webnovel

Dragon Thief (2)

Editor: LiberReverieGroup

Sa tuktok ng mundo, ang God Realm ang sentro ng atensyon ng buong Universe.

Laging maraming nakabantay sa mga nagaganap sa pinakamataas ng lugar sa Wolrd Tree.

Maging ang Hell man ito, Abyys, o ang Negative Energy Plane.

Sa tuwing mayroong kaunting kaguluhan sa God Realms, agad na kinakalap ng mga pwersang ito ang lahat ng impormasyong makukuha nila para malaman nila ang kanilang gagawin. Sa huli, ang lahat ng ito ay dahil sa masyadong malakas ang God Realms.

Kahit na matagal nang nawala si Lance, nag-iwan ito ng mga pamamaraan at mga Artifacts na sapat sa mga New God para mapigilan ng mga ito ang buong Universe.

Halimbawa na lang, sa unang Assembly of Gods, nagdesisyon ang mga ito na atakihin ang Universe Magic Pool. Nagawang makuha ng Hell at ng Abyss ang impormasyon na ito nang mas maaga.

Pero sa pagkakataon na ito, ikinagulat ng bawat Demon Loard at Lord of Hell ang impormasyon na nagmula sa God Realms.

Dragon Thief?

God Slayer Marvin?

Ang dalawang nilalang na ito ay pinunterya ang God Realms?

Nang makuha ng mga malalakas na pwersa ang impormasyon na ito, hindi sila sigurado kung tama nga ba ito. Maaaring pakana lang ito ni Marvin para makapukaw ng atensyon kaya humingi sila ng kumpirmasyon.

Pero nang makumpirma nga ang impormasyon na ito sa pamamagitan ng pag-imbestiga, natahimik na lang silang lahat.

Ang batang Dragon na sumampal sa War God ng tatlong beses at nagtanim ng takot sa isipan ng mga God… ay nagnanakaw na ngayon. Tungkol naman kay Marvin, malinaw kaya sa kanya kung ano ang kanyang kalagayan?!

Pinupunterya siya ng lahat ng powerhouse sa buong Universe.

Nasa loob ng kanyang katawan ang Fate Tablet at lahat ay gustong makuha ito.

Sa kalagayan niya ngayon ay dapat nagkukubli na siya at gumagamit ng ibang pagkakakilanlan, o kaya ay nagtatago sa isang sulok ng Universe habang umaasang maiwasan ang lahat ng tumutugis sa kanya…. Hindi ba?

Maling-mali ang nangyayari!

Habang tinutugis siya ng lahat ng pwersa sa buong Universe, kasama na dito ang mga powerhouse ng God Realms, imbis na magtago ay nanlilimas at nagnanakaw pa ito sa God Realms.

Paano ng aba siya nakapasok? Ito ang kauna-unahang katanungan.

Anong ginagawa niya rito? Hindi na kailangan pang tanungin ito dahil hindi naman niya itinatago ang kanyang layunin.

Si God Slayer Marvin at ang kasama nitong Dragon Thief, ay naghahasik ng kaguluhan sa God Realms. Walang habas silang nagnanakaw ng Divine Source at mga Artifacts mula sa mga Low God!

Hindi makapaniwala ang lahat sa impormasyon na ito.

Pero may kinalaman dito si Marvin.

Ang nakakamanghang taong iyon, ang nakakagulat na si Marvin.

Wala silang magagawa kundi paniwalaan ito!

Lalo na at pagkatapos ng nangyari sa Sky Tower. Kahit pa sabihin humina na ang Twin Snakes dahil sa matagal na pagkakakulong, pinakita ni Marvin na kahit paano ay may lakas na siya para harapin ang Wolrd Ending Twin Snakes. Matuturing pa rin itong matinding patunay ng kanyang lakas.

May ilang naniniwalang si Marvin ang numero unong expert ng Feinan.

Gayunpaman, kahiya-hiya ang balitang ito para sa mga abala sa kakahanap kay Marvin.

Ang pwersa ng Hell ay hinahanap si Marvin, si Tidomas ay hinahanap si Marvin… Pero ngayon paano na nila ito hahanapin?

Talaga bang makakabuo sila ng grupo tulad ng Plundering Duo at makapasok sa God Realms?

God Realms na ang usapan ngayon!!!

Ilang ulit nang itinaas ng Nine Hells ang bandera ng digmaan pero kailan man ay hindi sila nakapasok sa God Realms.

Hindi man takot ang mga Demon at mga Devil sa mga God, iba na ang usapan kapag nasa teritoryo nila ang mga ito.

Sa ngayon, ang magagawa lang nila ay magdasal na mayroong espesyal na pamamaraan si Marvin para makatakas.

