AISHA'S POINT OF VIEW
"Hey! Hey, hey? Sissy? Hey?"
"Oh, Ate, andiyan ka na pala. Ang bilis mo naman atang bumili?"
"Yes and hmm nope!"
"Huh?"
"I said, sissy, yes kanina pa kaya ako andito sa likod mo grabe ha, 'di naman ako tahimik naglakad para 'di mo mapansin tsaka imposibleng 'di mo naririnig heavy sighs ko kanina? And nope for mabilis akong bumili, duhh ang tagal ko kayang nawala!"
Napakunot noo na lamang ako. Heavy sighs? Aba gan'to na ba ako kabingi? Hayy.
"Yes, yes! Kasi naman, sissy, nag space out ka ata eh. Well, parati ka namang wala sa mundo, parati ka namang may sariling mundo, 'di pa ba ako sanay?" At tumawa-tawa ang loka.
I arched my one eyebrow at her.
"What's the matter ba, sissy?"
Tinitigan ko lang si Ate, naalala ko na naman kasi 'yung iniisip ko. Hayy.
"Nako, don't tell me iniisip mo si Mr. Ticket ha?"
"Ate?"
"Sus! Miss mo na ano?"
Napatitig nalang ako sa hangin.
"Siguro nga namiss ko talaga si Elijah ng sobra."
"Huh? Sino ba pinag uusapan natin dito, Aisha?"
Wat? Ba't ko sinabi 'yon!? Tuhamihimik nalang ako.
"Ohh, iba ata.. haynako, sissy ha. Don't tell me iniisip mo pa rin 'yung kaibigan mo nung High School?"
Tinitigan ko lang na naman si Ate.
"Oo nga. Siya nga." She confirmed it herself at napatango tango nalang siya.
Nginitian ko nalang, alam na alam na niya eh. Ang hindi niya lang alam, iisa lang namang tao 'yung tinatanong niyang pinag uusapan dito. Si Elijah, si Ezekiel, iisa lang siya. 'Yung taong nameet ko nung summer before magpasukan at 'yung taong nameet ko nung summer 2 years ago, iisa lang naman. Iisa lang 'yung nakakasama ko ngayon sa taong malapit sa akin noon na bigla nalang nawala.. bago magsummer.
Kinalabit ako ni Ate.
"Ano? Kayo nalang ng sarili mo ang mag uusap sa isip mo? Ivoice out mo naman sa akin." And she giggled.
"Iniisip ko rin, Ate, kumusta na kaya siya?"
"Miss mo na talaga noh? Until now ba nagsisisi kang 'di mo siya pinansin noon?" I nodded. She responded with silence.
"Hmm siguro nga, Ate." Napatingin uli siya sa akin. "Siguro nga hanggang ngayon 'di ko pa rin mantanggap na gano'n ang ginawa ko rati, sising sisi pa rin ako sa mga nangyari." I continued.
"Siguro nga.." ako naman napalingon sa kanya. "Siguro kaya naging distant ka. Ang lakas ng impact sa'yo eh. Sa tingin ko, iyon ang nakapagbago sa'yo, hindi ba?"
"Yea." Tipid kong sagot. What can I say? I admit it, I'm guilty kasi totoo naman eh. Dahil sa nangyari sa past, eto ako ngayon, naging ako itong Aisha na 'to na kilala nila ngayon.
"Ano na nga pala ang pinag awayan niyo noon?"
Nagulat ako sa tanong niya at napakunot ng noo na parang sinasabi ng facial expression ko 'seryoso ka, Ate?'
"Oh come on, sis. Will u please tell me again? 'Di mo rin kasi nakuwento ang buong nangyari before eh. Binigyan muna kita ng space kaya 'di na muna kita kinulit noon. But now, tutal andito naman na uli tayo sa topic na 'to, kukulitin na kita. Tell me na, tell me the whole story this time, kapatid."
Mapilit siya eh. And sabagay, it's time siguro na mailabas ko na rin ito, na maishare ko na rin sa iba itong asa loob loob ko. Gaya nga ng advice ko kay Elijah dati years ago, mas makakagaan sa loob kapag ishashare sa iba. Hayy asan na kaya 'yung Aisha na sobrang positive at friendly? Ang daming nagbago sa akin eh, ang daming nabago sa sarili ko.
"Diba, Ate.."
