webnovel

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
14 Chs

Chapter 12

REIKO

ANG puso ko, parang tulirong tuma-tumbling na dahil sa sinabi ni Enzo kanina.

Akin ka lang...

Gumulung gulong ako sa kama ko dahil sa kilig. Ikaw ba naman ang sabihan ng ultimate crush mo nang ganoon!

Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko kanina kaya ang nangyari, tumakbo ako palayo. Hay, ngayon ako nagsisi. Paano pala kung magtatapat na siya ng nararamdaman niya para sa akin? Kyaaaaa! I missed that special moment sana! Ang gaga ko.

Tumunog ang phone ko. It's my bestfriend, syempre.

"Ang gaga mo, besty!"

I pouted my lip. "Sobrang gaga! Nakakainis. Bakit kasi hindi mo ako pinigilan kanina?"

"Bakit parang kasalanan ko pa, besty? Ikaw 'tong basta nalang tumakbo. Baliw ka talaga. Takang taka tuloy sina Enzo."

"E paano naman kasi bakit bigla niya akong sinabihan ng gano'n?! Huhu. Nabigla ako besty. Ang rupok ko sobra. Ikaw ba ang sabihan ni Kenzo ng ganoon, hindi ka ba tatakbo sa gulat at kilig?!"

Hindi agad sumagot si Ciara.

"besty?"

"Wait nga lang, Reiko. Ano bang narinig mong sinabi ni Enzo?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit? Sabi niya kasi, akin ka lang. Sa kanya lang daw ako e."

"Ay, nalintikan ang gaga. Bingi ka gurl? Sabi ni Enzo, akin nalang. Kasi may hawak kang panyo na pakwan prints kanina. Doon nga siya nakatingin sa kamay mo. Jusko kang babae ka. Ang bingi mo!"

Parang nag-rumble bigla ang isip ko. "Wait, you mean... sabi ni Enzo ay akin nalang. As in akin nalang at hindi akin ka lang?"

"Bingi ka talaga besty, jusme! Iyong panyo mo bet mo. Hindi ba't binili mo yata talaga ang panyo na 'yon kasi naaalala mo si Enzo sa pakwan noong nag-mall tayo one time."

Oh my gosh. So does it mean, nag ilusyon lang ako?

"Hala, hala! Nakakahiya!"

"Nakakahiya talaga besty. Akala tuloy ni Enzo nagalit ka kasi gusto niya 'yung panyo mo. Kumusta ka naman gurl 'di ba?!"

Hindi ako makapaniwalang nilamon na ako ng sistema ko kaya nabingi na rin ako. Na-mesmerized yata ako sa kagwapuhan ni Enzo kanina kaya iba na ang naririnig ko. Nakakahiya, waaaaa!

"Anong gagawin ko? Waaaa, nakakahiya!" Sabi ko.

Agad na naputol iyonf kilig na nararamdaman ko kanina. Fake news pala ako sa sarili ko.

"Mahiya ka lang besty. Ikaw kasi e."

"Very supportive mo talaga."

Tumawa siya. "Kunwari nalang wala kang naalala."

"Ewan ko na! Paano ko la haharapin si Enzo? May practice pa naman sila bukas at in-invite nila akong manuod."

"Wow talaga? Sige nuod tayo! Para makita ko ulit ang Kenzo ko."

"Baliw ka ba? Nakakahiya na nga 'di ba? Ano nalang sasabihin ni Enzo?"

"Sasabihin niya lang na madamot ka kasi ayaw mo ibigay ang panyo mo." Tumawa siya ng malakas.

"Mang-asar ka pa, ha! Kapag ito nangyari sa 'yo at Kenzo, tatawanan talaga kita!"

"No, no, no! Hindi ako bingi besty. Pagdating kay Kenzo, alive and alert ako."

"Ewan ko sa 'yo. Matutulog na nga ako. Nakakainis!"

"Uyyy, umasa siya."

"Whatever."

Pinutol ko na ang tawag. Nakakainis talaga! Paano nalang kung hindi ako tinawagan ni Ciara? Hindi ko malalaman ang totoo at bukas, for sure mag-a-assume ako na gusto ako ni Enzo! Hindi ko ma-imagine.

