916 Pinatay sa sobrang takot

Penerjemah: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na nag-atubili pa si Si Ming Li at Si Yi Qian kaya agad nilang binaba ang video call!

TAKBO!

KAILANGAN NATING TUMAKBO NG MABILIS!

Mamamatay tayo kung hindi!

Hindi nila maintindihan kung bakit nagkaganito ang sitwasyon - gusto nilang dakipin si Ye Wan Wan ngunit sa huli, kinuha rin nila ang munting prinsipe na nasa stand alone island ng Nie clan.

Siya ang munting prinsipe ng Nie clan, ah! Paano natin siya nadakip?

Andami nilang naisip na mga katanungan, ngunit wala na silang enerhiya na mag-isip pa at wala na rin silang pakialam kay Ye Wan Wan. Kailangan nilang umalis ng China at magtago sa poder ni Mr. Eric...

Agad na tumakas ang mga tauhan ni Si Ming Li at personal na pumunta si Tang Long ng kulungan.

Naglakad si Tang Long papunta sa batang lalaki. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay niya sa kanyang dibdib at yumuko siya. "Young master Nie, pasensya sa pananakot na ginawa sayo sa iyong pag biyahe dito. Sana mapatawad mo ang mga tauhan ko. Gusto kang pasalamatan ng Noise of Dragons mercenary group."

Bakit napakadaling madakip ni young master Nie kung isa siyang makapangyarihang tao?

Siguro sa rason na… motibo niya talagang dakipin siya ng mga kalalakihan na ito.

Kung totoo nga ito, may tsansa pa na makatakas ng buhay ang mga tauhan niya.

Pasalamat na lang talaga siya na ang Noise of Dragons mercenary group ay mayroong striktong training at hindi nila pinapahirapan ang mga bata at kababaihan, at hindi sinaktan ng mga mersenaryo ang munting prinsipe. Kung hindi, hindi niya na lang alam kung ano ang magiging parusa nilang lahat...

Humarap ang batang lalaki kay Ye Wan Wan na nasa loob ng kulungan, at ang mukha ay biglang nagalit. Masyadong maraming dugo na ang nakita ng kanyang ina.

At dahil hindi nila sinaktan ang nanay niya...

"Pwede na kayong umalis."

Nakahinga na ng maayos si Tang Long nang marinig niya iyon at agad niyang sinenyasan ang team mates niya. Ang ilan sa kanila na takot na takot, ay agad na umalis.

Tiningnan ni Tang Long si Ye Wan Wan bago sila umalis, at bigla siyang napaisip...

Ang young master ng Nie family ay biglang pumunta sa China at sumulpot sa bahay ng babaeng ito. Nakakapagtaka talaga ito...

Pagka-alis nilang lahat, naiwan sa kulungan si Tang Bin at Song Qiang.

Malalim na nag-iisip si Ye Wan Wan tungkol sa sinabi ng mga taong iyon sa stand-alone island ng Nie family...

Agad na nag-utos ang batang lalaki, "Pumunta ka doon."

Isang tingin pa lamang ni little master at naintindihan kaagad siya ng lalaki. Pumunta ang lalaking ito sa kulungan nila Tang Bin at Song Qiang.

Hindi alam ni Tang Bin at Song Qiang na totoo pala ang stand-alone island, kaya malamang hindi nila alam ang tungkol sa Nie clan. Ang nasa isip lamang nila ay kung sinong makapangyarihang tao ang magpapahintulot sa ekspertong ito na maging bodyguard ng bata.

Isa lamang sa mga bodyguards niya ang nanlaban at ang iba ay walang ginawa.

"Putek na yan! Nakakapangilabot! Kahit ang kapitan ng Noise of Dragons mercenary group ay nire-respeto siya!"

"Oo nga. Sino ba talaga ang batang ito?"

Gulat na nagdadaldalan ang dalawa nang bigla nilang narinig na papalapit sa kanila ang isa sa mga bodyguards...

Takot na takot sila Tang Bin at Song Qiang. "Bro, wag… hindi kami masasamang tao…"

"Tama tama, isa kami sa mga nadakip…"

Natakot ang dalawa nang makita nila ang parang halimaw na lalaki na papalapit sa kanila.

"Clang" - hiniwa ng lalaking ito ang mga kandado nila. Hiniwa niya ang mga talu at kadena na nakapalupot sa kamay at paa nila.

Napahinto si Tang Bin at Song Qiang. Pagkatapos silang pakawalan ay nakahinga na sila ng maayos. Tinutulungan niya pala tayo, muntikan niya na akong patayin sa sobrang takot...

Pasasalamatan sana ng dalawa ang lalaking ito pero bigla siyang naglakad patungo kay Ye Wan Wan...

avataravatar
Bab berikutnya