"Alright, I'll listen while naghihintay tayo rito ng jeep." At tumingin siya to her left and right.
Pauwi na rin kasi kami. Andito kami sa tapat ng mall ngayon. Ang cute lang kasi sabay ang duty namin ni Ate ngayon kaya no need nang hintayin ang isa't isa. Or shall I say iwanan ang isa? Hmm?
"Paano kapag 'di pa natapos kuwento ko, Ate? Alangan namang ituloy ko sa jeep, duh??"
"Duhh? Odi sa bahay, aisht! Aish ka talaga, bagay sa'yo name mo, nakaka aisht ka grr."
"Pero, Amy. Mas nakaka grr ka." And I smiled at her sweetly, plastic sweet HAHAHAHAHA!
"Gagang 'to. Daming echos. Dali na kitde. Kuwento na!"
"Ayt, atat masyado si Ateng."
Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ohh, eto na ish." And I rolled my eyes. Irap na naman, pag iirap naman kasi ang pinakadeserve na makuhang response ni Ate eh HAHAHAHA.
"So.. kasi, Ate, I already told you na nagkaro'n kami ng misunderstanding before diba?"
"Yea and it led sa 'di mo nalang pagpansin sa kanya.. I still remember when you eagerly told me na ' kung ganoon siya, hindi ko nalang siya papansinin, ituturing ko na talaga siyang totoong stranger' , I knew 'bout that. You told me those things, but you didn't tell me kung ano ang puno't dulo ng lahat. Ayaw mo magshare kasi masyado eh. Nako."
"Eto na nga diba, Ate? Nako."
"Pero matanong nga pala kita muna, I hope you won't be pissed huh?"
"Ano ba 'yon, Ate?"
"May gusto ka ba ron sa kaibigan mo na 'yon?"
I stared at her. "Well, of course, knowing you wala sa bokabolaryo mo ang magkagusto sa iba. Ni wala ka ngang nakuwento sa aking maski crush manlang nung mga bata tayo eh. Pero curious lang, sa nakikita ko sa'yo, parang iba eh, parang may iba."
"Ang ganda naman ng starter mo, Ate. Pero dahil nagshashare na rin naman na ako rito, sige I'll answer your question and Imma try to answer all if I can and if I may. Hmm to think about the past times, our good times and the good old days.."
Lalong lumapit sa akin si Ate at prenteng maiging nakikinig.
"About those days na nagkasama kami, sumaya ako. And alam mo ba, Ate, siya ang Valentine Date ko nung ball. 'Di ko nalang minention sa inyo ni Tita kasi alam kong magkakaroon kayo ng mga nakakabaliw na reaction na masusundan ng interrogation."
At napatingin siya bigla sa akin kasi lumilingon lingon na siya kasi uli from left to right, while listening earlier hahahaha.
"Sawakas, makakauwi na tayo." Pasakay na kami ng jeep nang nilingon ako ni Ate mula sa likod niya. "Mamaya ka sa'kin."
Oh nooo HAHAHAHAHA!
Andito kami ngayon sa kitchen at nagluluto kami ni Ate, hobby na rin namin ito maliban sa pag aalaga ng patients hahaha. Naging
bonding na rin namin ni Ate ang pagluluto.
"Aba, mukhang masarap 'yan ah. Ang bango bango eh. Amoy ko hanggang office."
"Hi, Tita! We're home!"
"Oo nga, parang ang aga niyo ata ngayon?"
"Hindi kasi toxic sa hospital ngayon, Tita." Singit ko.
"Chill lang ngayern, Tita. Kaya walang OT."
"Ohh, good. Sana ganyan parati."
Kung nagtataka kayo at bakit may office eh office 'yun ni Tita Jedz dito sa bahay. Btw, siya nga pala ang nag aalaga sa amin dito sa Pinas. Sa kanya kami ipinagbilin nina mama't papa. She is Tita Jedzeendrine, unique name right? Yea, super. Teka, nagagaya na ako sa language ni Ate ANU BA!
Speaking of Ate, kanina ko pa ipinagdarasal na sana 'di niya na maalala topic namin kanina aaaah nakakahiya nang magkuwento eh.
"Huy! Matatapon 'yang sabaw. Ingat ingat ka naman sa pagsasalop duhh."
"Duhh? Ate, duhh?"
