webnovel

Napaka ma-sikreto

Editor: LiberReverieGroup

Hindi na gumagalaw si Yamamoto Tsubasa nang hinampas siya sa lapag ni Ye Wan Wan.

Mukhang nagkaroon ng pinsala ang lamang loob niya noong binalibag siya ni Ye Wan Wan.

Gulat na gulat ang lahat ng manonood.

Ilang segundo ang katahimikan sa paligid bago mag-react ang mga tao. Maririnig ang malakas na bagyong dumagundong sa mga manonood.

"D-damn! Ang lakas niya!" Sabi ni Bing Xin, na miyembro ng Sun family, habang umiilaw ang kanyang mga mata.

"Hindi ko inasahan na pasimple palang mahusay itong si Ye Wan Wan…" naguguluhan ang pakiramdam ni Zhou Hen.

"Kaya pala hindi siya interesado na umakyat ng entablado! Nasa ibang lebel pala siya kung ikukumpara sa atin!"

"Akala ko na ang miss natin ang nagbubukod tangi sa kanyang henerasyon, pero mukhang kahit malakas ka, may mas malakas pa rin sayo!"

Hindi naman makapaniwala ang limang eksperto sa panig ng Qin family nang tiningnan nila ang babae na nakatalo kay Yamamoto Tsubasa.

Hindi sila makapaniwala na si Yamamoto Tsubasa, na tinalo si Wolf King Senny at kaawa-awang pinatumba ang kanilang miss at si Sun Xue Zhen, ay natalo ng isang babae na mukhang kaawa-awa at mapayat ang katawan...

Ang lakas ng babaeng ito ay mas malakas pa kay Miss Ruo Xi!

Mali… mas mataas na lebel pa kaysa kay Miss Ruo Xi ang kalakasan ng babaeng ito!

"Ngayon lang ako nakakita ng isang babae na napakahusay sa pakikipaglaban!"

"Kaya pala siya ang pinili ni Si Ye Han na maging representative ng Si family!"

"Tama?! Sumasaludo ako sa kanya!"

Kumulo ang mga dugo ng limang guwardiya ng Si family at naisip nila na baka panaginip lamang ito nang marinig nila ang pagkamangha at usapan ng mga tao tungkol sa laban kanina.

"Mahusay pala ang mi-miss natin?"

Gulat na nagtinginan ang bawat isa sa kanila. Naramdaman nila na ang mga mukha nila ay namumula dahil nagkamali pala sila ng panghuhusga kay Ye Wan Wan.

"Master!"

"Kamusta ka, master?!"

Namutla sa sobrang takot ang dalawang disipulo ni Yamamoto Tsubasa nang sumugod sila sa entablado

"I… ikaw…" tiningnan ni Kawada si Ye Wan Wan na para bang ito ay isang baliw.

Dahan-dahan na naglakad patungo sa kanila si Ye Wan Wan at tumaas ang kilay nito. "Ano?"

Biglang napa-urong si Kawada at ang ibang disipulo nang makita nilang papalapit si Ye Wan Wan. "Huwag kang lumapit!"

Bakit nag-iingay pa sila kahit na bugbog sarado na si Yamamoto Tsubasa?

Patuloy na naglakad si Ye Wan Wan patungo kay Yamamoto Tsubasa.

Nanigas ang dalawang disipulo habang ang mga paa nila ay nakapako sa entablado at hindi nila sinubukang gumalaw pa.

Dahan-dahan na nilapitan ni Ye Wan Wan ang umuungol na lalaki. "Gusto mo na naman bang padaliin ang laban nating dalawa?"

Biglang namutla ang buong katawan ni Yamamoto Tsubasa at biglang namawis ang katawan niya. "A-ayaw! Talo na ako! Talo na ako! Pagkatalo ko ito!"

Masyado siyang nagpadalos-dalos sa pagkakataon na ito kaya hindi niya inakala na mas malakas pala sa kanya ang babaeng ito. Parehas lang ang kahihinatnan nila kahit na sampo o isang-daang rounds pa ang laban.

Hindi man alam ng mga manonood, pero alam niya kung gaano ka-seryoso ang mga sugat at pinsalang natamo niya sa laban. Hindi na niya kayang makipaglaban pa kay Ye Wan Wan, maliban na lang kung gusto niyang mamatay.

Hindi lang nakakatakot ang lakas ng babaeng ito, gayundin ang kanyang atake na lubhang mabagsik!

Nasabik ang lahat ng nasa baba ng entablado nang marinig nila ang pag-amin ng katalunan ni Yamamoto Tsubasa.

"Talunan na siya! Masyado siyang nagmayabang sa kanyang kakayahan!"

"Matagal na sa historya ng China ang martial arts, ito ay malalim at nakakahanga! Sino ka para dumapo sa aming bansa at magmayabang ng ganyan!"

Sa huli, binuhat si Yamamoto Tsubasa ng kanyang dalawang disipulo. Umalis siya na ang buntot niya ay nasa loob ng kanyang binti dahil sa alon ng mga pangangasar na natamo niya.