webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistis
Peringkat tidak cukup
366 Chs

Merry

Chapter 35. Merry

     

    

VINCE stopped analyzing the documents not only because he needed to do an errand but also because he could not focus anymore. Kada basa niya ay naaalala niya ang mga maaaring sinapit ni Jasel sa mga kamay ng mga demonyong iyon.

He took a shower and changed into shirt and jeans. Pinaalam niya rin kay Stone na aalis siya kaya tinawagan niya ito gamit ang intercom.

"Aalis ako." Iyon lang ang sinabi niya

"Mambababae ka na naman?"

Binabaan niya ito ng telepono. Kahit matanda siya kay Stone ay hindi siya nito tinatawag na Kuya. Kung minsan nga'y naiisip niya na baka nagkabaliktad sila dahil mas matanda ito kung kumilos kaysa sa kanya. Napailing siya. Siguro kasi ay lumaki ito kasama ang kanilang Lolo habang siya'y sa probinsya nag-aral noong elementarya hanggang sekondarya.

To be clear, his mom was a love-child. Chairman Romualdez didn't know about his mother. Labing-anim na taong gulang na siya nang malaman nitong may anak ito sa labas. At ang nag-iisang dahilan kung bakit nagpakilala ang nanay niya ay dahil naghihirap na sila sa probinsya noon at hindi na siya matutustusan sa kolehiyo ng mga magulang. Iyon din ang dahilan kung bakit kaya nga ba ang alam ng lahat na iisa lang ang tagapagmana ng mga Romualdez ngayon, at iyon ay ang apo ni Chairman Romualdez sa nag-iisang anak nitong babae sa legal na asawa, si Stone. Ang anak na lalaki naman nito, o ang tito niya, ay bakla kaya hindi rin nakapag-asawa ng babae at nagkaroon ng sariling anak.

Noong nagkaalaman na ay nakiusap siyang huwag nang ipakalat na may dugo siyang Romualdez.

Kaya nama'y nang kolehiyo na siya ay lumipat na silang mag-anak ng Maynila at tirhan ang mansiyon minana ng nanay niya.

Minaneho na niya ang sasakyan nang mag-go signal na ang Street lights.

He was already driving for half an hour when his phone rang. He answered it via Bluetooth earpiece.

"Where are you?!" pasigaw na tanong ni Ice, ang asawa ng kapatid ni Jasel.

"I'm sorry, papunta na ako sa Nievieras'," agap niya.

"Oh, okay. Don't forget my luggage, dear." Lumambot ang boses nito.

"Sino'ng kausap mo?" He heard her husband's hoarse voice on the background.

"Si Vince."

"You're still a shithead! Kanina pa kita pinapapunta!" Halos mabingi siya sa sigaw ng lalaki na mukhang inagaw ang cellphone sa asawa. Ganoon din ang tawag sa kanya ng pinsan niya. Malamang na pinag-uusapan siya ng mga ito sa tuwing nakatalikod siya. Dahil kung hindi, paanong nakapasok ang hindi naman agent na kuya ni Jasel sa Phoenix? Damn, Stone. Ano-ano kaya ang mga pinagsasabi nito sa lalaki?

Narinig niyang kinakastigo ni Ice ang asawa bago tuluyang naputol ang tawag. Bago pumunta ng unit ay bumili muna siya ng alak sa malapit convenience store, masyadong maraming tao at mahaba ang pila kung sa supermarket siya bibili. At sarado na rin pala ang supermarket sa mga oras na iyon. Pero mas pabor pa rin sa kanya na sa convenience store na bumili, kaya naman kahit malaki ang patong ng mga nakalalasing na inumin ay roon pa rin siya bumili. Natatandaan niyang naubos na kasi niya ang mga stocks ng alak na nasa mini bar counter noong nakaraang punta niya sa condo unit ni Jasel.

Matindi ang kabog ng kanyang dibdib nang umaakyat na ang lift patungong palapag kung nasaan ang unit ni Jasel.

Just like before, there was that forlorn hope inside him that whenever he goes inside the unit—a smiling beautiful amd lovely Jasel would welcome him with her warm, loving embraces and hot kisses. Kahit pa nga ba alam niyang imposible ay hindi niya maiwasan ang mangarap sa tuwina.