Paano nalang kung sinabi ko bigla kay Enzo na, sige sa iyo nalang ako. Oh my gosh!

Ayoko na. I need to sleep! Argh.

TAHIMIK akong nakaupo dito sa room habang si Ciara nagpapanggap na amy hihiraming libro sa library. Porke nalaman niyang andon si Kenzo.

Iniwan ako ng bruha.

"Okay ka lang?"

Tumango ako perk agad din akong nagulat dahil may nagsalita sa tabi ko.

"Hi, Princess!"

Bahagya akong ngumiti. Dinaig pa ni Dean ang kabute. Bigla nalang siyang sumulpot.

"Nagdala ako ng cookies. Nabili ko sa cafe sa labas ng school. For you." Ipinatong niya ang paperbag sa desk ko.

"T-Thank you."

Medyo creepy pero mukha naman siyang mabait. Saka siya lang iyong naglakas loob na manligaw sa akin na nagpaalam sa Dad ko.

Sa dami nang nanligaw sa akin, never sila humarap sa parents ko.

"Tatawagin lang sana dapat kita sa may pinto pero mukhang malalim ang iniisip mo. Isa pa napansin kong wala 'yung bestfriend mo kaya tumabi na ako sa 'yo."

"Ah, okay." Medyo awkward lang talaga kasi hindi pa naman kami ganoong magkakilala ng lubos.

Unang una, bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko. Pangalawa, iba rin ang tingin ng mga classmate ko sa akin dahil hindi ko naman maitatanggi. He's handsome and hot. Though, hindi siya kasingsikat nina Enzo, ang lakas din ng hatak niya sa girls.

Mga inggitera pa naman ang mga kaklase ko lalo na si Glecy na parang ililibing ako ng buhay sa klase ng tingin niya.

"Hindi ka ba komportable sa akin, Princess? Sorry kung bigla bigla nalang akong sumusulpot. It's just that..."

"Okay lang. Maybe we can be friends muna so we can get to know each other." Sabi ko.

"Yeah, tama ka. Alright, Princess. I have to go. May class pa ako. Enjoy the cookies and I'll call you later."

Tumango lamang ako. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang makalabas siya ng room namin.

"Wow naman, Reiko. Hindi ka pa nakuntento sa Shinwoo triplets. Pati ba naman si Theo Dean?"

So kilala siya ni Glecy?

"Do you know him?"

She rolled her eyes. "My God, Reiko! Palibhasa puro landi lang ang alam mo. Siya lang naman ang panlaban sa mga quiz bee sa ibang school. He's a genius!"

Okay, alam kong matalink siya dahil kay Kenzo.

"Nagsisimula ka na naman, Glecy. Gusto mo bang magharap na naman tayo sa guidance office?"

Wala na siyang naging role kundi maging panira ng araw ko.

"Alam mo, pasalamat kalang na kaibigan ng pamilya mo ang Shinwoo. Kung hindi, sa kangkungan ka na pupukutin. Hindi mo ako matatakot sa guidance guidance na 'yan. Slut."

Napailing nalang ako. Nakakaawa ang parents niya, gosh.

"Pasalamat ka rin hindi ka pa napapatalsik sa school na 'to dahil d'yan sa ugali mo. Alam mo, Glecy, kung trip mo ang Shinwoo triplets, go. Landiin mo sila."

"Hindi ako kagaya mo na malandi, Reiko!"

Tumawa ako. "Wow, may dignidad ka gurl? Hindi malandi? E kung makaangkin ka sa mga lalaking hindi naman sa'yo. Glecy, for your information, close ko ang Shinwoo triplets, ikaw hindi. Kaya stay where you are."

"Gusto kitang sabunutan at ilampaso ang mukha mo sa sahig but I chose not to. Syempre ayokong madungisan ang kamay ko ng isang Reiko Abellano. Duh! Close ka lang nila but they will never be yours. Asa ka!"

Ang laki talaga ng galit sa akin ng babae na 'to.

"And about Theo Dean, he's my ex boyfriend! I dumped him dahil pinagsawaan ko na siya. Baka nga kaya ka lang niya nilalapitan ay para magpapansin sa akin."

Kumunot ang noo ko. Ex siya ni Dean? Seryoso ba? Okay, aaminin kong maganda naman si Glecy pero dahil full make up siya palagi. And besides, sexy siya kasi mahilig siyang magsuot ng kulang nalang maghubad siya.