At tumawa kami pareho.
"Hoy!" At nagulat ako sa sigaw niyang napakalakas kaya eto tuloy ako ngayon natapunan ng mainit na sabaw.
"Araaay! Ate naman kasi eh! Ba't ka naninigaw?"
"Ay sorry, may sasabihin lang kasi sana ako sa'yo. Kaw kasi eh, may utang ka pa sa akin." Tonong mapang-asar. Ops parang alam ko na eh hayz nako naman po.
"Anong utang?" Lumingon lingon ako sa paligid at napansing wala na pala si Tita Jedz.
Pinanlakihan niya ako ng mata at nginitian na parang tanga, mukha siyang tanga ngayon. Nako, patay malisya, Aish! Keri mo 'to!
"Huy, Ate. Ako kaya nagbayad ng sarili kong pamasahe kanina?" Pagmamamaang maangan ko na naman. Sige lang, Aisha. Acting pa.
"Sabihin mo na!"
"Ate naman, mamaya na 'yan si Elijah!"
"Huh?"
"Huh?" At napa huh din ako sa reaction niya, with matching kunot noo pa ako, 'di na acting 'to, totoo na. I really am confused at her. What is she saying?
"Nako, sissy ikaw ha! Oo pala buti pinaalala mo sa akin. Kyaaaah! Nung valentine ball!!!!" Sinabi niya 'yan habang natili, nako nakakabingi ha. Hininto naman niya ang sarili niya at tumikhim. "Pero kasi, sissy, I was only talking about the secret recipe a while back.." HUH? SAPO NOO. FACE PALM. POKER FACE.
Napatawa naman siya ng malakas sa reaction ko. Anak ng tukneneng nga naman, oo!
"AAAARGH TANGA MO, AISH!"
"Huuy, affected much? Yihiiii!"
"Shut up, Ate. Kekuwento ko na nga. Talkative ish!"
"Sensitive ish!" Pang gagaya niya sa akin.
"Ano? Pupuwede ko na po bang ikuwento?" Asik ko.
"Suus! Dami raming arte neto! Pinatatagal mo lang eh! Luhhh."
Jusq ang ate ko. Pinanliitan ko nalang siya ng mata. Buoin ko muna composure ko para maipaintindi ko sa kanya ng maayos.
I took deep breaths.
"Oh sige, sissy. Sabay tayo! So that the flow of oxygen in our blood will be better. Inhale, exhale." At nag deep breathing na nga kaming dalawa. Hayy ang ate kong nurse, ahem head nurse hahaha.
"So.." I started.
"So???" Excited or atat niyang tanong rather.
'Di ko nalang pinansin. Baka kasi mapahaba pa na naman eh.
"Uhm, on which part did I stopped?"
"Hmm wait. Ahh, yeah. NUNG DATE MO SIYA SA VALENTINE BALL! HA! IKAW HA! HINDI KA TALAGA NAGSASABING BATA KA NAKO KA!" Eto, eto po sinasabi ko. Ito na nga 'yon. She's super hype now.
"So nung ayun nga, valentine ball kami ang date syempre ako super friend niya odi ako inaya niya. Super friends kasi turingan namin Ate, diba? Tsaka we refer to each other as "super friend." At qinuote and quote ko pa sa hangin.
Ngumiti lang si Ate nang nakakaloko na parang mayroon pa siyang 'hindi ako naniniwala' look.
"Sa lahat ng oras and mga special occasions, magkasama kami. Of course, except sa room, Ate. Kasi nga diba hindi kami classmates?" Napatango tango si Ate dahil I've already mentioned before na itrinansfer siya ng parents niya sa foreign class.
"Ang dami rin naming pinagdaanan, Ate. Pinagsamahan, mga tawanan, mga malilit na alitan, tampuhan.. pero 'di ko naman inasahan.. na darating pala kami sa ganoong level ng tampuhan at lumala ang 'di namin pagkakaintindihan."
"Kaya nauwi nalang sa 'di pagpansinan?" Pagdudugtong ni Ate. Napatango ako.
"Alam mo, Aish.. sa nakikita ko kasi sa'yo.. I can see it, I can really see it in your eyes. May iba diba? Ayan para hindi parang mas vulgar or parang nakakaawkward ang tanong. May iba ba sa inyo?"
"Siguro nga, Ate."