Kung hindi, ang 4th Fate Tablet ay mapupunta sa kamay ng mga God, at tila magiging imposbile na ang pagbawi ditto, lalo na kapag nagawa na nilang gamitin ang kapangyarihan nito.

Pero hindi sila gaanong naniniwala may tyansa pang makawala si Marvin.

Kahit na hindi nila alam kung paano nakapasok si Marvin sa God Realms, mukhang ginamit na ng tatlong Great God ang World Tree Imprint para maisarado ang God Realms bilang tugon sa pagpasok ni Marvin ditto.

Ngayon, wala nang makakapasok o makakalabas mula sa God Realms. Wala nang paraan para makalabas si Marvin at ang Dragon Thief.

Extreme Evil Hell.

Ang apoy mula sa Scorched Earth ay nagliliyab sa bawat sulok ng Evil Hell. Kahit na mga Devil in ang mga ito, sa ilalim ng basbas ng mas makapangyarihang Hell Lord, ang mga Devil ng Scorched Hell ay mas matapang kesa sa pangkaraniwan.

Ang Extreme Evil Hell ay unti-unti nang nilalamon.

Tahimik lang na naganap ang lahat. Tulad ng kung paano nilamong ng Scorched Hell ang Molten Hell.

Pero sa pagkakataon na ito, ang Extreme Evil Hell naman ang pinupunterya ni Diross.

Ang mga apoy ay rumaragasa na parang mga alon, kaya naman napilitan umatras ang mga Devil ng Evil Hell.

Nagkalat ang mga bangkay at umalingawngaw ang mga sigawan.

Sa taas, isang binata ng nakatitig lang sa kalupaan na ito.

"Nakakamangha…. Nagpunta talaga siya sa God Realms. Nararapat lang tawagin ko siyang apo."

Natapos nang makinig si Diross sa ulat ng kanyang tauhan at makikita ang malawak na ngiti sa kanyang mukha, "Wag kang mamamatay. Ang mga binhing pinaghirapan kong itanim ay hinihintay ka para magsimula silang tumubo."

"Milord, nakatakas ang Extreme Evil Lord," mabilis na ulat ng isang Greater Devil.

"Wag niyo na siyang habulin, wala ako sa wisyo. Napakaraming taon nang inuupuan ng mga basura ang mga tronong 'to. Oras na para palayasin ang mga matandang uugod-ugod."

Tumawa si Diross, biglang may ilaw na kumislap mula sa kanyang kamay.

Tatong magkakaparehong bakal na trono ang umiikot sa kanyag kamay, tila naglalaman ito ng malakas na kapangyarihan.

"Pagkatapos ng Extreme Evil Hell, ang susunod ay ang Tark."

Mahinahong tiningnan ni Diross ang kalangitan at bumulong, "Siya nga pala, nagiging maayos takbo ng plano naming dito dahil sa aking apo."

"Marvin…. Nasasabik ako sa susunod nating pagkikita. Gaano ka na kaya kalakas kapag nangyari 'yon?"

"Kapag napag-isa ko na ang Nine Hells, ano ang pipiliin mo?"

God Realms.

Nabunyag na ang ginagawa nina Marvin at Tiramisu. Ang kanilang walang habas na pagnanakaw ay naharap sa isang matinding hamon.

Pero walang pakielam ang dalawa.

Dahil bago pa man magamit ng ThreeGreat Gods ang World Tree Imprint para isarado ang God Realms, nakakuha na si Marvin ng sapat na Divine Source!

Halos mapuno na ang kanyang advanced False Divine Vesse!

Kailangan niya ng isang ligtas na lugar para iproseso ang enerhiyang ito.

Kahit na masinsin silang hinahanap ng mga tumutugis sa kanila, na pinamumunuan ng Three Great Gods, dahil sa tila mapandayang kakayahan ng Eternal Time Dragon na manipulahin ang oras, lagi nilang naiiwasan ang kanilang mga kalaban.

Pero hindi ito isang pamamaraan na walang hanggan.

Nasa bingit na ng pagkasira ang False Divine Vessel ni Marvin. Kung hindi niya ipoproseso nang maayos ang enerhiyang ito, walang nakakaalam sa posibleng mangyari.

Walang ibang nasabi ang Dragon Thief kundi, "Ginamit nila ang World Tree Imprint, kahit ako ay hindi makakaalis sa God Realms sa susunod na isa at kalahating araw!"

'God Realms, God Realms…' Nagpaulit-ulit ang mga salitang ito sa isipan ni Marvin.

Biglang nabuhay ang kanyang Wisdom Ability.

Nabuhayan ang mata ni Marvin kasabay ng pagsabing, "Sinong nagsabing kailangan nating umalis ng Astral Sea!"

"May alam akong ligtas na lugar, hindi nila maiisipang maghanap doon."

"Saan?" Nagtatakang tanong ng Dragon.

"Sa God Realm ng Ancient Nature God!"