Anino"
"Patawad ma, pa" usal ko habang tinititigan ang tali sa aking harapan. Habang walang humpay ang pagtulo ng lùha mula sa aking mga mata.
Habang inaalala ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito.
"Luke, let's talk" ako habang pinipilit kong kausapin ang nobyo ko na isang linggo nang umiiwas.
"We have nothing to talk about Eloise, we're done" sabi niya.
"W-what? After mo hingin sa akin ang sarili ko" I said, hindi pa rin makapaniwala sa naririnig ko.
"Bakit? Nag-enjoy ka rin naman ah!" Siya ulit, habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.
"Anak, malapit ka na magtapos huwag mo sanang pabayaan ang pag-aaral mo ha" si mama, habang inaayos ang buhok ni Elise, ang kapatid ko na mas bata sa akin ng dalawang taon.
"Opo ma" tanging nasambit ko.
Hindi ko masabi na ako ay iniwan ng nobyo.
Ipinikit ko ang mga mata at isinuot ang tali sa leeg ko.
"Ma, sorry" muling bulong ko, at tuluyan ko nang sinipa ang upuan kung saan ako nakatuntong. Naramdaman ko na ang pag sikip ng lubid sa leeg ko... hanggang sa magdilim na ang paningin ko.
"Miss, hoy! Miss!" Nagulat ako sa boses na tumatawag sa akin. Isang batang lalake.
"Huh? Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ba obvious kung nasaan ka?" Tanong niya sa akin habang hawak ang isang laruan na bola.
"Sino ka?" Tanong ko ulit sa kanya
"Anino mo" sagot niya ng nakangiti
"Anino? Matanda na ako tapos anino ko bata, niloloko mo ba ako?" Muling tanong ko sa kanya.
"Ay! Matanda ka na pala? Akala ko kasi bata ka pa eh, isip bata ka kasi" siya ulit habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Aba't" sabi ko habang tinitignan ang bata.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang binubuhat siya paupo sa tabi ko.
"Lima" siya ulit
"Lima? Eh anong ginagawa mo dito? At saka nasaan mga magulang mo?" Takang tanong ko.
"Ayaw sa akin ng nanay ko eh" malungkot na sagot niya, pagkatapos niya akong titigan ng matagal.
"Ha? Meron bang gano'n?" Natatawang tanong ko.
"Meron nga bang gano'n Eloise?" Tanong niya habang naiiyak.
Doon ko lang naalala ang sarili ko, niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako.
"Sorry, akin ka na lang kung ayaw sa iyo ng nanay mo" wika ko habang umiiyak.
"Sa iyo naman talaga ako Eloise" muling sagot niya.
"Ha? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" Naguguluhan kong tanong
"Anino mo nga ako hindi ba?" Siya ulit.
"Teka nga, limang taon ka lang ba talaga? Parang ang tatas mo naman magsalita" tanong ko sa kanya, at hinawakan na ang kamay niya pauwi sa amin.
Hindi na siya muling kumibo at humawak na lang sa kamay ko.
"Ma, Pa, andito na po ako. Si Elisse po?" Tanong ko sa kanila. Nadatnan ko silang kumakain.
"Nasaan nga pala si Elisse?" Si papa
"Ewan ko ba sa batang iyan, palagi na lang ginagabi ng uwi?" Si mama
"Huh? Kailan pa ho?" Muling tanong ko.
"May boyfriend na yata iyan, pagsabihan mo nga iyang anak mo" si mama ulit.
"Si Elisse? May boyfriend? Sino?" Tanong ko sa kanila. Nang maputol dahil sa pagdating ng isang sasakyan.
Agad akong tumakbo palabas at sinundan sina mama. Nagulat ako sa nakita ko, pamilyar ang kotse na pumarada sa harap ng bahay.
"L- Luke?" Gulat kong sabi.
"Elisse, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni papa sa kanya.
"Pa, pagod po ako" si Elisse.
" Kumain ka na ba anak?" Tanong ni mama.
" Kumain na po kami ma" si Elisse ulit habang papasok ng silid naming dalawa.
"Pagsabihan mo iyang anak mo Elma, ayaw ko ng gawi niya" galit na sabi ni papa
Sinundan ko naman si mama na pumasok sa silid namin.
" Elisse, mag-usap tayo" si mama
"Ma, mahal ko si Luke" si Elisse, na ikinagulat ko.
"Ang sinasabi ko lang naman, huwag ka sanang magpadalos-dalos" si mama.
