webnovel

Slaughtering a Dragon?

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ba sinabi niya na papatayin niya ang dragon noong huli beses tayong nagkita?"

"Anong nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Lola.

Nagkibit-balikat si Marvin. Walang nakaka-alam kung ano ang nangyari sa lalaking ito.

"Buhatin niyo siya at patulugin sa kama ko." Agad na utos ni Marvin.

Ang kwarto ng kapitan ang pinaka-komportableng lugar.

Nanlaki ang mga mata ni Marvin, nagpapabalik-balik ang tingin nito mula kay Marvin at sa Elf. Hindi masabi kung ano ang iniisip nito.

Natakot naman ang iba sa sinabi ng dalawa.

Papatay ng Dragon?

Hindi ito isang biro!

Sa Feinan, mabalasik ang ano mang bagay na may kinalaman sa isang Dragon, lalo pa ang Dragon mismo.

Noong mga oras na iyon, ang isang sailor na itinatayo si Ivan ay biglang sumigaw, "Naaalala ko na!"

"Hindi ba siya ang Elven War Saint na sumapak sa Ancient Dragon kaya tumalsik 'to pabalik sa dagat?!"

"Siya 'yon?"

"Sir Elven War Saint Ivan?"

Agad namang naawa ang mga sailor.

Matapos ang laban sa Black Dock Harbor, hindi lang ang mabagsik na Ancient Red Dragon na si Ell ang nakilala ng lahat, nakilala rin nag mga matatapang na Legend na lumaban ditto.

Si Ivan, bilang Elven Prince ay kilala na kahit papaano. Pero matapos ang laban kung saan siya ang unang sumuntok, at kahit na ito lang ang tanging nagawa niya, nakilala na ang Elven War Saint na si Ivan sa buong East Coast.

Nagbago ang pagtingin ng lahat kina Marvin at Lola.

Tila ba pamilya na pamilyar ang mga ito kay Ivan dahil sa tono ng kanilang pananalita.

"Kaya naman pala umuunlad ang White River Valley noong mga nakaraan, nabalitaan ko na ang relasyon ni Lord Marvin at Dame Hathaway ay hindi lang basta-basta ayos… Nakukuha mo ba ang sinasabi ko?"

"Ngayon naman parang pamilya na pamilyar si Lord Marvin kay Sir Ivan!"

"At 'yon pa lang ang nakikita natin! Anong malay natin sa tunay na impluwensyang nasa likod ng Lord na ito!"

Palihim na pinagusapan ito ng mga sailor, pabulong.

Mas napanatag ang loob ng mga ito dahil sa dami ng koneksyon ni Marvin sa mga Legend, lalo ring lumakas ang pagnanais nilang sundan si Marvin.

Ang mga sumunod na araw ay isa lang nakakabagot na kwento ng buhay sa karagatan.

Para naman sa mga alipin, inilipat na ni Marvin ang ilan sa mga ito sa itaas na palapag. Hindi naman kasi nararapat ang hold ng isang barko para sa mga tao.

Hindi man hinayaan ni Marvin na makapaglakad-lakad na ng malaya ang mga ito, pinangako naman nito na sa oras na dumaong sila, kung gugustuhin nilang umalis ay palalayain sila nito.

Walang humpay na pasasalamat naman ang nadama ng mga alipin.

Lalo pa at noong mga oras na ibebenta na sila sa Norte ay biglang dumating si Marvin na parang hulog ng langit at iniligtas sila. Kaya naman natuwa na sila.

Sa mga alipin, marami sa mga ito ay dinakip lang. Karamihan sa mga ito ay mga dalaga at magagandang babae,

Binalaan ni Marvin ang lahat ng mga sailor na wag hahawakan ang mga taong ito para masiguro ang mga karapatang pantao ng mga ito.

At kung wala naman silang mapupuntahan o mauuwian pagdaong nila, ay wala nang magagawa si Marvin kahit gustuhin man niyang tumulong.

Ang maaari lang nitong maialik ay trabaho sa White River Valley kung gugustuhin nila.

Limitado rin ang mga maaari niyang gawin.

Swerte si Marvin. Maganda ang panahon mula noong umalis sila ng Pearl Island.

Hindi nagtagal ay nakita na nila ang baybayin ng East Coast. Basta wag silang masyadong lalapit sa baybayin, makakapasok sila sa karagatan.

Base sa karanasan ni Marvin, wala namang mapanganib sa dagat na ito .

Ang dahilan kung bakit walang nagtutungo ditto ay dahil wala rin namang maaaring pagkakitaan ditto.

Isama pa ang banta sa Shrieking Mountain Range, kaya kaunting mga armada lang ang pumupunta sa lugar na ito.

