webnovel

Chapter 5

Chapter 5

Save her

Pinanood lang ni Jorden ang babae na lumubog sa tubig. Take note, eight feet ang lalim ng tubig dahil hindi ito na-adjust. Though matangkad naman ito at kaya pa nito ang malalim na tubig. Iyon ay kung marunong ba itong lumangoy.

Ilang segundo ang nakalipas at kumunot ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumaway-kaway. Talagang hinayaan nito ang sarili na lumubog sa tubig.

Naalala niya ang pagkainis sa babae kanina kaya naman ay tinalikuran niya ito.

"Pinainit mo ang ulo ko kanina eh, pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nagtatanong ako na hindi naman sumasagot."

Ilang segundo pa ang nakalipas at hindi siya nakarinig nang tunog na kung umahon ba ang babae.

Mabilis na tinignan niya ulit ang pool.

"Fuck!"

Hindi na siya nagdalawang isip pa at tumalon na sa pool saka siya lumangoy sa tubig.

Nakita niya agad ang babae sa ilalim ng tubig at nakapikit ang mga mata. Hindi na ito nakagalaw pa.

Pagkalapit niya sa babae ay pinadausdos niya agad ang kaliwang braso niya sa bewang nito at inahon pataas. Talagang wala nang malay ang babae.

Buong lakas niya itong binuhat at binaba sa gilid ng pool bago siya umahon.

Lumuhod siya sa kaliwang gilid ng babae at pinagmasdan ito.

Madilim na ang kalangitan at nakapatay ang mga ilaw sa pool. Pero naaaninag niya ang maamong mukha ng babae dahil na rin sa sinag nang buwan na tumatama sa kanila.

She have a beautiful perfect appearance. Her cute pointed nose and her shape of heart lips. Her chin... Oh, damn it! Bigla na lang siya nakaramdam ng init sa katawan kahit na basang-basa siya ng tubig.

'She's one of a gift of God. A gorgeous one and she looks angel,'  aniya sa sarili.

Napatingin siya sa maninipis nitong labi. Why on earth he has an urge to kiss her? His heart skips a beat.

"W-what was that?" he asked and he shook his head, repeatedly.

Bago pa niya makalimutan na nag-aagaw na pala ng buhay ang babae ay kumilos na siya. Mabilis niyang tinapat ang magkabilang palad niya sa dibdib nito.

Binigyan niya ito ng CPR, the good thing is marunong siya sa mga ganito.

"One... Breath in," mahinang bulong niya at inulit pa niya ang pagbibigay ng CPR sa babae.

"Two... Come on, breath."

Inulit niya lang ang kanyang ginagawa at madalas niyang sinusulyapan ang babae kung magkakaroon na ba ito ng malay.

"Three... Come on!" napasigaw na siya dahil sa frustration na naramdaman niya.

Bigla siyang nilukod ng kaba at takot dahil kahit ilang ulit niya itong binigyan ng CPR ay hindi pa ito nagkakamalay.

Sinuri niya ang pala-pulsuhan nito at gayon na lamang ang gulat niya nang makita na nagkakulay byoleta na ito. Senyales na wala na itong dugo sa kamay at mahina na ang pagtibok ng puso nito.

"Damn! You can't just die, like that! Come on, breath!"

Mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at binaba niya ang kanyang mukha para bigyan ito nang hangin sa bibig na mula sa kanya.

A mouth to mouth.

His lips meet her frozen lips, again...

Ginagawa niya ang mouth to mouth at ang pagbibigay ng CPR at the same time.

"Shit! Come on, breath!" Muli niyang hinalikan ito sa labi at binigyan ng hangin.

"Breath! Wake up, lady! You need to wake up! Fuck!" Nakaka-frustated na dahil wala talagang nangyayari. Hindi pa ito nagkakaroon ng malay.

"Damn! What have you done, Jorden Greycent?!"

Magiging kriminal pa yata siya ng wala sa oras. Masisira rin ang image niya, hindi lang mismo 'yong sarili niya. Pati ang pribadong isla nila ay masisira rin ang pangalan nito.

Bakit niya ba kasi iyon ginawa? Bakit ba kasi uminit kaagad ang ulo niya? Bakit ba kasi hindi siya nag-isip kaagad kung ano ba ang magiging resulta n'on pagkatapos niyang gawin iyon?

He's a jerk! A big jerk!

"Come on, lady! Breath...wake up!" Sa huling pagbibigay niya ng hangin sa bibig nito ay narinig na niya ang pag-ubo nito at ang mahihinang pag-ungol.

Sinuri niya kaagad ang pala-pulsuhan nito at bumalik na sa normal. Nagkaroon na ito ng kulay.

