webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistis
Peringkat tidak cukup
366 Chs

Wuv

Chapter 25. Wuv

    

    

NANGYARI nga ang inaasahan ni Kanon na naging mas abala si Dice mula nang umalis na ito sa ospital. Ibinuhos niya nang husto ang kaunting libreng oras sa pagva-vlog at less travel vlogs na muna, 'di dahil sa hindi niya kasama si Dice kundi dahil sa kanyang trabaho. She's now the acting Chief Operating Officer of their Courier company and got much busier than ever.

If she'd be asked, she would say that one of her cousins, Daniel Flores, was more fitted for the job. Hindi rin naman pwede ang kapatid nitong si Princess dahil alam niya ang ugali ng pinsang iyon, walang balak sa buhay at gusto lang habulin nang habulin ang lalaking gusto. So, her plan was to give the position which was rightfully to her Kuya Daniel but he refused. Magsisimula raw muna ito bilang rider hanggang sa pataas nang pataas ang magiging posisyon nito sa kumpanya. That might take a few months or over a year so she decided to take over while he wasn't still equipped.

To be honest, she already missed working as a normal employee. She'd rather continue being a Delivery Associate or Customer Associate in one of their branches because she could interact with other people. Lalo na iyong mga regular na kumukuha o tumatanggap ng mga padala sa branch ng FastEx kung saan siya nagsimulang magtrabaho. Ibang-iba pala talaga kapag mga bigating tao na sa industriya ang nakakausap niya palagi, minsan nga'y parang natutuyo na ang utak sa rami ng pinag-uusapan lalo na tuwing may pagpupulong. And the formalities were killing her! Kahit lumaking marangya, hindi pa rin siya sanay sa corporate world lalo pa't hindi naman talaga taos sa puso niya ang pinag-aralang kurso. Noon siguro'y oo, dahil inakala niyang gusto niya ring pamahalaan ang FastEx, pero ngayong nandoon na siya ay napagtanto niyang hindi siya nararapat doon.

She sighed. She wanted to be free just as a bird again. She missed traveling the most.

"O, bakit nagrereklamo ka? Ayaw mong maging fashion designer, hindi ba?" tonong-nanenermon na bulalas ng mama niya nang sabihin niyang ayaw na niyang ipagpatuloy na gampanan ang posisyon. "Dapat ay naging modelo ka na lang din gaya ng ex-boyfriend mo. 'Kita mo, namamayagpag na siya—"

"Why are we talking about Lemuel?"

"Well, I saw him at a fashion gala in Paris last week. He asked me about you and I said you're still single."

"Mama!"

"What? He was asking if you're married so I said no. Single ang civil status mo."

"Kailan mo ba matatanggap na si Dice ang mahal ko?"

Katerina rolled her eyes right away. She only sighed and got back to the topic.

Oo nga't ipinaglaban niya na makapagtrabaho sa FastEx. "Pero hindi ko naman pinangarap na maging COO. Sabi ko nga nga'y kontento na ako bilang Associate."

"You've to try it. Look at me, I was able to fit in the job while working in the fashion industry. I know you can do it, too. I trust you that much so I'm letting you handle FastEx."

Dahil sa sinabi nito ay napapapayag siya, tutal ay pansamantala lang naman.

Fast Express Inc. was a Courier company which delivered messages, packages and mail and was known for their speed, security, tracking service and specialisation. It was founded by her great grandfather, Isagani Pacelo, and was passed down to her grandfather. At dahil puro babaeng magkakapatid ang tatlong anak ay ang Tita Karina, na panganay na kapatid na mama niya, ang humawak niyon noong namaalam na sa mundo ama ng mga ito. But when her aunt passed away because of an accident three years ago, it was her mom who became the acting President and COO. Hindi rin naman maasikaso ng bunsong kapatid ng mama niya dahil abala ito sa ospital. Her Tita Karenina was in the medical field because she's a Psychiatrist.

So now, the new COO of FastEx was her. It's only temporary that's why her cousin should wake up on his senses and take over the position, tutal ay ito naman talaga ang tagapagmana. At ang alam pa naman niya'y may plano itong gawing Logistics Company ang FastEx kaya dapat ay kumilos na ito.

She was in awe when she heard that. Kung sa Courier company pa nga lang nila halos sukuan na niya, paano pa kung mas malaking kumpanya na? Kaya naniniwala siyang kayang-kaya ng pinsan niya na pamahalaan ang FastEx.

