webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · perkotaan
Peringkat tidak cukup
37 Chs

Chapter 17

HOME

Nangingiti akong pinaanood si Ashmere na nagsasalin ng bigas sa plastic bag habang magalang na kinakausap ang matandang mag asawa.

Nang matapos sila ay may sumunod agad ng dalawang ginang kaya naglabas na lang ako ng mga plastic mula sa likuran. Pagbalik ko ay nagulat ako sa haba ng  pila na balak bumili sa amin.

Halos lahat ay mga babae. Mapa matanda or bata ay nakapila.

Lumapit ako sa kanila para tumulong pero ang mga lalaki lang ang nagpaasikaso sa akin.

Kaimbyerna!

May mga nagpahatid pa ng mga bigas nila sa paradahan na agad namang ginawa ni Ashmere kahit sinabi ko nang sina Tonio na lang ang kukunin ko.

Sobrang busy ko sa pagrefill ng bigas sa lalagyanan at pag asikaso sa customers na hindi ko namalayan na lagpas lunch time na pala!

Nagsabi na ako sa mga tao.. I mean mga babaeng customers na kakain muna kami kaya isa isa din silang umalis at nangakong babalik.

Isinara ko muna ang pwesto at nagpunta sa karinderya para tumingin ng kakainin namin habang naghahatid ng bigas si Ashmere sa paradahan.

"Grabeng gwapo daw nong tindero sa pwesto nina Aling Guia. Nako.. dinudumog nga eh. Pati si Aling Leticia na may sakahan napabili para makita yong lalaki."

"Nako. Sana nga bukas pa sila mamayang alas tres. Dahil bibili na rin ako ng bigas sa kanila."

"Gaga. Baka maagang magsara yong dahil wala na silang staks. Nang malamang pwede siyang maghatid ay kaban kaban na ang binibili nila!"dinig kong usapan sa may karinderya.

Napailing na lang ako. Basta talaga gwapo, patok sa mamimili.

"Hoy Gia! May bigas ka pa ba?" Tanong ng isang waitress sa karinderyang binibilhan ko.

"Paubos na eh. Bibili kaba?"tanong ko habang namimili ng ulam. Iilan na lang ang putaheng nakasalansan sa mesa.

"Oo. Baka pwedeng magpareserve? Daanan ko kamaya pagkasara ng pwesto."tumango ako ulit at nagturo na ng ulam. Hiling ko lang na sana kumakain ng ganito si Ashmere..

"Kaano ano mo yong tindero nyo? Balita ko pinagkakaguluhan dahil mala artista ang kagwapuhan at postura."Napangiti ako at tumango.

"Oo. Gwapo talaga. Macho pa."

"Ipakilala mu naman ako!"excited ng sabi ng isa.

Umiling lang ako. "Sorry taken na yon!"sabay tawa ng mahina at nagbayad na.

"Ay.. kay ate mo?"

Umiling ako at tinaasan siya ng kilay. Porke gwapo at macho kay Ate na agad?

"Kay Dahlia?"

"Alangan namang kay Aling Guia!" Tawanan nila.

Bakit hindi nila ako binanggit? Mga bwisit to ah!

Napaihit ng ubo ang mga waitress na tumatawa nang mapalingon sila sa likuran ko.

Inilinga ko rin ang ulo at nakita si Ashmere na nakatayo sa likuran ko at may hawak na hand trolley. Pawisan na siya at pulang pula ang pisngi sa init ng panahon.

Iniwan niya ang trolley sa gilid at mabilis na lumakad palapit sa akin sabay hawak sa baywang ko.

Gusto kong sigawan ang mga babae at ipagyabang na akin siya. Hindi kay Ate o Dahlia. Lalo na kay Ina! Kung makapang insulto wagas!

"Ay.. kay Gia pala.."bulong nong isa na inirapan ko lang sa hangin.

"What are you doing here baby?"he whispered and kissed my ear.

Biglang kinilig ang mga babae na kanina lang ay iniinsulto ako.

"Bumili lang ako ng kakainin natin. Hindi ka naman siguro maselan?"alanganin kong tanong at iniwas ng bahagya ang ulo ko.

"No. I'll be fine. But maybe you want to go somewhere to dine?"tanong niya pabalik.

Umiling ako agad.

