webnovel

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

May isang dakilang nilalang ang sumagip sa'kin sa tiyak na kamatayan!.. Marahil utang ko sa kanya ang lahat-lahat!.. Magmula sa paghihirap hanggang sa kaginhawaan na muli n'ya sa'king pinaranas... "HINDI KO ALAM at KUNG PAPAANO!!??", na ang dati ng patay ay muli pang nabuhay. Isang malaking palaisipan o sabihin man nati'y maging isang "MISYON" man na gumugulo sa magulo kong isipan. O, sadyang "MASAMANG DAMO LANG!". ITO ANG AKING KWENTO, LASAPIN N'YO. At tulungan n'yo akong hanapin iyon... [ANG DAKILANG LUMIGTAS SA AKIN SA TIYAK NA KAMATAYAN]

Axl_Carbonell · Realistis
Peringkat tidak cukup
71 Chs

"FLYING OCTUPOS"

*NATANGGAL KAMI SA TRABAHO*

Isang gabi, naganap ang 'di inaasahang pangyayari sa bakery. Linggo araw ng day-off namin, pero dapat makabalik kami ng hapon para gumawa ng pandesal pang lunes. Si kuya Buboy ay maagang umalis sa bakery. Si Nestor naman ay umalis na din. Hindi ako umuwi noon sa amin dahil nilabahan ko ang mga damit ko, kaya hapon na din ako natapos sa paglalaba. At naisipan ko na lang pumunta kila lola Ordonez para doon magpalipas ng oras. Wala din noon 'don si ate Nene.

Pumasok ako sa bahay ni lola, doon sa sala (andon na din ang dalawang kama nila) ako umupo.Binuksan ko ang t.v at kaming dalawa ni lola ay nanuod ng palabas. Nilipat ko ang channel sa palabas noong Tarzan sa channel 5. Habang nanunuod kami ni lola, nakita n'ya si Tarzan. Palibasa'y nakabahag lang si Tarzan!Sinabi ni lola na "maganda ang katawan nito" at "maganda itong lalaki". Lumabas sa bibig ni lola na sana si Tarzan na lang ang napangasawa n'ya, bigla akong napatawa sa sinabi ni lola, habang titig na titig si lola.

Manghang-mangha s'ya kay Tarzan at para bang nabibighani s'ya nito... Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pa. Nagising na lang ako nu'ng kalagitnaan na ng madaling araw na gulat na gulat. Naku po, patay ako nito! Anung gagawin ko? Hindi ko noon namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. Paano ang bakery? Hindi ako nakabalik ng hapon! Bigla akong kinabahan! Ginising ko si lola at ang sabi sa'kin ni lola...

Kaninang gabi may kumakatok ditong lalaki, 'yun yata ang amo mo...

Sinabi ko na lang na, "wala ka dito!"

Dahil nakita ko na mahimbing ang tulog mo... Hindi na kita ginising!

Natutog na lang akong muli.

Kinabukasan ng umaga, dali-dali akong bumalik sa bakery. Sinalubong ako ni kuya Manuel ng nakasimangot. Sinabihan n'ya akong tanggal na kami ni Nestor. Marami s'yang sinabi noon!Hindi daw s'ya nakatulog sa paggawa ng mag-isa ng pandesal. Hirap na hirap daw s'ya kung paano ito gagawin. At galit na galit s'ya noon sa'ming tatlo.

Pumasok ako sa loob ng bakery, nakita ko sa ibabaw ng malaking lamesa ang tumpok ng sigarilyong umaapaw sa ashtray. (madiddiban ang kanyang paggawa) Nakita ko sa mga tray ang mga pandesal na kanyang ginawa. May maliit, may malaki, hindi pare-parehas ng sukat. Ang iba naman ay mga sunog ang pagkakaluto. At ang iba naman ay hindi na n'ya niluto. Palpak ang kinalabasan ng paggawa n'ya ng pandesal kaya, labis s'yang nabadtrip noon sa'min!

Si kuya Buboy hindi na nakabalik nu'ng hapon. Nalasing daw s'ya,kainuman ang kanyang tropa! At si Nestor naman ay hapon na nakabalik. Sinabi n'ya sa'kin na magdamag daw s'ya sa peryahan at nanalo sa color game.

