webnovel

The Parallels

"Babe? Babe? Karina?"

Karina's PoV

Agad na bumukas ang mata ko, biglang nagging active ang inaantok kong utak nang marinig ang salitang 'babe' malapit sakin.

"Babe?!"

napatabon kaagad ako ng bibig, unconsciously bumukas ang lips ko para sumagot sa tawag nya.

Hindi ako makapniwala, isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon, alalang alala ang mukha nyang nakatitig sa mga mata ko.

Pero…. Sino sya?

"Babe? N-nagising k-ka n-a, finally!! Thanks God" mangiyak ngiyak nyang sinabi,

Kinuha ni boy yung kamay ko sabay tinapat sa noo nya na para akong dinadasalan. Ilang segundo din nang nagsilabasan yung mga pamilyar na mukha sa pinto.

Si mama, si Patty at yung buwiset kong kapatid.

Umiiyak sila, pero mukhang masaya.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit, sa isang iglap, saka ko naalala ang mga nangyari sakin at kung bakit ako nandito.

Nabuhay ako?

Nabuhay ako…

Base sa kinuwento nila mama, halos tatlong buwan din daw akong na comma, hindi nila ako sinukuan kahit sinabi na ang doctor na posibleng hindi na ako magising.

Naiyak ako sa sobrang tuwa dahil deep down inside me, gustong gusto ko na rin Makita sila….

I was just waiting, pateintly waiting for them to accept me as who I am.

Natatawa nalang ako how I acted back then, I left them pitying myself.

But in the end,

ako din naman ang bumawi non since I can't live without them.

Weeks have passed and I recovered a bit,

A heart transplant was made successfully thanks to the healthy person who donated it.

Napaka ironic isipin, that person kept his/her body healthy but in the end, hindi nya rin inaasahan yung nangyari sa kanya.

Gusto ko sanang pasalamatan yung family nya pero it was that persons' will to keep his/her identity hidden.

I'll just wish that person to be in a wonderful place from now on.

And I'll assure na hindi masasayang ang puso nya sakin.

After recovering,

inabisuhan na ako ng doctor na pwede na akong umuwi.

Na miss ko din ang buhay sa bahay kaya sobrang nolsalgia ang naramdaman ko pagpasok palang ng gate sa labas.

But one thing is still I'm not so sure of...

This guy, yung tumawag saking 'babe',

"so….you're saying that you are Dexter? As in Dexter na classmate ko nung highschool?"

Tumatawa sya habang nakikinig sakin, iniisip siguro nito na umaarte lang ako

"…...and also, you're saying na 8 years na tayo? In this…uhm…relationship?"

Tumango sya, but still, he's smiling.

Teka! Naalog ba ang braincells ko?

Bakit parang hindi ko sya maalala?

Bakit parang 'Oliver' yata yung natatandaan kong boyfriend ko bago ako ma comma?

He explained how and where we met, our first dates, first fights and all.

Mukha kaming typical na long-term mag jowa at malapit nang magpakasal. Kinikilig nga ako medyo sa pinagsasabi nya

like hello?

Si Dexter yon ah, yung super crush ko nung highschool at heto, magigising nalang ako isang araw boyfriend ko na sya, not just boyfriend, fiancé na nga siguro!

Pero hindi ko talaga sya maalala!!

Bakit ganon!!!

Na weirduhan siguro sya sa mukha kong hindi makasunod sa pinagsasabi nya kaya hinayaan nya muna akong magpahinga.

Pero hindi talaga ako mapakali, sabi ng doctor baka minor problem lang at babalik din yung memories ko since matagal din akong comatose.

Pero…...

Pero....

Bakit sya pa yung nakalimutan ko?

Sa gwapong yon makakalimutan ko?

Eh kating kati na nga akong mag-asawa bakit naman kakalimutan yun ng utak ko?

Napatayo ako saka nagpaalam na maglakad lakad sa labas. Hapon na yon at sinabihan din ako ni mama na isama si Poochie yung aso namin,

"grabe ka Poochie, ang tanda mo na per buntis ka nanaman, three months lang akong wala ang dami mo nanamang lahi…"

tinitignan lang ako ni Poochie habang nakalabas ang dila, excited na syang lumabas at wala syang pakialam sa sinasabi ko.

Nagpalit ako ng leggings at nagsuot ng shorts sa ibabaw non, hinubad ko din ang suot kong t-shirt and change into sweatshirt, ilang minutes lang when we went out the house.

Hindi ko na din kabisado ang kalsada dito samin,

but I know may malapit na seven eleven dito which brings me to where our higschool is.

It's almost 6:30pm at weekends, kaya walang kaguluhan ngayon dito sa tapat ng school maliban nalang sa may mga orgs at club meeting tuwing Saturday.

