Tanghali na nagising kinabukasan si Arielle. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi dahil sa pag iisip. Bumangon siya sa kinahihigaan at may ilang saglit na pinagmasdan ang natutulog pang si TJ.
Kagaya niya, napuyat din ang bata. Mahaba ang itinulog nito kahapon ng hapon kaya hindi ito agad dinalaw ng antok kinagabihan. Dumukwang siya para gawaran ng halik sa noo ang anak.
Noon niya narinig ang mahihinang katok. Lumapit siya sa pinto at saka binuksan iyon. Nagulat pa siya nang mapagbuksan si Theo.
"Good Morning." Bati nito. Nakaguhit ang pilyong ngiti sa mga labi habang pinapasadahan siya ng tingin.
Humalukipkip si Arielle nang marealize kung saan tumagal ang titig ng binata. Sa dibdib niyang bahagya lang natatakpan ng malambot at manipis na telang suot niya.
Oversized tshirt lang ang nakapatong sa panties niya at kung nakakagalaw lang ng mga bagay ang klase ng titig ni Theo, tiyak nyang kanina pa siya nahubaran sa harap nito.
"Nasasanay ka yatang dumeretso sa kwartong 'to kaysa maghintay sa salas, Theo."
Nagkibit balikat ang lalaki. "Dito ako pinaderetso ni Zeny. Nakapaghain na ang maid, nasa baba na rin ang Mama at Papa mo, tayo na lang ang kulang."
Sumimangot siya. Knowing Ate Zeny, patutuluyin talaga nito ang binata. At home agad?
Wait. Wait. Tama ba ang dinig niya? Nasa ibaba ang Mama at Papa niya?
"Anong sinabi mo?"
"Alin doon? Iyong ready na ang almusal at sabay tayong kakain? Look, Arielle, wala naman sigurong masama doon diba? May masama ba kung akyatin ko ang mag ina ko sa kwarto para gisingin at yayaing mag almusal?"
Palihim siyang napalunok. Nakalimutan na ang totoong tanong niya dito. Sino bang hindi ganitong pinagka diin diinan ni Theo ang mga salitang 'mag ina ko.'
Umatras siya nang humakbang papasok sa loob ng kuwarto si Theo. Nagulat pa siya ng akbayan nito at igiya palapit kay TJ. Hindi siya makapalag sa bigat ng braso nitong nakapatong sa balikat niya.
"He's adorable." Anito pagkatapos ay pinakawalan ang balikat niya. Silly her dahil gusto niyang habulin ang braso nito at ibalik sa pagkakaakbay sa kanya.
Masuyong hinalikan ni Theo sa noo si TJ.. sa parehong spot kung saan niya hinalikan kanina ang anak. There, nabigyan siya ng chance na ma obserbahan ang masculinity ng lalaki.
Theo was really gorgeous, the handsome way. Makinis at mamula mula ang balat, matitipuno ang dibdib, malaki ang mga braso pero hindi naman iyong tipong pang bouncer or body builder ang dating.
He was the kind of man na kung yayayain mo ng love making paggising na paggising man nito sa umaga ay good breath pa rin.
Gracious, pakiramdam niya hindi na siya makapaghintay na makulong ulit sa mga bisig nito.
"Magigising na kaya siya?"
Muntik nang matumba sa kinatatayuan si Arielle nang bigla itong lumingon sa kanya. Huling huli ang ginawa niyang pagtitig dito.
"H-hindi pa. M-magbi bisyo yan kapag.. kapag ginising natin. Hayaan mong kusa siyang magising.." Gusto nyang mapapikit ng mariin. Goodness, para siyang timang, nauutal siya.
"Nababanggit niya na ba ang pangalan mo.. I mean yong Mommy?" Tanong nito na nilingon uli si TJ. At parang hinahaplos ang puso niya sa nakikitang fondness sa mata ng lalaki.
"M-madami dami na siyang nasasabi. And yes, nababanggit niya na ang.. Mommy.."
Theo smiled. "Hindi na ako makapaghintay na ipakilala siya kina Mama at Papa." Ang sabi na parang mas sarili ang kausap.
Doon kumunot ang noo niya. "Wala akong sinasabing pwede mong dalhin kahit saan ang anak ko, Theo."
