webnovel

ME (2)

"Gurl ingat sa pag uwi ha" Francine

"kayo din ingat." sabay beso sa kanila. Pag ka alis nilang dalawa kinausap ko si kuya Berting para mauna na siyang umuwi. Ayaw pa nia nung una pero napili ko rin. Gusto ko lng mapag isa.

Napagpasyahan kong mag bar muna tutal 6 palang naman. Konti pa ang tao sa bar pag ganitong oras.

"Margarita please" sabi ko sa bartender. Sigurado papagalitan na naman ako ni papa neto. at siguradong pinapagalitan na rin si kuya Berting.

nakakadalawa pa lang ako ng margarita ng my magsalita sa gilid ko.

"Lalim ng iniisip ah, di ko masisid"

inirapan ko lang siya.Mag oorder na sana ulit ako ng mauhan nia ako

"Isa pa ngang margarita para sa magamdang binibini" sabi niya

"thank you but no thanks, baka kung my drugs pa yan wag na. Saka kaya kong bumili ng sarili ko."

"Di ka lang maganda, judgemental ka rim" sarkastikong sabi niya. " kahit panoorin mo pa kung pano nia gawin yang margarita mo para masiguro mong walang ibang halo" dagdag pa niya.

"Mabuti ng sigurado no" Binigyan na ako ng margarita ni kuyang bartender. Dahan dahan kong ininum ito ng nakaharap sakanya, saka dinilaan ang labi ko na parang nang aakit. Pagkatapus kong ilapag ang baso tumayu na ako at lumapit sakanya sabay bulong sakanya habang ang isang kamay ko ay nasa dibdib niya habang nag lalakbay ito doon.

"salamat sa margarita next time ulit" sabi ko sakanya tunog nang aakit parin.

Palabas na ako ng bar ng may humawak sa kamay ko saka hinila papunta sa parking lot. Isinadal niya ako sa isang itim na Kotse mukhang mamahalin.

"kotse mo?" tanung ko ng akmang hahalikan na niya ako.

"Ah hindi sa amo ko yan" sagut niya, bahagyang lumayo at nagkamut ng ulo.

"Ah ok. siya sige aalis na ako bye" sabi ko nalang saka umalis.

pag dating ko mg bahay derederetso ako ng lakad walang lingon lingon.

"Bakit ngayumn ka lng anong oras na!" bungad ni mama pero hindi ko siya pinansin. Dertso parin ako paakyat ng hagdan.

"kinausap ko ang papa mo, pinakiusapan ko siya na kong pwedeng tapusin mo muna yung pag aaral mo bago ang kasal, ang sabi niya depende daw kung kelan darating yung anak ni Mr. Lim." dagdag niya.

"Salamat ma ha! Ang laki ng naitulong mo"sabi ko sabay talikod sakanya.

"Next year pa daw ang dating niya anak." habol ni mama

11 pa lang ng gabi kaya naisipan kong magbasa muna ng notes.

RING

RING

RING

Group call, Francine at claire

"oh anong problema niyo?" bungad ko sakanila

"Wow di uso ang hi or hello?" maarteng tanong ni Francine.

"What ever" sabay irap ko sakanya.

" seriously gurl badtrip ka no?"

"ano pa ba? hays ang tagal ng araw sana graduation na" sagot ko naman.

" atat masyado " sabi naman ni Claire habang sumusubo ng chips

"sino namang hindi! ang pangit ng buhay ko. Oo nasaakin na lahat wala ng mahihiling pa, pero lahat my kapalit."

" Uii ate gurl WALA KANG LOVELIFE un ang kulang sayo" Francine

"hahahahahahahahah" Claire

"CHE! BAKLANG TO! isa ka pa imbis na i cheer niyo ako, pero hindi eh, anong klasing kaibigan kayo?" angil ko sakanila

"anong klaseng kaibigan kami??hmmmm! ako si maganda at siya si pangit." turo niya kay Claire

"WOW HIYANG HIYA" sabay naming sabi ni Claire

"hahahaha! oh siya good night na good luck bukas. muah!"

"ok bye guys see yah tomorrow"

sabay sabay na naming pinindot ang end botton. Dinalhan na rin ako ni ate melba ng dinner.

But ba kasi only child lang ako sana mu kuya ako para mag tatanggol saakin o kaya naman ate para siya nalang ang ipakasal.

Si mama sunod sunuran nalang kay papa. Ung kahit mali si papa ay ok lng sakanya, feeling ko nga eh hindi nila ako mahal, kasi nmn ang daming bawal.

Hays nakakapagud rin naman kasing maging puppet ni papa. Si papa naman lahat ng gusto niya masusunod, lahat tama kahit mali.

MATATAPUS DIN ANG LAHAT GEM. KAYA NATIN TO LABAN LANG.