Napag desisyunan kong pumasok sa loob, wala lang feel ko lang mag reminisce after all that has happened.

Buti nalang nakilala pa ako nung ladyguard sa gate,

nakipag chismisan pa ako sa kanya at nalaman yung mga classmate kong buntis na ngayon.

Syempre, kunwari hindi ako naiingit sa kanila, career woman kuno, hehe.

I went inside, only to find myself imagining the things that we did in the exact same places na madaanan ko.

Yung mga kalokohan, kadramhan at kaartehan na pinagagawa ko noon dahil sa puberty. Kahiya hiya man ngayon pero aaminin kong masaya talaga ako nung higschool.

Lumabas ako papunta sa oval which sa gitna lang mismo ng pa-L shaped naming school building.

Umupo ako sa benches at itinali muna si Poochie sa may puno katabi non.

Kitang Kita ko pa yung basketball court sa gilid kung saan nag aaway lagi ang section naming pati yung section C.

Oo, yung mga walang hiyang yon na mahilig mambully pero waswas naman sa basketball.

Sila ba naman kumalaban sa section namin eh nandon si Dexter, tapos yung makulit na si Arjay eh mga halimaw yung maglaro.

Nagtataka nga ako bakit si Lester hindi magaling eh lagi naman nya kalaro yung mga yo----

Lester?

Si Lester?

Teka,

Oo si Lester,

Oo tama si Lester!

Saan kaya yung lalaking yon?

Hindi man lang nagpapakita sakin after akong magising.

Teka, bakit nga ba kailangan nya malaman na nagising na ako?

Ahh, ano bang iniiisp ko Karina! Malamang busy yon mag travel sa vlog nya.

Oo nga naman,

Pero weird, parang bigla ko lang syang naalala, pero parang hindi ko rin sya maalala bago ko sya maalala ngayon?

"ahhh! Bakit ka tumae dyan Poochie!!"

Patakbo akong pumunta nang hindi ko mapansin yung studyante na naglakad sa harapan ko.

"sorry! Hindi kita agad nakita!"

May club meeting siguro to, naka uniform eh.

"ahhh, okay lang, ako yung hindi tumitingin sa dinadaanan ko---

miss? May problema ba?"

"LESTER?!!!!!!!!"

Tamang sigaw din, narindi siguro sya sa boses biglang tumakbo, pero hinatak ko yung collar nya saka hinawakan yung mukha nya papalapit sakin.

"Shet si Lester nga! Hoy anong ginagawa mo dito? School vlogger ka na din pala? At naka uniform ka pa ah!"

Tinggal nya yung kamaya ko

"sino ka ba?"

"uh…Karina? Yung crush mo?"

"Karina? Ikaw? Hindi ah!"

Ah! Nabuwiset ako dun ah.

"Hoy Lester! Hindi mo ikinaguwapo yung pagiging masungi----wait----talaga bang mas maliit ka sakin o tumangkad lang ako?"

Eh? Imposibleng tumagkad ako after ma comatose.

Pinang sukat ko yung kamay ko, mas matangkad sya sakin ng konti kasi hanggang tenga nya ako eh, 5'8" ako pero bakit hanggang balikat ko lang sya?

Ngayon ko lang din napansin,

Oo yung mukha nya talagang si Lester, pero yung katawan nya mukhang totoy na Lester,

especially yung crewcut nyang hairstyle na parang kagagaling lang mag CAT lagi, ganyan na ganyan yung buhok nya nung highschool!!!

"Lester anong trip mo!!!"

"sino ka ba? Bakit mo ko kilala?"

Hinawakan ko yung balikat nya, ang liit!!! Tinignan ko sa baba, ang liit din!!!!!!

"Jan Lester Orbina pangalan mo diba?"

"Oo, Teka! BAKIT MO ALAM?"

"ako to! Si Karina De Luna!"

Kumalas talaga sya pagkakahawak ko,

"Anong Karina? Hindi ikaw si Karina! Isa pa, hindi ganyan ka tanda si Karina! Ang cute kaya nya eh ikaw?! ang payat mo, mukha kang pinuyat ng tatlong gabi!"

Isa nalang, masasapak ko na tong batang ito!

"Sabi sakin ni Karina kahapon, hanapin ko daw sya dito sa oval ngayon! kasi may sasabihin sya! Sinabi mismo yon ng cute kong Karina kahapon! Kaya hindi ikaw yon!!!"

Hinde! Baka kapangalan ko lang siguro hahaha! Nababaliw na ako hahaha!

"Teka! Bakit nasayo yung aso nila? Si Poochie yan diba? Teka-----"

Hinawakan nung batang lalaki na kamukha ni Lester yung mukha ko, naka yuko parin ako para level yung mukha namin, hinila nya yung suot kong necklace, yung iniingatan kong bigay ng papa ko before sya mawala.

