webnovel

Chapter 150

Editor: LiberReverieGroup

Ang komander ng Second Cavalry regiment ng syudad ng Beishuo, si Chen Xi, ay sumasang-ayon na sumagot, "Sinuman ang gumawa ng plano na ito ay pinahihiya tayong mga mandirigma ng Yan Bei! Kailangan natin ng digmaan! Gusto natin silang makalaban ng patas!"

"Tama!" nagagalak na sigaw ng mga pinuno ng tribo, "Lahat ng taga Yan Bei ay matatapang! Hindi tayo magtatago sa kalaban!"

Nilamon si Chu Qiao ng nakakasukang pag uugali nila. Kakakita niya lang ng gulo sa tarangkahan ng syudad nito, at ang walang tigil nilang pagsabi ng mga desisyon na mali ng impormasyon, wala syang naramdaman kung hindi ay pagkainis. Itinaas nya ang kanyang ulo, ang matalim niyang sulyap ay tumingin sa mga komander at taimtim na sinabi, "Ang plano ay ako ang gumawa. Anong problema ang mayroon kayo doon?"

Ang mga tao ay agad tumahimik. Pagkatapos ng huling sampung araw, walang sinuman ang nangangahas na magtanong pa sa dalagang ito. Sa kaunting araw lang, isinaayos niya ang buong istraktura ng militar at binago ng lubusan ang pamamalakad ng buong punong himpilan. Dahil dito, ang kahusayan ng pamamahala ay labis na tumaas. Bukod dito, ginawa din niya itong mahiwagang pulang bato na pinangalanan nyang "brick". Kahit na hindi ito kasing tibay ng bato, napakabilis nitong mabubuo ang pang depensa. Para lalong mapatibay ang pader ng syudad, nagdala siya ng malaking halaga ng yelo mula sa malapit na Chishui river, at dahil dito ay nakapagtayo siya ng ikalawang pader ng syudad na nasa 30 talampakan ang taas. Doon, hindi lang napatibay ang syudad, ngunit halos imposible na sa kalaban na maakyat pa ang pader ng syudad. Gamit ang kanyang pambihirang lakas sa militar, gumawa siya ng madaming malalaking bitag at kanal sa labas ng syudad. Sa ngayon, ang buong syudad ng Beishuo ay naging isang depensa na hindi magagapi, hindi katulad kung gaano kahina ang depensa nito dati.

Tama, kahit na mayroong hindi nasiyahan sa kanya, walang sinuman ang mangangahas magsalita ng diretso sa kanya. Lalo na nang nakagawa siya ng panibagong trabaho na pagsasaayos ng mga problema ng mga biktima.

"Mayroon akong kaunting suliranin," isang malalim na boses ang biglang narinig. Ang lahat ay napatingin kung saan nagmula ang boses—ang kinatawan ng pangunang hanay sa ikalawang hukbo.

Malamig na tumingin si Xue Zhiyuan kay Chu Qiao, habang mabangis na naglalahad, "Para sa gyerang ito, naghanda kami ng walong taon. Sa walong taon na ito, nagtrabaho kami ng walang tigil, kumuha ng mga lalaking may talento, nag-ipon ng armas, patagong nagsanay ng mga sundalo. Hindi namin malilimutan ang kahihiyan ng Huolei Plains. Ang bulaklak na Huoyun na tumubo sa taas ng aming ninuno ay patuloy na yumayabong; hinihintay nila kami na maghiganti nang sa ganoon ay mahugasan ang aming kahihiyan. Gayon pa man, tahimik kaming naghintay ng walong taon para lang maging duwag?" ang malungkot at malamig niyang tingin ay dumapo din kay Yan Xun, na nakaupo sa gitnang upuan. May nagyeyelong tono siyang nagtanong, "Anong nangyari sa walang takot na ugali ng pamilya Yan? Nasunog ba ng kaengrandihan ng royal capital ang buto ng kamahalan?"

Nang matapos niya ang kanyang sinabi, ang buong kwarto ay nalubog sa nakakabinging katahimikan. Suot ang itim na itim na roba, sa ekspresyon niyang kalmado at pirmi, ang kilay ni Yan Xun ay tumaas nang marinig niya ang salita nito. Ang tingin nya lumampas kay Xue Zhiyuan, at ang gilid ng kanyang labi ay bahagyang tumaas. Marahan siyang tumawa, pero ang tunog na ginawa niya ay hindi nakakapagpatawa, at nagpadala ng ginaw pababa sa likod ng lahat.

