webnovel

Chapter 10: Anger

Binasa ko ang laman ng headline na nasa phone ko ang title ay "Childhood bestfriends or Lovers" at nandoon ang mga litrato namin na magkasama. Napahawak ako sa aking sintindo dahil dito.

"Ainsleigh, okay ka lang ba?" tanong ni Jaja.

"Oo, uwi nalang ako kailangan ko lang siguro magpahinga"

Agad naman akong inalalayan ni Jaja papunta sa sasakyan kung saan naghihintay si Mang Randi.

"Napanuod ko yung press con mo, kilala mo ba kung sino ang naglabas ng tungkol sainyo ni Dong Min?" tanong ni Mang Randi.

"Wala pa akong maisip, pero I will figure it out" .

Sa ngayon, wala pa talaga akong maisip kung sino ang naglabas ng mga litratong ito o sino ang nagpasunod sakin sa school dahil imposibleng may outsider na papasukin ang guard, malamang ay may binayaran ang taong ito na estudyante.

Tahimik ako sa buong byahe at ipinikit ang aking mata, dahil rin sa dami ng tanong nila kaya siguro sumakit ang ulo ko. Pagdating namin sa condo ay nagpaalam na ako kay Mang Randi at dumiretso na sa floor namin at sa condo ko pero naisip ko ulit ang headline kaya naman bago ko buksan ang pintuan ay agad akong tumalikod at pumunta sa harap ng pintuan ni Dong Min.

Wala akong ideya kung nandito siya ngayon pero gusto ko siyang makita at kausapin, nakiramdam muna ako ng ilang minuto sa pintuan niya pero muli akong tumalikod para bumalik sa aking pinto. "Akala ko kakatok ka pero bakit ka tumalikod?" pamilyar na boses ang aking narinig, agad akong tumalikod at yumakap sakanya agad naman niya akong binuhat papasok sa loob ng condo niya. Naramdaman kong ibinaba ni ako sa sofa "Sinabi ko naman sayo, you dig your own hole pero hindi ka nakinig" naramdaman ko na lumamig ang aking ulo kaya naman napadilat ako, isa itong wet towel. "Para saan to?" agaran kong tanong "Kakainin mo yan" walang gana niyang sagot, agad ko namang kinuha ang towel at kunwaring kakainin ito "Are you nuts?!" agad niyang inagaw ito at ibinalik sa noo ko "You have a fever hindi mo ba alam?" galit na tono niya.

"Para kang fever" sabi ko kay Dong Min agad namang kumunot ang kanyang noo.

"Minsan hot minsan cold" walang gana kong sagot, bigla naman niyang pinitik ang noo ko.

"Do I need to be cold kung may sakit ka?" iyon lang sinabi niya at naramdaman kong umalis siya sa tabi ko, dumilat ako at nakita ang blurry na kisame sa aking harapan agad namang tumulo ang aking luha at pinunasan ito.

"I'm sorry, I drag you on this" iyon lang ang nasabi ko at tuluyan nang nakatulog.

********Dong Min's Point of View*********

Umupo ako sa upuan malapit sakanya at nakita ko ang pagdilat ng kanyang mata pero hindi ko inaasahang tutulo ang mga luha ni Ai.

"I'm sorry, I drag you on this" bigla niyang sinabi at pumikit na.

Kusa nalang akong tumayo sa aking kinauupuan at lumapit sakanya "Don't be sorry" at hinawakan ang kanyang kamay pero naramdaman ko na mas tumaas pa ang lagnat niya kaya naman agad ko siyang binuhat at dinala sa aking kwarto.

"Hello, Dr. Mendez can you please go to my house may kailangan kang icheck-up" at binaba ko agad ang telepono.

Pinuntahan ko naman si Ai kung saan siya nakahiga ngayon at hinipo ang kanyang noo, ramdam kong nakatulog na siya pagkatapos tumulo ng kanyang luha, bigla namang tumunog ang cellphone ni Ai "Teddy bear?" ito ang nakaregister sa cellphone niya agad kong sinagot ito "Ai, kamusta ka? Sure ka ba na okay lang yung pakiramdam mo? at saka bakit ka bigla nalang umalis kanina after ng press con?" boses ni JK "Teddy bear, you don't look like one" at agad na binaba then power off ng cellphone.