"Hindi na. Pero kung gusto mo ikaw nalang ang kumain sa labas. Ilang sako na lang kasi yong natitira. Ipapaubos ko na." Sabi ko at tumango sa mga echuserang babae at lumakad na.

"No. I'm fine anywhere as long as I'm with you."giit ni Ashmere at sumunod na sa akin hawak ang trolley.

Lahat ng mga tao ay napapahinto sa ginagawa para lang panoorin ang gwapo kong katabi.

Binuksan ko ang pwesto at pumasok na sa loob. Tahimik lang akong kumuha ng dalawang plastic na plato, mangkok at mga kubyertos.

"Baby.. I'm thirsty."inabot ko agad ang water jug ko at sinalinan siya ng tubig sa baso niya. He gulped down the water in one swig. Halatang uhaw na uhaw. Kawawa naman..

"So, adobo at sinigang na lang ang meron sa kanila. Mayron din akong daing na bangus dito."sabi ko habang inaayos ang mga ulam. Nagsalin din ako sa baso ko at uminom.

Nang hindi siya kumilos ay napatingin na ako.

Pawis na pawis siya kaya kinuha ko agad ang bagong face towel at pinunasan ang gwapo niyang mukha, leeg at likod.

Kumuha ako ng bagong tshirt at ibinigay sa kanya.

Agad siyang tumayo at nagpalit sa likuran.

Good boy..

Naglagay na akong ulam at kanin sa kanya. Pinaghimay ko na rin siya ng daing na bangus.

Tahimik siyang bumalik sa tabi ko at kinuha ang kubyertos.

"Baby..I forgot to ask for your pictures last night.."napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong matandaang nag picture kaming dalawa.

Marahil ay nakita niya ang kalituhan ko.

"You were taking pictures with your phone while I was parking the car last night at the restaurant.. can I have some copies?"Paliwanag niya.

"Ah.. yong selfies ko?" Tanong ko. Tumango siya at sumubo na. Pawis na naman siya kaya itinapat ko na ang electric fan sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.

"So?" Tanong niya.

Tumango ako bago kinuha ang phone ko at iniabot sa kanya.

He quietly took it and pocketed it before continuing our lunch.

Nagulat ako nang magana siyang kumain. Siguro napagod ng sobra.. nilagyan ko ulit siya nang pagkain at tubig sa baso niya at baso ko.

Sabay lang kaming natapos at nang balak ko na sanang uminom ulit ay mabilis na kinuha ni Ashmere ang baso ko at inubos ang laman.

"Akin yan.."nasabi ko nalang ng mahina habang pinapanood ang Adam's apple niya na akyat baba.

Nyeta ang sexy..

Napalunok ako at umiwas ng tingin nang tinutok niya ang paningin sa akin.

"So, when will you get another stocks?"tanong niya nang matapos siyang kumain.

Nagliligpit na ako at siya naman ay nakaupo habang pinapasa ang mga pictures ko sa cellphone niya.

"Bukas. Sina Tonio na ang bahala."pabalewala kong sagot at nagpunas nang kamay nang matapos kong mahugasan ang mga plato.

"Tonio?"napalingon ako sa kanya at tumango. Kita ko na parang may nasabi akong ayaw niya.

"And you'll be here alone?"he said while clenching his jaw.

"May mga tao pa rin dito! Nagbubukas  ang ibang pwesto sa linggo."sabi ko at tumayo sa tapat niya.

He pulled me by my waist and wrapped his arms around me.

"I don't want it.."parang batang sabi niya.

I pushed his head back and saw him pouting his red lips. Ang sarap papakin..

"Maraming tao dito. Hindi lang kaming dalawa. Tsaka marami akong oorderin kaya kukuha siya ng mga kasama niya para magbuhat."

"No.."ungot niya at umiling pa.

Hinayaan ko na siyang maglambing at yumakap sa akin.

"I can't believe that you do all of this alone every Saturday baby.. this job isn't for a girl like you."he said while still hugging me.

"Sanay na ako. Kaya nga sabi ko kaya kitang buhatin eh. Malakas ata ito."sabi ko at pinakita ang muscles ko sa mga braso.

He just shook his head and put my sleeves down.

"Okay..but I can't let you do this alone.."

"Hindi naman palaging ganito karami ang mga taong bumibili Ashmere. Pinagkaguluhan ka lang."nangingiti kong sabi at isinuklay ang daliri ko sa malambot niyang buhok.