Mahinahon lang ang pag-usad ng barko. Sinusubukan ni Marvin ang Sea Emperor's Crown noong mga nakaraang araw.

Natuklasan niyang tunay ngang nakaselyo ang Sea Emperor's Crown gamit ang isang kapangyarihan. Marahil ay may kinalaman ito sa pinagmulan ng Pearl Island.

Walang kakayahan si Marvin para resolbahin ito sa ngayon, pero Malaki ang magiging pakinabang nito sa kamay ni Marvin.

Ang una ay ang [Eye of the Sea].

Kayang makita ni Marvin ang mga nasa paligid ng barko gamit ito, kasama na ditto ang posibleng masamang panahon na paparating, ang biglaang paglitaw ng mga halimaw, mga kakaibang kaganapan, at kung ano-ano pa…

Masisiguro nila ang kaligtasan ng Southie.

Ang ikalawa ay ang kakayahan mamanipula ang dalow ng tubig.

Maaari nitong mapabilis ang pag-usad ng Southie, pwede rin itong gamitin para maiwasan ang mga puyo sa tubig.

Ang ikatlo ay ang kapangyarihang mamanipula ang mga low level na hayop sa dagat.

Hindi pa nasusubukan ni Marvin nag ability na ito dahil panay pangkaraniwang isda lang ang nakakasalamuha ni Marvin.

Ang ibang kapangyarihan naman nito ay nakaselyo pa. Pero kahit ganito, makapangyarihan pa rin ang Sea Emperor's Crown. Kung hindi lang ito nakaselyo, siguradong ito ang pinakamagandang Legendary Item.

'Sa tatlong item ng Sea Emperor, bawat item ay may kakayahang pamahalaan ang karagatan.'

'Sabi sa mga kwento ay kung sino man ang makakuha nito ay magiging Ruler of the Sea. Sa laro, kakaunti lang ang mga manlalarong naglaban-laban para sa mga item na ito. Kaso, wala na akong masyadong maalala tungkol ditto.'

Maingat namang itinabi ni Marvin ang Sea Emperor's Crown.

Gagamitin na lang niya ito muli kapag kailangan niyang magmadali sa karagatan. Depende naman sa kanyang swerte kung makukuha niya ang tatlong item.

Isang araw na naman ang lumipas.

Ligtas nang nalampasan ng Southie ang Shrieking Mountain Range at mabagal na nakarating.

May kaunting distansya ito mula sa Shrieking Mountain Range. Maganda rin ang kapaligiran. Kung mayroon lang siyang sapat na mga tauhan, maaari niyang magamit ang lugar na ito para magtayo ng isang magandang pantalan.

Pero bahagi pa rin ng kasukalan ang lugar na ito. Siguradong mayroong mga halimaw sa paligid nito.

Inutusan ni Marvin ang mga sailor na samantalahin ang mataas na tubig para itigil ang Southi sa isang malawak at ligtas na baybayain at iangkla ito.

Pagkatapos ay bubuo sila ng pansamantalang kampo.

Sa dakong silangan ng dalampasigan ay may isang malawak na bukid. Kasunod nito ay kagubatan at sa dakong silanngan naman nito ay bulubundukin.

Sa tantya ni Marvin, basta malampasan nila ang bulubunduking iyon ay makakarating sila sa White River Valley.

Nakatira sa bundok na ito ang tribo ng mga Ogre na siyang pakay ng wilderness clearing order.

Magaling ang mga sailor sa pagbuo ng pansamantalang kampo, bumaba rin sa barko ang mga alipin para tumulong.

Hindi sila nangahas na maglagalag sa ganitong klase ng lugar. Sinunod lang ng mga ito ang ga itos ng Boatswain na si Roberts.

Mabuti na lang, dahil isang slave ship ang Southie, marami itong dalang pagkain. May sapat na pagkain ito para mabuhay ang mga tao sa kampong ito hanggang sa taglamig.

Bago lumubog ang araw, natapos na nila ang kanilang kampo.

Wala nang kailangan pang gawin ang mga sailor pagkatapos nito.

Inutos ni Marvin na magpahinga na ang mga ito at ihanda ang mga sarili sa pagtawid sa bulubundukin para makarating sa White River Valley.

'Siguro naman ay nakapatipon-tipon na ang mga adventurer na kinuha ko.'

'Ang pinagsama-samang hukbo naman ng Three Ring Towers, Silver Church, at ng Rover Shore City ay handa na rin siguro.'

'Oras na para gamitin ang lakas nila para dispatyahin ang tribo ng mga Ogre at magbukas ng bagong teritoryo!'

