webnovel

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig

Serenader 5: JOSEPH LO

AriadneWP · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
12 Chs

Chapter 9

[THIRD PERSON'S POV]

- NEXT DAY -

Friday ngayon at may pasok si Alex sa club na pinili niya.

Ang club na pinili niya ay ang modeling club.

Simula nung bata pa siya ay gustong-gusto niyang maging isang modelo.

Idol na idol niya si Liza Soberano dahil sa taglay nitong ganda.

"Good morning class." Dumating na ang trainer nila sa modeling club.

Pero nagulat si Alex nang kasama ng trainer nila si Joseph. Ang lalaking nanloko sa kanya.

Bigla namang nagtilian ang mga babae nang makita nila si Joseph.

[ALEX'S POV]

Anong ginagawa niya rito? At bakit kasama niya ang trainer namin sa modeling club?

"We have our new student. Kindly introduce yourself?" sabi ng trainer namin.

O_____O

What? New Student?

"Hi, I'm Joseph Lo." pagpapakilala ni Joseph.

"KYAAAAAAAAAAA!" tilian ng mga babae.

Nakakabingi ang tilian nila.

"Keep quiet ladies." pagsuway ng trainer namin sa mga babaeng estudyante.

Tumigil naman sila sa pagtili.

"Sorry for that Mr. Lo." sabi ng trainer namin kay Joseph.

"It's okay Mrs. Dela Paz. May I know where I'm gonna sit?" tanong ni Joseph sa trainer namin.

Oh my god! May bakanteng upuan pa sa tabi ko. Sana hindi nila mapansin.

"You may sit sa tabi ni Ms. Rodriguez since 'yon na lang ang bakante." sabi ng trainer namin kay Joseph.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Hindi niya siguro inaasahang nandito ako.

Napatingin ako sa paligid kung may bakanteng upuan pa pero wala na. Sa tabi ko na lang talaga yung bakante.

No choice kundi pa-upuin ko na lang siya sa tabi ko. Hindi naman ako masamang tao para pa-upuin siya sa sahig.

At isa pa, mas okay 'to dahil makakasama ko siya rito. Mapapadali ang paghihiganti ko sa kanya.

Umupo na si Joseph sa tabi ko.

"It's been a while Alex." bulong sa 'kin ni Joseph.

Hindi ako umimik at nakinig lang ako sa trainer namin.

"I miss you already." bulong pa niya.

Che! Sinungaling ka.

"I love you." - Joseph

Wag kang magpaapekto sa sinasabi ng manlolokong 'yan Alex.

Matapang akong tumingin sa kanya.

"Na-miss mo ako? Pwes ako hindi. You love me? Well, I don't love you. You're just a trash to me. Bakit pa kasi kita naging boyfriend? Napakawalang kwenta mo naman pala. Buti na lang at naghiwalay tayo. I'm just wasting my time to you." mataray kong sabi sa kanya.

Lies. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. This is a part of my revenge.

I saw pain in his eyes.

O baka namamalik-mata lang ako.

"I still love you no matter what." aniya.

Wag kang magpaapekto sa kanya Alex.

"Ikaw lang ang mahal ko." dagdag pa niya.

Hindi ko na kinaya pa ang mga binubulong sa akin ni Joseph kaya lumabas na ako ng room. Wala akong pakialam kung hindi pa tapos ang klase.

Nang makalabas na ako sa room ay tinawagan ko agad si Ann.

("Napatawag ka Al?") tanong sa 'kin ni Ann na nasa kabilang linya.

"Hindi ako makakasabay sa inyo sa lunch dahil masama ang pakiramdam ko. Dalhan niyo na lang ako ng pagkain mamaya sa clinic." sagot ko sa kaibigan ko.

("Sureness.") tugon nito sa 'kin.

Pagkatapos kong kausapin si Ann ay pumunta ako sa clinic para ibuhos ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Joseph.

Pinag-day off ko muna ang nurse dito ng dalawang araw.

[THIRD PERSON'S POV]

Sa cafeteria naman ay nakapila na sina Stevie, Cassie at Ann para bumili ng pagkain.

Sinabi na rin ni Ann kina Cassie at Stevie na nando'n si Alex sa clinic kaya napag-desisyunan nilang do'n sila mag-lunch para samahan ang kaibigan nila.

Sa clinic naman ay matamlay sa Alex dahil sa pag-iyak niya.

Nang dumating sina Stevie, Cassie at Ann ay nagpanggap si Alex na okay at masaya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo Al?" tanong ni Ann sa kaibigan niya.