"Bakit nasayo yan! Kay Karina yan ah!!! Anong ginawa mo sa kanya!!"

Nasasakal ako sa pinagagawa nya, kinuha ko yung kamay nya, napa aray naman si totoy at syempre mas malakas ako sa bata.

"malamang! Ako si Karina eh! Ikaw yata yung creepy at kamukha mo si Lester nung Highschool!"

"so sinasabi mo na ikaw si Karina De Luna at nakatira ka dito sa bahay nila?"

Nakapamewang pa yan ah, habang ineinterrogate ako na parang kasalanan ko pang maging si Karina.

Ako nalang ang tumahimik sa pag-aaway namin kanina, sabi ko ihahatid ko sya sa bahay nila, pero ayaw nya pa daw umuwi at gusto nyang pumunta sa bahay ko kung ako talaga si Karina.

And now, kanina pa sya tanong ng tanong ng mga trivia na parang nagpapatunay na stalker ko talaga sya nung highschool.

"hinde eh…. Sino pala yung classmate kong Karina kung ikaw yon? Eh sino yon?"

"kahit ako naguguluhan sa sinasabi mo, baka nauntog ka lang siguro bata ka, kapatid ka siguro ni Lester no?"

Oo yun lang yung acceptable na reason kung 100% kamukha ni Lester ang batang to.

Napansin ni mama yung bata pagpasok nya sa sala, nagtaka naman ako kasi wala syang nagging reaksyon.

Tinanong ko pa sya na kahawig nung bata si Lester, pero mas lalo akong naguluhan nang sabihin nya na hindi nya kilala si Lester.

"ha? Mama si lester yung maitim na maliit na pumupunta dito sa bahay kasama nila Dexter at Arjay dati?"

Umiling si mama, mukhang hindi talaga nya naaalala.

"oh? Hi! Karina sino yang bata'ng kasama mo??"

"si Lester nga ma, pero ahh…bakit ganon?!"

Hindi ko na alam kung pano ba ieexplain kay mama, since baka nakalimutan na nya nga talaga yung lalaking yon, sabagay forgettable naman talaga mukha non!

Syempre nagpa merienda si mama, tuwang tuwa naman si maliit na Lester at todo puri sa luto, sus, ugali talaga pareahs na parehas, if I know, ginagawa nya lang yan para magpalakas sa mama ko dati.

Nung mag gagabi na niyaya ko na yung bata na ihatid sa kanila, pero nag iba bigla ang expression sa mukha nya.

He looked confused and anxious.

"hindi ko matandaan yung bahay namin eh.." sabay kamot sa batok

"hoy Lester! Or kapatid ni Lester! Wag mo kong idadamay kung napag tripan mong lumayas sa inyo ah!"

"EH hindi ko nga sabi matandaan eh!!!"

Aba biglang nagalit,

"eh bakit mo ko sinisigawan?!"

Nainis yung bata, nagdabog sa harap ko at naglakad opposite in my direction. Nasa labas na kasi kami ng bahay.

Sus! Bahala ka dyan!

Malamang may cellphone naman ang batang iyon, uuwi yon pag natakot, knowing Lester, matatakutin yon so palagay ko ganun din yung kapatid nya.

Pumasok na ako sa bahay.

Naghilamos at nag surf sa phone hanggang sa makagisingan ko nalang na nakatulog na pala ako.

Its almost 12 midnight and I just noticed that it was raining outside. Sumilip ako sa bintana to see how strong the rain is, and to my surprise,

He's standing in front of our house,

I could've just ignored him,

A brat that was just seeking for attention,

But my feet moved quickly as soon as I saw his face,

It must be him,

It should be him,

"Lester!!"

I reached for his hand,

But it was just the kid who looked like him,

…. and he is crying,

My head begins ringing,

my chest hurts

and my breath shallowed

I don't know if it was the blurriness from the heavy rain, but I can't see clearly but silhouette of street lamps, I stepped back and looked around,

I felt uneasy as my vision became blurry,

Everything was blurred out and suddenly everything moved faster, hindi masundan ng mga mata ko, and all I can see is the act of things in motion.

The sound of a cassette tape being rewinded,

mixed with cluttered noises from voices I've never heard of….

It was magical,

Pinkit ko ang mga mata,

It was supposed to be dark, dahil gabi ngayon

Pero nang tumigil ang mga ingay,

The area that I'm facing was in broad daylight,

Para akong nasa clinic, but it is dark behind me.

Blurry parin ang paningin ko but I can now clearly hear someone's voice…...

~~~~ " I witnessed you die, 8 years from now." ~~~~

I'll update every Saturday and Sunday. Gambatte /^^\

xuxuminacreators' thoughts