webnovel

Untold story 3

"Seriously Kianna? Bumili ka naman ng para sa 'yo!" sermon sa akin ni Alessa nang makitang tambak na ang pinamili kong Journal at ballpen para kay Neon.

"Wala naman akong gustong bilhin, saka magagamit niya 'tong lahat para sa pagsusul---

"Sulat, sulat, sulat. Paano ka? Bakit hindi na lang sleeping pills ang bilin mo para magahasa mo na 'yang chossy mong asawa! ha?"

"Wag kang maingay baka may makarinig nakakahiya!" suway ko sa kaniya bago siya hilahin patungo sa cashier.

Natuloy nga ang pagpunta ni Alessa sa bahay at katulad ng napag-usapan nag-mall nga kami.

Habang nakapila panay pa rin ang kutya nito sa aking asawa, napapatingin na lang ang ibang tao na nakapila rin dahil sa walang filter nitong bunganga. Likas na bunganger kaya tuloy hindi siya gusto ni Neon na maging kaibigan ko---baka mahawa raw ako rito.

"Bat hindi mo nga pala kasama si Renz?" tukoy ko sa boyfriend niyang palaging nakalingkis sa kaniya. Iniba ko ang usapan para hindi niya na makutya si sweetheart, baka kanina pa 'yon binabahing dahil sa kaka-trashtalk niya.

"Ha! Nag-away kami dahil hindi niya tinanggap ang proposal ko kahapon. I kneel down for him---ako na ang nag-propose kasi baka nahihiya lang siya pero hindi niya pa rin tinanggap!" she flip her hair at umirap sa kawalan habang nagkukuwento. Ang kasal talaga ang palagi nilang pinag-aawayan ng boyfriend niya; ayaw pa kasi no'ng lumagay sa tahimik.

Nasa lahi na yata ng mga Lopez ang pagiging pakipot.

"May V card po ma'am?" tanong ng babae na kumuha ng pinamili ko.

"Wa---

"Meron! Virgin pa 'yan kasi chossy ang asawa--- I cut Allessa's word using my hands, I huss her at umiling na lang sa babaeng nagulat sa kasama ko.

Nang sa wakas ay makalabas na kami sa bilihan ng supplies napagbigyan ko na rin si Alessa sa inaasam niyang pagkain. Mag-aalas-dose pa lang pero niyaya ko na siyang kumain para sa sandaling katahimikan.

Marami siyang inorder dahil nagutom daw siya. Malamang ay dahil sa kakadaldal ng kung ano-ano pero isinisi niya pa rin ito sa magpinsan na Lopez.

Nang matapos kaming kumain ay sinamahan ko na rin muna siya sa pagbili ng mga revealing clothes---pang-akit daw sa kaniyang pakipot na boyfriend.

"You should buy some, galingan mo ang pag-seseduce sa asawa mo!"

Iling lang ang naisagot ko sa ideya niya, hindi sa ayaw ko; nakabili na kasi ako ng maraming ganiyang damit sa kinukuha niya, 'yon nga ang ginagamit ko sa bahay pero wala pa ring talab kay Neon.

"Aysus masyadong primitive ang typewriter! Laptop ang uso ngayon!" sermon niya pa sa akin matapos kong sabihing bibili ako ng typewriter para kay Neon. Mali talaga ang ideyang sabihin sa kaniya.

"Dalawa na laptop no'n."

"Edi wag mo nang bilhan! Case close!"

Napabuntong hininga na lang ako matapos maubos ang kapeng hawak ko. Mabilis naman akong napangiti nang matanawan si Renz sa hindi kalayuan, mukhang susunduin ang girlfriend niyang kanina pa naghihimutok sa likod niya.

Naka-puting V-neck shirt ang loko na tinernohan ng khaki short at nike shoes.

"Si Renz paparating." Kalabit ko kay Allesa. Nakatalikod kasi ito sa entrance na malamang ay hindi kita ang tinutukoy ko.

"Pabayaan mo. Halika, umuwi na tayo!" nagmamadali nitong kinuha ang mga paperbags na naglalaman ng mga pinamili niya bago tumayo at balewalain ang presensiya ni Renz.

