webnovel

Chapter 121

Editor: LiberReverieGroup

Nagpatuloy sa pag-ihip ang bayolenteng hangin. Pareho silang marahan na nilapitan ang pinaka tolda, kung saan ang kurtina ay itinaas ng hangin. Nakita ni Chu Qiao ang puting karpet sa tolda at naamoy ang nakakahipnotismong bango ng greenfinch.

Swoosh! Ginamit ni Chu Qiao ang kanyang espada para putulin ang kamay ng gwardya at makasulong tungo sa tolda na walang kaunting takot.

Boom! Isang malakas na kulog ang narinig. May apoy ang mga siga, dahilan para magtagal sa hangin ang amoy ng pine oil.

Sa puntong ito, biglang sumigaw ang bata na nasa likod ni Zhuge Yue. Nag-angat ng tingin si Chu Qiao at nanigas, nanatiling hindi makapagsalita. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao na may hawak sa espada. Naging paos ang boses ni Mo'er. Sa silakbo ng galit, paulit-ulit niyang pinukpok ang likod ni Zhuge Yue. Ang batang nawalan ng buong pamilya, ay nagtanggal ng kamusmusan na dati ay mayroon siya. Para siyang hayop na napwersa sa desperasyon; mapulang mga mata, umiiyak sa desperasyon.

"Xingxing! Xingxing!" Buong lakas na sumigaw ang bata, ang luha ay dumadaloy papaba ng kanyang mukha. Para siyang maliit na lobong inabandona ng kanyang ina. Iniunat niya ang kamay tungo sa batang babaeng nakahiga sa lupa, ang kanyang dibdib ay taas-baba, at mabigat ang paghinga. Ang malakas na ulan ay humahampas sa kanyang mukha, mata, katawan. Lahat ay kulay pula; ang dugo sa lupa ay bumuo ng pulang lawa. Ang amoy ng dugo ay nagtagal sa hangin, humahalo sa malamig na hangin.

Sa iglap na iyon, mahigpit na hinawakan ni Chu Qiao ang espada. Panibagong guhit ng kidlat ang kumislap sa kalangitan. Mabigat siyang huminga at hindi mapigilan ang panginginig. Ang kanyang mukha ay maputla, ang labi ay walang kulay, ngunit ang kanyang mata ay itim at maliwanag. Naisip niya ang takot na mukha ng bata nang umalis ito. Ang kanyang inosenteng ngiti ay nagdadala ng magugustuhang pakiramdam.

Ate, aalis na ako, babalik ako bukas.

Babalik ako bukas… Babalik ako bukas… Babalik ako bukas...

Isang silakbo ng galit ang namuo sa loob niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, tumalon pababa ng kabayo, tinapon ang lalagyan ng espada, at mataas sa ulong itinaas ang espada. Mahigpit niyang hinawakan ang espada na may malamig na tingin sa kanyang mata at diretsong tumingin sa gintong tolda na nasa harap niya.

"Masamang tao! Masamang tao!" Umiiyak pa rin ang bata. Kalmadong tumalon pababa ng kabayo si Zhuge Yue at tinapik-tapik ang likod ng bata. Nagsalita siya sa mababang boses, "Bata, mag-ipon ka ng lakas. Ang hayaan ang kalaban na makita ang luha mo ay isang kaduwagan."

Pinunasan ni Ouyang Mo ang luha sa mukha niya. Ang tingin ng mga mata niya ay hindi na sa inosente at musmos na bata.

Kaswal na itinapon ang katawan ni Xingxing sa kanal sa harap ng tolda. Ang katawan nito ay mayroon lang nag-iisang nakamamatay na sugat, at namuti na dahil sa ulan. Ang kanyang mata ay mulat na mulat ngunit walang galit, tanging pagkataranta, takot, at sindak. Ang katawan niya ay maliit ay wala siyang sapatos. Ang paa niya ay nakalabas sa kanyang damit. Masakit sa puso ang tanawin na ito. May hawak pa rin siyang patalim sa kanyang kamay. Ito ang patalim na binigay ni Chu Qiao nang umalis siya. Dalawang may gulang na tao--isang lalaki at isang babae--ang nakahiga sa tabi niya. Sila ang mga magulang niya.

Nagpatuloy sa pag-ihip ang malamig na hangin, inaangat ang berdeng roba ni Chu Qiao. Basang-basa ito at mahigpit na nakadikit sa katawan niya. Nag-angat siya ng tingin, huminga ng malalim at sumulong, ang kanyang mata ay hindi na nagrereplekta ng pagdadalawang-isip o pighati, tanging tapang at tigas ng ulo nalang.

Sa puntong iyon, isang nakakatakot na papatay na awra ang lumabas sa nakakasilaw na repleksyon ng kanyang espada. Tumalon sa ere si Chu Qiao at tinusok ang espada sa lupa, inililibing ang kahit anong suspisyon dito.