"Okay na ako. Salamat sa inyo." masayang sagot ni Alex kay Ann. Pinipilit ni Alex na itago ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Teka, bakit namumula ang mga mata mo Alex? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Cassie kay Alex.

Ngayon lang napansin nina Stevie at Ann na namumula pala ang mga mata ni Alex.

Hindi na mapigilan ni Alex ang sakit na kinikimkim niya ngayon. "Ang sakit."

"Ha? Saan ang masakit? Sa mata ba?" tanong ni Cassie kay Alex na may halong pag-aalala.

"Hindi. Dito." sagot ni Alex sabay turo sa kanyang puso.

"Ha? Sa dibdib?" tanong ni Stevie.

"Hindi. Sa puso." sagot ni Alex at may tumulo na namang luha sa kanyang mga mata.

Mukhang na-gets naman ni Ann kung bakit nagkakaganyan si Alex. "Si Joseph na naman ba ang may gawa niyan sa 'yo?"

"Sino si Joseph?" nagtatakang tanong ni Stevie.

"Oo nga at ano ang ginawa niyang hindi maganda kay Alex?" tanong naman ni Cassie.

"Siya lang naman ang manlolokong ex-boyfriend ni Al." inis na sagot ni Ann sa dalawa.

"Manlolokong ex-boyfriend?" sabay na sabi nina Stevie at Cassie.

"Oo." - Ann

"Gago 'yon ha. Gusto mo Alex bugbugin ko siya?" Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ni Stevie.

"WAG!" sigaw ni Alex.

"Ha? Bakit naman? Kailangan niyang turuan ng leksyon." ani Cassie.

"Ako ang sinaktan niya kaya ako na ang bahala sa kanya." tugon ni Alex.

"Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami para tulungan kanya." ani Ann.

"Salamat. Kumain na tayo." ani Alex.

At magkasama silang kumain sa clinic.

[JOSEPH'S POV]

Damn! I miss her so much.

I want to hug her.

I want to kiss her.

I want to comfort her.

I want to be with her.

Medyo nagulat ako nang makita ko ang pagbabago ng itsura ni Alex.

Mas lalo siyang gumanda.

Kanina ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanyang mahal ko siya.

Pero kahit na gusto kong magkaayos kami ni Alex ay hindi pwedeng maging kami dahil soon ay ikakasal na ako.

Oo, ikakasal na ako, or should I say arrange marriage.

Ikakasal ako sa babaeng hindi ko pa kilala. Kaya nga hindi natuloy ang flight namin papuntang Italy dahil do'n. Sa engagement party ko pa makikilala ang babaeng papakasalan ko.

Kung sino man siya. Sana katulad siya ni Alex. O 'di kaya'y...

...si Alex na lang sana ang ipakasal sa akin.

[STEVIE'S POV]

"Kumusta na si Alex?" tanong ng pinsan kong si Cassie kay Ann.

"She's fine. Nagpapahinga na siya sa kwarto niya." sagot ni Ann sa kanya.

Naaawa ako kay Alex dahil niloko siya ng lalaking mahal niya.

Naalala ko bigla ang kapatid kong si Billy. Pareho sila ng sitwasyon. Niloko rin si Billy ng babaeng mahal niya. Kaya nga kinamumuhian niya ako dahil do'n.

"Sige uuwi na kami ni Kuya Stevie." sabi ni Cassie kay Ann.

Umalis na kami ni Cassie sa mansyon nina Alex. Marami pa akong gagawin sa condo mamaya.

Tapos kailangan kong makita 'yang manlolokong ex ni Alex para pagbataan siyang 'wag lapitan ang babaeng mahal ko.

Ako ang makakalaban niya kapag saktan niya ulit si Alex.

[THIRD PERSON'S POV]

- MONDAY MORNING -

"Good Morning Alex." bati ng isang babae sa kanya.

Dinedma lang ni Alex ang bati ng babae na ikinalungkot nito.

"Good morning Miss Beautiful." bati ng isang lalaki kay Alex.

Napatingin naman si Alex sa lalaki at sinamaan niya ito ng tingin.

Natakot bigla ang lalaki kaya tumakbo ito papalayo kay Alex. Syempre si Alex ang anak ng may-ari ng Rodriguez University kaya natakot ang lalaki. She rule the school ika nga.

Patuloy pa rin ang paglalakad ni Alex hanggang sa makarating siya sa locker room para kunin ang mga gamit niya.

Pagbukas niya sa locker niya ay may nahulog na isang maliit na papel. Nagtaka naman siya kaya pinulot niya ito at binasa.

***

I love you Alex.

