webnovel

Kabanata 4

Romeo's eyes sparkled with pleasure as he gazed upon the lovely scene in front of him. He stiffened and swallowed many times.

I should have checked if he actually left, but I didn't. He's like a tiger waiting for a chance to eat me. I smiled timidly as I covered my body with something.

Hindi naman ako totally hubad. May suot akong two piece nighties. Kaya lang bakat kasi 'yong dalawang cherry tomatoes na nakatontong sa matayog kong bundok. At talagang do'n nahinto ang nagningning na mga mata nitong lalaking natuod na sa kinatatayuan niya.

Mahal ko 'to. Pero sarap din tusukin ang mata!

Tabing ang unan sa katawan, tumayo ako at nilapitan siya. Hinablot ko ang t-shirt na hawak niya at sinuot iyon, saka hinila siya palabas ng k'warto. Buti na lang at nagpaubaya siya na hilahin ko hanggang sa makababa na kami.

"Ingat ka mahal hah." Patulak ko siyang dinala sa pinto at agad iyong binuksan.

Kumurap siya at lutang na tumingin sa akin. As-in lutang talaga. "Kaya mo ba ako binato ng damit para umalis na ako?"

Buang! 'Yon talaga ang naisip niya? Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi ang nakakabobo nitong tanong.

"Oo, pinapaalis na talaga kita, kasi po madaling araw na! Ano na lang ang iisipin ng mga human CCTV naming mga kapitbahay, nandito ka pa rin nang ganitong oras?!" sabi ko na lang nang agad matapos ang usapan.

Ngumiti na naman siya saka niyakap at hinalikan ako sa pisngi. "Sige alis na ako mahal, balik na lang ako mamaya," nakangiti niyang paalam.

"Ingat sa pagmaneho, mahal!" pahabol kong bilin habang tanaw ang matambok niyang pang-upo na gumagalaw kada hakbang niya.

Natampal ko ang noo ko. Sa daming p'wedeng tingnan, talagang pang-upo niya pa ang pinasadahan nitong makasalanan kong mga mata.

"Nagamot niyo na ba ang mga sugat ninyo?"

"Ay, p'wet!" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Mama mula sa likod ko.

"Mama naman eh! Kakagulat po kayo!" Napahawak na lang ako sa dibdib kong kumakabog sa kaba.

Umismid siya pero may ngiting nanunudyo. "Bati na kayo?" tanong niya habang binubuksan ang ref at kumuha ng tubig doon.

"Eh... opo Ma, 'di ko po talaga siya matiis," nahihiya kong sagot.

"Hindi lang pala magaling na manager iyong boyfriend mo, ano?! Magaling din palang doctor," naiiling pang sabi ni Mama.

Napanguso ako, pero 'di naitago ang kilig.

"Akalain mo bang mahigit tatlong oras lang, napagaling niya agad ang sugat mo!"

Nahihiyang napakagat labi ako at yumuko na lang. "Wala naman po kaming ginawa sa taas, Ma," mahina kong sabi at lumabi pa habang pinaikot-ikot ang daliri sa laylayan ng damit ko.

"Sino ba ang may sabi na may ginawa kayo?! 'Tsaka alam ko naman na wala kayong ibang ginawa kun'di ang magsakmalan ng labi!"

Nahinto ang pag-ikot ng daliri ko at napaawang ang bibig ko. Kalauna'y nanliit ang mga mata ko na tumitig kay Mama. Pilit kong binabasa ang mukha niya. Alam niya na may sakmalang naganap at alam niya rin na walang nangyari sa taas. Hmmp... ang talas naman ng pandigin niya.

Bahagya siyang ngumiti. "Tingnan mo iyang labi mo, namaga na!" Turo niya pa ang labi ko.

Napahawak naman agad ako sa labi ko. Kinapa ko nga kung totoong namaga. Tulayan nang natawa si Mama sa ginawa ko.

"Mama naman eh, puro biro," tampo kong sabi, pero napapangiti na lang din.

"Ma, paano niyo po ba nalaman na wala nga kaming ginawa sa taas?" pabulong kong tanong na akala mo, may ibang tao na makakarinig sa amin.

"Gusto mo talagang malaman?" seryoso niyang tanong. Tumango naman ako ng paulit-ulit, curious din kaya ako.

"Halika rito," sabi niya na agad ko namang sinundan papasok sa k'warto niya.