Hindi siya mukang teddy bear, puro hirap ang binibigay niya kay Ai. Narinig ko ang doorbell kaya agad naman akong bumaba at pinagbuksan si Dr. Mendez sinundan naman niya ako papunta sa aking kwarto. "Bakit mo ko pinatawag, anong masakit sayo?" agad na tanong niya sa akin at sumagot naman ako agad "Hindi ako kundi yung best friend ko" sabay turo ko kay Ai na mahimbing na natutulog "Si Ainsleigh to ah?!" sigaw ni Dr. Mendez "Hindi hologram niya lang yan, please check her immediately" ma otoridad kong sabi agad naman siyang sumunod sa utos ko.

"Hoy, bakit mo siya hahawakan jan!" napataas ang boses ko ng makita kong tinatanggal niya ang butones ng blouse ni Ai. "Master, I'm checking her breathing paano ko machecheck kung hindi ko tatanggalin yung butones, hindi ba ganyan din ang ginagawa ko sayo" sabay ikot ng mata niya sakin, wala naman na akong nagawa kundi panoorin siya.

"Oh, ipainom mo ito sakanya mamayang 4am I already inject a medicine for her kailangan niya ng good rest dahil over fatigue na siya" paliwanag ni Dr. Mendez "Sino ba naman ang hindi maoover fatigue sa sitwasyon niya" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at binigyan siya ng what look. "Hindi mo ba alam? Ang daming nangyari sa artista na yan imagine she quit her beloved job dahil sa dami ng stalkers at madalas pa makakuha ng death threats ilan na atang tao ang nakulong dahil sa ginagawa nila sakanya" napatingin nalang ako kay Ai dahil sa narinig ko. "Bakit ang dami mong alam?" tinignan ko ng masama si Dr. Mendez at agad siyang nagpaliwanag "Sikat siyang artista kaya naman laman siya ng balita at saka isa ako sa fan niya kitams" sabay taas niya ng phone niya at ang wallpaper niya kundi ang naka school uniform na si Ai na nakangiti.

"Palitan mo yang wallpaper mo kundi mawawalan ka ng trabaho get out!" at binalibagbag ko ang cellphone niya pabalik sakanya.

Bumalik agad ako sa kwarto at umupo sa tabi ni Ai, "What are you doing to yourself while I am not here?" iyon lang ang tanong ko sakanya. I know I did a worst thing which is leaving her all alone pagkatapos niyang mag depend on me pero I don't have a choice I need to leave for the sake of my parents businesses.

"Min min, I'm sorry" mahinang sabi ni Ai, mukhang nananaginip siya. "I said don't be sorry you are the victim here" alam kong hindi niya alam ang sinasabi ko ngayon, nakita ko namang pumatak ang mga luha niya kaya agad ko itong pinunasan "Min min, I miss you" biglang sabi niya at hatak sakin, hindi ko alam pero biglang nadurog ang puso ko sa sinabi niya, will everything will stay as it is kung hindi ako umalis?

******** Ainsleigh's POV ********

Nagising ako sa amoy ng pagkain, kaya naman napamulat agad ang aking mata at bumangon.

"Good morning, eat this then you have to take your medicine" sabi ni Dong Min.

"Thank you" nahihiya kong sabi, napatingin naman ako sa damit na suot ko at nanlaki ang aking mata.

"Ako ang nagpalit ng damit mo, don't worry I didn't touch anything private" sinabi niya yun habang kinakamot ang ulo niya at namumula ang tenga niya, napangiti naman ako sa inakto niya.

"I know and I trust you" iyon lang sinabi ko at tuluyan nang kumanin at uminom ng gamot, pagkatapos noon ay agad niyang tinignan ang temperature ko.

"Good, wala ka nang lagnat" naka ngiti niyamg sabi.

"Alam mo mas bagay sayo ang nakangiti kesa naka simangot muka kang grumpy" sabay kurot ko sa ilong niya, may binulong siya habang kinukuha amg pinagkainan ko pero hindi ko ito narinig.

Bumangon ako at sinundan si Dong Min, nakita ko siya sa kusina kaya naman pumunta ako sakanya, kailangan ko paring humingi ng dispensa dahil nadawit ang pangalan niya sa problema ko.

"Dong Min, I want to say sorry kasi nadawit ang pangalan mo sa issue ko" malungkot kong sabi.

"I told you, don't be sorry ayaw mo nun maissue tayo para makalaya ka na kay Teddy Bear mo" napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pero bigla kong naalala na kinuha pala ni JK ang celphone ko noong isang araw.

"Teddy Bear? What do you mean?" hindi ko alam kung anong nasa isipan ko pero gusto ko siyang asarin.

"Tsk, indenial nahuli ka na!" sigaw niya sabay harap sakin pero biglang namula ang tenga at pati ang mukha niya.

"Ai, can you go to check yourself before coming in front of me" sinabi niya iyon ng mabilis at agad akong napatingin sa salamin.

