webnovel

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
14 Chs

Chapter 4

NAKAUWI naman ako ng maayos. Syempre, inihatid ako dito sa bahay ng Shinwoo triplets. Nakaka-overwhelmed nga, e. Imagine, maraming kababaihan sa school ang nagkakagusto o nagpa-fangirl sa kanila, tapos ako nakasama ko pa sila sa iisang sasakyan. Swerte ba ako?

Kung tutuusin, sa akin naman, normal nalang ang makasama sila. Kasi tuwing may family gatherings, nakikita ko sila doon. Iba nga lang talaga pagdating kay Enzo. Iba 'yong feeling ko na parang nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Nakakapagtaka nga, e. Ang alam ko kasi crush ko lang siya pero minsan ang OA na mag-react ng puso ko.

Hindi ko na minsan ma-handle at maintindihan. O sadyang OA nga lang talaga ako?

"Ate, bakit nakangiti ka? Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Rance. Panira talaga, e.

Ang ganda ganda kaya ng mood ko dahil si crush ay nakasama ko. Kesye nemen.

"Don't mind me." Sagot ko saka dumiretso sa kusina. Naroon na kasi ang lahat for dinner.

"Reiko. You're late." Sabi ni Dad.

"Uh, Dad. Galing po ako sa patahian ng uniform for muse. Inihatid po ako ng Shinwoo triplets. Muse kasi nila ako sa darating na inter-university basketball league." Paliwanag ko.

"Wow! That's great. Ikaw ang muse nila? Is it because you're pretty." Sabi ni Mom. "You know what? Kahit head over heels ang Dad mo sa akin dati nong college days namin, never niya akong ginawang muse ng team nila."

Natatawa ako minsan kay Mom. Lalo na kapag ang ikinukwento niya ay iyong college days nila ni Dad. Siguro napakasaya nila noon.

"Tch. Wife, you know that we didn't want to look for a muse. Kay Kyle, magagalit si Chelsea. Kay Adrian magagalit si Janna. Kay Oliver magagalit si Angel. And you, magagalit ka sa akin. So it was better for not having a muse."

Mom rolled her eyes. "Kahit na."

"But you're always be the muse of my life."

Bumanat na naman si Dad kay Mom. Minsan para talaga silang teenager, e. Nakaka-inggit tuloy 'yong love story nila. Sana ganyan din ako, iyong kahit mag-asawa na, para pa ring mga batang nagkakatampuhan.

"Tigilan mo ako sa pagbanat mo ng ganyan, hubby. Alagaan mo si Yuan bukas. Hindi ka papasok sa company. Okay?"

Here comes the boss. She can boss my father around. Nakakatuwa talaga sila. Ganon din kaya kami ni Enzo sa future?

Eeeeh. Bakit kasi ako kinikilig, e. Iniisip ko lang naman si Enzo. Hay naku, kailan kaya kita makakamtan?

Hindi na ako nakinig sa debate ni Mom and Dad bagkus ay inaabala ko na ang sarili ko sa pagkain.

Nang mapansin kong may sliced pakwan sa ibabaw ng mesa ay bigla akong may naalala.

Si Enzo! What's with him and pakwan? He loves pakwan? Or baka favorite fruit niya? Ah, baka nga.

"Kuya Miko!" I called him. He's busy eating his food.

"Yeah?"

"Anong favorite fruit mo?" Tanong ko.

Kumunot pa ang noo niya. "Nothing. Anything will do."

Okay? "Ikaw, Rance?"

"Ako? Wala. Kahit ano lang din. Pare-pareho lang naman ang mga prutas.

"Ikaw, baby Yuan? What is your favorite fruits?" I asked my little brother.

"Dami!" He answered.

Eh? Bakit si Enzo kalalaking tao, paborito ang pakwan? Bakit ang mga kapatid kong lalaki puro kahit ano lang?

Natutop ko ang bibig ko. Hala? Baka...

Baka mahilig sa malaking boobs si Enzo! Kaya gusto niya ang pakwan. Ini-imagine ba niyang boobs iyon?

Napatingin ako sa boobs ko. Flat screen. Wala ng pag-asa.

Huhu. Mahilig siya sa malaki! I cannot, Enzo! Bakit?

"Reiko, are you okay?"

Natauhan ako nang marinig ang boses ni Mom.

"Y-Yes mom. Kakain na po ako."