"Ah!!!" Tunog ng mga makabasag-taingang sigaw na gawa ng mga sugatang sundalo ang sumira sa katahimikan ng gabi.

Tinanggal ni Chu Qiao ang kahit anong kahinaan. Ngayon, isa siyang mandirigma, isang walang pusong killing machine. Tumusok ang espada niya sa dibdib ng sundalo. May lakas sa nga binti siyang sumugod, pinapatay ang lahat ng sundalong makikita.

"Palibutan sila! Protektahan ang Master!" sa kaguluhan, malakas na sigaw ang maririnig. Lahat ng mata ay may pasyon na lumiwanag. Silang tatlo ay napapalibutan na. Hangga't mamatay sila, maikokonsidera na itong karapat-dapat na gawain.

Subalit, ang silkabo sa kanilang mata ay sandali lang. Sa susunod na segundo, nalaman ng mga sundalo kung gaano katawa-tawa ang iniisip nila. Nang inayos nila ang pormasyon nila para dumipensa, inumpisahan na ng kalaban ang pagpatay! Mula simula hanggang huli, hindi nila gusto ang tumakas!

Panibagong nakakasilaw na kislap ng espada ang lumipad sa ere. Dalawang sundalo sa harap ang dumaing sa sakit at umatras, isa sa kanila ay naputulan ng paa. Tumilamsik kahit saan ang dugo. Isang sundalo ang lumapit mula sa likod at sinubukan sumaksak. Hindi tumalikod si Chu Qiao, at mabilis na itinusok ang kanyang espada sa puso ng sundalo. Bahagya siyang lumiyad habang nakatayo sa ulan. Binawi niya ang espada niya dahilan para tumalsik ang dugo sa katawan niya. Hindi man lang siya sumimangot. Sinuri niya ang kapaligiran niya at nakakita ng takot kahit saan. Dumiretso siya ng tindig at sumulong, hila-hila ang kanyang espada.

"Pigilan siya!" Isang sundalo ang sumigaw.

Suminghal si Zhuge Yue at itinaas ang kamay. May swoosh na inihampas niya ang lalagyan ng Poyue Sword palayo at tinusok sa tyan ng sundalo na may nakakahindik na postura!

"Tiyo, patayin mo sila!" Sigaw ng bata kay Zhuge Yue na walang takot. Ang malupit na pagpatay ang dahilan kung bakit nawala sa bata ang mabuti at mabait na parte nito sa batang edad. Kinaway nito ang maliit na kamao, malakas na sumisigaw na parang isang beterano sa digmaan.

"Malinaw na nag-utos si Master: kahit sinong makapagdala sa kanya ng ulo ng tatlong ito ay magagantimpalaan ng libong tael ng ginto!" Isang sundalo ang lumabas sa tolda at sumigaw sa mga kakampi niya.

Bago pa niya matapos ang sasabihin, sumugod na si Chu Qiao at Zhuge Yue at humalo sa mga tao. Sa iglap na iyon, malaking grupo ng sundalo ang lumapit mula sa lahat ng direksyon, tinutok ang espada sa kanila. Subalit, sunod-sunod na nasasaktang sigaw ang umalingawngaw sa hangin. Putol na parte ng katawan at sariwang dugo ang tumilamsik kahit saan. Umatras ang mga tao sa lahat ng direksyon, wala nang pakialam sa gantimpalang salapi. Maraming sundalo ang gumapang sa lupa at sinubukang tumakas.

Agad na nabakante ang lugar. Magkatabing nakatayo si Zhuge Yue at Chu Qiao, habang nanghahamak na tumingin sa mga sundalo. Naliligo ng dugo ang lalaki ngunit kalmadong nagtanong, "Buhay ka pa ba?"

"Hindi pa ako patay." Malamig na tumingin si Chu Qiao sa papalapit na mga sundalo at marahang sinabi, "kontrolin mo ang mga taong ito. Papasok ako sa tolda."

Napasimangot si Zhuge Yue. Nang magpoprotesta palang siya, mabilis na sumugod na si Chu Qiao sa tolda, ang kanyang anino ay kasing bilis ng palaso na napakawalan sa pana.

Isang maramihang pagpatay ang hindi mapipigilan. Napamura si Zhuge Yue sa sarili, naglakad ng ilang hakbang para mabigyan si Chu Qiao ng oras. Sa tolda, nakasandal si Yan Xun sa mainit na karpet habang nakasimangot. Hawak ni AhJing ang kanyang espada at nakatayo sa gilid. Nang marinig ang ingay sa labas ay sinabi niya, "Master, hayaan mong kumilos ang gwardya ng Yan. Magaling ang dalawang iyon."

Bahagyang hinilot ni Yan Xun ang sentido niya at kalmadong sinabi, "Hindi kailangan. Magandang iwanan ang mga tauhan ng pamilya Liu dito."

"Pero," napasimangot si AhJing, "Kailangan natin ng tao mula sa pamilya Liu. Kung hindi, mahihirapan tayong gumalaw sa Tang."