"I really hope it'll be over. Nami-miss ko nang magkaroon ng maraming free time! I miss doing travel vlogs for days, too," bulalas niya nang makauwi na.

Maging si Dice ay abala na rin sa mga ginagawa. Gayunpama'y sinisiguro nitong naglalaan ito ng oras para sa kanya. Ganoon din naman siya. Iyon nga lang, madalang na lamang silang magkita lalo pa't ipinaalam nito sa kanya na mukhang mas mapapaaga ang pag-debut ng idol group ima-manage nito.

She was honestly happy and proud for him because he was doing what he really wanted to do. Kaya nga hindi siya nagtatampo kahit na nga ba sa loob ng dalawang buwan ay hindi sila madalas na nagkita. Alam kasi niya ang pakiramdam na inaabot ang sariling mga mithiin kaya hindi niya ito ikokondena dahil lamang sa may relasyon sila.

She's also glad because she felt that she grew alot since he became her boyfriend. She's now more understanding and was seeing the good sides why they had to know their priorities in the meantime. Either way, it's for their own growth—for their future.

She decided to send him a chat message on his Messenger account because she's already sleepy and couldn't wait for him to finish what he was doing. Nasa practice room pa rin kasi ito kasama ang mga miyembro at nililinis ang steps ng sayaw para sa title track ng debut album ng grupo.

Nagkausap naman na sila kaninang break time niya sa opisina, at mas okay na iyon sa kanya kaysa wala talaga.

She logged in to send him the chat:

Dice, I'm really sleepy. Just chat me if you're already home or if will you be sleeping at the dorm. & don't forget to eat your dinner, okay?

Then, she sent him a selfie of her while lying on the bed and hugging her pink pillow tightly using her free arm. She sent another chat right away:

Wish you were this pillow. If you don't have schedule tomorrow, come here. Wala akong trabaho.

Nakalimutan kasi niyang itanong kanina kung may gagawin ba ito bukas. Anyway, she'd already given him a spare key to her condo so he could enter the unit whenever he wanted to.

Akmang ilalayo na niya ang cellphone nang may maalala. Nag-type ulit siya ng chat:

I miss you...

Hindi na niya nahintay ang reply nito at tuluyan nang hinila ng antok. Nang nalingat siya ng madaling-araw ay kumabog ng malakas ang dibdib niya nang masamyo ang pamilyar na panlalaking amoy ni Dice. Sumiksik siya sa matipunong dibdib nito't napagtanto niyang wala itong suot na pang-itaas.

Hindi ba ito giniginaw?

She tried to move away but she couldn't, he hugged her tightly as he's sleeping soundly.

"Napagod ka ba nang husto?" her voice was husky as she murmured.

"Hmm..." He moaned as if he's answering to her question. Napahagikgik siya't kinintalan ito ng magaang halik sa labi.

Tulog na tulog nga ito dahil hindi ito tumugon sa halik kaya lumayo siya ng bahagya para matitigan ito.

"Ang gwapo mo namang tulog..."

"Kanon... hmm... love... much..."

Napangiti siya at sumiksik ulit dito. "I love you, too."

She felt kindled by the fact that he wasn't wearing any shirt and that she could really feel his morning erection as she pressed her body harder to his, and he's only wearing boxer shorts. Mula nang makatabi niya itong matulog noon sa bahay nito ay nagising ang natutulog niyang pagnanasa, pero alam niyang mas matindi ang nararamdaman ni Dice dahil ito ang mas may karanasan sa kanila.

Napanguso siya nang bahagya itong humiwalay. Nakakuha siya ng pagkakataong bumangon para mailadlad ang comforter at nilakasan niya ang aircon. Umalinsangan talaga ang pakiramdam niya. "This is unfair. Why are you sleeping so soundly, handsome? I want us to cuddle," kunwaring pagmamaktol niya nang humiga ulit.

She giggled when he embraced her again as if he's listening to her because he started stroking her hair and her back. Nang tingnan niya ito ay natutulog pa rin talaga ang huli.

"I love you so much, Dice. I love you... I love you..." she chanted as she kissed him lightly.

"Wuv... you.... Kan..." Para naman itong lasing ngayon, kinakain na ang mga salita. Muli siyang sumiksik sa dibdib nito at nakatulog na ng may mga ngiti sa labi.

She couldn't wait to be with him that way in every single days of their lives.