OMG. Mahilig si Enzo sa pakwan dahil doon sa boobs? Hindi ko kinakaya. Wala na akong laban! Talo na agad ako. Should I take a supplement na pampalaki ng boobs? Ah, no. I should think of any reason.

Pero wala ehhhhh! Bakit nga ba kasing mahilig sa pakwan si Enzo?

First mission. Stalk him. Aalamin ko na ang lahat ng tungkol kay Enzo. Hindi ko kayang isipin na pakwan lang talaga ang gusto niya. Imposible 'yon! Hindi pwedeng hindi siya maa-attract sa mga babae. Kahit sino pa 'yan. 

-

At SWU

Tulala ako. Para akong bangag na hindi maintindihan. Though puyat talaga ako. Pero kasi!

"Besty, ayos ka lang ba? Para kang naka-drugs. Ipapahuli na ba kita kay President Duterte. Kasi, my God! I hate drugs!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mong siraan kita kay Kenzo?"

"Naman, besty! Hindi ka na mabiro. Ano ba kasing nangyari sa iyo? Mukha kang may iniisip na napaka-lalim. 'Di ko na ma-reach. Iyan ba iyong tinatawag na ultimate bias syndrome?"

"Ano?"

"Iyong hindi na mawala sa isip mo iyong bias mo. Iyong crush mo. Na tipong umaabot na kayo sa dream land. 'Yong papakasalan mo siya. Hay, heaven."

"Mas malala ka pa sa akin." Sabi ko.

"Grabe siya. Ganito lang talaga ako! Ano ka ba, alam mo namang super bias ko si Kenzo sa lahat ng SWU Wolf. Siya ang pinaka-gwapo sa lahat tho kamukha niya lang 'yung triplets niya. Siya pa din! Gusto ko 'yung supladong dating niya."

I rolled my eyes. Iba talaga kapag fangirl ka, e. Pero ako kasi crush na crush ko lang si Enzo pero 'di pa naman ako malala. Ngayon pa nga lang ako magsisimulang i-stalk siya, e.

"Ciara. Kailangan ko ng opinyon mo. Pati na rin ng instinct mo." Seryosong sabi ko. Mula kagabi, 'yong pakwan na ang iniisip ko at hindi ko na kakayanin kung hindi ko ito maii-share.

"Ow! I like that. Ano 'yan? About sa lesson kahapon? Wala akong maitutulong talaga. Hindi ako pumasok kahapon."

"Pumasok ka kahapon. Gaga!" Sabi ko. "At hindi ito about sa lesson o sa studies natin. This is about Enzo."

Nanlaki ang mga mata niya. "About Enzo?! Gosh, besty. Naku. Ano 'yan? Nalaman mong bakla siya at may fafa siya? Tapos ano? Hindi mo na alam ang gagawin mo at mas gugustuhin mo nalang na magpakamatay? Tatalon ka mula sa 2nd floor building. Ganoon ba besty?"

Hinila ko ang buhok niya. "Kahit kelan, baliw ka talaga, e. Una, hindi bakla si Enzo. Asa ka! Pangalawa, lalong wala siyang fafa. At pangatlo, kung magpapakamatay lang din ako, bakit mula lang sa 2nd floor ng building? Ano 'yun jumpy jumpy? Gaga ka talaga."

Nag-peace-sign siya. "OA lang. Ano ba kasi 'yon, besty. Bigla akong na-excite sa ishe-share mo, e."

"Nagtataka kasi ako." Huminga ako ng malalim. "Lagi kong nakikita si Enzo na kumakain ng pakwan. Even his stuff, puro pakwan. I can't understand why. Kung favorite fruit ba niya iyon o ano. Kaso tinanong ko 'yung tatlong kapatid kong lalaki kung may favorite fruit sila pero lahat sila, wala. Kahit ano lang. Pero si Enzo, kakaiba talaga e. Pakwan."

"So anong opinyon ang gusto mo, besty?l

"Naisip ko lang. Hindi ba't kapag nakakakita tayo ng malaking boobs, kadalasan, pakwan ang tawag? Hindi kaya mahilig si Enzo sa malalaking boobs tapos iniimagine niya iyong mga pakwan niya na boobs 'yon? I cannot, besty!" Sabi ko.

