webnovel

Rebellion

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng malamig at mabahong barko, isang dalaga ang nakasuot ng koton na damit ang nakatayo sa isang lamesang gawa sa mga tabling pinagtagpi-tagpi, mabusising nagpapaliwanag ng mga detalye.

Seryoso ang kanyang mukha at tila ba nakakadala ang kanyang mga sinasabi. Unti-unting makikita ang nabubuhay nap ag-asa sa mga mata ng mga taong nakapalibot dito.

Dalawang matngkad na gwardya ang nakatayo sa kanyang likuran at listing lumilinga-linga sa paligid, ang kamay nila'y nakahawak sa kanilang mga espada.

Kung mayroon mang bumastos at hindi gumalang kay Miss Lola, siguradong didispatyahin agad ng mga ito.

Sa katunayan, ¾ lang sa mga taong nasa silid na ito ay mga alipin. Ang iba pa ay mga sailor ng barko!

Palihim silang bumubuo ng malaking plano, isang plano para pabagsakin si Captain George.

At si Miss Lola ang susi para magtagumpay ito.

Wala namang reaksyong nakatayo si Little Tucker sa isang tabi. Marami itong pagkakataon at paraan na makatakas mula noong napunta siya sa barkong ito.

Lalo pa at bilang isang Halfling Thief, higit pa sa inaakala ng isang pangkaraniwang tao ang flexibility nito. Makapangyarihan rin ang kanyang Stealth.

Kaya niyang umalis rito kung nanaisin niya.

Pero hindi siya umalis.

Noon ay sinabi niyang poprotektahan niya si lola pero hindi niya ito nagawa at sa halip ay iniwan niya ito. Kaya pakiramdam niya ay tila wala siyang dangal. Biglang may napagtanto ang batang Halfling.

Kahit na isa siyang Thief, paminsan-minsan ay kailangan niyang maging matapang para protektahan ang kanyang kaibigan.

Kaya naman sinundan niya lang si Lola at nagpahuli sa slave ship, para palihim na protektahan ito.

Natatawa lang si Little Tucker sa posas na ginagamit sa mga alipin.

Tinuruan na siya ni Old Tucker kung paano makawala sa mga laruang ito na gawa ng mga tao. Lalo pa at sanay na sanay magnakaw si Old Tucker noong bata pa siya, at nakulong na rin ito ng ilang ulit.

Nagawa nitong manatiling buhay dahil sa husay nitong tumakas.

Minana naman ni Little Tucker ang mga abilidad na ito. Napakadali lang para sa kanya ang makakawala sa posas ng Southie.

Pero hindi niya inakala na sa oras na makakawala siya at makapuslit sa lugar kung saan nakakulong ang mga kababaihan, mayroon na agad dalawang sailor na taga-sunod si Lola!

Noong mga oras na iyon, inakala niyang gusto nilang saktan ito… Kalaunan, nalaman nitong masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.

Muli na namang ginamit ni Lola ang husay niya sa panlilinlang para sulsulan ang dalawang sailor na hindi na masaya sa pamumuno ni Captain George.

At ang mga dahilan para mag-rebelde, hindi totoo ang lahat ng ito. Kinailangan niya lang na makumbinsi ang mga ito.

Sa Feinan, ang kapitan ng isang barko ang batas. Minsan ay maaari silang maghalal ng sarili nilang kapita, pero kadalasan, wala silang magagawa para baguhin ito. Ang isang malakas na kapitan ay kinatatakutan ng karamihan, kaya naman mas maraming nakukuhang boto ang mga ito.

At ang pagpapabagsak sa isang kapitan ay ginagawa lang kadalasan sa isang pirate ship. Kahit pa isang slave ship ang Southie, at wala lang sa mga ito ang paminsan-minsang pagnanakaw, hindi pa rin ito isang pirate ship.

Sa oras na pabagsakin ng mga taong ito si Captain George na aprubado pareho ng White Elephant Chamber of Commerce at ng South Wizard Alliance, wala silang maaaring puntahan. Magpapalutang-lutang lang ang mga ito at walang kahit anogn daungan ang tatanggap sa kanila. Tanging mga gwardya at pagbitay lang ang naghihintay sa kanila.

Pero hindi ito naging problema para kay Lola.

"Natatakot pa rin ba kayo sa mga posibleng mangyari? Alam kong natatakot kayo, pero hindi na tao ang turing sa inyo ni Captain George!"

