webnovel

Chapter 13

***

Iyak lang ako ng iyak habang nasa gilid ng dagat, malayo sa lahat.

Ayuko ng ganitong pakiramdam.

'Sabi ko naman sayo, walang patutunguhan yang nararamdaman mo sa kanya.' Sita ko sa sarili.

Wala e, ganun naman talaga pag nagmahal tayo may kaakibat na sakit. Pero mas masakit siguro mag mahal kung hindi mo alam kung mahal ka din ng mahal mo. Na ikaw lang ang nagmamahal samantalang siya, wala lang sakanya ang lahat.

Sobrang sakit.

Kung kailan malalim na. Kung kailan sobrang mahal ko na siya.

Saka pako masasaktan.

Ilang oras akong nandito nakaupo malapit sa tabing dagat, habang lumuluhang mag-isa.

Siguro nga sign nato na hindi talaga kami para sa isa't isa. Na pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana. Dahil kelan man hindi naman talaga tamang magmahal na parehas ang kasarian.

'Bakit ba minahal kita ng ganito'

'Bakit humantong sa masasaktan lang pala ako'

'Mali nga ba na nagmahal ako ng katulad mo'

Mga katanungang tanging hikbi lang ang tumutugon.

Ilang minuto pa akong nandito.

Bago magdesisyon na bumalik na.

Pero bago ako bumalik sisiguraduhin kong kakalimutan ko na ang lahat.

Oo, nagdesisyon ako na kalimutan ang nararamdaman ko sakanya. Gawin ang tama at magsimula.

Pabalik palang ako ay nakasalubong ko na si kuya marvin.

Mabuti pa siya, walang inaalala, walang dinadamdam, walang iniiyakan at higit sa lahat masaya at nakangiti lang.

Gusto ko nalang bumalik sa dati, yung walang sakit, walang inaalala, walang iniiyakan. Nakangiti lang at masaya bawat araw.

Tinitigan muna niya ako bago nagsalita. "Umiyak kaba peter."

Umiwas muna ako ng tingin bago sumagot. "Mahangin kasi sa tabing dagat napasukan lang siguro ng buhangin tong mata ko kaya ayan parang umiyak"

Ngumiti nalang ako sakanya, kahit na alam kong pilit lang naman.

Ng tignan ko siya ay parang nag-aalinlangan siya sa sagot ko. "Bat nga pala andito ka kuya."

Sinuri pa niya ko bago nagsalita. "Hinahanap ka."

"Bakit naman kuya." Pilit kong pinasigla ang boses ko. Kahit na gusto ko nanaman umiyak.

Ang sakit parin pala. Hindi ko kaya, hindi ko kayang dalin to ng mag-isa.

Para akong pinapatay pag naiisip kong siguro pagkatapos nilang maghalikan. May iba pa silang ginawa. Diba, hindi natin alam, lalo na walang taong nakakakita sa kanila.

Hindi ko mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano.

Hindi ninyo ko masisi sa nararamdaman ko dahil tulad ninyo nagmahal lang ako sa taong hindi ako mahal.

Mahirap pala talagang magmahal ng walang label. Walang pinanghahawakan.

Tulad ngayon sa lahat ng nangyari, sa lahat ng ginawa namin. Kulang parin, naghanap parin siya ng iba.

Hindi nga ba talaga nakukuntento ang isang tao.

O, talagang hindi ka lang niya minahal tulad ng pagmamahal mo.

Ang daya daya mo kuya, sobrang daya mo sabi mo ako lang.

Hindi nga talaga sapat lahat ng mga nagawa naming masasaya, dahil lahat ng yun ay nakalimutan na lamang.

Hindi kona napigilan at niyakap kona si kuya. Yakap na nangungulila, yakap na nasasaktan.

Umiyak lang ako ng umiyak habang inaalala ang nakita kong tagpo kani-kanina lamang.

Bat ganun pilit ko naman winawaksi sa isipan ko pero bakit pilit parin sumisiksik.

Hindi ba niya alam na wala ng space.

"Sige lang iiyak mo lang yan, andito lang ako sa tabi mo tandaan mo yan."

Patuloy parin ang iyak ko. Kung pwede lang burahin lahat ng sakit ginawa kona.

Ng mahimasmasan ay lumayo ako ng kunti kay kuya.

Nahihiya ako habang nagpupunas ng luha.

"Sorry po kuya, nabasa ko na yang damit mo."

Tumingin lang siya sakin sabay ngiti.

Sana ganyan nalang din ako kay kuya, kayang ngumiti kahit kelan.

Ang hirap kasing ngumiti lalo na kung di ka naman talaga masaya.

Ngiting ngiti siya sakin habang nagsasalita "Maayos kana ba."

Tumango lang ako.

"Puwede mo kong kuwentuhan."

Tumawa lang ako ng payak sabay tingin sa kanya. "Masakit lang mata ko kuya kaya iniyak ko nalang para mawala."

Nawala ang ngiti niya habang nakatingin sakin. "Tingin moba maloloko moko sa ganyang salita."

Natahimik ako.

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko kay kuya na mahal ko na si ash, pero hindi naman ako mahal.

Gusto ko lang naman maging masaya e.

Pero...

Pinagdadamot ng mundo yong saya na gusto ko.

"Sige ayos lang kung hindi pwede."

Kita ko sa mata niya na nalungkot siya.

Umupo muna ako sa buhangin bago tumingin sa dagat. "Kuya mali ba na magmahal."

Umupo din siya sa tabi ko na nakatingin lang sakin. "Kelanman hindi naging mali ang pagmamahal, peter."

Ang sarap pakinggan.