"Kita mo yan?" Nakatingala siya habang turo ang sahig ng k'warto ko at nagsilbing kisame ng kwarto niya.

Napanganga ako at talagang nilapitan ang tinuro niya. Nagmukha lang naman akong tanga na naghahanap ng kung ano sa kisame.

Napakamot pa ako sa ulo habang nakatingin doon. "Wala naman po akong nakikita ma! Pinagloloko niyo lang po yata ako!" reklamo ko at nakasimangot na tumingin sa kan'ya.

Tumawa lang siya at umiling. Lalo tuloy nagusot ang mukha ko.

"Alam mo 'nak, maganda ka sana at matalino ka rin naman sa pagkaka-alam ko. Pero may pagkatanga ka rin pala! Talagang wala kang ibang makikita r'yan kun'di iyang sahig na siguradong aalog kapag nagyugyugan kayo sa taas!"

"Ay, naku! Ewan ko sa'yo, Ma! Matulog na nga po tayo," nasabi ko habang nagpapadyak palabas ng k'warto niya.

Narinig ko pa ang tawa niya kahit nasa labas na ako ng kwarto. Pero tama nga naman siya, gawa lang kasi sa light materials itong bahay kaya siguradong aalog iyon kapag nagyugyugan nga kami sa taas.

Si mama talaga daming alam! 'Di tuloy matigil ang pag-iling ko. Buti na lang talaga at wala kaming ginawa ng mahal ko.

Nakahiga na ako pero hindi pa rin maalis ang ngiti ko. Ang saya ko kasi bati na kami ng mahal ko. Ang problema na lang namin ngayon ay ang mommy niya.

Paano ko kaya makukuha ang loob niya? Buti pa si Romeo, ang bilis nakuha ang loob ni Mama. Hay naku, makatulog na nga at bukas ko na iisipin ang dapat kong gawin para makuha ang loob ng mommy niya."

*****

Tanghali na ako nagising dahil nga madaling araw na akong nakatulog ng mahimbing. Ang daming ganap kasi kagabi. Med'yo lutang pa nga ako.

Napangiti pa ako nang maalala na bati na kami ng mahal ko. Nag-unat muna ako saka pumasok sa banyo. Kailangan ko munang maglinis ng katawan bago bumaba, baka kasi dumating na si mahal.

Ang fresh ng pakiramdam ko. Hindi lang dahil sa bago akong ligo, kun'di dahil puno ng kasiyahan ang puso ko. Basta ang saya at ang gaan talaga ng pakiramdam ko ngayon. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Heto nga at pababa na ako, pero nakangiti pa rin ako.

"Magandang umaga 'Ma," masiglang bungad ko kay Mama, kasabay ang pagyakap ko mula sa likod at humalik sa pisngi niya.

"Ang saya mo ngayon, 'Nak ah!" nakangiting sabi naman niya matapos akong bigyan ng malutong na halik sa pisngi.

"Syempre naman po 'Ma, bati na kasi kami ng mahal ko," sagot ko at tinutulangan siya sa paglapag ng mga pinggan sa lamesa. Umupo na rin kaagad ako pagkatapos mailapag iyon.

"Paano ang Mommy niya, 'nak? Paano kong ayaw pa rin niya sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya. "Ayokong makita ka ulit na nasasaktan at umiiyak dahil sa Mommy ni Romeo, dahil nasasaktan din ako, Anak!" malungkot nitong sabi.

Ramdam ko naman na nasasaktan nga siya, kahit 'di niya pa sabihin. Makarugtong kaya ang mga puso namin. Masaya ako kapag masaya siya. Malungkot ako kapag malungkot siya. Gano'n kami ka close ni Mama.

"Gagawa po kami ng paraan ni Romeo, Ma. Hindi kami susuko hanggang sa matanggap niya ako," buo ang loob na sabi ko kay Mama na bahagya na lang ngumuti.

"Oh siya, mamaya na natin ituloy ang usapan at lalamig na ang pagkain!" putol niya sa aming usapan.

Isang maikling panalangin muna ang aming ginawa bago nagsimulang kumain. Hindi ko pa rin talaga maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa sayang nararamdaman, kahit pa abala na ako sa pagkain.

"Masarap ba anak?" nakangiting tanong ni Mama.

"Naman po Ma! The best po yata ang luto mo. Sobrang sarap po lahat ng luto niyo!" nakangiting sagot ko. Tinaas ko pa ang hawak na kutsara.

Sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi niya na nagpangiti rin sa akin. Sandali pa kaming nagtitigan at tinuloy na ang pagkain.

"Ako na po ang bahalang magligpit at maghugas, Ma," sabi ko nang makitang patapos na siyang kumain.

Ngumiti at tumango lamang siya, saka nagtungo na sa maliit niyang harden.

Talagang tumutulong ako sa gawaing bahay tuwing linggo dahil nga dayoff ko. Ito lang din talaga ang araw na makatulong sa Mama ko at makapagpahinga naman siya kahit isang araw lang.

"Violy, kailan ang kasal ng Anak mo at ng kasintahan niya?" rinig kong sigaw mula sa labas.

Kunot-noo akong sumulip sa may pinto nang marinig ang malakas na boses ng aming kapitbahay.

Bitbit ko pa ang baso na hinuhugasan ko. Si Aling Erna lang naman ang nasa labas ng gate, leader ng mga human CCTV sa lugar namin.

Nailing na lamang ako at bumalik sa mga hugasin ko.

"Hindi pa nila nagpag-usapan ang bagay na iyan Erna!" rinig ko namang sagot ni Mama na alam kong med'yo naiinis dahil sa pandadayo ng tsismis ng kapitbahay namin. Ni hindi nga siya nag-abalang pagbuksan iyon ng gate.

Wala naman talaga kasing ibang ginawa ang matandang 'yon kun'di ang magkalat ng tsismis.

"Hindi pa pala nila napag-usapan pero hinayaan mong maglagi hanggang madaling araw ang kasintahan niya d'yan sa inyo!"

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Talagang gising pa siya sa mga oras na 'yon at alam niya na madaling araw nang umuwi si Romeo. Ano, 'di na ba siya natutulog sa kababantay sa mga happenings dito sa lugar namin?

"May nangyari lang na hindi inaasahan kagabi, Erna! Kaya hindi naka-uwi agad si Romeo!" Iiritang sagot ni Mama.

Lumabas na rin ako ng bahay at kinuha ko mula sa kamay ni Mama ang hawak nitong hose, at ako na ang nagtuloy sa pagdidilig ng mga halaman.

"Magandang umaga po, Aling Erna," bati ko naman kay Aling Ernie na daig pa ang inahing manok kung pumutak.

Hindi man lang ito nag-abalang batiin din ako. Kung ismiran pa ako parang ang laki ng kasalanan ko sa kan'ya.

"Huwag na mo ngang pagtakpan iyang anak mo Violy, magagaya din 'yan sa ibang babae rito, buntis muna bago kasal!"

Humigpit ang hawak ko sa hose. Bahagya kong nawisik kung saan ang tubig no'n! Gusto ko na nga sanang diligan ang bunganga nitong si Aling Erna. Kakainis na kasi!

"Hoy Erna! Wala ka pa rin talagang kadala-dala, ano?! Muntik ka na ngang mahataw ng anak ni Linda, heto ka na naman at bumubula na naman ang bibig mo!" Galit na saway ni Aling Chona kay Aling Erna. "Kung ako pa iyan si Vianna May, kanina pa kita diniligan diyan nang mahimas-masan ka!"

Kumukumpas pa ang kamay nito habang nagsasalita. Si Aling Chona ay kalapit na kapitbahay namin ni Mama, kaibigan ko rin ang anak niyang si Cathy na ka-edad ko rin.

Mukhang galing nga lang siya sa palengke at may bitbit pa siyang karne at pansit. Pero talagang tumigil lang siya para sawayin lang itong si Aling Erna na walang ginawa kun'di ang makialam sa buhay ng may buhay.

"Violy, Viann, sa bahay na kayo maghapunan hah! Kaarawan kasi ni Cathy, kaya nga heto at namili ako nang may k'unting mapagsaluhan mamaya!" nakangiting sabi ni Aling Chona.

"Sige po, Aling Chona. Pupunta po kami ni Mama. Miss ko na rin kasi ang pansit mo," sabi ko.

Nakita ko pa ang pag-ikot ng mga mata ni aling Erna.

"At bakit sila lang ang in-imbita mo Chona?!" mataray na tanong ni Aling Erna.

Bahagya namang nagulat si Aling Chona, nang marinig si Aling Erna. "Nandiyan ka pa pala?" Iritang tanong nito. "Talagang hindi ka umaalis hangga't wala kang makuhang bagong tsismis, ano?!" Nakataas ang isang kilay at nakapamaywang na hinarap si Aling Erna.