"Anak natin." Pagtatama nito. Hinarap sya. She was a bit surprise sa tono nito na tila hinahamon siyang pabulaanan iyon. "At hindi ko sya dadalhin sa kung saan. My parents will be here any moment. Kaya mabuti pang mag ayos ka na at magbihis."
Nanlaki ang mga mata niya. "What are you talking about? B-bakit pupunta dito ang Mama at Papa mo?"
"To talk about our wedding." Anito na parang balewala lang ang sinabi.
"You're kidding me!" Bulalas niya. Hindi makapaniwala.
Kumilos si TJ at dahan dahang nagdilat ng mga mata. Pinigil niya ang sariling manigaw pa ulit. Hininaan ang boses kahit nagngingitngit siya sa galit.
"This is your fault, magigising ang anak ko!" Asik niya dito, mabilis na nakalapit sa bata at tinapik tapik ang puwetan nito.
Agad namang bumalik sa pagtulog si TJ.
"You were the one who's raising your voice." Mahina rin ang boses na ani Theo. "Bakit hindi mo siya hayaang magising. Gusto kong makipaglaro sa anak ko."
Naningkit ang mga mata niya. "Hindi mo anak ang anak ko."
Theo almost rolled his eyes sa pinaghalong iritasyon at boredom.
"Babalik na naman ba tayo sa issue na 'yan? Mapapatunayan ng Dna test 'yang idini deny mo sa akin, Arielle. Maliban sa katibayan na kamukha ko siya ng kaedad niya ako. Pero huwag kang mag alala, hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ko siya naipapa check. Bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo sa pagtanggi?"
"I..I'm not going to marry you, Theo."
"And do you think I want to? Wala akong choice. Ikaw ang ina ng anak ko."
Natameme si Arielle. Grabe naman, basag na basag siya don.
"Hindi ko hinihingi sa'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, wag kang mag alala dahil hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na iyan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place."
Namula ang mukha niya sa inis. Sinesimplehan na naman siya ng lalaki. Gustong ipamukha sa kanya na sya ang namilit sa premarital sex o casual sex whatever na iyon.
At iyong sinasabi nitong madali lang itong makahanap ng babaeng magpapaligaya dito sa kama, mayroon bang asawang babaeng pumayag sa ganoong set up? At sa ibang babae pala planong sumiping ng walang hiya at hindi sa kanya!
Eh kaninong kasalanan? Arok ng isang bahagi ng utak niya. Eh di ba siya naman 'tong nag iinarte tungkol sa kasal na inaaalok nito sa kanya? Tapos kapag maghanap ng babaeng ikakama dahil nga nag iinarte siya maiinis siya?
Ipinilig niya ang ulo. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga nito ang sinabi? Nagseselos ba siya?
Pumapayag na ba syang maging Mrs Theo De Marco? Of course not! Nakakairita lang na marinig iyon sa bibig mismo ng kahit na sinong lalaki.
Pero di ba nga, may sexual need ang mga lalaki? Kung hindi nya nga naman maibibigay naturalmente na hahanap ito ng ibang babae. Pero huwag lang gagawin ng Theo na ito sa kanya iyon kung sakali, naku.. lintek lang ang walang ganti.
Nakagat ni Arielle ang sariling dila sa realisasyon. Buong magdamag wala siyang inisip kundi yung magiging buhay nilang mag ina oras na makasal siya kay Theo. Hindi ni saglit man sumagi sa isip niya na hindi tanggapin ang kasal na inaalok nito.
"Inuulit ko hindi ako pumapayag na magpakasal tayo, Theo.." aniya. Parang sarili ang mas kinukumbinsi kaysa sa lalaki.
"Well, I don't take no for an answer, Arielle. Lalo at first time kong magpropose ng kasal sa isang babae."
Hindi niya magawang mangatwiran. Ano pa ba ang pwede nyang sabihin? Mas makulit pa si Theo kaysa kay Busty.
Napilitan si Arielle na bumaba sa kwarto kasabay sina Theo at ang kagigising lang na si TJ. Si Theo ang nagbantay kay TJ habang inaayos niya ang sarili.
Nakaakbay ang binata sa kanya nang humarap sila sa hapag. Humalik sa pisngi ni TJ ang Mommy niya habang mataman namang nakatingin ang Daddy niya.
