webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
282 Chs

Chapter 70: New normal

Six months later...

"Bruh, patungo akong Tuguegarao ngayon?. gusto mong sumama?.." nagsasampay ako ng damit na nilabhan. Nakasabit sa magkabilang posted ang alambre na pinaglalagyan ko ngayon ng medyo basa pang damit. Ang sabi kasi ni kuya Rozen. Idrayer ko na. E ang sabi ko naman, wag na dahil mainit naman. Makatipid man lang ng bill sa kuryente.

"Anong gagawin mo dun kuya?.." tanong ko matapos isampay ang lahat. Nasa terasa na pala sya ng bahay. Nag-aayos ng sarili. Handa na sa pupuntahang lugar.

"Mag-iinquire sa school.. di pwedeng huminto tayong tatlo.. alam mo na, sina mama at papa.." simula kasi nung namatay si mommy. Wala ako lagi sa sarili. Tulala, madalas umiyak. Hindi kumakain. Hindi rin makausap ng matino. Sa gilid lang ng kwarto yakap ang naiwan pa nyang mga damit.

Hindi ko lang matanggap ng ganung kaaga. Iniisip kong, paano na ako?. Paano na ang future ko?. Wala akong pera at mag-isa na ako ngayon?.

Lahat ng mga katanungan kong iyon ay nasagot rin kamakailan. Sina mama at papa ang kumalinga at nag-alaga sakin kahit sa totoo lang ay wala silang oras dahil sa trabaho. Ngunit, nagagawa pa rin nilang makagawa ng paraan para makausap at mapaintindi sakin na this is all part of everyone's life. May nauuna lang daw dahil iyon ang kapalaran nila. Kahit ano yatang sabihin nila ng mga oras na yun ay sarado na ang isip kong intindihin sila. Ang nasa isip ko lang ay mag-isa ako't wala nang masasandalan ngunit nagkamali ako ng isipin dahil kahit kailan, di nila ako iniwan o pinabayaan man lang. Kahit di ako aware noon dahil sa pagkabulag sa pagkawala ni mommy, ay di pa rin sila nagsawa sakin. And I'm so thankful for their help dahil heto ako't muling nag-uumpisa.

"Sama ka na.. ikaw lang maiiwan dito kung sakali eh.."

"Kasama mo rin si kuya Ryle?.." tumango lang sya. Naglakad papasok na ng bahay. Binitbit kong muli ang balde saka pinatong sa may terasa kung saan may mga halaman na nakapatong din duon. Sinundan ko ang mga yapak ni kuya Rozen sa loob ng bahay. Nadatnan ko rin si kuya Ryle na nasa harapan na ng salamin. Nag-aayos ng buhok. Pinapatayo ang mga yun.

"Maligo ka na bruh.. antayin ka namin.." ani kuya Ryle. Tinignan nalang ako sa may salamin.

"Paano kung malate kayo?.." nilingon ako ni kuya Rozen na kakalabas ng kanyang silid. Sya ang sumagot. "Hindi kami aalis hanggat di ka namin kasama... malalagot kami sis.. tsaka, para makita mo na rin ang school na papasukan natin soon.."

"Go na.. no more questions lil sis.." tango sakin ni kuya Ryle.

Mabilis na akong pumasok ng silid. Naligo at nagbihis ng simpleng jeans at plain pink shirt. Tinali ko rin ang maalon na buhok saka kinuha ang cap na nakasabit sa likod ng pintuan. Nilagay ko lahat sa loob ng maliit kong bag pack ang wallet, mga id at iba pang mga papeles na ka-kailangan kung sakali bago ako lumabas.

"Ready?.." nakaupo si kuya Ryle sa mahabang sofa sa sala. Prente at gwapong gwapo. Suot ang itim na damit. Jeans at itim rin na boots. School ba pupuntahan nito o manliligaw?.

"Ready.." tango ko sabay suot nang cap na nasa kamay ko. Pinatay nya ang aircon saka pinauna akong lumabas. Nilock nya rin muna ang pintuan bago lumapit sa sasakyan. Itong Chevy nya ang nakaandar ngayon. Yung kay kuya Rozen, nasa garahe.