Pero sana ganun lang kadali.

"Pero bakit tayo nasasaktan, nagmamahal lang naman tayo."

Nabigla siya sa tinuran ko.

"Na..nag mahal ka na ba." Pagtatanong niya.

Kita ko sa mata niya na parang nanlulumo siya at naghihinayang.

Bumaling ulit ako sa dagat bago sumagot. "Basta sagutin mona lang kuya."

Tumikhim muna siya pagkatapos sumagot. "Nasasaktan ang isang tao dahil nagmamahal siya. Dahil pag nagmahal ka ka-akibat na nito ang pighati at saya."

Ramdam ko nanaman ang luha sa pisngi ko, na patuloy parin dumadaloy, na parang bang wala ng katapusan.

"Pero kuya, hindi ba pwedeng magmahal lang, yung wala ng sakit na mararamdaman." Pumiyok na sambit ko.

Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko na parang wala ng katapusan.

"Malabo, dahil kahit gaano mo siya kamahal, kung hindi ka naman talaga minahal ng taong mahal mo.. masasaktan ka lang."

"P-pero kuya..mahal ko siya. Hindi ba pwedeng kami nalang, akin nalang siya." Hangulngol na iyak ko.

Tumitig lang sakin si marvin, titig na naawa, nasasaktan at higit sa lahat naghihinayang.

"Hindi dahil mahal mo siya...sayo na siya. Peter, hindi porket mahal mo dapat mahalin ka din."

Para akong tinamaan ng kidlat sa mga salitang binitawan sakin ni kuya.

Hindi ko matanggap.

Iyak lang ako ng iyak dahil sa sinabi sakin ni kuya. Natamaan ako dahil mahal ko si ash, hindi ko kayang mawala siya sakin.

Pero anong laban ko kung ako lang naman pala ang nagmamahal. May laban ba ako sa taong hindi ako mahal.

Tama naman si kuya, hindi porket mahal ko sakin na. Dahil simula palang malabo ng mahalin ako ng taong katulad niya.

Nagmamahal lang naman tayo. Walang mali dito. Ang mali lang, hindi naibabalik ang pagmamahal na binibigay mo. Dahil sa maling tao ka nagmahal, sa maling tao na puro sakit ang ibinibigay.

Pero kahit kelan hindi nakakapang sisi na mag-mahal, dahil pag nagmahal ka. Madami kang matutunan.

Hindi lang sa pansarili mo. Kung di para sa inyong dalawa.

Na dapat alam mo ang kahulugan ng pagmamahal.

Tama lang naman na masaktan sa pagmamahal dahil ka-akibat na talaga ito ng saya.

Pero ang mali lang bakit..bakit nahuhulog tayo sa taong hindi naman dapat. Sa taong hindi tayo kayang sapuhin at sa taong hindi tayo kayang mahalin.

Kelangan pabang masaktan pag nagmahal. At kelangan pabang maramdaman ang sakit bago malaman ang kahulugan ng pagmamahal.

"Ang swerte ng minahal mo. Dahil ramdam na ramdam kong mahal na mahal mo siya." Piyok na turan sakin ni kuya.

Umiiyak ba siya pero bakit.

"Kuya." Tanging na-iusal ko.

"Ha Ha Ha, ganun nga ata talaga, mamahalin mo ang taong hindi naman masusuklian ang pagmamahal mo."

Kahit na tumatawa si kuya habang sinasabi yun. Ramdam ko at alam ko na umiiyak siya. Pero bakit, bakit siya umiiyak.

Hindi ko alam kung gusto lang akong damayan ni kuya sa pag-iyak. O, baka talagang nagmahal din siya na hindi siya minahal. Kaya nakaka relate siya sakin.

Lumapit ako kay kuya at niyakap siya ng mahigpit. Sana si kuya marvin nalang si kuya ash.

Para kung sakaling masaktan ako hindi ganito kasakit.

Niyakap din niya ko ng mahigpit habang sinasabing. "Sana ako nalang peter."

Sobrang higpit ng yakap sakin ni kuya, ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya. Parang pinagkaitan siya ng lahat.

Para siyang bata kung umiiyak. Iyak siya ng iyak, ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pag-iyak niya. Ramdam na ramdam ko ang pighati sa puso niya.

Kung pwede lang sana na wag nalang masaktan.

Kaso napaka labong mangyari dahil hindi mabubuo ang salitang 'love' kung walang pighating nakaukit.

Dalawa na kaming umiiyak habang magkayakap. Sobrang higpit ng mga yakap namin sa isa't isa.

Para kaming mag-asawa kong titignan.

Mag-asawang nag-away at nagkasagutan na nauwi sa hiwalayan na kalaunay nagkabalikan.

Kung pwede lang sana magkatotoo na pwede ang lalaki sa kapwa lalaki. Sobrang saya ko siguro. Makakamit na namin ang matagal na naming minimithi na mangyari.

Sana ganun lang kadali ang lahat.

Kung pwede lang talaga.

Wala na sanang nasasaktan ng palihim, wala na sanang nasasaktan sa pagmamahal. At higit sa lahat hindi na sana nakakaranas ng takot sa pagmamahal ang bawat isa.

Pero dahil sa mga taong hindi tanggap ang ganitong relasyon, nararanasan nila ang mga sakit na ito, na hindi nila naman kasalanan.

"Ako nalang sana ang minahal mo ng ganito, di sana hindi muna nararamdaman ito."

Natulala ako sa tinuran sakin ni kuya marvin, kelan pa, kelan pa niya ko gusto.

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya.

Dahil kapwa niya nagmahal din ako sa taong hindi ako natutunang mahalin.

-----