webnovel

Time Travel

"Karina!!!!!"

Nakita ko yung ilaw, yung ilaw na lagi kong nakikita pagising sa umaga.

HA?!!!

Napabangon ako saka napansin kung gaano kabasa ng pawis ang hinihigaan kong kama.

It's cold sweat.

Kinapa ko ang batok, likod at mukha ko, pero wala? Walang kahit anong galos? Teka? P-panong? Pano ko nakabalik sa bahay?

I stand up, though I am wobbling as I walk, pinilit ko parin umabot sa salamin. I look at myself, pero mukha ko parin ang nakikita ko.

Ako 'to diba? Lester? Ikaw yan yan diba?

The sound of my alarm brings back my senses, mukha akong paranoid na tinakbo yon at muntik pang madapa, It's 8 in the morning, pero ang kinagulat ko ng sobra, ay kung panong June 2010 ang nakalagay sa alarm clock ko?!!! Teka?!! Sira ba 'to??

Binuksan ko yung TV,

Napaupo nalang ako sa mga nakita ko.

It's on the news, June 30 2010, I can also see headlines of Mr. Benigno Aquino III for his oath taking in Quirino grandstand.

Sinapak at sinampal ko ang sarili ko, pero hindi ako magising sa panaginip na 'to.

Nagulat ako sa ringtone na tumutunog sa kung saan, hinanap ko kung saan nangagaling yon at nakuha ang isang green na qwerty phone sa ilalim ng kama.

...

...

**SIM1 Incoming call*** (cherry mobile caller tone)

"he-hell---" Eh?!! B-boses ko ba yon? B-bakit parang bumalik sa puberty stage? Yung medyo malalim na pumipiyok. EHH?!!!

"Hoy Lester!!! Late ka na!! Andito ko sa labas ng bahay nyo! Kung ayaw mo lumabas dyan sisisrain ko na 'tong doorknob nyo!!" naitapon ko yung cellphone.

F**********************************************CK!!!!

Pagbukas ko ng pinto, si Arjay nga yung bumungad sakin. Naka pamewang at magkasalubong ang kilay.

"Naka pajama ka parin? Time na ah! Tsk! Ano ba yan pre'!" pumasok sya sa loob

"t-teka! A-Arjay? Arjay Gomez? Y-yung kapitbahay ko nung elementary?"

"Napapraning ka na ba? Sino pa bang Arjay yung napunta sa bahay mo?"

"t-teka!! Arjay? Anong nangyayari?!" kumapit ako sa polo nya, nagmamakaawa na parang baliw, to be honest…nababaliw na talaga ko!!

AH!! Nababaliw na talaga ako! Anong nangyayari?!!

Tinulak nya ko, "Late na tayo! Kaya maligo ka na!"

"Goodmorning class!"

"Goodmorning ma'am Valdez"

Same classroom, same classmates, same desk, and same….highschool???!!!

Sa sobrang confusion, hindi ko nalang namalayan na nasa classroom na pala ako. Nahihilo pa ko hanggang ngayon, pero mas sumasakit ang ulo ko habang tinititigan yung mukha kong malapad ang smile sa ID.

Si Lester ba yan? Ako ba yan? Patuloy ko paring ginagawa ang self inflicted pain para magising, tinry ko nang lahat, pero pasa at sugat lang ang inabot ko.

Tumunog ang recess bell, nagsitayuan ang lahat at nagtakbuhan palabas ng room. Dapat ba kong matuwa? Nochalant?

"T'ra Lester! Mauubusan tayong burger!" binatukan ako nung lalaking Arjay ang pangalan.

Tinignan ko lang sya, nainis naman yung mukha nya sa reaction kong clueless.

"HA?!!! Pakiulet??"

"tsk! Na suspend kang 2 weeks kasi sinapak mo yung manliligaw ni Karina!"

Naramdaman ko yung panginginig ng tuhod ko.

K-Karina? Nandito si Karina?

Nagulat nalang ako sa biglang humapas sa likod ko.

"Oo! At kung ulitin mo pa yon, ako nang sasapak sayo!"

S..ssii…sssssssii….

"KARINA?!!"

Sya nga! Pero---mas mukha lang syang bata, tsaka bumalik sa pigtail braids yung buhok nya.

"Buhay ka?" nakatikim nanaman ako ng isa pang batok galing sa kanya

"malamang! Ano bang sinasabi mo!?"

Umalis na sya pagkatapos.

Waaaa…. Ang ganda parin ni Karina kahit masungit.

Teka! Teka! Ang importante ngayon eh ang malaman ko kung anong nangyayari!

Pagkatapos ng klase, tinakasan ko si Arjay na nagyayayang maglaro ng basketball.

Pag-uwi ko dun sa bahay kung san ako nagising kanina, hinalughog ko kaagad bawat sulok, nagbabakasakaling may mahanap akong kahit ano na pwedeng makapag explain sa nangyayari.

Nang tumunog ulit ang cellphone ko.

***1 new message (sim1)*** [cherry mobile sms tone]

[Good Day! Reminder:

Please take precaution, any decisions made out of

bounds will only be subjected to immediate restart]

"Ano daw?"

Teka?

Sa sobrang daming nangyari, bakit hindi ko naalala agad?

Sa paghahalungkat ko kanina, at base narin sa mga nasabi ni Arjay, mukhang matagal na kong nakatira sa bahay na 'to.

Pero, kung 4th year high school ako ngayon? Bakit hindi ako bumalik sa bahay namin? Bakit wala sina mama? Ang mga kapatid ko? Nasaan sila?!!

Nasaan sila????

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko namalayan, pero kumaripas ako ng takbo palabas na ang tanging umiikot sa utak ko ay hanapin sila.

Kahit hindi ko alam kung saan magsisismula, kailangan ko silang mahanap, kapag nahanap ko sila, hindi na sila mawawala, matatama ko na ang lahat, hindi na sila masasaktan.

Pero sa isang iglap,

isang ilaw ang bumulag sa mga mata ko.

haaa...ha.....haaaa….

"AH!!!"

Nakita ko yung ilaw, yung ilaw na lagi kong nakikita pagising sa umaga.

Napabangon ako,

Anong nangyari??

Nakaramdam ako ng mahinang kirot sa likod ng ulo ko, kinapa ko iyon,

"AAAhhhhh!!!!" dahil sa sobrang takot, napaupo ako sa sahig.

m-m-m…may dugo, may dugo sa kamay ko~~~

hindi ako nagkakamali, galing ang dugong 'yon sa ulo ko!

Pinakalma ko muna ang sarili saka kinapa ulit yon, may dugo oo, pero walang kahit anong galos.

Malinaw pa sa alalaala ko kung pano ako nabunggo ng isang truck kanina, pero heto nanaman, nagising ulit ako sa lugar na 'to.

Hindi parin malinaw ang lahat sakin, pero isa lang ang alam ko.

Bumalik ako sa nakaraan, at may gusto silang ipagawa sakin,

kung sino man sila at kung anong gusto nilang mangyari, 'yon ang dapat kong malaman

dahil sa tuwing may mali akong desisyong gagawin, uulit ulit ang mga nangyari.

...

...

hi sorry for the short updates, bawi ako sa susunod na chapter ??

btw. may balak akong magdagdag ng anatgonist, Yung mukha talagang kontrabida, pero Wala Kong idea Kung ano magiging personality nya... hehe. any suggestions? salamat in advance ??

xuxuminacreators' thoughts