alipin, mas maganda kung ikaw ay mananahimik. Hindi maganda ang mangyayari sayo kung sakali man." Nanahimik ang mga tagasilbi sa ilalim ng pagbabanta, at tuluyan nang nakuha si Chu Qiao paalis sa Qing Shan court.

"Xing'er!" Sigaw ni Huan'er. Nang makita ang natitirang tagasilbi ng Zhuge, lumapit siya dito at sinabing, "Hindi ba at tauhan ka ng tagapangasiwang Zhu Shun? Ikaw ba ang nagdala sa kanila dito? Ibalik mo si Xing'er dito!"

Naguluhan ang lalaki, nakita niya rin mismo na pumasok ang alipin sa silid. Hindi niya inaasahan na malapit ang tagasilbi ng Qing Shan court sa alipin. Nangunot ang noo niya. "Wag kang manggulo dito, lahat sila ay babaeng alipin na inihain ni Steward Zhu sa second grand master. Pag nagpatuloy ka sa panggugulo, ipapadala din kita kasama nila."

Sa isang iglap,umalis ang lalaki at nabakante ang silid. Gulat na nakatayo lang si Huan'er, ang mga nakakabatang tagasilbi ay nagtago lang sa likod nya, at walang nagtatangkang lumapit.

"Tama! Hanapin natin ang fourth young master!" pinunasan ni Huan'er ang mga luha niya at nagmadaling tumakbo sa Hong Shan court.

Nasa isang pagpupulong si Zhuge Yue kasama si Zhuge Huai sa study room. Nang biglang nagsalita si Zhu Cheng sa labas ng silid, "Fourth Young Master, nandito si Huan'er dahil may mahalaga daw siyang kailangang sabihin sa iyo."

Napasimangot si Zhuge Yue at sinabing, "ano ang kailangan niyang sabihin na hindi pwedeng sabihin mamaya? Ito ay nagiging mapangahas na, sabihin mo sa kanya na bumalik na at hintayin ako."

Nanatili ang katahimikan sa labas ng pintuan, ngunit pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita ulit si Zhu Cheng, "Fourth young master, si... si Xing'er po. Siya ay kinuha ng mga tauhan ni Zhu Shun."

Agad na nagbukas ang pinto ng study room. Malamig na nagtanong si Zhuge Yue, "Anong sabi mo?"

Nag-umpisang mamawis si Zhu Cheng, habang nakatingin sa loob ng silid at sa naguguluhang mukha ni Zhuge Huai. Dahan-dahan nagsalita, "Sinabi ng tauhan ni Steward Zhu na may nakatakas silang alipin at ito ay si Xing'er. Pwersahan siyang kinuha sa Qing Shan court."

"Kinuha sya? Saan dadalhin?"

"Erm, ang sabi nila ay sa Second Grand Master."

Nang oras na iyon, wala nang ididilim pa ang mukha ni Zhuge Yue.

"Baka nagkamali sila ng nakuha. Simula nang nasugatan si Zhu Shun, nag-umpisa siyang magkamaling magpatakbo ng mga bagay-bagay." Lumapit si Zhuge Huai, tinapik ang balikat ni Zhuge Yue. "Fourth Brother, dahil ito kay para kay second grand master, kalimutan na natin ang bagay na ito. Isang hamak na tagasilbi lang naman iyon. Pipili ako ng ilang matatalino at ipapadala mamaya sa iyong court. Sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin."

"gaano katagal na silang nakaalis?" nakatingin pa rin si Zhuge Yue kay Zhu Cheng at malalim ang boses na nagtanong na parang hindi narinig ang sinabi ni Zhuge Huai.

"mga... mga isang oras na silang nakaalis."

Tuluyang binuksan ni Zhuge Yue ang pinto at walang pasabing umalis. Alam ni Zhu Cheng at ng ibang tauhan sa Qing Shan court na mangyayari ito kaya sumunod nalang sila.

Nang oras na malaman ni Zhuge Yue ang balitang dinala si Chu Qiao sa grand master sa Wei ancestral hall, inilagay ni Wei Guang ang nag-iisang gintong pana sa mga kamay ni Wei Shuye. Nang may seryosong mukha, dahan-dahang sinabi ng matanda ang, "Shuye, wag mong bibiguin ang iyong tiyo at ang mga ninuno ng pamilya Wei."

Inilahad niya ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa gintong pana. Ang mga kamay niya ay bahagyang kumislap. Ibinuka niya ang bibig, na may gustong sabihin, ngunit tulad ng isda na nawala sa tubig, walang mga salitang lumabas.

"Shuye, pinapanood ka ng mga ninuno ng Wei family, pati ang iyong ama ay pinapanood ka. Alam mo na ang dapat mong gawin."

Nagtagpo ang kilay niya, at madahang sinabi, "Sino?" pagkalipas ng ilang sandali.

Marahang ngumiti si Wei Guang at madahang nagsulat sa altar pagkatapos isawsaw ang daliri sa tasa.

Nanglalaki ang mata at magkatagpo ang kilay ni Wei Shuye. Tumingin siya sa matanda na parang naghahanap ng sagot.