"Hmm?"ungol niya at mas hinigpitan ang yakap sa baywang ko.

"Magpahinga ka na lang dito at magbebenta na ako."sabi ko at tinapik ang pisngi niya.

Huminga siya ng malalim bago tumayo.

"I'll help you then we'll go home baby.." napatango ako.

Nang maubos ang sako sakong bigas namin ay naglinis muna kami ni Ashmere bago nagsara ng pwesto.

"Do you want to go somewhere else baby?"tanong niya habang nagdadrive pauwi sa bahay namin.

Umiling ako at nanahimik. Nakita ko ang pamumula ng leeg niya at braso. Siguro ay nangangati na sa alikabok kaya mas magandang makauwi na kami para makaligo na siya.

Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan niya akong bitbitin ang mga gulay na pinamili ko pati ang bag kong puno ng maruming damit.

"Ashmere..umuwi kana.."tulak ko sa kanya nang akma pa siyang uupo sa sofa namin.

Napakunot ang noo niyang tinignan ako. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Baka kailangan mo nang maligo. Ang pula pula mo na." Sabi ko at tinusok ang leeg niya na bahagyang nagsu-swell na.

"I'll shower here then." He quickly went out of our house and came back with a duffel bag.

"T-teka! Wala kaming shower dito. Balde at tabo lang ang gamit namin dito." Sabi ko.

Tumango siya at naghubad na ng tshirt.

Nagpapanic na isinara ko agad ang pintuan namin at hinila na siya sa banyo.

"Yan kana naman! Basta basta ka nalang naghuhubad!"pagalit kong sinabi at tinulak siya sa banyo.

"We're alone here. So there's no problem."maikling sabi niya at inilibot ang paningin sa maliit naming banyo.

Sa laki niyang lalaki at tangkad ay parang nahihirapan akong kumilos para sa kanya. Binuksan ko na ang gripo at kinuha ang mga gamit ko panligo sa kwarto ko.

"Wala kaming hot water dito sinasabi ko na sayo. At wag mong gamitin yang sabon dyan dahil kay Tyong yan." Inabot ko ang shampoo at shower gel ko. Pati na ang bagong tuwalya.

Tahimik nyang kinuha ang mga gamit ko at nagkalag na nang belt niya.

Napatakbo na ako sa gulat. Ang walang hiya! Mag -o- all the way na talaga sa harapan ko!

Itinabi ko na lahat ng mga pinamalengke ko at nag prito ng bananacue para sa merienda namin.

Nang matapos ako ay nagluto na rin ako ng ulam. Adobong sitaw at mamaya ay magpiprito ako ng tilapia. Dinamihan ko na dahil baka kumain dito ang jowa ko.

Natapos na ako't lahat ay hindi pa rin siya lumalabas! Anong klaseng ligo yan? Nalunod na ata!

Dahan dahan akong lumapit sa banyo at idinikit ang tainga sa pintuan.

Nakapatay na ang gripo.. biglang kumabog ang puso ko sa kaba.. paano kung nadulas na pala siya at nabagok ang ulo at namatay?

Wala na akong sinayang na sandali. Pabigla kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hubo niyang pwet na matambok. Humarap siya sa akin ng dahan dahan na parang walang pakialam.

Agad kong itinaas ang paningin ko sa dibdib niya pababa sa tyan niyang siksik sa muscles. Napapalunok na sinundan ko ang mga balahibo niya sa may puson pababa..

Halos lumuwa ang mga mata ko sa laki niya!

My goodness! Napatili na ako at tumakbo palabas nang nag iinit ang mukha.

"Bastos ka! Manyak!"Tili ko at tumakbo papunta sa kwarto kong mabilis ang tibok ng puso.

Umiling iling ako para sana tanggalin sa isip ko ang nakita ko pero parang linta na nakadikit na ang kanya sa isip ko.

Napapaypay ako ng mukha habang palakad lakad sa loob ng kwarto ko.

"What to do? What to do?"bulong ko na hindi mapakali. Nahihiya na akong lumabas!

"Baby.. I think your food is burning.."napalabas ako sa kwarto ko at nakita si Ashmere na nakadamit na.. napatingin ulit ako sa pagitan ng mga hita nya at napalunok.

Sumingit ulit sa isip ko ang nakita kanina kaya umiling iling ako. Tinakpan niya ang harapan niya kaya napatingala ako sa kanya.

