webnovel

Chapter 6

Esther's POV

After three months...

"You really want to enroll to this school? Private school ito, ah."

I am talking to my Mama. Pumipili na kasi ako ng senior high school na papasukan. I got my eyes on a specific school. Okay lang naman kahit 'di ako makapasok doon, pero kung kaya naman, why not?

Isang buwan na lang ang 4th year high school life ko. Malapit na ang recognition at mukhang matataas naman ang grades ko para makapasok sa private school na gusto ko. It's a certain school with common strands, but you can take special classes for writing. My mother studied there before. She said that she learned so much from that school although she only studied there for a year.

"Kung papayag po kayo. Medyo mahal kasi ang tuition fee kaya hesitant pa rin po ako. Saka I've been studying on public schools since kinder. Baka ma-culture shock po ako," I replied to Mama.

"Kaya lang naman isang taon ang tinagal ko roon dahil hindi ko gusto ang way of teaching, hindi dahil sa financial issues. I like the special classes, but the regular subject teachers are not good. Siguro ngayon iba na ang mga magiging teacher mo kaya pursigido na kong ipasok ka sa school na 'yon."

Binasa ko ulit ang flyer na galing sa school na 'yon. Pumunta kasi ang representatives ng school na 'yon almost two months ago para kumbinsihin ang mga estudyante na roon mag-enroll. Maganda ang itsura ng school. Hindi rin naman sobrang layo mula sa bahay.

"Gusto ko po talaga sa school na 'to, Mama. Itanong ko rin po muna kay Papa. Baka may iba s'yang alam na school."

Ngumiti si Mama at hinagod ang buhok ko. "Ang bilis mong lumaki, anak. Baka isang kisap lang ng mata ko nasa college ka na. I want you to enjoy your youth so when you start studying on senior high school, don't pressure yourself. Just do your best and satisfy yourself, hmm?"

"Opo naman. Never ko naman pong sinasagad 'yong sarili ko para sa grades, but that doesn't mean na hindi po ako nag-aaral ng maayos. I'm enjoying everything, Mama."

Binigyan lang ako ni Mama ng halik sa noo bago s'ya pumasok sa kwarto nila ni Papa. May meeting kasi s'ya ngayong gabi. Ako naman ay pumasok na rin sa kwarto ko.

Itinutuloy ko pa rin ang kuwento ni Jordan at Alessandra. Hindi ko nga lang sila tinatawag. Nalaman ko na ang tamang proseso. Kapag sinulat ko ang pangalan nila sa libro ko, lalabas sila. Kapag binura ko naman ay mawawala sila in an instant. Kung hahayaan ko lang sila at 'di buburahin ang pangalan nila sa pamamagitan ng pag-cross out, 30 minutes lang ang pinaka matagal na makakasama ko sila. Hindi nga talaga sila nakikita ng ibang tao, hindi rin naririnig. Parang mga imaginary friends, hindi naman kasi sila mga multo.

Kapag na-cross out ko na ang pangalan nila ay hindi sila p'wedeng lumabas o magpakita hangga't 'di ko sinusulat ulit ang pangalan nila sa libro. I think the cross out thingy is a way to prevent them from going out for what cost? 30 minutes lang naman ang itatagal nila kahit 'di ko i-cross out ang pangalan nila. The only reasonable use of the cross out method is to make them disappear in a flick of my pen. I don't really understand it.

Nasa chapter 12 pa lang ako ng Abyss from Yesterday. Sobrang busy ko nitong mga nakaraang buwan dahil nga last quarter na. Mas maraming projects tapos may research defense pa two weeks ago. Hindi na nga ako nakakukuha ng maayos natulog sa hapon at tanghali. Madalas na madaling araw na ko nakatutulog.

Bakasyon naman na. Malapit na. Konting tiis at hintay na lang. Gusto kong tapusin ang kuwento nila Alessandra at Jordan. Gumaganda na para sa akin. Ang una ko pa ngang reader ay si Aless, pero s'yempre hindi n'ya alam na p'wede kong makausap ang mga character mula sa story ko. Binibigyan din ako ni Aless ng mga tips. Natutuwa s'ya dahil mas nakakapag-bonding na kami.

I want my parents to read my story once it's done. I mean 'yong edited, revised, and completed story na. Bago ko ipabasa sa kanila, bibigyan ko na ng sapat na effort.

Kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang mag-search. Naghahanap ako ng magandang writing and reading platform kung saan p'wedeng magbasa ng maraming story. Gusto kong matuto mula sa iba kahit hindi ko naman talaga hilig ang pagbabasa. I am not the type of a reader who will tons of books. Okay na sa 'kin kahit 'yong galing lang sa internet. I just need to learn something. I need to learn more to be better.