"Kaya never kang pumasok sa relationship." She concluded.
"Magaling ka talaga gumawa ng conclusion, Ate. Wala palang eh. Pero siguro nga. Feeling ko.." Napapause ako ng matagal kaya si Ate nagsalita nalang uli.
"Ako feeling ko you closed the doors diyan sa puso mo." With matching pagtuturo pa sa bandang chest ko. "So.. maliban sa pagiging kaibigan mo siya, may iba pa ba?"
I nodded.
"May gus--"
'Di ko na siya pinatapos at sinabi ko nang "I think I've fallen for him."
"KYAAAAAAAAAAAH!" Napatili siya ng bonggang bongga as in todo, ang ingay niya.
"Shhh. Bakit ba ang ingay ninyong dalawa riyan? Natutulog pa ang pinsan niyo eh."
"Ay eto si Tita parang mushroom, palitaw litaw kung saan." Off topic na sagot ko.
"Ishh mabuti nga, Tita, para magising na si Jeztreine at makapagdinner na tayo." Sagot ni Ate.
"Teka, anong oras na ba? Patapos na rin ako sa mga test papers na prineprepare ko."
"Hmm" ate took a look at her watch. "Ahm 7:11 PM, Tita."
Tita Nodded and sumenyas na aalis sana, but..
"Oh, baby. You're awake already. Nagising ka ba sa ingay nina Ate mo?"
"Good Morning, Tita. Good Morning, Ates!"
"Good evening." Sagot ko sa kanya na parang nang aasar. "Ingay kasi ni Ate Ammy noh?"
"Hindi naman po masyado, Ate. Medyo lang." At tumawa siya. Nako, napakacute talaga ng batang 'to.
"Oh sige, sige kumain na muna tayo. Mamaya ko na itutuloy iyong ginagawa ko sa office. Come on, baby? Let's eat?"
"Okay, Ma."
After eating, Ate washed the dishes dahil siya ang nakaschedule na dishwasher for tonight. And since nakapalpa naman na ako, pwede na akong matulog. I was about to go upstairs when..
"Huy, sissy!"
Nako po. Iiinterrogate na naman ako netong kapatid kong 'to eh. I just stared at her.
"Kala mo makakatakas ka ha? Lika rito may dessert sa ref, kain muna tayo while nagkukuwento ka." And she grinned.
"Eh? Ate? I already brushed my teeth."
"And so? You can brush again."
Palapit na ako sa table and Ate pulled a chair for me at saka umupo na rin siya. Atat talaga ito. Ang bait bait sa akin ngayon kasi gusto makichismis.
"So ano na, sis?" She asked me while she scoops the ice cream. Dalawang gallon pala ang nasa ref. Takaw talaga sa ice cream ng mga kasama ko sa bahay.
"Yes."
"Huh? Anong yes? Answerable by yes or no ba tanong ko ha?"
"No, but yes.." napakanuot noo si Ate. "Yes, I think I've fallen for him. I don't know, pero sa tinagal tagal ng panahon, Ate.." I paused.
"Siya at siya pa rin?"
"Oo, Ate. Siya at siya pa rin."
"Paano si Ezekiel?"
Iisa lang naman sila, Ate eh. Kaso ayaw ko munang sabihin sa'yo dahil knowing you baka madulas ka. Hindi ko nalang siya sinagot.
"Ahh, so si Elijah lang talaga?"
"Siya lang, Ate."
"Sinasabi ko na nga ba eh. Pero, sis naisip ko lang, musta na kaya 'yung kaibigan ahem hindi pala kaibigan. Musta na pala 'yung first love mo ngayon sa tingin mo? Bumalik na kaya memory niya?"
"I don't think so." Agaran kong sagot.
"Paano mo nasabi?"
"Ahh wala, wala, feeling ko lang, Ate." At nag fake laugh ako.
"Pero kunsabagay bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam hanggang ngayon kung nakakaalala na siya, 'diba?"
Nagpaparamdam siya, Ate! Lagi ko nga kausap eh. Nakausap at nakasama mo na nga, Ate eh. Pero I guess hindi pa rin talaga siya nakakaalala kasi ayaw kong isipin na hanggang ngayon nagpapanggap siyang hindi ako kilala. But sa lahat ng naiisip ko, I just shrugged at Ate.
