webnovel

Platonic Hearts

Meeting her was DESTINY… Becoming his boon companion was a CHOICE… But falling in LOVE with each other was out of CONTROL… Haley Miles Rouge and Reed Evans loved each other but their love is kind of platonic… They don’t realize that they’ve been ignorant of the magic that pulls the beauty of one other and heed the attraction they felt to each other. Love is never as painless as sharing the same track kaya hindi rin nila alam kung pa’no nila ito sisimulan. For them, mas kumportable sila na magkaibigan lang pero lagi silang magkasama. But what if one day, may isa sa kanila ang sumuko para mahanap ang totoong kasiyahan? Will their reach their love or this will be the downfall for the both of them?

Yulie_Shiori · perkotaan
Peringkat tidak cukup
52 Chs

Rose' Combativeness

Chapter 12:  Rose' Combativeness 

Haley's Point of View 

  "Thank you! Thank you! Please do vote for me as your president in CSSG this election! I will certainly give you fun events that you can enjoy in your college life!" Promote ni Rose sa sarili niya na ngayo'y na sa tuktok ng tulak tulak namin ni Claire na handcarts. 

  Hingal na hingal akong nagtutulak kahit may kasama na ako. Maliban kasi sa bigat ni Rose. May mga mabibigat pa kaming kahon na buhat-buhat para itulak. Kung tatanungin kung ano ang laman. Iyon ay wala ng iba kundi mga A4 Papers na puno ng mga posters bilang promotion sa pagtakbo ni Rose bilang president sa CSSG. "I… I don't want this. Gusto ko nang magpahinga." Napapagod kong daing. 

  "Nasabi mong wala kang exercise for the past few days, right?" Tanong ni Claire ng hindi inaalis ang tingin sa harap. "Then this is a good opportunity for you." 

  "You should know that exercise won't make you feel stressed out." 

  "Nai-stress ka dahil wala kang exercise. Pero kung active ka--" Pinutol ko na 'yung sinasabi ni Claire. 

  "Okay, fine. Fine. May tama ka." I surrendered. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng walang ganang tingin. 

  "Siya 'yung nakita ko sa Facebook Page." 

  "Akalain mo nga naman? Sa tatlong taon, may lalaban kay President Miyuki?" 

  "May fighting spirit siya. Kasama 'yon sa traits ng pagiging magandang leader." 

  "Should we try and vote for her?" 

  Rinig kong mga kumento ng mga estudyante sa paligid habang nakatingin kay Rose na patuloy pa rin sa kanyang pagkakandidato. 

Napangiti na lang ako ng wala sa oras at inilipat ang tingin kay Rose na kumakaway sa mga sumusuporta sa kanya. Whatever. Hindi na rin siguro 'to masama. Last day na rin naman ito. 

  Well, sinabi ko nga iyan pero… 

  "Huh?! Ano'ng sinasabi mo?!" Hindi makapaniwala kong reaksiyon pagkarinig ko pa lang sa pabor ni Rose. 

  Ipinagdikit niya ang mga palad niya at ipinikit ang isa niyang mata. "Please? Ilibre na lang kita." 

  Kinotongan ko siya. "You're asking me to enter someone's business for pete's sake. Don't you see how resilient she looks?" Tanong ko. Rose is actually asking me to look for Miyuki's weakness which is I'm afraid na ganoon kadali. Sa isang linggo't ilang araw na nakikita ko ang babaeng iyon sa campus. Napaka kalmado lang niyang babae, ang elegante at halata mong galing din sa mayaman na pamilya. May pambihirang ganda rin siya at kung makikita mo palagi. Ang ayos ayos na niyang kumilos, sa pag-upo pa nga lang. Sobrang straight. 

  Kung ako 'yan, baka kuba na ako kasi nakakapagod mag straight body. 

At higit sa lahat, may pambihirang laki rin siya ng boobs. Ewan ko kung magka cup size lang sila ni Rose-- teka, bakit ba 'yan 'yung sinasabi ko?

 

  "I agree. Trying to go against something she's firm about doesn't sound like it'd be easy." Pag sip ni Claire sa kape niya. Nakaupo lang kami sa bench nang matapos namin 'yung pag distribute ng first half-posters. Oo, mayroon at marami pa. "Kita mo naman, 'di ba? Hindi na siya nag effort para i-vote siya ng mga estudyante kasi alam na niya siya mananalo." Dagdag niya at ibinaba ang kape niya, pagkatapos ay nag gesture. "And to be honest, I don't think you can win against her." 