"Kung gusto mong pumunta mamaya, pumunta ka at kung okay lang sa'yo na makita ang asawa kong galit din sa'yo dahil sa tsismis na pinagkalat mo!"

Agad umalis si Aling Erna nang marinig ang tungkol sa asawa ni Aling Chona. Nagkatawanan na lamang kami pag-alis niya. Ewan nga ba kung bakit hindi maperme sa bahay nila si Aling Erna, daig niya pa ang reporter. Laging una sa balita! Balitang dagdag, bawas nga lang.

Naging abala na kami sa pag-aasikaso ng mga halaman sa harden pag-alis ni Aling Chona. Ang sayang pagmasdan ng mga rosas na iba't-iba ang kulay at mga orchids na tila mga babaeng sumasayaw kung titingnang mabuti.

Simula kasi noong pinatigil ko si Mama sa pagtanggap ng labada, itong mga halaman na ang pinagkakaabalahan niya. Natutuwa rin naman akong makita siya na masaya sa tuwing nandito siya sa harden.

"Ma, pasok na po tayo. Masyadong tirik na ang araw, mamaya na lamang natin ituloy ito," sabi ko nang maramdaman ang masakit na pagdampi ng mainit na sikat ng araw sa aking balat. Makulimlim kasi kanina kaya masyado kaming nawili sa ginagawa namin.

"Tara Anak." Tinanggal niya ang suot na gloves at pinatong iyon sa wooden chair bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Kumuha agad ako ng tubig habang si Mama, umupo sa sofa at tinutok pa sa kan'ya ang electricfan.

"Ma, inum po muna kayo." Inabot ko ang tubig at agad naman niyang inimun.

"Salamat Anak," nakangiti niyang sabi. Hinugasan ko naman agad ang ginamit naming baso. Saka ako tumabi sa kan'ya sa sofa para manood ng variety show.

Tawang-tawa kami sa aming pinapanood. Nakikisagot pa sa mga tanong ng host. Hanggang sa marinig ko ang pagparada ng sasakyan sa labas. Alam kong si Romeo iyon. Kabisado ko na kaya ang tunog ng porsche niya. Muntik pa akong madapa sa biglang pagtakbo ko.

"Anak, dahan-dahan naman. Parang sinisilaban ang puwet mo ah!" saway ni Mama.

Napakamot na lamang ako sa ulo at hindi na sumagot. Mas'yado naman talaga akong excited. Sa pinto ko na lamang inabangan ang mahal ko. Nakangiti siya at may bitbit na bouquet ng bulaklak na agad nagpakilig sa akin.

"Hello mahal," malambing nitong saad kasabay ang matamis na halik sa labi ko at inabot sa akin ang bouquet of red roses.

Lumingon naman ako kay Mama na nasa telebes'yon lang ang tingin.

"Magandang hapon po, Ma," bati ni Romeo kasabay ang pagmano.

"Magandang hapon, upo ka!" malamig na tugon ni Mama. Kasing lamig ng ilong ng pusa.

Alam kong masama pa rin ang loob niya kay Romeo at lalo na sa Mommy niya. 'Di pa nga niya magawang tingnan ng deritso si Romeo.

"Ma, galit ka pa po ba?" malambing na tanong ni Romeo.

Hindi umimik si Mama. Malungkot na tumingin sa akin Romeo at gano'n din ako sa kan'ya.

"Ma, sorry na po... hindi ko naman gustong saktan at paiyakin si mahal." Tumabi siya kay Mama, nilingkis ang mga kamay sa braso at pinatong ang baba sa balikat nito.

Laglag ang panga ko sa nakikita. Daig niya pa ako kung maglambing kay Mama.

"Ma... 'wag ka na po'ng magalit, please..." sabi niya pa.

Taas ang dalawang kamay ko. Ibang klase talagang manligaw itong mahal ko. Agad na kasing napangiti si Mama. K'unting pakipot pa sana! Eh, bumigay na agad.

"Hindi na ako galit, pero aaminin ko, masama talaga ang loob ko. Nasaktan at umiyak ang anak ko," sabi niya.

"Ma, pangako, po... 'di ko na hahayaang umiyak o masaktan pa si mahal ko."

"Siguraduhin mo lang, Romeo, dahil sa susunod na iiyak at masasaktan siya, ako na mismo ang mag-uudyok sa kan'ya na iwan ka!"