"Ikaw ang bastos baby.."he said while smirking.

"Tse!"Tinakpan ko ang pagkapahiya ng pagsusungit at nilagpasan siya. Nakapatay na ang apoy sa kalan.

Napapikit ako sa inis. Tapos na akong nagluto kanina!

"Gotcha.."he whispered and caged me in his arms.

Napaharap ako sa kanya at tinulak siya. Pinakawalan din niya ako.

Amoy shampoo at shower gel ko siya. Bakit ang bango kapag siya ang may gamit?

"Maliligo na ako. Mag merienda kana dyan."turo ko sa bananacue na natatakpan ng screen cover.

"I'll wait for you baby.. do you want me to rub your back?" He offered then wiggled his brows.

"Tse! Bastos ka talaga!" Nangingiti kong sagot at tumalikod na sa kanya.

Kumuha na ako ng damit at tuwalya at nagmadaling naligo.

Pagkatapos ng merienda ay nagstay pa si Ashmere sa bahay hanggang dinner.

We watched rented movies and cuddled all night. Umuwi siya nang ten pm at tumawag pa hanggang sa makatulugan niya na ang pakikipag usap sa akin. Halatang pagod na pagod ang baby boy ko..

Kinikilig na sinabihan ko siya ng i like you and good night bago ko pinatay ang tawag. Then I slept with a smile on my face

Paggising ko ay sobrang saya ko na naghanda na para sa pagpunta ng pwesto.

It was past six o'clock when I arrived at our stall.

Maya't maya ay napapatingin ako sa cellphone ko dahil mag si-seven na ay wala pa ring text si Ashmere!

Busy siya ngayong umaga? Kainis naman. Excited pa naman akong itext siya.. pero nahihiya ako na unang magtext. Dapat siya muna!

Nakipagtext na lang ako kina Megan tungkol sa bonding namin ngayong araw.

Manonood kami ng movies.. baka swimming at kainan din.

Natigil ako sa pagpindot ng screen ko nang makita ang sapatos sa tapat ko. Napataas ang kilay ko sa bagong itim na adidas sneakers ni Tonio. Mukhang may lakad siya mamaya ah.

Nang itaas ko ang paningin sa katawan niya ay napatango tango ako. Ang ganda pala ng katawan niya..

"Gia.. where can we put all of this sack of rice?"nanlaki ang mga mata ko at binaling ang paningin kay Coles na nakangising nakatingin sa akin na pinagpapantasyahan ang lalaki sa harapan ko.

May buhat buhat siyang sako ng bigas! Lumapit na rin si Lindsey at Peter na may dala din.

Napalingon ako kay Ashmere na pumasok sa loob at inilapag ang sakong buhat niya sa dating lalagyan nila.

Napabuka ang mga labi ko para sana magtanong pero tinaasan lang ako ng kilay at umalis.

"Gia?"tanong ulit ni Coles kaya napalapit na ako sa kanya at itinuro ang space sa tabi nang bigas na inilapag ni Ashmere.

Bumili ako ng gatorade at pandesal para sa merienda nilang apat. Nakita ko sina Tonio na umiiling iling at kumakamot na lumapit sa akin.

"Sorry kung hindi kami ang nagdeliver Gia..nakontrata kasi kami sa kabilang bayan.. nagpauna na nang sampong libo.."paghingi nang tawad ni Tonio.

Umiling ako at ngumiti.

"Ano kaba.. okay lang yon. Mukhang maramihan yon ah.."nasabi ko nalang.

Umiling siya.

"Hindi nga eh.. akala ko naloko kami. Ilang sako lang yong pinabuhat. tapos nagbigay pa ng ilang libo at pinag merienda pa kami bago pinauwi. Pagbalik namin dito may nakuha na si Manong para magbuhat para sayo."

Napatango tango ako..

Maganda na rin yong malaki ang kitain nila ngayong araw..Ang hirap kayang magbuhat tapos barya lang ang natatanggap nila..

Nagpaalam na ako at natagpuan ang tatlo na hinihilot ang balikat nila at halatang umaangal kay Ashmere na nakakunot ang noo.

Nagtatype siya sa cellphone nya at napadukot ako sa bulsa ko para tignan ang text niya nang magvibrate ang phone ko.

ASH: where are you baby?

