***
"Ayos kana ba?" Usisa sakin ni marvin.
Tumango nalang ako sakanya dahil hindi ko naman alam kung maayos nga ba ko.
Matapos ng nangyari, magiging maayos ba ako. Hindi ko alam bakit sinuntok ni kuya ash itong si marvin.
Tumingin siya sakin ng matalim sabay sabing "Akala ko ako lang, pero anong ibig sabihin nito?"
Nabigla ako sa tinuran niya sakin. Hindi ako nakapag salita dahil natatakot ako sa mga tingin niya.
"Wala kaming ginawa kuya. Ano bang sinasabi mo." Nalilitong turan ko sakanya.
Kitang kita sa mata niya na gusto niya kong suntukin.
Ng mapansin kong tumayo na si kuya marvin ay pupuntahan ko na sana ng hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni ash.
"At sino may sabing pupuntahan mo siya." Galit na tanong niya sakin. Habang madiin na nakahawak sa braso ko.
Nasasaktan nako sa ginagawa niya. Parang hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung anong mali sa nangyayari pero mas hindi ko alam bat nagagalit sa akin si kuya ash.
"Kuya nasasaktan nako." Pikit matang turan ko dito.
"Talagang masasaktan ka sakin. Ano nag-enjoy kaba, ngayon palang kayo nagkita pero may ginawa na kayo." Galit na hiyaw niya sakin.
Dahil hindi ko alam ang isasagot ko ay napaiyak nalang ako habang nakatingin sa mga braso ko na madiin niyang hinahawakan.
Wala akong idea sa sinasabi niya.
Wala akong ginawang mali.
Ano bang nangyayari sakanya.
Hindi ko na siya makilala.
Nasasaktan ako sa pinapakita niya sakin.
"Tama na yan, ash nasasaktan na yang si peter." Singit ni marvin sa usapan habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
Umiwas nalang ako ng tingin sakanya at yumuko nalang dahil hindi ko kayang tumingin.
Buti nalang malayo kami sa mga tao kaya hindi kami nakakaagaw ng pansin.
Pero kahit ganun ay nasasaktan naman ako sa pinapakita niya sakin.
Ibang iba ang pinapakita niya sakin at wala akong alam kung bakit humantong sa ganito.
Bumaling lang si ash kay marvin sabay tingin ulit sa akin.
"Hindi ko alam na ganyan ka na pala ngayon." Seryosong sambit niya sakin sabay talikod at naglakad na papalayo.
Nalilito ako sa lahat ng ito.
Simula ng umakyat kami dito ay nakatingin na sakin si kuya marvin.
"Sige na kuya, iwan mo muna ako dito. Ayos lang ako." Pilit ngiti na sambit ko dito.
"Sure ka, pwede naman dito muna ako, wala naman akong gagawin."
"Oo, kuya. Ayos lang ako dito mamaya baba nadin ako."
Tumango nalang siya sabay alis.
Nakapag palit na kami ng damit ni kuya. Sakanya na nga lang daw dapat yung damit ko ganun din siya sakanya.
Pero nahihiya ako kaya binigay ko parin ang damit niya. Ganun din siya sakin pero yung tshirt sakanya nalang daw. Binigay ko nalang nakakahiya naman kung hi-hindi pako.
Nakatanga lang ako dito ng may kumatok sa pintuan.
Hindi ko na sana papansinin ng magsalita ito. "Anak, pabukas naman ng pinto."
Si tita liza.
Hapon palang naman kaya bakit pinuntahan niya ko.
Minsan kasi pag hindi pako bumababa bago maghapunan ay lagi niya kong pinupuntahan. Nagtataka man ay nagkibit balikat nalamang ako.
Bumungad agad sakin si tita pagbukas ko ng pinto. "Tita bakit po." Nakangiti turan ko sakanya.
Pinagmasdan lang ako ni tita na parang may kulang sa katawan ko.
"Tita." Tawag pansin ko dito.
Napa-pikit mata pa siya bago ako tinanong. "Puwede ba akong pumasok."
Nahihiya naman akong sumagot sa kanya. "Pasok po tita." Sabay luwang ng pintuan para makapasok siya.
"Ayaw mo lumabas." Panimulang tanong sakin ni tita.
Sinarado ko muna ang pinto bago sumagot. "Napagod po kasi ako sa pinuntahan namin ni kuya marvin tita."
Kunot noo lang akong tinignan ni tita.
Nakakapagtaka bakit ibang-iba ang nakikita kong pag uugali ng mga nakasama ko ng matagal. Parang hindi ko parin sila kilala, hindi ko alam na may ganito pala silang side.
"San naman kayo pumunta ni marvin, anak."
Umayos muna ako ng tayo bago nagsalita. "Sa ano po tita, batis po. Dinala po ako ni kuya marvin dun."
Tumango lang siya sakin.
Akala ko wala na siyang tanong. "Nagkita naba kayo ng kuya ash mo."
Nakayuko lang ako kay tita na parang guilty sa tanong niya.
"Opo tita."
"Alam mo ba kung asan siya."
Nalilito nako kung bakit ako tinatanong ng ganito ni tita. "Huling kita ko po sakanya nung dumating po kami ni kuya marvin galing sa batis."
"So nakita ka ng kuya ash mo na magkasama kayo ng kuya marvin mo."
Tumango lang ako kay tita.