"Dong Min!!" agad kong sigaw, nakita ko lang naman ang sarili kong suot ang long sleeves polo niya at underwear lang ang suot ko. Tumakbo ako sa kwarto niya at naghanap ng shorts dinampot ko ang boxers na nasa ibabaw ng cabinet niya at bumaba ulit papuntang kusina pero hindi ko siya nakita doon.

"Dong Min??" nakita ko siyang lumabas ng banyo.

"Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na wala palang ako short na suot?" naka pamewang na sabi ko.

"I forgot, at saka hindi ba ang babae lagi yang tumitingin sa salamin bago humarap kahit kanino" sinabi niya iyon ng hindi tumitingin sa akin.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" ng bangitin ko iyon agad niya akong tinignan mata sa mata.

"Ai, wala ka naman ng dapat itago sakin hindi ba naliligo pa tayo ng sabay noong bata pa tayo?" nakangisi niyang sabi, this is bad nag back fire sakin ang pang aasar ko at ako na ang hindi makatingin sakanya pero nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa mga mata niya.

"Bata pa tayo noon, walang malisya unlike now we are grown ups!" pagpapaliwanag ko.

"So you mean, you or I will be able to seduce each other?" isang malawak na ngiti ang nanggaling kay Dong Min agad naman akong nag step back dahil iba ang pakiramdam ko.

"With this body and face of mine? Madami ngang nagkakagusto sakin diba, so paano if I was able to seduce you" he step forward sa sinabi ko.

"Ha ha, don't be like that Ai I'm still a man will you take the opportunity and privilege?" I step backward pero na corner na ko. He lean closer to my face at hinawakan ang chin ko I don't know what to do in this situation kaya pumikit nalang ako.

"Idiot, I respect you" bulong niya sa tenga ko at pinitik ng malakas ang noo ko, halos manlambot ang tuhod ko sa nangyari na iyon siya naman ay pumunta sa living room at humarap sa laptop niya ng biglang tumunog ang doorbell.

"Sit here, titignan ko kung sino yung istorbo" agad siyang tumayo at ngumisi sakin.

Why do I feel na kailangan ko ng umuwi at tumakas sa bahay niya. Ang tagal bumalik ni Dong Min kaya naman nagpasya akong tumayo sa upuan ng biglang...

"I will get Ai from you! Ai! Ai!" isang boses ng lalaki na galit at sigaw ng sigaw ang narinig kong pumapasok ng bahay ni Dong Min.

"JK! tresspasing itomg ginagawa mo! Get out or I'll call the police!" sigaw ni Dong Min.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si JK, how come he knows that I am here?.

"Go call the police and this will be a huge scandal!" sigaw ni JK.

"Ai, let's go home!" bigla niyang kinuha ang braso ko at kinakaladkad ako papalabas ng bahay ni Dong Min.

"Bitawan mo si Ai!" sigaw ni Dong Min, nanginginig ako ngayon at walang masabing kahit na ano sa takot ko kay JK dahil lasing siya at mahigpit ang hawak sa aking braso at nasasaktan na ko.

"Wala kang karapatan, tandaan mo ako ang boyfriend ni Ai!" sinabi iyon ni JK habang kinakaladkad ako.

"Dong Min, help me!" iyong lang ang nasabi ko habang umiiyak, nakita ko ang pain sa mukha niya pero alam kong wala siyang magawa dahil pag tumawag siya ng police mas kakampihan nila si JK dahil alam nilang boyfriend ko ito at scandal nanaman ito dahil natulog ako sa bahay ng ibang lalaki.

Nakalabas kami ni JK ng bahay ni Dong Min at pilit niya parin akong kinakaladkad.

"JK, NASASAKTAN NA KO!!" sigaw ko sakanya.

"NASASAKTAN KA! AKO HINDI BA! NAKIKITA MO BA YUNG SARILI MO!" bigla niya akong binitawan kaya naman bumagsak ako sa sahig.

"CAN'T YOU SEE YOUR SELF! YOU ARE WEARING OTHER MANS CLOTHES!" wala akong magawa kundi umiyak pero lalaban ako.

"YOU DON'T HAVE THE RIGHTS! YOU DON'T CARE BECAUSE WE ARE JUST PRETENDING! NOW GET OUT! GETOUT!" sigaw ko kay JK, nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko at lumabas na ng bahay ko.

Tama naman ang sinabi ko, wala siyang karapatan unang una sa lahat we are just pretending to be in a relationship, dahil sa tension nang nangyari I feel my head is getting dizzy and I blackout.