Nakaupo malapit sa kanya, ang Vice Commander ng ikalawang hukbo, si Yu Xin, ay biglang tumayo at balisang sinabi, "Ang ugali ni Zhiyuan ay laging bastos, pero nagsusumamo ako sayo Kamahalan na patawarin ang kanyang sinabi, dahil palaging iniisip niya ang bansa."

Ang alkalde ng Beishuo, si Xia An, ay tumayo din, at nagsumamo para kay Xue Zhiyuan, "Ang mga sinabi ni Heneral Xue ay hindi maayos na nasabi. May maganda siyang layunin sa kasalukuyang digmaan ng Yan Bei. Kamahalan, maaari ay pagbigyan mo siya ngayon para sa kanyang katapatan at nakamit para sa Yan Bei."

Dahil dito, ang iba pang heneral ay tumayo at nagsumamo para kay Xue Zhiyuan, ang kinatawan ng unang hukbo ang hindi lamang napabilang dito. Ang ekspresyon niya ay halo-halo, na parang hindi siya makapag desisyon kung ano ang gagawin.

"Si Heneral Xue ay diretso sa kanyang mga salita, at ito ang gusto ko." Ang mata ni Yan Xun ay napangiti at kalmadong pinatahimik ang lahat. "Mga Ginoo, umupo kayo. Ang lahat ng narito ay maganda ang nagbigay para sa Yan Bei, dahil nakuha nito ang tulong niyo, ako, si Yan Xun, ay dapat na magalak. Paano ko parurusahan ang isang tao? Sa simula, inilalarawan lang ni Heneral Xue ay ang kanyang saloobin at hindi ito kabastusan sa akin. Ano ang mali doon sa simula? Heneral Xue, tama ba ako?"

Ang tono ni Yan Xun ay pantay, at ang kanyang mga mata ay malamig, tinatago ang matalas niyang tingin sa ilalim. Nang marinig ang tanong na ito, Si Heneral Xue ay walang nagawa kundi ang tumayo at magalang na sumagot, "ikaw ay totoong mahusay Kamahalan. Ang mandirigmang ito ay padalos-dalos sa kanyang mga salita at hindi alam kung paano ihayag ang sarili. Ako po ay walang layuning bastusin kayo kamahalan. Ako po ay nagsusumamo sa pag-unawa niyo."

Dahil doon, ang grupo ay umawit ng papuri kay Yan Xun para sa kanyang karunungan bago balisang umupo sa kanilang mga upuan. Pero si Heneral Xue ay hindi umupo. Bagkus, humarap ito kay Chu Qiao. Mabangis siyang nagtanong, "Para sa tanong ko kanina, maaari ba akong liwanagan ni Maser Chu?"

Nang masabi iyon, kahit si Yu Xin na taga Ikalawang Hukbo ay nagsimulang mapasimangot. Ngayon lang, si Heneral Xue ay nagpakita ng pag hamak kay Yan Xun. Sa kabila ng hindi pag-iisip ni Yan Xun dito, si Heneral Xue ay nagpupumilit pa rin. Sa huli, si Yan Xun pa rin ang espiritwal na pinuno ng Yan Bei. Kung ang kabalastugan na ito ay magpapatuloy, maaaring maging masama ito para sa ikalawang hukbo.

Ngunit bago pa man makatayo para makapagsalita, si Chu Qiao ay nakatayo na. Ang malamig na ekspesyon na tingin ni Chu Qiao at Heneral Xue ay magkaiba, at sumagot ng kalmado, Heneral Xue, Hindi ko inisip na ang isang nais matapos na ay magtatanong pa na parang bata ay mag mumula sayo.Ito ay totoong nakapagsisisi.

Nanigas ang tingin ni Xue Zhiyuan. Nang gaganti na siya ng salita, matigas na ekspresyon naman ang ibinalik ni Chu Qiao at pormal na nagdeklara. "Ang digmaan ay hindi simpleng pagbibilang! Madalas ang digmaan, ang lakas ng dalawang armado ay hinding simpling determinado sa pagkakaiba nila ng lakas-tao! Marami dito ang hindi mapag-aalinlanganan kadahilanan, ang isa dito ay ang lakas-tao nila! Ang iba pa kadahilanan ay ang moral ng mga sundalo, indibiduwal na lakas, ang kalahatang kapasidad ng hukbo,ang kalidad ng mga sandata,ang tamang talino nila, ang mabilis na paghatid ng mga mensahe,ang kakayahan mamuno ng heneral sa digmaan,ang karanasan ng mga sundalo sa pakikilaban sa digmaan, kahit na ang lupain, at mga pampalakas, at mga logistik. Ang lahat ng ito ay tama para makalikha ng matibay na labanan.Gamit ang lakas-tao para pag-usapan ang tagumpay, at tatalakayin lamang natin ang inaasam na tagumpay gamit natin ang proporsyon ng lakas-tao ay isang bagay na tanging hindi nakapag-aral na tagaplano ng istratehiya ang gagawa!" 