Hindi na makapaghintay si Marvin!

Pero noong balak na niyang kumilos, biglang dumatin si Lola dala ang isang mensahe.

"Gising na ang gwapong Elf!"

Nagkaroon na muli ng malay si Ivan. Matapos magpalutang-lutang sa karagatan ng ilang araw, umasa ito sa kanyang pagiging masamang damo para mabuhay.

Alam ni Marvin na hindi naman basta-basta mamamatay ang Elven War Saint dahil binabantayan ito ng mabuti ng Great Elven King.

Ang lalaking iyon, kahit na puro panlalait lang ang lumalabas sa bibig nito para kay Ivan, sa katunayan ay alalang-alala ito.

Dahil si Ivan ang tagapagmana ng Thousand Leaves Forest.

Malaki ang inaasahan ni Nocholas sa kanya, kaya siya malupit ditto!

Para maging isang War Saint sa edad na iyon, maaari na siyang maituring na isang henyo.

Pero sa mga mata ni Nicholas ay hindi pa rin ito sapat!

"Nakasalalay sayo ang buong elven race. Hindi pa sapat ang ginagawa mo."

Ito ang naririnig ni Ivan sa kanyang panaginip.

Matagal siyang tuliro mula noong magising ito. Nahirapan itong buksan ang kanyang mga mata pero nasurpresa ito nang makakita ng pamilyar na mukha.

Si Marvin.

"Alam kong marami kang tanong. Halimabawa na rito ang, kung bakit ako ang nakahanap sayo. Pero nagkataon lang siguro ang lahat. Ganoong lang kasimple." Ibinuka ni Marvin nag kanyang mga kamay nang makita ang gulat sa mga mata ni Ivan.

Talagang nagkataon lang. Kung hindi niya nakuha ang Sea Emperor's Crown at ginamit ito para lang tuming-tingin sa paligid, hindi niya sana nakita ang taong ito.

Sino ba namang makakapagsabing nagpapalutang-lutang lang ito sa karagantan?

Pero kung iisiping mabuti, masyado nang maraming kaganapang nagkataon sa dalawang ito.

Nang tumalsik rin nag lalaking ito matapos nyang suntukin ang dragon, bumagsak rin ito malapit kay Marvin.

Sa lihim na paglalarawan ni Lola sa mga sailor, "May mga ilang beses na niyang nakadaupang palad ang gwapong elf!"

Huminga ng malalim si Ivan.

Pagkatapos nito ay bigla na lang itong tumayo mula sa kama.

"Pucha! May Dragon pang kailangang patayin ang prinsipeng ito!"

Hinampas siya ni Marvin at sinabing, "Sa lagay mo ngayon? Gusto mo pa ring kalabanin ang Ancient Dragon na si Ell?"

"Hindi, Hindi si Ell!"

Nagngalit ang mga ngipin ni Ivan, "Isa pang Red Dragon!"

"Sinisigurado ko sayo, ang Red Dragon na 'yon ay halos mapatay ko na, naghihingalo na 'yon!"

"Nasa malapit lang siya, nararamdaman ko!"

"Pucha, kung pumayag lang sana akong matuto ng magic noon, kung kaya ko lang lumipad, siguradong napatay ko na ang Red Dragon na 'yon!"

Litong-litong nakinig si Marvin, at biglang sumakit ang ulo.

"Huminahon ka muna."

"Ano bang nangyari? Anong nangyari pagkatapos mo maglayag sa dagat?"

Pinahinahon niya si Ivan.

Huminahon naman si Ivan at tinanggal ang mga bendang inilagay sa kanya ng mga sailor.

Ang mga noo'y namamagang sugat ay magaling na. Ganito kalakas ang katawan ng Wat Saint.

Sinimulan nitong sabihin kay Marvin ang nangyari noong nagpunta ito sa karagatan.

Habang nakikinig si Marvin, mas lalo itong nasasabik. Pagkatapos nito, may kislap na makikita sa mga mata nito na tila isang batang may bagong laruan.

Kung tunay nga ang sinabi ni Ivan, posible pa rin ang pumatay ng Dragon!

Nakakahikayat para kay Marvin ang isang Dragon na malapit nang mamatay!

"Sandali, kailangan ko pa ng mga detalye."

"Bakit ka nakakapit sa isang kahoy habang nagpapalutang-lutang sa dagat?" mabilis na tanong ni Marvin.

"Wag mo nang isipin 'yon. Natural lang na nangyari 'yon pagkatapos." Natatawang sabi ni Ivan.

"Bakit ba lagi na lang akong nakakakilala ng babaeng may malaking dibdib na walang utak?"