Maaliwalas ang mukha ni Zeny na naabutan nilang katsikahan ang isang may edad pero aristokratang babae na nakaupo sa upuang kaharap ng kinauupuan nito.
Matipid siyang ngumiti nang ngitian siya nito. Naramdaman niya ang mahinang pag pisil ni Theo sa balikat niya.
Ito ba ang Mama ni Theo? Sa kabila ng edad, nasa hitsura pa rin ng matandang babae ang angking ganda nong kabataan nito. May mabining ngiti na nakapaskil sa kulay pink na mga labi nito.
Hindi mapakali si Arielle. Kinakabahan siyang hindi mawari. Ano na lang ang iisipin ng Papa niya sa kanya? Buong akala nito tinakbuhan siya ng Tatay ni TJ nang malamang nagdadalantao siya.
Paano niya lulusutan iyon ngayon? Of course, hindi niya gustong malaman ng mga magulang kung ano ang nag udyok sa kanya para gawin ang kalokohang iyon.
That would only hurt his father, lalo at ito ang nagtulak sa kanya noon kay Busty. Iginiya siya ni Theo patungo sa may edad ng babae matapos siyang humalik sa pisngi ni Lucio.
Sinabi ni Theo kanina na Noryleen ang pangalan ng Mama nito at Renz naman ang pangalan ng Papa nito.
"Sweetheart, ang Mama ko."
"Magandang umaga ho.." Dumukwang siya para humalik sa pisngi ng matandang babae. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang endearment na ginamit ni Theo.
"Magandang umaga, hija." Nakangiting ganting bati ni Mrs De Marco. Natuon ang mga mata ng matandang babae kay Tj na nakamata sa kanila.
"Oh My, Theo.. tama ka.. Kamukhang kamukha mo siya nung kasing edad mo sya. And look at the mole on his upper right eyebrow, parehong pareho ng sa Papa mo." Ang sabi matapos kunin ang bata sa mga bisig ni Theo.
Tumawa ang binata, nilingon siya nito parang sinasabing 'I told you, he's my son'.
"Nasaan si Papa, Ma?"
"Nasa labas lang, may kausap sa cellphone. Pero pwede na nating ituloy ang pag uusap habang hinihintay natin siya."
Ipinaghatak siya ng upuan ni Theo habang karga na muli nito sa kabilang braso si TJ na komportable sa mainit na katawan ng Ama. Binawi rin agad ni Theo ang bata sa Mama nito.
"Mom.." sambit ni TJ na ngumiti sa kanya. Naalala niya tuloy ang eksena kanina sa kwarto.
Mabilis syang pumasok sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili matapos mangako si Theo na babantayan ang anak para hindi mahulog. Nalabasan niya si Theo na nakasampa sa kama niya. Hawak ni TJ ang hintuturo ng binata.
Gusto niyang mailing. Double bed ang hinihigaan nila, saktong sakto lang para sa maliit niyang katawan at sa anak niya. Hinayaan niya si Theo sa walang puknat na pagtitig nito sa bata. He must really love children.. at mukhang handa na itong maging tatay sa anak niya.
"Hello, TJ. I'm your Papa.." Narinig niyang kausap ng lalaki sa batang nakaupo sa kama at matamang nakatitig dito. Kung kusa itong nagising o ginising ni Theo dahil sa pananabik, hindi siya sigurado.
"Papa.." banggit ni TJ na ikinasinghap ng malakas ni Theo.
Narinig niya ang masaya at hindi makapaniwalang pagtawa ng lalaki.. pagkatapos ay kinarga ang anak niya at pinupog ng halik sa mukha.
Humagikhik naman si TJ, nakiliti sa tumutubong stubbles ng lalaki.
Napapitlag pa si Arielle nang masuyong gagapin ni Theo ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Naghinang ang mga mata nila.
Napalingon sila pareho sa Papa niya nang marinig niya ang pagtikhim nito para agawin ang atensyon nila.
"I want the wedding soon, Theo. Iyon na ang napag usapan namin kanina ng Papa mo bago kayo dumating. Ayokong masundan si TJ nang hindi pa kayo ikinakasal." Ang Papa nya ang nagsalita sa wakas.
Muntik na syang masamid habang nangislap naman ang mga mata ni Theo sa narinig.