Pero hindi ako informed na katulad pala ni Glecy ang type ni Dean? Hindi ki alam kung bakit ako na-disappoint bigla.

"Okay." Tanging sagot ko.

Nakakapagod makipag-argument sa puro salita lang.

Tumawa siya. "Poor Reiko, mapupunta alng sa kaniya ang basurang tinapon ko na."

I rolled my eyes. "Parang ikaw naman yata ang basura, Glecy."

Susugurin pa sana niya ako nang dumating na si Ciara. Naharang niya agad ito. Gusto niya yata ng part two ng sabunutan.

"Hoy ikaw, hindi ka pa nadala? Gusto mo talaga mapaalis sa school na 'to? Tawagan ko kaya sina Kenzo?"

"Pakialamera! Hilig makisawsaw. Feeling hero ka, girl?" Sabi ni Glecy.

"E, ikaw feeling maganda? Tsupe! Bawal lumapit da amin ang mga pangit kapag walang make up."

Nagtawanan ang ilang classmates namin.

Lalomg sumama ang tingin sa akin ni Glecy saka nag-walk-out.

"O kita mo na? Butthurt siya. Nag-walk-out siya kasj totoo. Maganda lang kapag naka-make up. Bakit hindi niya tayo gayahin, ano? Tamang powder at liptint lang."

"Hayaan na natin siya. Wala na naman siyang magawa sa buhay niya."

"Epal talaga, arghh! Isumbong mo nga 'yan kay Enzo, besty."

Si Enzo...

Bigla kong naalala ang kagagahan ko. Hay, ni hindi ko aiya kayang harapin.

Ano ang dapat kong gawin?

Magsorry sa kaniya dahil tumakbo ako bigla? Sabihin ko sa kaniya na emergency kaya napatakbo ako? Or kaya nabingi lang talaga ako? Ewan ko ba! Nakakahiya talaga. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.

Tumunog ang phone ko at nanlaki ang mga mata ko dahil.... dahil....

Enzo calling...

Ano na?! Anong sasabihin ko?!

"Ah, hello?"

"Reiko, free ka ba mamayang hapon? Yayain sana kita sa amin."

Nagfoform na naman ng heart ang puso ko. Mukhang okay naman siya. Nakalimutan na yata niya anh nangyari kahapon?

"Oo naman, free ako. Sure, Enzo."

Sinong may sabing hi-hindi ako kay Enzo? Syempre always oo!

"Sige, Reiko. Sa akin ka na sasabay pauwi ha. May dala akong kotse. Dalawa lang tayo."

Napalunok ako. Masosolo ko ang Enzo ko!

"Sige. Hehe." Ang arte ko tumawa kainis!

"Bye Reiko, see you later."

Pinaypayan ko ang sarili ko saka humawak sa mga kamay ni Ciara. Abang na abang siya sa sasabihin ko.

"Inaya ako ni Enzo sa bahay nila tapos sabay na daw ako sa kanya pauwi. Dalawa lang daw kami sa kotse niya. Kyaaaaaaa! May balak yata siya sa akin besty!"

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. "Alam mo besty? Ikaw lang din ang masasaktan sa pagiging assumera mo. Hay naku! For sure, magpapaturo lang 'yon mag-bake ng pakwan cake! Echosera!"

Bahagya kong hinila ang buhok niya. "Panira ka talaga."

"Nang re-realtalk lang ako 'no!"

"Ewan ko sa 'yo basta excited na akong umuwi!"

"Wag kang echosera! Kakapasok lang natin, uuwi agad. Ikaw Princess Reiko ha, isusumbong na kita kay Tita Yumiko."

"Bestfriend ba Talaga kita?!"

"Ewan ko sa 'yo, besty. Baliw din naman ako kay Kenzo pero hindi ako assumera."

"We? Talaga lang ha?"

Natawa nalang siya. "Syempre joke lang 'yon. Aasa hangga't may pag-asa!"

Baliw talaga. Natawa nalang din ako. Lakas mag realtalk pero wala namang masamag umasa e. Basta ang mahalaga, kaming dalawa ni Enzo.... solo mamaya. Kyaaaa!