Tiningnan niya ang mukha nito at ngayon nga ay nilalabas na nito ang tubig na na-inum nito marahil.

Hinawakan niya ito sa braso at sa baiwang saka hinila paupo. He caress her back at naramdaman niya ang pagsandal ng ulo nito sa dibdib niya.

Hinagud-hagod niya lang ang likuran nito at naramdaman niya ang mainit na hininga nito na tuma-tama sa dibdib niya.

Nakahinga na siya nang maluwag, at parang nakalimutan niya yata na huminga kanina.

Muntik ng mamatay ang babae kanina dahil sa kanya.

Ang kaliwang kamay niya ay humahaplos na ito sa mahabang buhok ng babae.

Mariin siyang napapikit, bakit ganoon na lang ang takot niya? Na paano kung hindi na nagkamalay ang babae at tuluyan na nga itong namatay?

Bakit parang... nabahala siya sa kalagayan nito? Ni hindi nga niya ito kilala. Bigla na lang ito pumasok sa kuwarto niya. At kung tutuusin ay trespassing ang ginawa nito kanina. Pero bakit ngayon iniligtas niya ito?

'Shit, Jorden Greycent! Kasalanan mo kung bakit siya nahulog sa pool!"  kastigo ng kanyang isip at napabuntong-hininga na lamang siya.

Hinawakan niya sa balikat ang babae.

"Are you alright?" tanong niya sa mahinang boses, pero wala siyang natanggap na sagot mula rito.

Muli niyang pinadausdos ang kamay niya sa katawan nito at hinawakan sa paa. Saka niya ito binuhat. Nagulat pa ang babae sa ginawa niya kaya mabilisan nitong pinalibot ang braso sa leeg niya.

Naglakad siya palapit sa may upuan at maingat niya itong ibinaba.

Inayos niya muna ang pagkakaupo nito at saka hinablot ang malaking tuwalya sa side-table.

At nang maayos na ang tuwalyang nakabalot sa katawan nito ay hinawi niya ang buhok nitong nakatabing sa mukha nito.

Masyado siyang napalapit sa babae kaya naman ay mas natitigan niya nang husto ang mukha nito.

Bumaba ang mga mata niya sa labi nito at may kaunting tubig pa. Napalunok siya lalo pa na bahagyang nakabuka ang bibig nito. Tinignan niya ulit ito sa mga mata.

Sumalubong sa kanya ang malamig na mga mata nito and he's a little bit shocked. She has a color gray eyes. Mahaba at malalantik ang pilik ng mga mata nito.

'Mas maganda pala siya sa malapitan,' usal niya sa isip niya.

Ilang segundo silang nagtitigan pero umiwas ito kaagad nang tingin sa kanya. Bigla na lamang ito napabahing.

Hinawakan niya ito sa pisngi at masyadong malamig ang balat nito at nanginginig na. Halatang giniginaw na nga ito.

"Dito ka lang, kukuha lang ako ng mainit na kape para mabawasan ang ginaw mo."

Sa huling pagkakataon ay inayos niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan nito. Bago siya naglakad palapit sa sliding door.

Kukuha lang siya ng kape para sa babae. Para mabawasan ang lamig nito.

Hindi alam ni Ross kung bakit sobrang bilis nang pagtibok ng puso niya.

Lalo na nang makita ang lalaki at hindi niya naintidihan ang mga sinabi nito.

Iniwan na lang siya bigla pero napansin niya ang paraan nang pagsasalita nito ay parang nag-uutos.

Sinulyapan niya ang pinasukan ng lalaki kanina sa sliding door.

She relized something, nahuli pala siya nito kanina nang pumasok siya sa kuwarto nito, marahil ay baka pagagalitan pa siya nito.

Mabilis siyang tumayo at tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan.

Tinignan niya ang isang pintuan, baka iyon ang isa pang labasan ng pool kaya doon na siya dadaan.

Nagmamadaling lumayo siya mula sa pool at ramdam niya ang lamig, pero tiniis niya ito para lamang na huwag siyang maabutan ng lalaki.

Sa wakas ay nakalabas na siya. Nagkasalubong sila ni Rie at  patingin-tingin pa ito sa paligid. Na parang may hinahanap at hanggang sa napako ang tingin nito sa kanya.

"Ate Ross? Kanina pa kita hinahanap. Ay  teka! Bakit basang-basa ka?" gulat na tanong nito sa kanya.

Mabilis niyang hinawakan sa braso si Rie at hinila palabas ng bahay-bakasyunan.

Kahit naguguluhan ito ay nagpati-anod na lang sa panghihila niya.

Bago tuluyang lumabas sila ni Rie ay muli niyang sinulyapan ang pintuan na papasok sa pool ng bahay-bakasyunan. Pagkatapos ay naglakad na sila pauwi.