Napapangiti akong ibinalik na ang phone sa bulsa ng pantalon ko at lumapit na nang dahan dahan sa kanila.

"I never knew that I'll be doing this! I'm the boss in a multi billion company."umiiling na hinihilot ni Coles ang balikat.

Napabungisngis ako.

Pawisan na sila at nagtutulakan sa upuang kawayan para makaupo.

"Shut up! She might be here any minute. I'll break your arm if you complain some more!"matigas na sabi ni Ashmere at itinapat na ang cellphone sa tainga nya.

"Dude! Come on! Get off!"angal ni Peter na  patuloy sinisiksik ni Coles para makaupo.

Napapakamot na tumayo si Lindsey at umiiling. "Damn.. it's too hot and I'm thirsty. Why don't you ask your people to install aircon here?"Panay na ang kamot nito pati sa mukha.

Halatang nangangati na sa alikabok.

"She's not answering her phone! Damn it. What happened to that guy dude?"Ashmere asked and looked at Coles.

"That's all sorted out. Don't worry."Coles answered and leaned on the bamboo chair.

Napamura sila nang bumaliktad ang upuan dahil sa biglaang pagsandal nilang dalawa ni Peter.

"Fucking hell!"

"Hala!"naisigaw ko at napatakbo para tignan kung okay lang sila. Wasak ang upuang kawayan.

Napabalikwas silang dalawa nang makita ako at napatingin kay Ashmere na nasa likuran ko. Bakas ang pag aalala sa mga mukha nila.

"Idiot."bulong ni Lindsey na sobrang pula na nang mukha at leeg.

"Merienda muna kayo.."nahihiyang alok ko at nilagay na ang pandesal at inumin sa lamesa.

Akala ko ay dededmahin lang nilang apat ang merienda pero nagulat ako ng halos magdambahan silang tatlo sa pagkuha ng pandesal.

"S-saglit.. wala pang palaman yan."pigil ko sa kanila at inagaw ang plastic ng tinapay.

Napapout silang tatlo.

"Mga bata.. maghugas muna kayo ng mga kamay at mukha. Lindsey, may face towel don sa bag ko, kunin mo nalang at basain mo para maipampunas mo sa leeg mo." Utos ko sa kanila at itinuro ang lababo at ang bag kong malaki.

Mabilis silang nagpuntahan at nagtulakan. Parang mga bata talaga.

Naghiwa na ako ng keso para ipinalaman sa mga pandesal at inilabas na rin ang walong gatorade para sa kanila.

Sa laki nila nilang apat ay baka kulangin ang isang bote.

Tumayo sila at luminya habang pinapanood akong magpalaman kaya inalok ko na sila.

Nakakaamaze na kinain nila ito ng dalawang kagatan lang.

"Baby.. what about me?"ungot ni Ashmere sa likod ko. Nakapaghilamos na siya at bahagyang tumutulo pa ang buhok niya. Nakapagpalit na rin ng damit.

Parang bata na nakayakap sa akin habang sinusubuan ko.

"Sorry Gia. We haven't eaten anything yet since this morning."Peter explained while happily chewing his bread.

Napatango ako.

"Kung gusto nyo, sa bahay na kayo maglunch.. pero-"

"Sure!"sabay sabay nilang sagot at ngumiti sa akin.

Napangiti na rin ako.

Lumipat si Ashmere sa tabi ni Coles at may ibinulong.

Umiling si Coles.

Ibinalik ko na ang atensyon sa pagpapalaman ng pandesal dahil naubos na nila ito nang marinig ko ang pagmumura ni Coles na tila nasaktan.

Napalingon ako at hawak nya ang braso habang umiiling.

"Okay ka lang Coles?"nag aalala kong tanong.

"Ashmere didn't want us to have lunch-" binatukan siya ni Ashmere.

"Ashmere! Ano ba."inis kong sabi at hinila na siya palayo kay Coles na nakalabi na.

Ang sakit sa bangs nang mga ito.

"But baby.. they can afford to buy their own food!"angal ni Ashmere.

"Magte-thank you lang ako kaya sa bahay na rin sila kakain Ashmere!"sabi ko at tinignan siya ng matalim.

Napaatras siya at tumango nalang. Bakas ang takot sa mukha.

"Okay then.."

"Good boy!" Sabi ko at tinapik siya sa balikat.