  Kinuha ko kaagad ang iniinum kong juice at umiwas ng tingin. Wow. Napaka straight to the point.

  "But don't get the wrong idea. Gaya ng alam ng nakararami. Tatlong taon na siyang president sa CSSG, at kilala na siya." Humalukipkip si Claire at diretsyo na tiningnan si Rose na seryoso rin ang tingin sa kanya. "You do get it, don't you?" Tanong nito habang wala lamang akong imik. 

  "That's the reason." Panimula ni Rose. "Malaki ang confidence niyang mananalo siya kaya hindi na siya gumawa ng kung anu-anong effort para iboto siya which is napaka insulting sa part ko." 

  Ibinalik ko ulti ang tingin kay Rose. "Bakit? Wala ka bang confidence na mananalo ka?" Tanong ko sa kanya pero tumayo siya bigla. 

  "Mayroon!" Pasigaw niyang sagot habang pareho lang kaming nakatingin ni Claire sa kanya. 

  Ngumiti ako nang pilit. "Edi wala ka ng problema." Sagot ko kaya ibinaba niya ang tingin sa amin. "Ang importante kasi rito ay 'yung nakikita nila na hardwoker ka. Hindi lang naman ako ang nakakapansin niyon kaya nga may sumusuporta na sa'yo, 'di ba? At kahit hindi ka man manalo bilang president sa taon na 'to. Pwede mo namang subukan ulit sa susunod na taon. I'm sure, iboboto ka na rin ng lahat. Pero simula una pa lang, panalo ka na." 

  Tumangu-tango si Claire sa sinabi ko habang napaawang-bibig naman si Claire. " Miles…" Tawag niya sa pangalan ko na parang may nakawalang tinik sa dibdib niya. Kung nagtataka man kayo, pero tinatawag na niya ako sa second name ko na 'yan noong madalas na kaming magsama sama. 

  Akala ko okay na si Rose pero napasapo na lang ako sa noo noong magmatigas siya. "Hindi! Hindi ako papayag! Ayoko!" Pag-iling ni Rose kaya napabuntong-hininga si Claire. "Kailangan ko tulong nila Jasper." 

*** 

  PINUNTAHAN NGA namin sila Jasper na ngayo'y na sa canteen at kumakain. 

Susubo na sana si Jasper ng footlong niya nang mapatingin siya sa amin. "Magdi-distribute? Oo naman, wala naman akong gagawin, eh. 'Di ba, Reed?" Labas ngipin na ngiti ni Jasper sa kaharap niyang si Reed. 

  Simangot naman akong napatingin kay Reed na hindi kaagad nakasagot pero humawak sa batok matapos ang ilang segundo na pag buffer. "Ah, oo naman. Oo naman," Pag hagikhik niya saka siya lumingon kay Rose. "Iyon lang ba gagawin namin?" Tanong nito. 

  Tumango si Rose bilang sagot. "Oo, iyon lang." Pag ngiting inosente ni Rose dahilan para walang gana akong mapatingin sa kawalan. 

Nagpapatulong kila Jasper dahil malaking hakot vote ang magagawa nila dahil pogi sila. 

 

  Hindi na rin masama. Medyo marumi pero magandang tactics na rin iyon para makakuha nang marami-raming voters. 

  "At kayo…" Pareho kaming napatingin ni Claire dahil nakangisi ngayon si Rose. At ayon sa paraan ng pag ngisi niya. Ayoko na nung naiisip niyang idea para sa amin. 

  Humarap ako kay Rose at umatras nang kaunti samantalang naka pokerface lang si Claire, naguguluhan sa itsurang ginagawa ni Rose lalo pa nung unti-unti itong tumatawa na akala mo'y may gagawin na hindi maganda. 

  Pero hindi naman ako nagkamali roon. Pulang pula akong nakatingin sa suot ko habang nagdi-distribute ng posters. "K-K-Kapag binoto n'yo si… Si Rose, magkakaroon tayo ng… ng… maid cafe sa mga darating na… school festival." Hiyang hiya't nauutal kong sabi. 

  Kinuha ng mga lalaki ang mga dini-distribute kong posters habang kita sa kanila ang mga malalandi nilang ngisi na nakatingin sa ilalim ng skirt ko na siyang dahilan para ibaba ko iyon. 