"Ma, mahal din niya ako" maktol ni Elisse, nais ko sanang magsalita ngunit pinigilan ako ng maliit na anino ko kuno.
Hanggang sa lumabas na ng tuluyan si mama ng silid namin.
Pinanood ko si Elisse na magbihis at nagulat ako sa aking nakita.
"Elisse, nasaan ang mga gamit ko?" Naguguluhang tanong ko.
"Nasaan ang kama ko?" Muling tanong ko ng mapansin ko na wala din ito sa silid.
Lumabas ako para hanapin si mama at nadatnan ko siyang umiiyak.
"Hinintay kong sabihin niya ang totoo na buntis siya, pero wala siyang sinabi" si mama habang yakap ni papa.
"Ha? A-alam na nila?" Bulong ko sa sarili.
"Nag-iisang anak na nga lang natin si Elisse, ganiyan pa ginagawa niya" naiiyak na sabi ni papa.
"Huh? Pa, hindi ninyo ba ako anak?" Naiiyak na tanong ko.
Yumakap ako kay mama, pero tumagos lang ang katawan ko.
"Pa!" Sigaw ko pero tila hindi nila ako naririnig.
Inikot ko ang paningin ko sa buong kabahayan.
"B-bakit wala ako sa family picture? Bakit wala ang graduation pictures ko?" Naguguluhang tanong ko.
"Ma, Pa! Anak ninyo rin po ako!" Sigaw ko muli pero hindi talaga nila naririnig.
Pinuntahan ko si Elisse sa silid namin.
"Elisse, huwag!" Sigaw ko nang makita ko siyang nasa itaas ng upuan at itinatali ang sarili.
Tumakbo ako palapit, pero hindi ko rin siya mahawakan. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Iyak ako ng iyak dahil wala akong magawa. Hindi ko matanggap na hindi nila ako anak at hindi ko matulungan ang nag-iisa kong kapatid.
"Tulungan mo ako" pagmamakaawa ko sa batang nasa harap ko.
"Akala ko ba ayaw mo nang mabuhay?" Tanong nito sa akin.
"Anong nangyayari, bakit wala ako sa buhay nila?" Umiiyak kong tanong sa kanya.
"Ito ang mundong hindi ka ipinanganak, walang Eloise" siya ulit.
" Bakit, paano?" Muling tanong ko.
"Ipinakita ko lang sa iyo kung ano ang buhay nila kung wala ka, hindi ba at iyan ang nais mo?" Tanong nito.
"Hindi, hindi ito ang gusto ko. Ibalik mo ako, nagsisisi ako" umiiyak akong lumuhod sa harap niya.
"Ako Eloise, gusto mo rin ba ako? Mahalaga rin ba ako sa iyo?" Tanong ulit niya habang umiiyak
"Oo, itinuring na kitang anak, patawarin mo ako" wika ko at niyakap ko siya. Naramdaman ko rin ang mahigpit na yakap niya.
At nagdilim na ang lahat sa akin.
"Eloise? Gising ka na ba talaga anak?" Nakita ko ang mukha ni mama kahit medyo nahihilo pa ako.
"Ma!" Sigaw ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anak, huwag mo uulutin iyon, ikamamatay ko anak. " si mama habang umiiyak.
"Ano po nangyari?" Tanong ko.
"Mabuti na lang pumasok si Elisse sa silid ninyo nakita ka niyang nakasabit, mabuti na lang naagapan ka anak" si mama ulit.
"I'm sorry ma" ako ulit at yumuko. Panaginip lang pala ang lahat.
"Huwag mo uulitin, sayang ang anghel sa sinapupunan mo" sabi ni mama.
"Po? " naguguluhan kong tanong.
"Oo, anak. Buntis ka" si mama ng naka ngiti.
Tamang pagpasok naman ni Elisse.
"Elisse, huwag mong gagawin iyon, huwag ka rin maniniwala kay luke" sunod-sunod na sabi ko.
"Ha? Ang alin ate? Luke? Aanhin ko naman iyong ex mo na sira-ulo, ipa-bugbog ko pa iyon eh" si Elisse.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang dating elisse.
Pitong buwan ang mabilis na lumipas
"Heto na ang baby" si mama. Nakapanganak na ako sa tulong ng pamilya ko.
"Ang guapong bata eh" si papa, habang iniaabot sa akin ni mama ang sanggol.
Humagulgol ako at niyakap ko ang sanggol ng mahigpit. At saka ko siya tinitigan.
"Nagkita ulit tayo Anino" nakangiti kong sabi sa sanggol na iniluwal ko.
-Anino-