webnovel

Chapter 3: Peace Offering

Chapter 3: Peace Offering

Cia's Point of View

"I- I mean like wh-why would y-you talk t-to him?" utal na sabi ni Joerge. Duwag ang gago. Napangisi ako bigla, masaya pa lang makita ang mga taong natatakot.

"Then..." saad ni Sean at bumulong sa tenga ni Joerge.

"Wala na daw klase! Study on your own according to Mr. Anderson" sigaw ng taga kabilang section. Nagsi- kuha na ng sari- sariling bag ang lahat ang mga kaklase ko. Kaniya-kaniyang nagsi-alisan, ang iba pupunta sa canteen, ang iba naman ay sa computer room o library. Napatingin ako kung saan nakatayo kanina sila Sean at Joerge ngunit wala na sila doon.

Out of nowhere, they just disappeared like bubbles, which is weird. But, I shouldn't worry about them. I mean, will they ever worry about me when I just disappear? Definitely not, in this school, everyone can vanish. Anyways, I'll just go back to our dorm. Aral, tulog, kain ang aking routine and there's nothing wrong with that.

Naglalakad ako sa likod ng school dahil mas mabilis ang daan na iyon para makarating sa dorm. Medyo amoy sigarilyo dahil madalas dito nakatambay ang mga seniors. Siguro kaya medyo mapanghot na  maasim din dahil dito rin sila umiihi pag sila ay nag- iinuman.

"Why are you walking alone?" napatalon ako sa hindi ko inaasahang tanong.

"Jumpy,huh? I guess you like coffee, don't you?" tanong ni Sean dahil sa aking pagkabigla.

Sino ba naman ang hindi magugulat ng bigla nalang may magsasalita, hindi ba? At isa pa, nakakagulat din na kausapin mo ako.

"Sure, I'm jumpy but I hate coffee."  I never liked coffee since I hardly get a sleep if I sip very little drop of it.

"Anyways, bakit ka nakatayo? May hinihintay ka ba?" Tanong ko sa kanya pabalik. Is my question too personal? Nah.

Ngunit kung aalalahanin ko, mailap sa babae si Sean kung kaya't malabo na babae ang hinihintay niya. Kahit sa mga kindergarten na hanggang ngayon mga kaklase, wala siyang naibigan. Si Selene ay halos naka-sampung taon naghintay upang magustuhan pabalik siya ni Sean. Pati si Faith ay nagkagusto sa maamong mukha ni Sean at mabait na personalidad. Dalawang salita ang madalas ginagamit sa kanya para describe, pogi at matalino.

"Hey! Cia? Cia?" Saad ni Sean.

"Oh? Bakit?" Ako'y nilamon ulit ako ng aking mga ala-ala.

"Bakit ka natulala? You zoned out on me." Sambit ni Sean.

Dapat talaga hindi ko inaalala ang mga alaala kapag may kausap, nag mumukha tuloy akong taong timang.

"Ah eh um, I didn't hear your answer~" saad ko. Why do I always space out when reminisce about memories?                                                 

"Ang sabi ko, I'm not waiting for anyone. Don't be jealous."  Nakangisi na saad ni Sean.                    

The heck?! All of a sudden, I want to vomit as fuck. I wouldn't for a guy saying things like that. Wrong move, Sean.

"Stop quirking, Sean, please."

Umaakto siya na para bang wala siyang muang kung anong ayaw ko at gusto ko. Ang lakas talaga mang- asar ng lalaking 'to.

"Are you certain that I'm just fooling around?" saad niya at lumapit sa akin.

"Puta! Ano bang tawag dun?" tanong ko pabalik, habang napatawa ng mahina.

Itong pag-uusap na'to ay walang patutunguhan.

"My words of love for you~" sambit niya.

Tanginang yan. "Woooow! Your audacity is way beyond this Earth" aking pagbibiro at naglakad papalayo.

"I only have this confidence around you" dagdag pa niya, ngunit hindi na ako lumingon sa kanya.

"It's impudence, Sean" sambit ko.

"Aminin mo na kinilig ka naman." Muli nitong sigaw

Ugh! Nakakasira ng estado ng pag-iisip ang aming pag-uusap. Ako'y nagiging balisa ng di oras, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Nagtago ako sa maliit na espasyo na malapit sa aking silid upang mahuli ang sumusunod sa akin.

On the count of 3. 1,2, wait after 3. 1,2,

"Cia? Anong ginagawa mo diyan?"

Kala ko naman kung sino. "Ah eh wala, hinahanap ko yung nahulog kong singsing dito." Pagsisinungaling ko.

"Ikaw ba, Julian, anong-" pinutol niya ang aking pagsasalita.

"Ah, bumili lang ako ng ulam. Maghahanda narin ako para sa aking klase" tugon nito sa hindi ko natapos na tanong.

"Kami kasi walang pasok kanina, first period lang."

I'm keeping the conversation going so that awkwardness will not come around.

"Dahil afternoon session ako, first period niyo last period namin kaya kailangan ko paring pumasok" sabi ni Julian. Oo nga, nawala yun sa aking isipan.

"Ah sige,sige. Kain ka na, baka malate ka pa dahil sa akin." pagpaalam ko at kumaway naman siya.

Ang aking pagkabalisa ay siguro dala ng aking anxiety.

*door creaks*

Sa wakas, pwede ng mapag-isa.Mag-aaral muna ako.                                                                    *telephone rings*

Mukhang ayaw talaga ni tadhana na ako ay pag- aralin.

"Hello, this is Cia Swartz how can-" 

"Hi Anak, pwede ka bang bumisita sa amin-" Saad ng boses ng aking Ina.

"Hindi ako pwedeng pumunta diyan, may exams ako"

Hindi sa ayokong pumunta, ayoko lang na pinipilit ako. Bibisita rin naman ako eh, sadyang hindi lang pwede ngayon.

"Sige na, gusto ka makita ng iyong ama, minsan lang naman tapos babalik na ulit ang iyong ama sa militar."

Ugh! Is she trying to make me guilty for having a tight schedule?

"Still can't-"  Punutol niya nanaman ang aking pagsasalita. Ayoko at hindi ako pwedeng lumabas.

"Sige na, minsan nalang kayo magkita ng iyong ama" wika niya na ani mo ay maiiyak na.                     

"Kung kakabalik lang niya, ibig sabihin bumalik din ang mga tatay ni Leah, diba?" tanong ko na sigurado akong wala siyang kawala.

"Oo, bakit?"                                                              "Pag-nakabisita sila sa kaniyang mga magulang, sige ganun din ako pero pag hindi edi hindi"

At binaba ko na ang telepono.

Wala talaga silang pakialam sa pwedeng mangyari basta masunod ang kanilang gusto.

*knock* *knock*

Hindi talaga ako makakapag-aral ng ganito.

Binuksan ko ang pinto at si Sean ang iniluwa nito. Isasarado ko na sana muli ang pinto ngunit,

"Hey, wait! I know a while ago, I was a total jerk and umm.." sabi niya habang nagpapaawa.

He has always been a jerk.

"So for my peace offering, I would like to give you fermented-"     

What has gotten into him? Peace offering, my ass. Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita.         

"I don't like foods with an obnoxious smell" saad ko.

"Look, I apologize for my words, I'm sorry." Pagpapakumbaba niya.      Hindi ko kayang tiisin ka, "Sure but stop with your shenanigans"       

"I would totally do that just for you" saad niya. I wish that is true. 

At tinulak ako bigla ni Sean.

What the fuck?