  Kumalma ka, Haley! Kapag nagalit ka baka magkaroon ng epekto sa rankings ni Rose. Lalo pa't ito na ang huling araw bago matapos. 

  "Please take this. Thank you." Pag bow nang kaunti ni Claire habang dini-distribute isa-isa ang poster. Wow, and kalmado lang niya at mukhang sanay na sanay sa mga ganitong baga-- or I think not. 

  Nanginginig ang tuhod niya at mukhang ninenerbyos kung titingnan mo maigi. Pero hindi halata sa mukha niya. 

  Napatingin naman ako kay Rose na hindi pa rin nauubusan ng energy magpa-cute sa mga estudyante na papalabas at pumapasok sa gate. 

 

  Tumawa na lang ako nang kaunti saka napatingin kay Reed na idinikit sa akin ang malamig na bottled watter sa aking pisngi. "Cold-- hey." Kinuha ko ang inaabot niyang tubig. Tumitig ako roon bago ko ibinalik ang tingin kay Reed para magpa-salamat.

  "Mahirap na kung ma-dehydrate ka dahil medyo mainit pa naman." Sabay silip nang kaunti sa araw bago tumingin sa kung saan at kinamot ang kanyang batok. "But hey, I'm amazed you actually allow yourself to wear that kind of clothes." Lumingon siya pabalik sa akin. "Naalala ko dati hiyang hiya ka kapag magde-dress up kayo ni Kei kahit tayo-tayo lang naman." 

  Namilog ang mata ko. "Naalala mo pa iyon?" Hindi makapaniwala kong tanong at pasimpleng ngumiti. "Wow." Mangha at mahina kong sabi. 

  "Hoy, mamaya na kayong maglandiang dalawa diyan! Paubos na 'tong posters, oh?" si Rose kaya pareho kaming namula ni Reed. Dali-dali na nga akong lumipat sa pwesto ko para mag distribute pa ng natitirang posters. 

Nawala nga 'yung pagka-conscious ko sa suot ko, nandito naman 'yung malakas na pagtibok ng puso ko. 

  Mas lumala lang iyon noong dumating si Jin. "Whoa. Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinihintay sa classroom, eh." Ngiting wika ni Jin bago siya naglakad palapit sa akin buhat-buhat ang gitara niya. "Ano ginagawa mo?" Sabay baba ng tingin sa mga hawak ko. "Gusto mo tulungan kita?" Alok niya kaya iniiwas ko 'yung mga posters na hawak ko. 

  "Hindi na, okay lang ako." Tanggi ko at inilayo ang tingin. Geez! Hindi na ako dapat ako magtataka na nandito siya pero hindi ko pa rin maiwasang mag react. 

  Lumapit si Rose sa amin. "Tamang tama, kuya Jin. Baka gusto mo munang tumugtog tutal dala dala mo naman 'yung gitara mo? 'Tapos sila Haley ang magdi-distribute ng mga posters." Nagtaas-baba siya ng kilay pagkatapos. "Dagdag votes din 'yan." 

  Umangat ang kilay ni Jin. "Oh, oo nga pala 'no? Ito 'yung last day ng votings. Sige! Walang probema, ito lang din naman ang maitutulong ko sa'yo, eh." Labas ngipin na ngiti ni Jin kaya tuwang tuwa naman itong si Rose. 

  Wala tuloy akong nagawa kundi ang pasimpleng bumuntong-hininga. "Kakantahan din kita mamaya." Sabay kindat ni Jin sa akin bago siya pumwesto. 

Sa hindi malamang dahilan, bumilis din ang pagpintig ng puso ko kahit hindi ko rin ma-gets kung bakit. 

  Ano ba pinagkaiba ng nerbyos sa pagiging in love? 

Pero kung nerbyos man 'tong nararamdaman ko kay Jin, bakit ko naman 'yon mararamdaman? 

  "Nangamba, nangangamba ang 'yong puso 

  Hindi ka sigurado ('di ka sigurado) 

  Nalilito, Nalilito ang 'yong utak 

  Kung tunay bang pag-ibig 'to (tunay ang pag-ibig 'to)" 

  Pagsisimula ni Jin sa pagkanta niya ng kanta ni Zack Tabudlo. 

  Pumikit ako at tumingala kasabay ang pagsunod ko ng tingin sa mga ibon na papalayo. Pakibilisan, Reed.

 

  *****