Sungit-sungitan nanaman ang gaga.

Katulad ng inaasahan sa dalawa, nagbangayan nga ito sa harapan ko. Ilang hilaan pa ang nangyari bago masuyo ni Renz ang nobya at mayaya nang umuwi.

Hindi na sana ako sasabay sa kanila kaso lang ay namilit na ang mga ito. Gusto rin daw nilang makita ang bagong bahay na nilipatan namin ni Neon.

Hindi na ako nakipagtalo at itinuro na sa kanila ang daan pauwi.

"Gusto ko rin ng ganiyang bahay kapag kasal na tayo Hubby." Rinig kong paglalambing ni Allesa kay Renz.

Pinatuloy ko sila sa bahay saglit at doon na nga nag-umpisang magbunganga nanaman si Allesa tungkol sa pambubuking sa nambababaeng asawa. Kahit na sigurado akong hindi mambababae si Neon ay nakinig pa rin ako in case na mapansin ko nga.

Guwapo ang asawa ko at hindi maiiwasang makahatak siya ng mga babae kahit masungit siya.

Hapon na nang umuwi ang dalawa. Thankful akong hindi nila naabutan ang pag-uwi ni Neon dahil malamang sa malamang ay pagsasabihan nanaman iyon ni Alessa na buntisin na ako. Kahit gusto ko ang ideya ay nahihiya akong ipagkalandakan niya iyon.

Alas-otso y medya na nang gabi nakauwi si Neon. Agad kong inamoy ang leeg nito pagkalapit ko katulad ng bilin ni Alessa. Clear no trace of love bite.

"Hindi ka talaga matatahimik ng isang araw na hindi ako inaamoy ano?"

"Napansin mo?"

Napairap na lang ito sa isinagot ko at pabagsak na nahiga sa sofa.

"Neon puwede ba akong mag-apply as your secretary?" tanong ko nang malapitan ko siya at tulungang magtanggal ng kurbata.

Isa ito sa bilin ni Alessa, madalas daw nagkakaroon ng malagkit na ugnayan ang boss at secretary. Base sa dami ng librong gano'n siguro nga ay totoo.

"No."

"Ayaw mo 'yon maaalagaan kita tapos magkakaper---

"Napag-usapan na natin 'to noon, Erill." Simpleng saad niya bago pagod na hinilot ang sintido.

Yep, napag-usapan na namin 'to dati. Ibinigay niya sa akin ang ilan niyang credit card at naglalaman iyon ng hindi birong halaga, iyon ang ipinambibili ko ng lahat---maging ang gifts ko para sa kaniya na nakakahiya nga kung tutuusin.

Ngumuso ako, "Mas maganda kung ako mismo 'yong maghihirap sa pera ko."

"Pero mas maganda ka."

Kusang nawala ang mga iniisip ko at para bang bigla akong naging mas energize pagkarinig ko no'n.

"Talaga!?"

"Hindi."

Buwisit na lalaking 'to talaga.

Tinalikuran ko siya at akma na sanang tatayo para iwan siya nang higitin niya ang palapulsuhan ko.

"Ano!?" galit-galitan kong tanong.

"I want your cake."

Bigla akong napirmi sa pagkakatitig sa kaniya pagkasabi niya no'n. Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha dahil sa pag-iisip ng maaaring mangyari.

"Nga-ngayon na? As in?"

"Iyon ang gusto kong dinner."

"Dito ba sa so-sofa?" itinuro ko pa ang kinauupuan namin.

"Sa kitchen. Sa table to be specific." Natatawa niyang saad bago ako hilahin patungo nga sa kusina.

Bumilis ang tibok ng puso ko, kahit hindi namin first time na gagawin ito ay parang nakakakaba pa rin---lalo na sa kitchen ang gusto niya.

"Hi-hihiga ba ako dito? O sa sink?" tanong ko turo-turo ang lamesa at lababo sa gilid namin.

"What? Iba yata ang nasa utak mo. I said gusto ko iyong cake na gawa mo---not you---" pinasadahan niya nang tingin ang pagitan ng hita ko saka hinaplos ang batok habang natatawa.

Putcha Kianna! Honeymoon pa!