"Let's get this on!.." anunsyo ni Kuya Rozen na syang magmamaneho nito.

Habang bumabyahe. Nakikita ko ang linis ng tubig na galing sa dagat. Maging ang mga berdeng dahon ng mga puno ay kaysarap sa mata. Pakiramdam ko nga. Parang ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito. Sa loob ba naman nang anim na buwan na pagmumukmok, apat na sulok lang ang nakikita ko. Ngayon, maski ang hangin ay kaylinis langhapin. Humahagod saking lalamunan.

"Roz, daan muna tayo sa mall.. let's eat breakfast.."

"Saan?.." luminga sya. Malapit na yata kami dahil marami na akong nakikitang mga building.

"Any fast food chains will do.." si kuya Ryle. Naghanap nga sila ng makakainan. Kalaunan, pumarada na sya't bumaba kaming tatlo. Inalalayan nila akong pumasok at pinaupo sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang maaliwalas na labas. Ang taas na ng sikat ng araw. Pasado alas nuwebe na pala.

Umorder ang isa sa kanila saka sabay kaming kumain nang nilapag na iyon sa aming mesa.

"Malapit na ba tayo?.." tanong ko. Nacurious sa pupuntahan.

Humalakhak si kuya Ryle. "Hahaha.. wala pa tayo sa kalahati bruh.."

"Ano?!.." lumaki ang mata ko. "Ganun kalayo?.."

"Aha.. ganun nga.. Haha.. bakit?. excited ka na ba?.."

"Di naman.. parang city na kasi ito.." luminga ako. Tapos binalik muli sa kanila ang paningin.

"Wala pa tayo sa main city.. andun ang main offices ng region two.."

Seryoso?. Paano nalang yung mga nasa malalayong lugar?. kailangan pang dumayo roon?..

"Malayo ba sa'yo?. I'll tell to mama para makahanap tayo ng bahay duon.."

"No kuya.. it's okay.. wag mo nang sabihin kila mama.." tinignan lang nila ako't pinagpatuloy ang pagkain na parang wala lang.

Maya maya. Bumalik muli kami sa byahe.

"Roz, may nabasa ako rito.. may dorm daw sa loob ng school.. pwede na siguro to.."

"That's good.. let's see later.."

"Kuya, ayos lang po.. mukhang malapit lang naman.." pigil ko sa binabalak nila. Baka mahal eh. Naku naman! Ang daldal kasi eh!

Sa pagdaan ng sasakyan. Nakaidlip ako ng bahagya

"Joyce, we are here na.." tinapik ako ng isa sa kanila. Luminga ako't puro puno na naman ang nakita ko. Saan na kami?. Tuguegarao na ba ito?.

Bumaba ako. Sumalubong agad sakin ang masarap na hangin. Agad din kamung naglakad. Puro tanong na yata ako dahil di ko mama talaga alam kung nasaan na kami.

Pumunta kami sa may registrar. Sinabi nila ang mga kailangan. Ang sabi nila kuya. Wednesday na ang balik namin. But before kami umalis sa school. Nilibot muna namin iyon. May simbahan sa loob. May dorm rin gaya ng sinasabi kanina ni kuya Ryle. Di kami pumasok roon. Saka nalang raw pagbalik namin. Malawak ang kabuuan at malalaki ang mga building. Dumaan din kami sa building ng high school. Tapos nun ay sa building nila kuya.

Sana nga, sa new normal na ito. Maging maayos na rin ako. Sana gabayan pa rin ako ni mommy kahit andito ako sa malayo. Pinili ito ni papa dahil dito ang origin nila. Pag duon daw kasi ako nagpatuloy. Baka lalo lang akong maistress at tuluyan nang mabaliw kakaisip sa nakaraan. Nakaraan na hihilahin ka pababa kung magpapakalunod dito. Alam ko iyon. Kung wala talagang humila sakin para bumangon muli?. Baka nalunod na talaga ako't sumunod kay mommy.