I don't know how hot the burning fire inside me is. Grabe ang crave ko na matuto pagdating sa pagsusulat. Tapos na siguro ako sa stage na wala akong pasensya sa ganito. I am now embracing it with my arms and legs. Maganda rin kasi ang dulot sa 'kin. Kinakaya ko na 'yong writing activities sa school.

Something popped on my screen. It's a message from Aless. She's asking me if I could come with her this coming Sunday. She's going to have a short gathering with other writers. Isasama n'ya raw ako dahil may kasamang lecture 'yon.

Wala talaga akong balak gumala this coming weekend. Gusto ko lang gumawa ng chapter para may bago ng pagkakaabalahan sila Alessandra sa kuwento nila. Sabi kasi sa 'kin ni Alessandra kapag daw matagal bago ako makagawa ng bagong chapter, paulit-ulit lang ang nangyayari sa kanila sa loob ng kuwento.

Kahit pa tinatamad ako at ayaw kong lumabas ay pumayag pa rin ako sa alok ni Aless. May ibang writers doon. May free lecture pa. Sana may free food. Gano'n sa mga napupuntahan kong lecture. I hope they won't give free coffee. I might end up palpitating in the middle of the lecture.

Sinagot ko ang tawag ni Aless dahil tumawag agad s'ya after n'yang ma-seen ang message ko na pumapayag ako.

"You're really coming with me? I was expecting that you will turn down my offer and you will just sleep on weekend. Anong meron? Okay ka lang ba, Esther?"

Nagtaka ako sa reaksyon n'ya. Gano'n ko ba kamahal ang pagtulog na ganito na agad ang iniisip n'ya? Of course I want to sleep and rest, but I also want to learn. I want knowledge.

"Gusto ko talagang sumama para may makilala akong ibang writers saka para may matutuhan ako. I'll take down notes."

"What if your relatives are there? That's a gathering for writers."

"Ano naman kung nandoon sila? Kapag minaliit na naman nila ang writing skills ko hindi ko na lang sila papansinin at aakto akong hindi ko sila kilala. Bahala sila. Kahit isumbong pa nila ako."

Until now I don't really have a good bond with some of my cousins. They're going out of control. Their words are already painful to hear. Kaya hindi ako close sa kanila. Kaya ayaw ko silang kausapin. P'wedeng mabait sila kapag nakikipag-interact sa readers nila, pero lumalabas ang baho nila kapag alam nilang hindi papalag ang inaaway nila.

"That's the spirit. Magpaalam ka na agad sa parents. Don't worry hindi naman gabi 'yon kaya papayag ang Papa mo. Ala una ng hapon hanggang ala singko ng hapon lang. Susunduin kita para mas pumayag ang Papa mo."

Mas iniisip pa ni Aless kung papayagan ba ako ni Papa. Overprotective nga kasi si Papa. P'wede akong gumala, pero dapat alam n'ya kung saan, kung anong oras ako makauuwi, sinong mga kasama ko, at kung ano ang agenda ko roon.

"Sasabihin ko kaagad sa kanila. Papayag naman sila lalo na dahil tungkol sa writers 'yong pupuntahan natin."

"Sana may gwapo roon. Last year no'ng pumunta ako walang gwapo, eh."

Napatampal ako sa noo ko nang marinig ang sinabi ni Aless. "Ibababa ko na, ha? Sana nga may gwapo roon para naman 'di ka na madismaya."

Narinig ko pa ang hagikhik n'ya sa kabilang linya bago ko naibaba ang telepono. Medyo excited ako, pero kabado rin dahil baka hindi ako payagan. Hindi naman ako p'wedeng magsinungaling dahil eventually malalaman din nila ang totoo. Ayaw kong magsinungaling kaya direkta akong magpapaalam. They're understanding, but I still need their permission. Bukas magpapaalam ako para pareho silang nandito sa bahay.

Hindi ko na muna pinakialaman ang libro ko na mas dumami na ang laman na characters. Humiga lang ako sa kama at tumitig sa puting kisame.

Iniisip ko pa rin kung bakit nabubuhay ko ang mga character na gawa ko. I think the magic is really on the book. I tried using different pens of different colors and it's always working on the book. Hindi ko pa nga lang nasusubukan sa ibang papel.

All I know is that, my life is not that normal. Not as normal as others, but I feel special. Lahat siguro ng writer gustong makausap ang mga character na gawa nila. Malaman ang nararamdaman nila. Malaman kung ano ba ang epekto ng bawat paglapat ng tinta sa papel.

I am lucky in a way, I guess.

TinTalim