Sa ilalim ng malamlam na ilaw, patuloy na nagsalita si Lola. "Isa ako sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Baron Marvin ng White River Valley, at ako ang namamahala sa lahat ng kalakaran. Masisigurado ko sa iyong kapag napalaya ang Southie, magiging parte na kayo ng White River Valley."

"Nabalitaan niyo rin naman siguro ang tungkol sa bagong daungan. Kung magiging maayos ang paggawa rito, ito na ang magiging [Sword Harbor] ng katimugan!"

"Magiging bahagi na kayo ng White River Valey at kayo ang magiging kauna-unahang armada ni Lord Marvin! Magiging isa kayong trade ship at hindi niyo na kailangan magtrabaho sa slave trade na labag sa kalooban niyo."

"Pwedeng tumaas ang sinusweldo niyo, na nararapat lang talaga sa inyo. Isang yumayabong na lugar ang White River Valley na tuloy-tuloy ang pag-unlad."

"Nabalitaan niyo rin naman ang wilderness clearing order, hindi ba? Dahil sa wilderness clearing order,hindi maaaring usigin si Lord Marvin."

"Maglalakas loob rin akong sabihin na hinahanap na niya ako ngayon. At sigurado akong magiging epektibo ito."

"Ano? Nagdadalawang-isip pa rin kayo? Kumbinsihin niyo na ang mga kaibigan niyo, bukas tayo kikilos."

Kasalukuyan niyang inuuto ang ilang sailor.

Kahit na bumilis ang tibok ng puso ng mga ito dahil sa mga sinabi ni Lola, nagdadalawang-isip pa ring ang mga ito.

"Nabalitaan ko nga ang tungkol sa Baron Marvin na 'yon. Kilala na siya sa buong Jewel Bay. Kung magawa nating makuha ang barkong 'to, siguradong mapapawalang-sala niya ang gagawin natin," sabi ng isang maliit na sailor.

Nanatiling tahimik ang iba pa.

Sa huli, may ilan pa ring hindi nakumbinsi. Hindi sila makukuha ni Lola sa mga salita at hindi nila ibubuwis ang kanilang mga buhay.

Kahit na walang mga asawa at walang gaanong responsibilidad ang mga ito, marami pa rin silang bagay na kailangan isaalang-alang.

Halimbawa na lang rito ang sinabi ng isa sa mga malakas na sailor, na walang suot na pang-itaas at biglang tumayo, "Una sa lahat, nasa pantalan tayo, wala sa karagatan. Mabilis nilang matutunugan ang isang pagrerebelde."

"Ikalawa, kahit na makumbinsi naming ang iba pa, mas marami pa rin ang kakami sa kapitan, napakakaunti lang natin. Saka sa isang rebelyon, hindi maiiwasang walang mamamatay! Sinong aasahan natin? Gusto mo bang umasa sa mga walang kalaban-laban na mga alipin na 'to? Ayaw man sa gulo ng Boatswain, isa pa rin siyang 3rd rank expert! Isa pa, nandiyan pa rin ang First Mate at Captain!"

"Ikatlo, paano kami nakakasiguradong totoo ang mga sinabi mo? May duda pa rin ako hanggang ngayon. May pakielam ba talaga si Baron Marvin sa isang babaeng gaya mo? Aaminin ko, maganda ka, kaya nga nakakulong ka kasama ng mga mas mamahaling mga alipin. Pero parang sobra na ata kung sasabihin mong ikaw ang namamahala sa lahat ng kalakaran ng White River Valley."

"Wag mong sabihin ang Halfling na 'to ang magpapatunay sa sinasabi mo. Hindi ko pagkakatiwalaan kung ano man ang sabihin ng Halfling na 'yan."

Nalinawan ang maraming sailor dahil sa mga sinabi nito.

Ang matikas na lalaking ito ay ang Second Mate ng barkong ito. Kahit na kasabwat na siya sa pagpaplano, palihim lang itong kumakalap ng mga miyembro, pero wala pa rin itong gaanong ginagawa.

Nakakatukso ang mga sinasabi ni Lola, pero maingat na nitong inisip ang marami pang mga bagay at hindi ito agad-agad malilinlang ng ilang pananalita lang.

Maraming tao ang noong una ay namumula ang mukha sa pagkasabi dahil sa mga sinabi ni Lola, napuno ng pagnanasa ang mga isip nito, pero humihahon rin ang mga ito.

Nakikita ni Lola na hindi na nasusunod ang kanyang plano at magsasalita n asana muli.

Nang biglang bumukas ang pinto!

Ilang sailor na hindi pa nakadestino ang biglang pumasok.

Nagbago ang mukha ng lahat!