Kinaway ni Yan Xun ang kanyang kamay at walang emosyon na sumagot, "Maghintay ka pa."

Nakarating si Chu Qiao sa pintuan ng tolda. Limang sundalo mula sa pamilya Liu ang nakaharang sa daan niya. Malamig siyang tumitig dito at dinilaan ang dugo sa kanyang mukha. Ang kaswal niyang kilos at malupit na awra ay agad na sinira ang kompiyansa ng mga gwardya. Pagkatapos, walang awa niyang itinaas ang kanyang espada. Oo, siya ang perpektong killing machine ng panahong ito.

Tahimik sa loob ng tolda. Tanging tunog ng patayan sa labas ang maririnig. Pinagpawisan si AhJing. Hindi makatiis siyang tumawag, "Master…"

Napasimangot si Yan Xun at nakaramdam ng hindi maipaliwanag ng pagkainis sa loob niya, na para bang may nakalimutan siya. Isang boses ang galit na tumatawag sa kanya ngunit hindi niya malaman kung anong sinasabi ng boses na iyon. Ang malakas na tunog ng labanan sa labas ay pinaalalahanan siya ng maraming nakalimutang memorya. Sa wakas ay kumumpas siya, "Sige na."

Napabuntong-hininga sa ginhawa si AhJing. Nang magsasalita na siya, isang malamig na boses ang umalingawngaw sa gabi.

"Liu Xi! Lumabas ka!"

Mula sa puntong tumakas siya sa syudad ng Zhen Huang, habang nakatayo sa ilalim ng panggabing kalangitan, sinabi ni Yan Xun sa sarili ng wala na siyang kakatakutan. Pinangako niyang lilipulin ang lahat ng haharang sa daan niya. Gagamitin niya ang kanyang espada, kamao, kapangyarihan para sabihin sa buong mundo, ang hari ng Yan Bei ay nagbalik na! Lahat ng pagpapahiya at pagdurusa ay sampung beses niyang ibabalik.

Subalit, sa iglap na ito, nakaramdam siya ng takot. Napatayo siya sa karpet na hindi man lang naisuot ang kanyang sapatos. Walang pakialam na tumakbo siya tungo sa pasukan na parang isang baliw.

"Master!" Nataranta ang mga gwardya sa loob ng tolda at tumakbo palapit. Pinigilan ni AhJing si Yan Xun gamit ang isang braso. Hindi niya malinaw na narinig ang boses, inosenteng iniisip na nagalit ang kanyang amo at gustong labanan ang kalaban.

"Master! Wag ka magpadalos-dalos! Hindi karapat-dapat sa pagsisikap mo ang mga iyon!"

Pagtama ng sandata ang maririnig. Malakas at malinaw na umalingawngaw nanaman ang boses ni Chu Qiao. "Liu Xi! Lumabas ka!"

Nang oras na ito, natigilan si AhJing sa pwesto niya.

Umiihip ang hangin. May swoosh na nahiwang pabukas ang kurtina ng tolda. Kumislap ang kidlat sa likod ng babae, dahilan para magkulay puti ang kalangitan. Matangkad at diretsong tignan ang kanyang postura sa puntong ito. Nakatayo siya sa pinto na may paghamak sa mga mata. Mayabang niyang itinaas ang espada, tinutok kay Yan Xun at suminghal, "Liu Xi, hindi mo inaasahan na nandito ako, tama?"

Oo, hindi ko inaasahan. Paano ko aasahan iyon? Napaisip si Yan Xun.

Ang ilaw sa loob ng tolda ay napatay ng ulan sa labas. Tumama ang sinag ng buwan sa maputlang mukha ng babae. Sa puntong ito, hindi makapagsalita si Yan Xun. Parang isang bloke ng kahoy, nakatayo siya sa kinatatayuan at hindi makapagsalita. Napasimangot siya at tumingin kay Chu Qiao, nanatiling hindi makapagsalita.

Malamig siyang tinitigan ni Chu Qiao, ang kanyang tono ay walang emosyon. Tinututok ang espada sa kanya, sinabi niya, "Nagtaksil ka sa Yan Bei, Da Tong, at pinatay ang mga taong nakaugnay sayo. Sabihin mo, hindi ba't dapat kang mamatay?"

Sa puntong ito, ang mga gwardya ng Yan na nagtatago sa labas ng tolda ay pumasok. Ang mga sundalong ito na hindi mabilang ang napagdaanang labanan ay mas magaling kaysa sa gwardya ng Liu. Nakasuot sila ng itim, ang mga mukha ay nababalot ng belo. Dala nila ang mga sandata nila at lumabas mula sa dalawang tolda sa gilid, mahigpit at mabilis na pinalibutan si Zhuge Yue at Chu Qiao. Nakahanda ang mamamana, ngunit nang makita ang babaeng nakatayo sa gitna, nagulat sila, panandaliang nakalimutan na tumira.