Ang kapahamakan paninisi ay tulad sa timbang may malamig na tubig ibinuhos sa lahat ng mga ulo. Ang kanyang salita ngayon ay maliwanag na kasama ang lahat sa kasalukuyan. Suminghal at tumayo ang Bise-Heneral Chen Xi." Lahat tayo ay baguhan sa estratehiya, ang nagiisang Master Chu ay master ng estratehiko, tama? Yamang may nakipaglaban sa mahigit sampung taon, ikaw ang unang nakita kong nagiging arogante.""

"Ngayon alam na natin ang kasaysayan, Sa mga taong palaging sinasabi ang nakaraan nilang nakamit ay wala nang bukas. Ano pa,ang ilang mga tao hindi naman karapat-dapat na alalahanin ang nakalipas na tagumpay sa simula pa lamang."Walang awa sigaw ni Chu Qiao na may tatak ng pait sa mukha, at nagpatuloy, "Ako ay nagsusumamo sa inyo lahat na unawain nyo ang kalagayan natin dito! Hindi lang isang labanan ang ating kinakaharap. Ang tagumpay sa isang labanan ay may maliit na epekto sa buong buhay natin. Para sa Emperyo ng Xia, magsisiaklas na tayo sa probinsya ito. Kontrolado nila ang buong Kapatagan ng Hongchuan. Kaya nilang magpadala ng daan-daan hanggang libong o kahit pa milyon sundalo para sa atin. Pero tayo? Dahil sa ganyan emperyo, tayo ay papasok sa bukong sa bukong samantalang inilalagay natin ang buong bansa sa linya para makaligtas! Ang tagumpay ay nangangahulugan na patuloy na matirang buhay, samantalang ang pagkatalo ay nangangahulugan ng pagkalipol. Hindi tayo takot sa kamatayan,pero hindi tayo pwedeng mamatay ng walang halaga.Ang kinalalagyang tagumpay ay walang lubos na epekto sa buong digmaan. Ang tagumpay natin dito sa Beisho, ano ang ating pina-nakamit ito ay hindi lang sa tagumpay sa istratehiya, kundi ang sunggaban ang oportunidad na pumabor sa atin ang digmaan tagilid tayo!"

Mahigpit na hinawakan nya ang kanyang Kamao, at ito'y winagayway nya sa harapan nya.Siya 'y nagdeklara , Ang kailangan natin ay hindi agarang pagkalipol sa Xia sundalo sa una at ikalawang labanan. Ang kailangan natin ay kaladkarin sila ng matulin,pagurin at diretsong patamaan sa ilalim ng kanilang puso, at wasakin!

Sa puntong ito, Tumayo at seryosong nagsalita,"mga Ginoo, Tama si AhChu. Sa labanan ng Beishuo, ang kailangan natin makamit ay hindi lang simpleng tagumpay, kundi para i-maximize ang pagwasak natin sa kalaban samantalang nirereserba natin ang ating lakas. Ang labanang ito para sa buhay at kamatayan. Ang makaligtas sa Yan Bei ay hawak natin ninuman."

Kalmadong tumingin sa lahat, ang iris ni Yan Xun ay mahahalintulad sa lalim ng dagat, sa kanyang nag aalab, at nag huhumiyaw na ispiritong pakikipaglaban.Si Yan Xun ay humarap sa lahat ,saka nag bow. Ang lahat sa kasalukuyan nandoon ay natugalgal.

Yan Honghuan ay lumuhod sa lupa habang sinasabing, "Kamahalan, Ako ay susunod sayo!

Dahil dito, ang nagpulong sa kwarto ay sumunod at lumuhod din,nagpahayag "Kami ay susunod sayo Kamahalan!"