Nakatunganga lang sa akin si Ciara. "Yung totoo, besty? Nababaliw ka na ba? Si Enzo, mahilig sa boobs?" Nanlaki ang mga mata niya. "OMG! Posible! At wala ka ng pag-asa dun! Huhu. RIP sa boobs mo, Reiko!"

Hinila ko na naman ang buhok niya. "Napaka-supportive mo talaga, e. So anong opinyon mo. Tingin mo tama ang naiisip ko? Tingin mo, ano?"

"May point ka, besty. Pero malay mo mahilig lang talaga siya sa pakwan kasi masarap?"

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam. Pero kasi, besty. Ang flatscreen ko. What to do?"

"Don't tell me balak mong magpalaki ng boobs? Naku, besty ha! Masama iyan saka mas maganda ang natural. Ano, magiging laking vicky belo ka na din?"

"Hindi 'no. Nangangamba lang ako kasi nga kaya pala parang 'di ako masyadong pinapansin o tinitingnan man lang ni Enzo kasi flat ako. Huhu."

"Huhu nga besty. Okay lang 'yan. Flat din naman ako. Hindi ka nag-iisa."

"Pero ako ang may crush kay Enzo!"

"Mabuti nalang libro ang hilig ni Kenzo ko, at hindi boobs! Hahaha! Tanggap niya ako kahit flat ako. Kasing-flat ng mga books niya."

Baliw talaga. Tuwang-tuwa pa siya samantalang ako, hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano ba kasing meron sa pakwan? Saka wala na ba talaga akong pag-asa dahil flat ako? Aaaahhh! Ayoko na mag-isip.

"Alam mo besty, stalk mo nalang siya. Medyo makakasama mo rin naman siya kasi muse ka nila. Kapag nagkasama kayo, make a conversation! Tapos tanong tanong ka ng mga about sa kaniya! Tapos sasabihin mo sa kaniya, ang susunod na pag-uusapan natin ay Rated SPG---"

"Baliw ka talaga! Anong SPG ka diyan! Hindi ako ganoon!"

Ngumiwi siya. "SPG. Super pak ganern. Ikaw talaga kung ano anong naiisip mo, e."

Okay, napahiya ako don. Pero ano na ba, i-stalk ko na talaga siya? So magsisimula ako sa facebook account niya.

"Ikaw na matalino." Sabi ko.

Huminga ako ng malalim. Start the mission! Para sa future ko. Gosh. 

-

ENZO POV

NANINIBUGHO ang aking damdamin sa sinapit nila. Wala silang kamalay malay na may mangyayaring masama sa kanila. Wala silang ginagawang masama. Ginagawa nila ang lahat para mapasaya ako pero may mga taong malulupit at walang pusong pumapatay...

"Enzo, peace tayo."

Sinamaan ko ng tingin si Renzo. Gagong 'to. "Makakapatay ako!"

"Easy, bro! Natuwa lang ako. Hindi ko sinasadya talaga!"

"Pagkatapos mo silang paglaruan, sasaktan at papatayin mo?!" Sigaw ko.

Hindi kaya ng puso ko. Naghihinagpis ako. Gusto kong maghiganti.

"Bro naman. Nakakita kasi ako ng samurai sa kwarto ni Kenzo, e. Hehe. Kaya sinubukan kong maglaro ng fruit ninja. Sorry na bro. Bibili nalang akong maraming pakwan bilang kapalit."

Mas lalong sumama ang tingin ko kay Renzo. "Akala mo ganoon lang kadali iyon? Masakit dito oh. Masakit!"

Tumawa siya. "Tangna, bro. Wag ganyan. Ang laughtrip mo, e. Pakwan lang 'yan."

"Huwag mong tatawaging pakwan ang pakwan! At huwag mo nila-lang 'yun!"

"Wahahah! Oo na bro. Basta papalitan ko nalang. Galing kong magsamurai 'no? Sampung pakwan, todas!"

"Ikaw ang totodasin ko!" Sigaw ko saka siya hinabol.

Masaya ako kanina pero nang madatnan ko ang pangyayari sa kusina ay bigla akong nanlumo.

Nagpu-fruit ninja lang naman si Renzo kanina gamit ang mga pakwan ko. Ang mga inosenteng pakwan na nagkapira-piraso sa sahig. Nasasaktan akong makita silang ganoon!

"Shit! Sorry na nga bro!" Sigaw ni Renzo habang tumatakbo paikot sa salas.

