***
Lumipas ang mga araw at nakauwi na kami dito sa bahay namin.
Simula ng may aksidenteng nangyari pansin ko na laging wala sa bahay sila mama at papa.
Pansin ko din na hindi na lumalabas ng kwarto si peter at bukang-bibig niya ang mga katagang wala siyang kasalanan.
Ilang araw na ang lumipas pero ito parin siya takot na takot sa nangyari. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak ng mag isa.
Araw araw ganun nalang ang ikot ng buhay namin.
Uuwi lang sila mama para tignan kami at pagsabihan si peter.
Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginagawa nila dahil palagi parin umiiyak si peter.
Hindi ko alam kung sinisisi din ba nila si peter o hindi.
Pinagbawalan din ako ni papa na lumapit kay peter ng hindi ko alam.
Minsang sumuway ako ay nakatikim ako sa kanya ng sakit ng katawan.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang sigurado ako.
Sinisisi nilang lahat si peter.
Dahil ang pagkakaalam ko ay inoperahan si jane pagkatapos ng aksidente.
Malalim daw ang naging sugat nito sa ulo.
Pero wala naman ng ibang nangyari sakanya.
Sa ngayon nagpapagaling na siya.
Alam ko din na hindi pa tapos si tito sa ginawa niya kay peter.
Dahil anak nila ang damay dito lalo na at babae ito. Sigurado ako na gagawa sila ng paraan para makaganti dito.
At yun ang hindi ko papayagan na mangyari.
Hinding hindi ako papayag.
Kahit na pinagbabawalan pa rin ako ni papa ay patuloy parin akong pumupunta sa kwarto ni peter kahit na alam kung nakikita nila ako sa cctv ng bahay.
Walang makakapigil sa akin. Lalo na kung si peter ang usapan.
Hanggang sa hindi inaasahan ay nagising nalang ako kinabukasan na umiiyak ang mga katulong namin dahil si peter daw ay nagtangkang magpakamatay.
Galit na galit ako sa sarili ko.
Ng pinuntahan ko siya sa kwarto niya natutulog siya nun. Ang himbing ng tulog niya.
Pero iba ang nakikita ko sa paglabas na katawan niya.
Ang payat na niya. Ang itim nadin ng mga gilid ng mata niya. Pumusyaw din ang kulay niya.
Napapayaan na niya ang sarili niya.
Wala akong nagawa.
Kaya kinausap ko sila mama sa pangyayaring ito.
Pero hindi ko alam pero hindi nila ko pinansin.
Wala akong alam sa nangyayari.
Hanggang sa dumating ang araw na siyang kinatatakot ko.
Ng minsang dumalaw ako sa kwarto niya ay ibang peter ang nadatnan ko.
Malalim ang mata, payat na katawan at ang siyang kinabigla ko ay ang napansin ko.
Nagkalat ang mga gamot sa kama niya sari saring gamot. Na siyang kinatakot ko sa maaring mangyari sa kanya.
Tinawagan ko agad sila mama dahil hindi nagsasalita si peter.
Tango lang siya ng tango na parang wala sa sarili.
Si mama lang ang umuwi na umiiyak dahil sa nangyari.
Sinisisi niya ang sarili niya ng makita niya si peter.
Wala daw siyang magawa dahil iniipit sila ni tito zleo.
Sobra akong nagalit kay tito dahil sobra siya.
Pinakiusapan ko sila mama na ipatingin si peter kung ano bang nangyayari sa kanya.
Tumango naman siya at tinawagan si papa.
Ng kinabukasan ay dinala na nila si peter sa ospital.
Pero hindi na nila ako sinama. Dahil walang kasama ang mga kapatid ko na sobrang babata din tulad namin.
Wala akong nagawa kaya tumango nalang ako.
Dumaan ang mga oras at nabalitaan kong malaki daw ang naging ipekto ng gamot na ininom. Posible daw na maapektuhan ang utak niya at mawala ang ilang memorya niya.
Sobra akong natakot dahil sa nangyari.
Gusto kong pumunta pero sinabihan ako ni mama na idadala daw nila si peter sa ibang bansa.
Hindi ko alam pero natatakot ako.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Pumayag nalang ako para kay peter.
Ilang linggo ang lumipas pero walang peter akong nababalitaan.
Tumatawag si mama pero hindi niya sinasabi kong ano na ang nangyari.
Ang sinasabi niya lang ay magiging maayos din si peter.
Kulang nalang ay mabaliw ako dahil sa sinasabi sakin ni mama.
Buwan pa ang limipas at dumating din ang taon.
Isang araw tumawag sakin si mama na pauwi na daw sila.
Sobra akong natuwa dahil kasama daw nila si peter.
Naghintay ako hanggang sa dumating na nga sila.
Pero ibang peter ang nakita ko.
Seryoso at malamig ang pakikitungo sa akin.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang yumakap sakin at sinabing "hi po kuya, kayo po ba ang kuya ko."
Nabigla ako sa mga tinuran niya.