Bagaman malakas pa rin ang hangin, ang balitang dumating na ang mga sundalo ng Xia. Nakatayo sa unahan ng tarangkahan ng Beishuo,si Chu Qiao ay humarap sa 3,000 unang hanay nagmula sa unang hukbo ng Guangfu kasama ang 20,000 mga sundalo mula sa Black Eagle army. Si YanXun ay nakatayo sa harap ng malaking hanay,kumpletong armado,at nakasuot ng itim na pampatong. Ang lamig ng hanging sumusuklay sa kanilang buhok, ay nakapagdadala sa maayos nilang kalagayan.Habang nakatingin sa kanila, si Chu Qiao ay nakaramdamdam ng kunting panlalamig, ang kanyang labi ay bahagyang nakataas bagaman nais nyang magssalita. Ang lalamunan nya ay humigpit, at walang boses na lumabas.Bagaman ang lahat ng salita ay nasabi na,ang matinding pag aalala at pag aatubili na lang ang natitira. 

"Payagan mo akong sumama sayo. Sinasabi nya ang katagang ito habang masyadong nag aalangan.Kahit na alam nyang hindi ito mangyayari, habang hinihila nya ang manggas ni Yan Xun.

Sinabi ni Yan Xun kay AhChu na sya ay sumunod.Habang hawak nito ang kanyang kamay at hinihipan ang kanyang palad para painitin ito. "Ang Meilin Pass ay mahigit sa libong milya ang layo, at dahil sa hindi siguradong panahon at sayong mahinang kalusugan, paano kita papayagan bumiyahe ng malayo? Isa pa, kailangan ko na mapagkakatiwalaan dito,at balitaan mo ako agad anuman ang mangyari. Ang Emperyo ng Xia ay hindi agad makakarating dito, at ang Beishuo ay hindi naman pangunahing labanan. Mamaya, magpapadala ako ng kasama mo papunta sa syudad ng Lan.Nakatalga don si Lady Yu. Magiging ligtas ka don, at ako naman ay mapapanatag.

Ang pag-uusap na ito ay naulit na ng madaming gabi dati, at alam ni Chu Qiao na hindi na magbabago pa ang isip nito.Dama pa rin nya ang pagkadismaya, sya 'y nakanguso at tahimik na nakayuko.

Tahimik na naglakad si AhJing papunta sa Kamahalan upangipaalam ito "Kamahalan , oras na po para umalis."

Maghintay ka saglit.Itinaas ni Yan Xun ang ulo nya nang may matinding lungkot na ekspresyon. Hindi mo ba nakikita, ako ngayon ay may idinidiscuss na importante kay Master Chu tungkol sa military?" 

Malinaw na may naapakan si AhJing na bomba doon, habang mabilis na humingi ng paumanhin at natatakot na umalis mula sa "mahalagang usapang militar" nina Yan King At Master Chu.

"Wag matigas ang ulo AhChu. Babalik din ako sa isang buwan." Binaluktot ni Yan Xun ang kanyang likod at ibinaba ang ulo ng mas mababa pa kay Chu Qiao.Marahang, pinisa nito ang pisngi ng babae na may marahang pagngiti, siya 'y mahahalintulad sa daga na nakapagnakaw na ng konting honey. "Alam kong talagang nakakagulat si AhChu.Kapag narito ka,ito'y may katumbas na madaming paghahari, at daan daang istratehiya.Hanggang ikaw ang palaging nakatayo sa Meilin Pass, ang mga tao doon ay mabilis na susuko dahil sa iyong katayuan,ang lahat ng porma ng depensa ay agad mawawalan ng saysay,at ung mga bruskong galing sa Emperyo ng Xia ay mabilis na itatapon ang kanilang mga armas at uukod sa iyong lakas. Ano nman ang gagawin ko?Kailangan ka rin namin dito! Kapag wala ka upang bantayan ang harapang ito, hindi ako makatulog ng mabuti.Umaasa ako Master Chu na mabibigyan mo ng simpatya ang mahinang taong ito, at tutulungan mo ako tingnan ang kalalabasan ng sitwasyon dito sa Beishuo." 

Napahalakhak si Chu Qiao at sinuntok si Yan Xun sa balikat nito habang nakanguso."ang dulas magsalita."

Grabe ang maginhawang pagbuntong-hininga ni Yan Xun at pinunasan ang noo bago winisik ang kamay na parang mayroon talagang madaming pawis na lumabas sa kanyang kamay. Tapos ay sinabi niya, "Sa wakas, nakita ko na rin ang araw pagkatapos ng bagyo. Mas mahirap pa ito kaysa lumaban sa digmaan."