Hawak ko ang tinidor na nakuha ko sa mesa sa kusina. Tutusukin ko si Renzo bilang ganti! Ipaghihiganti ko ang mga pakwan ko!

"Mas mahalaga pa ang pakwan ko sa buhay mo! Tutusukin talaga kita nito sa ilong!" Sigaw ko saka hinabol ulit siya.

"Bro tama na! Bibilhan nga kitang maraming pak---watermelon nga! Aba!"

"Ilang araw kong inalagaan ang sampung pakwan kong 'yon! Itinatabi ko pa sila sa kama ko sa gabi tapos makikita kong pinaglaruan mo sila! Kung alam ko lang na mawawala na sila ngayon, dapat mas inalagaan ko sila kagabi at niyakap ko sila ng mahigpit!"

"Tangna bro. Tama na! Hahahaha! Masama na 'yan! Lakas tama ka!"

"Gago ka, Renzo! Lagot ka talaga sa akin! Matitikman mo ang batas ng api!" Sigaw ko pa saka hinabol siya lalo.

Pero napatigil kami nang dumating sina Mom and Dad.

"What is happening here?" Tanong ni Dad.

"Dad hindi ko talaga sinasadyang i-samurai ang mga pakwan ni Enzo. Nag-fruit ninja live action kasi ako. Ayan, galit na galit sa akin. Papalitan ko naman, e! Gagawin ko pang bente piraso!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Renzo.

"Dad wala siyang puso." Sabi ko.

Ngumiti si Mom. "Anak, Enzo. Don't worry. Paparusahan ko si Renzo. You stop now. Then tomorrow, magpapa-harvest ako ng watermelons from plantation. Is it fine?"

"Hindi niyo alam ang nararamdaman ko, Mom." Seryosong sabi ko.

Akala ba nila simpleng mga bagay lamang ang pakwan ko?

"Son, stop it. I will punish him. Alright?"

"You should, Dad. Tch." Sabi ko. "Humanda ka sa akin, Renzo. Gaganti ako!"

"Enzo!"

Tumalikod na ako paakyat sa taas. Nagkulong ako sa kwarto ko at niyakap ang pakwan pillow ko na pinasulubong sa akin ni Ate Chylee.

"Mga pakwan ko, ako ang defender niyo. Hindi ko hahayaang masaktan na naman kayo." Bulong ko.

Baliw na yata ako pero mahal ko talaga ang pakwan. PakwEn forever. Walang titibag.

At 'yang si Renzo. Lintik lang ang walang ganti!

Napatingin ako sa phone ko. Nag-beep. Sino kayang nagtext. Baka load na naman galing sa mga may crush sa akin.

Kumunot ang noo ko nang galing ito kay Reiko Abellano. Bakit kaya?

From: Reiko

Hi Enzo! May itatanong lang sana ako. May practice ba kayo bukas? Balak ko kasi kayong dalhan ng cake. Nag-bake kasi kami ni Mom kanina and naisip ko kayo.

Mabait talaga 'tong si Reiko. Maganda pa.

To: Reiko

Hindi ako mahilig sa cake. Pero baka ang iba kong teammate magustuhan yan.

Bihira lang ako mag-text. Kapag mga importanteng bagay lang. Pero kalat na kalat ang number ko sa campus. Ewan ko ba.

From: Reiko

Sayang! Pero sige. Sa teammates mo nalang :) Dalhin ko nalang bukas sa gym 'yung watermelon cake.

Nanlaki ang mga mata ko sa reply ni Reiko. Watermelon cake? Pakwan flavor na cake? Iyon ba? Aba, aba!

To: Reiko

Mahilig pala ako sa cake. Hehe. Sa akin mo na ibigay ng personal. Ako na bahalang magshare sa teammates ko.

Nagpu-puso na naman ang mga mata ko. Pakwan cake. Oh, pakwan cake ko!

From: Reiko

Sure. Sure! Goodnight.

Teka muna. Parang 'di ako makakatulog nito. May pakwan cake ako bukas!

To: Reiko

Basta sa akin mo ibibigay ha? Para mahati ko para sa lahat. Hehe.

Pakwan cake!

Nahiga na ako at ipinatong ang phone ko sa side table. Naglaway ako bigla sa cake. Aagahan ko pasok bukas. Abangan ko na kaya si Reiko sa gate? O kaya sunduin ko na siya sa bahay nila? Hehe.

Bahala na nga bukas.