Sobra akong nasaktan dahil hindi niya ako maalala.
Hindi ko alam pero ng tinanong ko sila mama ay iniwas lang nila ang mata nila at sinabing isa daw ako sa mga hindi niya maalala.
Sobrang sakit.
Mas lalo pakong nasaktan ng kinausap ako ni papa kinagabihan.
"Ilayo mo ang loob mo kay peter kung ayaw mong hindi na siya makita." Seryosong turan sakin ni dad.
Umiiyak lang ako na nakikiusap kay mama na tulungan ako pero kapwa niya umiling iling lang siya.
Nagtanong ako kung bakit. "Bakit anong masama pa, ma?"
Tinignan ako ni papa ng seryoso. "Alam namin ang nangyayari sa inyo. Alam kong hindi kapatid ang turingan ninyo. Naghihinala na kami sa inyong dalawa nuon paman dahil sobra sa kapatid ang napapansin namin."
"Hanggang sa tinignan namin ang mga cctv at palihim din kaming naglagay sa kwarto ninyong dalawa at tama nga kami. Hindi normal ang turingan ninyo sa isa't isa. Ano ashton tama bang maghalikan kayong magkapatid."
Natahimik ako sa mga sinabi sakin ni dad.
"Mali ang pagmamahalan ninyo dahil kelan man hindi tama na mag mahal ang lalake sa kapwa niya lalake."
Umiiyak ako at hindi makapag salita dahil tama sila.
Hindi namin inalam na pwede nilang malaman lahat ng mga pinagagawa namin.
Tinawag ako ni papa at seryosong tinanong. "Mamili ka magtatagal si peter dito sa bahay pero kelangan ilayo mo ang loob mo sakanya at hindi siya kausapin o baka naman gusto mong ipatapon ko siya sa mga kumpare ko."
"Mamili ka ashton" seryosong turan niya sakin.
Sa sobrang takot ko ay pinili ko ang nararapat para saming dalawa.
Pinili ko ang siyang ikabubuti niya, namin.
Miss na miss kona si peter pero wala akong magagawa.
Hindi ko kaya mawala siya sakin isang taon akong nangulila sa kanya.
Pero ang lahat ng yun ay wala palang kuwenta dahil hindi niya ako naaalala.
Ang kelangan ko nalang panghawakan ang katagang maalala din niya ako.
Na makikilala niya ako hindi dahil kuya niya ako kundi dahil mahal namin ang isa't isa kahit na walang salitang lumalabas samin. Masaya na kaming magkasama.
Pero wala akong nagawa.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan.
Pilit kong inilayo ang loob ko sakanya.
Kahit sobrang sakit ay nakasanayan ko na din.
Hanggang sa natutunan ko nalang siyang mahalin ng patago. Mahalin ng ako lang ang nakakaalam.
Wala akong laban dahil ako lang ang nakakaalam sa totoong nararamdaman namin sa isa't isa.
Walang peter na siyang makakaintindi sakin.
Walang peter dahil hindi niya nga ako magawang kausapin.
Hanggang sa natutunan ko na din na iwasan siya.
Taon ang lumipas.
Sa bawat taon na lumilipas hindi nagbabago ang pagtingin ko sa kanya.
Naging cold ako sa pakikitungo sa kanya. Kahit na nahihirapan parin ako.
Naging mailap ako sa kanya tulad ng gusto ng mga magulang ko.
Sinunod ko lahat ng gusto nila.
Kahit na kaligayahan ko ang kapalit susugal ako dahil ayukong mawala siya.
Lalo na minsan gusto kung gawin ang mga bagay na lagi namin ginagawa.
Gusto ko siyang yakapin nalang bigla pag nagkakasalubong kami.
Gusto ko siyang halikan.
Gusto kong gawin ang mga ginagawa namin.
Gusto kong maalala na niya ako.
Miss na miss ko na siya.
Kaso natatakot ako. Natatakot ako na baka makita nila kami.
Sandamakmak ang cctv dito sa bahay.
At tinatanong din nila ang katulong kung nag uusap ba kami.
Sa school din ay may bantay si peter na si dad mismo ang nag lagay dahil pinagkakatiwaan niya ang mga taong yun.
Pero akong anak niya ay hindi nila pinagkakatiwaan.
Hinayaan ko nalang.
Dahil pinanghahawakan ko ang pagkakataon na dadating din ang panahon na maalala ako ni peter.
Na babalik ang pagmamahal niya sa akin.
Na babalik ang dati kung paano kami sobrang close.
Na lagi kaming magkasama.
Na dadating ang araw na hindi na ako papayag na maulit ito.
Na hindi na ako papayag na magkahiwalay kaming dalawa.
Dahil ngayon hahayaan ko lang sila dad at tito zleo na hayaan ang gusto nila.
Dadating din ang karma nila dahil sa ginagawa nila sa amin.
Dahil pag dumating ang araw na yun hinding hindi ko na hahayaan maulit ito.
-----