webnovel

A N G I S K R A M B O L

Sa Palo Alto National High School may dalawang estudyante na nagngangalang Maebeth at Maybelle. Sina Maebeth at Maybellene ay masisipag na magaaral sila ay nasa ika-9 na baiting pa lamang at ang isa sa mga asignatura na kanilang pinagaaralan ay ang TLE kung saan may iba't iba itong sangay gaya ng cookery, baking and pastry, beauty care, ICT, at Electronics ngunit ang napili ng dalawa ay beauty care. Sa beauty care sila ay tinututuraan sila ng mga bagay ukol sa pagmamanicure at pedicure nang sa gayon ay maari silang kumita mula rito.

Isa sila Maebeth at Maybelle sa mga nagugustuhan at laging kinukuha ng mga guro upang magpalinis sapagkat mahusay ang gawa ng dalawa, dahil dito sila ay kumikita kahit nagaaral pa lamang. Tuwing oras ng kanilang klase kinakailangan nilang kumuha ng isang guro upang kanilang maging kliyente at ang mga gurong ito ang magbibigay sa kanila ng grado para sa praktikum na iyon. Laging magkatuwang ang dalawa sa tuwing sila ay maghahanap ng pede nilang maging kliyente at laging mataas ang nakukuha ng dalawa.

Isang araw habang sila ay naghahanap ng guro na maaari nilang maging kliyente ay natagpuan nila si Ginang Martinez sa ikalawang palapag ng kanilang gusali si Ginang Martinez ang kanilang Punong Guro nung taon na iyon. Tinanong ng dalawa kung maaring siya na lamang ang kanilang maging kliyente at pumayag naman ito. Pag oras ng klase at kung para sa praktikum ay hindi maaring tumanggap ng bayad ang dalawa kung kaya't libre ang gawa nila kay Ginang Martinez. Siyang siya ito sa gawa nina Maebeth at Maybelle sa kaniya kaya naman nahiya si Ginang Martinez na libre lang ang gawa sa kaniya.

Nung paalis na ang dalawa ay sinabi ni Ginang Martinez na kumuha na lamang sila ng iskrambol kay Mang Berto na nasal abas ng paaralan at siya na ang bahalang magbayad sa gayon hindi kinakailangan tumanggap ng bayad ng dalawa. At ayun nga ang ginawa nila. Nagtungo ang dalawa kay Mang Berto at sinabi ang nais ng Guro kaya nakakuha sila ng tig isang iskrambol. Bumalik ang dalawa sa faculty room kung saan nadoon si Ginang Martinez.

Pagpanhik ng dalawa ng itaas ay agad silang nagpasalamat kay Ginang Martinez. Nang pababa na ang dalawa ay may nagyari na hindi nila inaasahan. Hindi napansin ni Maybelle na may isa pa pala siyang hakbang na dapat apakan bago ang pinakababa kung kaya siya ay nadulas. Napatitig sa kaniya si Maebeth na hindi ala mang gagawin kung siya ba ay tatawa o tutulungan ang kaibigan. Ngunit laking gulat ni Maebeth ng Makita niya ang kaniyang kaibigan na nakalupagi sa sahig ngunit ang iskrambol ay hawak hawak parin nito at nakataas pa ni isang patak ay walang tumapon mula sa iskrambol, humagalpak ng tawa si Maebeth at hindi na tinulungan ang kaibigan habang si Maybelle naman ay nasambit na lamang ang mga katagang "sayang ang iskrambol, pinaghirapan ko ito."