- JL

***

Nainis naman si Alex sa nabasa niya kaya pinunit niya ang papel at itinapon sa trashcan. Alam na niya kung sino ang naglagay ng papel sa locker niya dahil sa initials nito.

Kinuha ni Alex ang mga gamit niya sa locker at naglakad papunta sa first subject niya.

"Kumusta ka na Al?" tanong ni Ann nang maka-upo na si Alex sa tabi niya.

"Okay na ako. Salamat sa pag-alaga sa akin." sagot ni Alex sa kaibigan niya.

"Wala 'yon. Ganyan talaga kapag mag-bestfriends." tugon ni Ann kay Alex.

Dumating naman ang adviser nila at may inanounce. "Para sa mga modeling club and fashion design students. Kailangan namin ng representatives para sa gaganaping fashion show Next Friday dito sa Rodriguez University."

"Pwede po bang sumali ang hindi modeling club at fashion design students?" tanong ng isang estudyante sa adviser.

"Kung may experience ka sa pagmomodeling. Why not?" sagot ng adviser sa estudyanteng nagtanong.

Na-excite naman ang mga estudyante lalo na si Alex.

"Sali tayo Al at Cassie." sabi ni Ann kina Alex at Cassie.

"Sige." masayang tugon ng dalawa.

[STEVIE'S POV]

Habang naglalakad ako sa corridor ay bigla akong pinatawag ni Ms. Dela Paz.

"Ano po 'yon Ms. Dela Paz?" tanong ko kay Ms. Dela Paz.

"Gusto sana kitang kunin bilang photographer para sa gaganaping fashion show, kung okay lang sa 'yo. May nagsabi kasi sa aking magaling kang kumuha ng pictures. Please pumayag kang maging photographer namin." sabi ni Ms. Dela Paz.

"Sige po." tugon ko kay Ms. Dela Paz.

Sus, 'yon lang? Ang galing ko kayang kumuha ng pictures. Tinuruan kasi ako dati ni Dad kung paano kumuha ng mga good shots gamit ang luma niyang camera.

"Thank you so much for accepting my offer Mr. Williams. Makakatanggap ka ng additional grade from your adviser." sabi sa 'kin ni Ms. Dela Paz.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ms. Dela Paz ay pumunta ako sa Cafeteria para mag-lunch. Ang favorite scene ni Miss Dyosa. Hahaha!

"Kuya Stevie, sasali po kaming tatlo sa fashion show. Sana kami ang mapili." sabi sa 'kin ni Cassie.

"Sakto kasi ako ang napiling photographer para sa gaganaping fashion show." tugon ko kina Cassie, Ann at Alex.

"Really? That's great." nakangiting ani Ann.

Excited na akong kunan ng pictures si Alex.

[CASSIE'S POV]

Halos isang oras kaming naghintay nina Alex at Ann para makapag-audition.

Nagpakitang gilas kami sa tatlong sikat na model sa Pilipinas.

"Sana matanggap tayong tatlo." kinakabahang sabi ni Alex.

"Pwede mo namang pagsabihan ang Mommy at Daddy mo na ipasok ka nila sa fashion show. Remember, ikaw ang anak ng may-ari ng school na 'to." sabi ni Ann kay Alex.

"Hindi ako gano'ng klaseng tao Ann. Hindi ako umaasa sa parents ko para lang makuha ko ang gusto ko. Gusto ko yung pinaghihirapan kong makamit ang gusto ko na hindi umaasa sa iba para maging proud sa akin ang parents ko." ani Alex na parang sumasagot siya sa isang beauty pageant.

"That's a fighting spirit." sabi ko kay Alex.

[ANN'S POV]

Hay naku! Ewan ko ba dito kay Al kung bakit ayaw niyang magpatulong sa parents niya na makapasok sa fashion show.

Nakaka-inggit nga siya dahil anak siya ng may-ari ng school na 'to. Magagawa niya ang gusto niya because she rule this school.

Marami ang bumabati sa kanya at yung atensyon ng mahal kong si Stevie ay nasa kanya na.

O 'di ba? Ang lahat ng gusto ko ay nasa kanya na. Pero sinasayang niya lang 'to.

"Oo nga pala, pumunta kayo sa condo namin ni Kuya Stevie sa Sabado ng gabi. Magmo-movie trip tayo." sabi sa 'min ni Cassie na ikinatuwa ko.

Wow! Movie trip? Sa condo nina Stevie? Tatanggi pa ba ako?

"Gusto ko 'yan. Pupunta kami ni Al." masayang tugon ko kay Cassie.

"Good, so kita kits tayo sa Sabado." ani Cassie.

Tumango naman kami ni Al.

Yes! Makakasama ko si Stevie my loves.