Sinabihan ako ni kuya Manuel na bumalik na lang ako sa mga naiwan ko pang sasahudin sa nasabi n'yang araw. Kinabukasan, ako'y umuwi na sa'min maging si Nestor.

din.At sinabi ko kay mama na tinanggal na kami ni Nestor. Pumasyal pa noon sa'min si kuya Buboy at nakausap si mama. Nabalitaan ko ng bumalik ako ng bahay, si papa pala ay tumama sa jueteng ng halagang 16,000 pesos. Nakabili kami noon ng mga materyales para sa pagpapagawa ng bahay.

Hapon sa nasabing araw, bumalik ako sa panaderia para kunin pa ang natirang sahod ko. Binigay sa'kin ni kuya Manuel ang natira ko pang sahod na nasa 700 plus. Sinabihan n'ya ako noon na bahala kana kung saan mo ito gagamitin. Habang hawak ko ang pera, hindi ko alam kung uuwi ba ako ng bahay o pupuntang peryahan... Hanggang sa makapagdesisyon akong isugal ang pera sa peryahan.

Sumakay akong trycle papuntang N.G.I. Sa Parang, sa playground, andon ang peryahan. Dumeretso ako sa color game, doon sa sugalan ako pumuwesto. Noong primera, nananalo pa ako pero habang tumatagal ay unti-unti ng nauubos ang pera ko. Hanggang sa maubos na nga ang mga ito! Muntikan ko na din maitaya ang bente na pamasahe ko pauwi ng bahay.

Lumong-lumo ako noon, iniisip ko ang perang pinaghirapan ko ay ilang oras lang ang tinagal. Nasayang lang at hindi ko ito napakinabangan sa maganda. Napagpasyahan ko na lang na umuwi na lang ng bahay. Tulala akong naglakad sa sakayan ng trycle, gabi na rin noon ng makarating ako ng bahay. Pinagbuksan ako ni mama ng pinto, tulog na din ang mga kapatid ko noon. Sinabi ko kay mama na naipatalo ko ang pera sa peryahan. Hindi naman na n'ya ako pinagalitaan noon, at tinulog ko na lang ang mabigat na gabing iyon.

Malimit kami ni Nestor magkasama nu'ng wala na kami sa bakery, lagi kaming laman ng peryahan noon. Napaaga minsan ang pagpunta namin, hapon noon at wala pang color game kaya naisipan naming maglibang muna. Sumakay kami sa rides na "Octupos". Habang nakapila at naghihintay, noong una ay naeexcite pa kami dahil first time namin sumakay sa octupos.

Tumigil na ito at kami naman ang susunod na sasakay, hanggang sa umaandar na nga ito. Unti-unti na kaming dinuduyan nito, umikot ng taas baba, umikot ng mabilis, pagewang-gewang, nag-e-slomo pa. Habang sumisigaw at humihiyaw ang mga babaeng kasabay naming sumakay, ako naman ay nawiwindang na, umiikot na ang paningin ko. Iniisip ko noon na tumigil na ito at gusto ko ng bumaba. At pagbaba namin ni Nestor hindi kami makausap. Para akong lasing sa paglakad maging s'ya rin. Umupo kami sa gilid ng rides kapwa kami hilong-hilo. Maya-maya pa'y naisipan n'yang bumili ng palamig, at ng aming itong mainom ay bigla-biglang bumulalas ang mga suka namin. Matagal-tagal din kami noon bago makarecover. Nakita kami noon ni Raffy na nandon din sa peryahan, sinabi namin sa kanya na kami'y nahihilo dahil sa pagsakay sa octupos. Sinabihan n'ya kami na, "dapat daw ay sumigaw kami para hindi mahilo."

Sa tuwing makakakita ako ng octupos sa mga peryahan, naaalala ko noon ang bangungot namin ni Nestor... Iyon ang una at huling sakay ko... Ayoko ng sumakay pa kahit bigyan pa ako ng pera!!!

Napalimit din ang panalo namin noon sa color game. Nagamay na namin itong laruin at siguro binu-buenas lang kami. Kapag kami ay nananalo, sa 7eleven agad ang punta namin para mamili ng makakain. Mahilig kami noon sa slurpee, cali soda, siopao at mga snacks. Tapos 'non dederetso na din kami sa'min. Sa mga nakaparadang jeep malapit samin,doon kami natutulog.

Minsan naman barkadahan kami sa pagpunta sa perya. Naging maluwag na sa'kin noon sila mama. Halos gabi-gabi din kaming natutulog sa mga jeep at unti-unti silang nasasanay sa pagiging lakwatsero ko.