"Puta! Hindi ba nasa kwarto kayo ng Boatswain?"

Mas tumindi pa ang reaksyon ng Second Mate. Bigla nitong inilabas ang kanyang manipis na rapier at inasinta ang lalaking nasa harapan. "Pucha, noong una ayoko pa sanang magrebelde pero mukhang wala na kong magagawa…"

Biglang lumala ang sitwasyon sa silid.

Nagsimulang umatras patungo sa likuran si Lola. Hinila niya si Little Tucker at sinabing, "Preotektahan mo naman ako ngayon!"

Tumango naman ang Halfling.

Ang dalawang sailor naman na nalinlang ni Lola ay inilabas rin ang kanilang mga longsword at pumunta sa harapan ni Lola para protektahan ito.

Karamihan namang ng mga alipin ay nagtatago sa sulk dahil sa takot na madamay sila.

Pero noong mga oras na iyon, isang sailor ang nagsalita at sinabing, "Wag kayong mag-alala."

"Kakampi niyo kami."

Nagduda ang Second Mate, "Totoo ba? Tatlong buwan ko kayong kinukumbinsi pero sinundan niyo pa rin ang Boatswain."

"Ngayon sasabihin niyong kakampi naming kayo at sa tingin niyo maniniwala kami?"

Bigla niyang iwinasiwas ang kanyang rapier.

Dahil bistado na siya, hindi na siya pwedeng umatras pa!

Mabangis at walang awa ang lalaking ito. Kapag may sinabi ito, siguradong gagawin niya ito!

Nang biglang isang anino ang pumasok sa silid.

Nagulat ang lahat at napunta ang tingin ng lahat sa aninong ito.

Nagpagulong-gulong ng ilang ulit ang anino sa sahig bago tuluyang maaninag ito.

Isang ulo!

"Boatswain!" Gulat na sabi ng isa sa mga sailor.

Nagkatinginan ang lahat.

Ang Boatswain na kadalasang ipinapakita ang kanyang lakas at isa na lang pugot na ulong nagpapagulong-gulong sa maduming sahig ng barko.

Ikinagulat ito ng lahat.

Pati na ang tusong Second Mate ay natigilan.

Noong mga oras na iyon isang boses ang umalingawngaw mula sa itaas, "Ako si Baron Marvin ng White River Valley."

"Nakakayamot nga talaga ang Boatswain na 'yan."

Sa sunod na sandal, tumalon si Marvin mula sa kanyang pinagtataguan.

"Lola?" tanong ni Marvin.

Gamit ang kanyang Darksight, napansin niya ang isang dalaga sa isang sulok na may mahinang ilaw na nagtatago sa likod ng dalawang malaking lalaki

Napansin naman nito si Marvin at natigilan, saka ito sumabog sa tuwa. Itinulak nito ang dalawang lalaki. "Tumabi kayo, nandito na ang Boss ko!"

So Baron Marvin ng White River Valley!

Manghang tiningnan ng lahat si Marvin!

Kilala na si Marvin sa East Coast. Pataas nang pataas ang kanyang Myth Rating. Isama pa rito ang wilderness clearing order, kinalat rin ng mga wood elf ang balita na nakasama nang lumaban ni Marvin ang Elven Prince.

Ito ang kagandahan ng kanyang Myth Rating.

Mapapansin at mapapansin ang kanyang mga ginagawa.

"Nakita kong naglalaro ng baraha ang mga 'to sa kwarto ng Boatswain. Tinanong ko kung sino ang Boatswain kaya dinala ko siya ditto."

Itinuro ni Marvin ang ulo habang nakangiti, "Nagdadawalang-isip pa rin ba kayo?"

Umiling ang lahat.

"Ikaw ba talaga si Baron Marvin? Kung mapapawalang-sala mo kami sa mga krimen naming, kikilos na kami ngayon pa lang!"

Ngumisi si Marvin, "May iba pa ba kayong pagpipilian?"

Natahimik ang Second Mate. Noong una ay naisip pa nitong makipagnegosasyon pero agad siyang napigilan ni Marvin.

May dalawa pang expert sa barkong 'to."

"Ikaw na ang bahala sa First Mate, ako na ang bahala sa Captain. Ayos lang naamn 'yon, hindi ba?" Tanong ni Marvin habang tinitingnang mabuti ang Second Mate.

Matapos malaman na kinuha si Lola ng Southie, nagdesisyon siyang hindi niya lang io basta itatakas. Papatayin niya ang mga taong ito at hindi magpapakita ng awa.

Siya na ang bahala sa barkong ito!