webnovel

ONE MORE NIGHT

GENNIUUS · Realistis
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Ang Nakaraan 5

Ngayon, tinutulungan ko si mama na maghanda ng hapunan. Si Hae Jun naman, sabi niya na susunduin niya ako rito mamaya.

"Marie, bantayan mo muna yung sinigang. Maghahain lang ako ng kanin sa lamesa." sabi niya.

"Opo."

Nang makaalis siya ay binantayan ko muna yung nilutong sinigang ni mama. Pero biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Ito na naman...

"Kung akala mong makakaligtas ka ngayon, akala mo lang yon." bulong niya.

Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa leeg ko.

"Marie? O, Emil, nandyan ka pala..."

Buti na lang at dumating si mama.

"Ma," uunahan ko na lang si Hae Jun. "Magpapaalam ho sana ako sayo..."

"Bakit?" tanong niya habang hinahain ang niluto niyang sinigang.

"Birthday po ng kaklase namin. E, inimbita po nila ako. Pwede po ba akong sumama?"

"Nak, kasama mo ba yung boypren mo?" tanong niya.

Ma naman e! Hindi ko nga siya boyfriend! Napabuntong hininga na lang ako. Inayos ko ang salaming suot ko.

"Biro lang, nak. Sige, sumama ka sa kanila." nakangiti niyang sinabi. "Susunduin ka ba nung boyfriend mo?"

Mama!

Tumango na lang ako.

"Kumain na tayo. Para makapaghanda ka na."

"MARIE! NANDITO NA YUNG KASINTAHAN MO!"

Narinig ko si mama na nagsalita. Katatapos ko lang na magbihis at lalabas na sana ako ng kwarto pero nagulat na lang ako nang biglang pumasok tong Emil na ito, at nakita kong ni lock niya ang pinto.

"Ano ba--" agad niyang tinakpan ang bibig ko, at nakaramdam ako ng halik sa leeg ko.

Kahit na nakatakip ang kamay niya sa bibig ko ay sumisigaw pa rin ako. Baka sakaling marinig ako ni mama, o kahit ni Hae Jun. Umaasa akong may makakarinig sa akin.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Marie?" Si Hae Jun!

Naramdaman kong napatigil si Emil sa kademonyohang ginagawa niya sa akin.

"Hindi pa tayo tapos, Marie." bulong niya sa akin.

"마리, 나는 여기있어."Mari, naneun yeogi isseo. Marie, I'm here.

"Sisiguraduhin kong makukuha na talaga kita pag uwi mo. Dahil kung hindi, makikita mo ang duguang katawan ng nanay mo. Subukan mo ringmagsumbong diyan sa intsik na yan, at malalagot siya sa akin. Papatayin ko rin siya." saka siya nagmadaling pumasok sa loob ng banyo dito sa kwarto ko.

Ako naman, hindi ko mapigilan ang pagluha ko.  Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ko ang leeg ko. Baka sakaling matanggal ang kahayupang ginawa niya rito sa leeg ko.

At nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, medyo namamaga na ang mata ko, pero hinayaan ko na lang.

Mas mabuting mawala na lang ako, kaysa sa ibigay ko sayo ang pagkababae ko.

Pinunasan ko ang luha ko. Naglagay ako ng kaunting pulbo sa mukha ko, at matapos non ay huminga ako ng malalim.

Saka na ako lumabas ng kwarto.  At nakita ko si Hae Jun. Nandito siya sa harapan ko. May dala siyang teddy bear na human size. Panda...

" Bulaklak, for you." salubong niya sa akin.

sabay bigay niya. "And... As what I promised, here's the panda."

Dahil sa nakita at natanggap ko, napangiti niya ako ng sobra. Goodness! Control it Marie!

"May nalalaman ka nang tagalog word?" tanong ko sa kanya.

"Yup. I installed a translation app. And I keep on searching on it. Its effective but I still want you to teach me." sabay ngiti niya.

Dahil doon, hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Oy, lalanggamin kayo dyan. Baka hindi na kayo makapunta sa lakad niyo." rinig kong sigaw ni mama.

"I-ilalagay ko muna to sa kwarto." sabay buhat ko sa teddy bear. And he nod.

Nang mailagay sa kwarto ay agad akong lumabas, at sabay kami ni Hae Jun na naglakad patungong sala.

"Oh, I forgot. I have something for you, 엄마." eomma. Mother.

Sandaling lumabas si Hae Jun. At kaming dalawa ni mama ang naiwan dito sa sala.

"Nak, ano bang ibig sabihin ng nam...ja.. ano nga yon? Namja...chinku? chingu? Anong ibig sabihin non, nak?" tanong ni mama sa akin.

Ano raw?

"Hindi ko alam ma. Sino bang nagsabi non sayo?"

"Yung boypren mo." mama naman e! hindi ko nga siya boyfriend ma! "Sabi niya, namja chingu mo raw siya."

"Ewan ko do'n ma. Koreano kasi yun e. Kaya di ko rin maintindihan ang sinasabi niya minsan. Buti nga at marunong iyong mag english kaya naiintindihan ko naman siya."

"Ganon?"

"Ummm, flowers for you, 엄마." sabay bigay ng bulaklak kay mama.

At dahil doon, napangiti niya ang mama ko. Napangiti na naman niya ako. Kinikilig ako ng sobra dahil sa mga pinaggagagawa nitong Hae Jun na to e!

"Siya, lumakad na kayo. Oy, hijo..." at tinuro si Hae Jun. "Ingatan mo yang maganda kong anak ha."

"I will."

Nagulat na lang ako nang kunin niya ang kamay ni mama, at nagmano siya rito. Alam na niya kung paano magmano?

"Aysus! Napakabait na binata naman talaga." natawa na lang ako. "Sige na... Mag iingat kayong dalawa ha." rinig ko habang naglalakad kami papalabas ng bahay.

"Opo ma!!"

Nang makalabas ay nauna siyang lumapit sa kotse niya. At sumunod naman ako. Pinagbuksan niya ako at siniguradong nakasakay na ako bago siya sumakay ng kotse.

Gentleman.

"MARIE, I HAVE ONE REQUEST." rinig ko habang nagmamaneho siya ng kotse. Hindi ko naman alam kung ano yon kaya tinanong ko na.

"Ano?"

"Promise me, I'm only your kasintahan."

Napalingon ako dahil doon. 'Promis me, I'm only your kasintahan.' Nako naman... Ang sinabi kong meaning non sa kanya ay friends. Hindi niya alam na girl/boyfriend ang meaning no'n.

"Please, promise me." rinig kong sinabi niyang muli.

Napapikit na lang ako, at napatango. "Promise."

Nang sinabi ko iyon, napangiti siya. Kaya inayos ayos ko na lang ang aking salamin habang nakatingin sa kanya, at napangiti na lang rin ako.