He nervously pressed the lock screen with his palm and the door was unlocked. Agad na nagtanggal siya ng sapatos at nilagay ang pares sa shoe rack. He remembered Jasel never wanted the shoes to be lined up on the front door. Gusto nitong laging nilalagay sa shoe rack ang mga sapin sa paa.

Nahagip ng kanyang paningin ang isang bultong nakahiga't nakapamaluktot sa malaking sofa. Dahan-dahan siyang lumapit para mapagsino iyon ngunit kahit sa distansyang iyon ay hinding-hindi siya maaaring magkamali. Ang pamilyar na silakbo ng kanyang dibdib ay muling nabuhay—at sa iisang tao lamang niya nararamdaman iyon kahit noon pa man.

"Jasel..." namamaos niyang usal nang ilang metro na lamang ang layo nila sa isa't isa. Wala sa sariling dumulas ang hawak niyang eco bag at nabasag ang mga dala niyang bote ng alak.

Bumalikwas ng bangon ang nahihimbing na babae at sapu-sapo ang dibdib nito. Nagtataka at alerto itong luminga-linga sa paligid. Siya nama'y parang napako sa kinatatayuan at pilit na pinoproseso sa sistema ang pangyayari.

Natigilan ito at tuluyang nagising nang maramdaman ang presensya niya, 'tsaka maang na napatitig sa kanyang mukha. In a split of seconds, she smiled dearly to him while her lovely eyes were already pooling with tears.

"Merry Christmas," in her sultry voice. Doon lang niya napansin ang cake na nasa lamesita, may lusaw na kandila sa gitna niyon. Nagsisisi siyang hindi kaagad na pumunta roon, mukhang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niya itong pinagnintay.

Nanatili siyang nakatayo at hindi maipaliwanag ang tuwang nadarama. Tila siya nabuhayan at nabigyan ng pagkakataong mamuhay ng maligaya.

Napasinghap ito nang makita ang basag-basag na mga bote. Nataranta siya kaya bahagya siyang humakbang.

"Oh my god, stop moving!" bulalas nito't natatarantang tumayo, patakbong dumiretso sa kusina't ilang sandali lamang ay may dala na itong walis at pandakot. Mabilis ang pagkilos nitong winalisan ang mga nagkalat na bubog. Hinintay naman niyang mawalis nito ang lahat nang nagkalat sa kanilang paligid.

Akmang gagalaw ulit siya para lapitan ito nang pigilan siya nito.

"Huwag ka munang malikot. Natapa ka na!" naiiyak na bulalas nito.

He was stunned and when the situation sank in, his tears just started bursting out.

"Baby..." usal niya. Unti-unting hinila papalapit sa kanya't kinulong ito sa kanyang bisig. Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Vince," masuyong bulong nito, namumungay na rin ang mga mata't naluluha. "I miss you."

Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol at yakapin ito ng napakahigpit.

"I'm s-sorry," pumiyok na anas nito.

"No... don't be sorry."

Pilit na kumalas ito sa yakap niya't bahagyang nag-angat ng tingin. Kitang-kita niya ang pamumula ng ilong at pisngi nito. "Umupo ka muna, please?"

Hindi na siya tumanggi at umupo sa kalapit na sofa. Mabilis itong lumuhod at hinubad nito ang suot niyang medyas. Napahikbi ito nang makitang nagdurugo ang talampakan niya.

Mahinang napamura siya nang maalalang may takot ito sa dugo.

"Ako na ang bahala. Umupo ka na lang dito sa tabi ko."

She did. As soon as she sat down, he embraced her tightly.

"Wait," awat nito at kumalas ulit sa yakap. Muli itong lumuhod para asikasuhin ang kanyang sugat. "Ako na ang mag-aasikaso. Just double check later, baka may maliit na bubog pala ang bumaon." Kagat-labi at ingat na ingat ito sa pag-aasikaso sa kanya. He let her took care of him as he kept kn gazing at his beloved's face.

There were many questions running in his mind but he didn't ask at all. Kung tutuusin ay wala na siyang mahihiling pa. Ang makita't makausap si Jasel ay  higit pa sa kanyang hinihiling. At ang makasama ulit ang babaeng pinakamamahal ay ang kaisa-isa niyang dalangin na dininig ng langit.