Bigla nalang siyang tumayo at pumunta sa gilid kung san kita ang ganda ng dagat.
Nakakaginhawa ang tunog ng alon bawat taong nakikita mong nag-ienjoy.
"Nakita ko kayo at narinig ko ang lahat ng nangyari."
Nabigla ako sa sinabi sakin ni tita. Kung talagang nakita niya kami ano nalang sasabihin niya.
Natataranta akong sumagot sakanya "Ahh, tita hindi ko din po alam ang nangyari kung bakit nagalit sakin si kuya."
"Hindi mo nga ba talaga alam." Pagtatanong pa niya.
Umiling lang ako habang nakayuko. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata ni tita.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kung lumapit sa gawi ko si tita.
"Anak, mag-usap kayo ng kuya mo." Panimula niya sakin. "Ayuko ng maulit ang nangyari dati."
Umiyak nalang bigla si tita habang nakatingin sa akin.
Nabigla ako sa pinapakita sakin ni tita. "Tita, bakit ano pong nangyayari." Natatarantang tanong ko dito.
Umiwas lang ng tingin sakin si tita sabay sabing. "Anak, kung anong sa tingin mong tama gawin mo."
Tumango nalang ako kay tita kahit nalilito sa tinuran niya.
"Gagawin ko ang makakaya ko at hindi nako papayag na mangyari ang dating nangyari."
Nahihiwagaan ako sa mga tao ngayon.
Ng hindi ako sumagot ay tumalikod na ito.
"Ayuko ng ipagdamot sainyo ang tingin ninyong tama. Tandaan ninyo kung noon nagkamali ako. Ngayon itatama ko na ito."
Binuksan na ni tita ang pintuan sabay baling sa akin. "Nasa tabing dagat lang ang kuya mo."
Sasagot na sana ako ng bigla nalang niyang sinarado ang pintuan.
Wala akong alam sa sinasabi sakin ni tita, anong ibig sabihin niya sa nakaraan, anong nangyari noon.
Sumasakit lang ang ulo ko sa tinuran sakin ni tita.
Mas minabuti ko ng bumaba.
Tama naman si tita kelangan naming mag-usap ni kuya. Kahit hindi ko alam ang kinagagalit niya.
Ng nasa baba nako ay nakita ko sila tita. Nginitian lang ako ni tita liza sabay tango sakin.
Direcho lang ang lakad ko papalabas.
Hinanap ko si kuya kung asan siya.
Ikot lang ako ng ikot hanggang sa mapagod ako.
Wala akong idea kung san gawi si kuya dito.
Hindi nauubusan ng gilid ang dagat.
Hindi kaya sa tahimik na lugar at sa walang taong nakapaligid.
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa mansyon at dumirecho lang ako sa likod bahay.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang mahanap si kuya.
May anino nakong nakikita malayo sa pwesto ko. Pero hindi siya nag-iisa dalawa silang nakaupo sa malaking bato. Habang may alak na hawak ang isa at ang isa naman ay nakayakap sakanya.
Hindi ko alam kung kaya ko silang puntahan. Hindi ko alam kung kaya kong silang tignan ng matagalan.
Nasasaktan ako sa nakikita ko.
Naramdaman ko nalang bigla na may umagos na basa sa pisngi ko. Umiiyak na pala ko.
Natuod nako sa kinatatayuan ko habang tinitignan ko silang parang magkasintahan.
Kulang nalang maghalikan sila dahil sa magkadikit nilang katawan.
Naiingit ako, ako sana yun e, ako sana ang anjan.
Pero bakit, bakit iba na nag kasama niya siya na mismo ang nagsabi na ako lang. Kahit wala naman kami, pinanghahawakan ko ang salita niya.
Napaluhod nalang ako sa buhangin habang tinatanaw silang habang umiiyak.
Hindi ko kayang tumagal dito at mas lalong hindi ko kayang tumagal na makita silang ganito. Nasasaktan ako kahit wala naman akong karapatan.
Ganun nga ata talaga ikaw ang kelangan pag ikaw ang anjan at pag sawa na sayo balewala ka nalang.
Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sakanila. Ng biglang napatingin sa akin si jane.
Nabigla siya ng makita ako pero bigla itong napangiti ng malawak.
Nakatingin lang siya sakin habang hinihimas ang katawan ni kuya na walang pakialam sa ginagawa sakanya.
Tatayo na sana ako at aalis dun ng makita ko kung paano akitin ni jane si kuya.
Mas lalo akong nasaktan ng makita ko na wala man lang tutol si kuya sa ginagawa sakanya.
Kitang kita ko ang pangyayari habang unti-unting nilalapit ni jane ang mga labi niya sa labi ni kuya.
Bago pa magdikit ang mga labi nila ay tumalikod nako. Hindi ko kayang makita to, hindi ko kayang makita na may kahalikan na iba si kuya.
Tumakbo lang ako ng tumakbo malayo sa kanila, malayo sa sakit na dala nila.
Akala ko ako lang. Akala ko lang pala. Dahil kelanman hindi magkakagusto ang lalaki sa kapwa niya lalaki.
Kung sakali ba na babae ako mamahalin din bako ng lalaking gusto ko.
Kung magiging babae pa ako maipagmamalaki din ako ng taong mahal ko.
Kung babae lang din sana ako, sana mamahalin din ako ng taong mahal ko na walang pag-aalinlangan.
-----