"Sayang pero, ano? Never ko manlang siya nameet nung okay pa kayo rati. Sayang talaga."
"Sayang din friendship namin noon dahil lang sa misunderstanding namin na pinalaki lang namin. Hayy."
"Ano nga ba kasi ang nangyari?"
"Before graduation ball, Ate.. narinig ko silang nag uusap ng kaklase niya."
FLASHBACK
"Okay, class dismiss. Goodbye, class."
"Goodbye, Sir!"
"Yes. Sawakas uwian na rin."
Lumabas agad ako ng room pagkadismiss na pagkadismiss sa amin ni Sir. Habang 'yung mga kaklase ko ayun nagliligpit pa at nagsasaya na dismissal na, hindi palang umalis hahaha.
Naglalakad ako ngayon sa lobby papuntang room nina Kielle.
"Hey, Kielle. Amin ka na kasi. You and Aisha are in a relationship, right?"
Huh? Are they talking about me? I hid at the back of their door. Alam kong pag i-eavesdrop na 'to, pero I heard my name. Idinikit ko tenga ko sa maliit na space dito, dinig na dinig ko sila though hindi ko sila makita.
"You two look good together, man."
"Yieee." Dinig kong boses ng babae na kaklase niya.
"You look good together din." Ibang boses na naman, another girl I guess.
"Tingin." Sabi ng lalaking nang aasar kanina na feeling ko 'yung kaklase niyang half Japanese 'to, si Kageyame ata. I guess, may ipinakita siya from phone.
"Yieee. You two are bagay din, Elijah."
"But Aisha is pretty, too ha." Sabi ng lalaki na 'di ko mabosesan kung sino.
"Di ko 'yun kilala." Sawakas nagsalita na rin si Elijah. Pero what did he say?! 'Di niya ako kilala?
"How come!?" Sabi ng girl na nagyie kanina.
"I thought you're friends with her. I saw you two talk sometimes." Sabi ng isa pang girl.
"I don't remember her. I'm not friends with that person. I don't even know her."
Huh!? Is he still referring to me!? Or iba pinag uusapan nila? Pero ako lang ang Aisha na alam kong nakakasama ni Kielle! At ako lang naman ang madalas kausap niya. Sa gulat ko, naitulak ko 'yung pintuan..
Tumakbo na ako agad, 'di ko na nagawang lingunin kung nakita ba ako or hindi.
Hindi palang ako nakakalayo nang..
"Aish?" I heard Kielle's voice.
Pagkalingon ko, I saw him, the guy I like.
I smiled and I think he noticed the sadness within my smiles.
He is going near me. Before pa siya makalapit nang tuluyan..
"Ay! Naiwan ko ata tumbler ko sa room!"
"Okay. I'll just pack my things then I'll wait for you here or I'll go there nalang sa room mo?"
"Ahh.. no, no! May gagawin pa ako eh. Una ka nalang umuwi."
"Hmm I can wait for you. And what's new parati tayo naman nag aantayan 'pag dismissal, right?"
"Ahh ehh.. ah basta una ka na muna. Bye!" At nagtatakbo takbo na ako paalis. Akmang hahabol sana siya, pero nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Natigil naman siya sa paglalakad so nginitian ko siya ng pilit at tumakbo na ako uli.
END OF FLASHBACK
"Wow. So ayon? Ganoon? Ganon lang? Sa very shallow na dahilan kaya forever nang natigil ang communication niyo?"
"Ayun ang umpisa, Ate. Madami pang nangyari after that incident. Pero to think of it, oo nga. Pero kasi, Ate. Hindi eh. Ang sakit lang kasi eh."
"Are you still hurt?"
"Aaminin ko, Ate, oo siguro? Pero mas lamang na ang pagsisisi ko ngayon."
"Was it hard?"
"Hard what specifically?" I chuckled. I'm just trying to lighten the atmosphere kasi we're getting serious in here! And I'm not used to this and medyo naawkwardan ako, to be honest.
"Was it hard? Was it hard seeing him before far from you? Was it hard pretending you do not know him? Was it hard thinking about those times? Was it hard forgetting him? Or should I say is it hard to forget him? Gotta use the present tense because I don't think you're over him yet."
I smiled with sadness within my eyes.
"Yes. It was never easy."
And my traitor lacrimal gland began to secrete tears. These traitor tears suddenly started to fall from my eyes.