Chapter 7. Back
A DAY after the surgery, Jasel booked a flight abroad. Inabala niya ang sarili sa pamamahala ng kumpanya nila. But in reality, she wasn't really handling the company. She was just making herself really busy so she'd forget about what happened. Parang binibiyak kasi ang puso niya sa tuwing maaalala ang sinapit ng kanyang kuya. At kasabwat pa siya sa kalokohang dahilan kung bakitito napilitang bumalik sa Pinas na nauwi sa aksidente.
Halos isang buwan nang gumising ito mula sa pagkaka-comatose. Doon siya tila nabuhayan ng loob at naglakas-loob na umuwi ng Pilipinas. Tahip-tahip ang kaba niya nang makarating sa ospital, ilang araw pa raw na maglalagi roon ang kanyang kuya bago tuluyang i-discharge.
She missed her brother so much but she still didn't know how to face him. Kaya nang nasa ospital na ay tila naduwag siya at gumawa ng dahilan upang i-delay ang pagpunta niya sa silid na inookupa nito. He wasn't in the IntensiveCare Unit anymore, he's already in a private ward.
"Saan ka pupunta?" her uncle asked when he noticed she's backing out.
"Ano... Uh, sa doktor ni Kuya, Uncle. I'll just ask about his recovery," palusot niya.
Naiiling na pumayag ito. Didiretso sana siya sa Nurses' station para itanong kung sino ang attending doctor ng kanyang kuya pero hindi na kailangan dahil hinatid siya ng kanyang uncle sa opisina.
"Mauuna na ako. I'll just see you later," paalam nito."You can go home if you're not ready to see your brother yet."
Tumango siya at napaiwas ng tingin.Nahuli na nito ang punong dahiln kumg bakit tila ayaw pa niyang puntahan ang kaniyang kuya. Pagkaalis ng tito niya ay kumatok siya sa pinto.
No response.
She knocked again, but still, no answer.
She sighed and decided to just go straight to her brother's private ward. Subali't bago pa makalayo ay may tumawag sa kaniya at para siyang napako sa kinatatayuan nang makilala ito.
"Vince..." Halos walang tunog na aniya.
Bumaling ang tingin niya sa hawak nitong paper cup na halos malukot na sa higpit ng pagkakahawak nito dahil halos kumuyom na nga ang palad ng lalaki.
Was that a hot coffee or what? Nevertheless, it looked really hot. But it could not be hotter than the person who was holding the paper cup.
Nangunot siya dahil sa isipang iyon. She couldn't believe herself that she still had the time to stare at him!
He was wearing midnight black slacks and a rolled up sleeves admiral blue polo shirt, his brown leather shoes also looked expensive. And he also wore a Rolex on his right wrist—the only that accessories he had. Agad niyang ch-in-eck ang mga daliri nito. Walang singsing.
Napalunok siya nang mapagtantong matagal silang nagtitigang dalawa. She felt awkward so she tried to open a conversation and be casual.
Bumalik ang tingin niya sa baso na halos lamutakin nito. She suddenly felt worried about him.
"Isn't it hot?" She was pertaining to the hot liquid in his paper cup.
Doon pa lamang natauhan ang lalaki at wala sa sariling nabitiwan ang hawak na baso. Napalingon pa ang mga napadaan sa paligid nila at narinig niya ang bulung-bulungan ng iba.
"Hinahanap mo raw ako?" bale-wala nito sa tanong niya.
"Excuse me, Doc. Lilinisan ko lang po."
Bahagya itong lumayo at humingi ng paumanhin sa maintenance staff. Nagpasalamat din ito at bahagya nang lumapit sa kanya.
"Hinahanap mo ako?" Tila nagniningning ang mga mata nito nang tanungin ulit siya.
Nangunot ang noo niya, bakit naman niya hahanapin ang lalaki? She clearly told her friends not to bother about finding him anymore. Kaya bakit ito nandoon?
"Jasel," anas nito. The familiar erratic beat of her heart was back, just because he uttered her name as if she was so dear to him.
Umiling siya. "I'mactually looking for my brother's attending doctor," she casually replied. Tumikhim siya. Hindi pa naman siguro nito nakalimutan ang kanyang kuya. Pinakilala niya noong naging sila at naging kaswal na magkaibigan pa nga.
Gusto niyang kurutinang sarili para pilit na itaboy ang pamilyar na damdamin para rito, isang bagay na hindi niya inasahan. There was no need to be nervous. Si Vince lang naman ang kaharap niya.
He clenched his jaw and stared at her critically. Tila naman siya napaso sa paraan ng paninitig nito.
Then, he replied, "Ah, yes." Tila may napagtanto ito. "Come inside," yaya nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya nang huminto ito sa tapat ng opisina kung saan siya kumakatok kanina. That only meant one thing, Vince was her brother's doctor. Hindi nga lang siya sigurado kung ito ba ang surgeon o ang attending physician. But given her background about him, she had a hunch.
"How are you feeling?" bungad nito nang makapasok sa opisina. Kumuha ito ng wet tissue at pinunas sa kamay nito, pagkuwa'y nag-alcohol.
Para naman siyang nahi-hipnotismo habang pasimpleng minasdan ang bawat kilos nito. Siguradosiya na mainit ang kung ano mang inumin ang nasa baso kanina. Hindi kaya ito nasaktan? Napaso?
Siguradong napaso siya. "Hindi mo ba lalagyan ng ointment?" she asked.
Natigilan ito at matamang tumitig sa kanya. Tumikhim siya nang mapagtanto ang sinambit. Umupo naman si Vince sa swivel chair nito habang siya'y nasa isang upuan na nasa tapat ng mesa nito. There were some charts and different papers placed on the table, mayroon ding modernong computer na nandoon at iba pang mga paraphernalia. Wala sa sariling iginiya niya ang paningin sa opisina at nakita niyang nakasabit ang isang doctor's gown sa rack na malapit sa mesa.
"Maayos ako. I came here to ask about my brother's condition," balik niya sa usapan. Still, she could not look straight into his serious eyes. Mukhang mali yata na roon siya dumiretso. Mas matindi na ang kabang nadarama niya ngayon kaysa kanina.
Vince started explaining things to her casually. Hindi siya sigurado kung may naintindihan ba siya. Not because of the medical terms but because she was too preoccupied with his presence. May pinakita rin ito sa monitor ng computer pero hindi rin siya makapag-focus doon.
She suddenly stared at his neck wherein she can see his Adam's apple moved whenever he talked, then, she stared at his face. His side profile had always been her favorite angle of him before because it defined his pointed nose and also, his chiseled jaws. Wala sa sariling napatitig din siya sa bibig nito, ang labi nitong hindi mapula, pero hindi rin naman maputla. Sakto lang.
Napakurap-kurap siya. He was really there, that wasnot an illusion anymore.
Kailan pa ito nakabalik ng Pilipinas?
"Jasel, are you listening?"
"Huh? Ah, oo, naiintindihan ko."
"I was asking where have you been."
Napahiya siya roon. But must she answer that? Yes. She wanted to. "May inasikaso lang," she lied. Dahil ang totoo ay tinakbuhan niya ang mga nangyari. Na naduwag siya't hindi kayang tingnan sa ganoong kalagayan ang kanyang kuya.
"How are you feeling?" The tone of his voice softened.
Bakit ba nito tinanong ulit iyon? She just said she was fine, didn't she?
"Do you want to see a counselor? I know a good friend of mine."
Nangunot ang noo niya. "Why would I need a counselor?"
"You were hysterical then."
"Ha?"
"I am concerned that it might have caused you some trauma."
"Ha?"
What was he talking about?