webnovel

Black Swan Hill [Two in One]

Editor: LiberReverieGroup

Ang Crimson Wasteland ay isang mapanglaw na lugar.

Lalo na sa kasukulana kapag madilim. Mag-isa lang naglalakad si Marvin at wala pa siyang nakakasalubong na nilalang na mrunong mag-isip at puro lang mga halimaw na umaalulong.

Base sa mga nakita niya, masasabing hindi tugma sa aktwal na laki ng lugar ang mapa. Dahil mas mahaba pa pala kesa sa inaasahan ni Marvin ang Withered Leaf Promenade.

Isang buong gabing naglalakad si Marvin bago malagpasan ang mapanglaw na kalangitan na iyon.

Mabuti na lang at matapos niyang patayin si Balkh, wala nang mapapanganib na hadlang ang naiwan sa daan, at puro na lang pangkaraniwang halimaw. Kayang patayin ni Marvin ang mga ito nang walang kahirap-hirap.

Ang kinaganda lang nito ay hindi na mahihirapan si Marvin, kaso nga lang wala siyang nakukuhang Comprehension points sa mga ito.

Nasa [8/10] pa lang ang kanyang Comprehension.

Sa madaling salita, kapag nakakuha pa siya ng dalawa pang Comprehension point, magiging level 2 Ruler of the Night na siya.

Sa tuwing tataas ang level ng isang Legend class, higit na lalakas ito. Kahit na hindi mapataas ni Marvin ang kanyang Dexterity sa ngayon, dahil sa limitasyon ng Godly Realm, may iba pang mga paraan para magpalakas.

Isa pa, ang mga mahahalagang skill point ay bibigyan siya ng pagkakataon na matuto ng mga nakakamanghang Ruler of the Night skill.

Kumapara sa ibang mga Legend, mayroong [Essence Absorption System] na lamang ni Marvin sa iba.

Sadyang sa sistemang ito, ang exp ay mas mababa kesa sa Comprehension, kaya naman napakarami nang exp ang naka-imbak kay Marvin ngayon na isa na siyang Legend.

Ilang beses nang sinubukan ni Marvin kung maaari bang gawing Comprehension points ang ilang daang-libo ng exp pero tila imposbile ito.

Hindi pa umaabot si Marvin sa puntong nakatataas na siya sa mga batas.

Gayunpaman, paglipas ng isang gabi, nakaabot na si Marvin sa dulo ng Promenade at narrating ang isang malawak na kapatagan.

Ang bulubundukin sa kalayuan ay mukhang isang swan na pinapagaspas ang kanyang pakpak.

Isang Black Swan.

'Sa wakas, Black Swan Hill.'

Dahil sa Eisengel pass, pinayagan si Marvin na makapasok sa Black Swan Hill nang walang problema.

Tumingin siya sa paligid at maraming tao siyang nakita.

Nagulat si Marvin na mayroong mga naninirahan dito na hindi Legend!

Subalit hindi sila mga pangkaraniwang sibilyan. Hindi bababa sa 3rd rank o 4th rank ang mga ito. Pero maaaring mahirapan pa rin mamuhay ang mga ito sa Crimson Wasteland.

Mukhang pinoprotektahan sila ng Black Swan Lake.

Biglang naalala ni Marvin ang bali-balita sa misteryosong matandang lalaki.

Dahil hindi nangangahas kahit ang mga Demon at Evil Spirit na kalabanin ang Black Swan Hill, makikita kung gaano kalakas ang matandang ito.

Paligoy-ligoy naman na nagtanong si Marvin sa mga gwardiya kung paano mahahanap ang misteryosong matandang lalaki.

Hindi niya inaasahan na simple lang ang magigign proseso.

Hindi tumatangging makipagkita ang misterysong matanda sa mga taga-labas. Ang kanyang pagkamisteryoso ay nag-uugat sa kanyang pinagmulan, at hindi sa kanyang pagpapakita.

Mas natuwa pa si Marvin tungkol sa isang bagay na nalaman niya. Ang matndang lalai ay isang Grandmaster Appraiser, at sa katunayan, naabot na niya ang Grandmaster level sa maraming larangan. Baka mas magaling pa siya kahit sa ang mga appraiser sa Holy Light City.

Para hindi masayang ang kanyang oras, pumili ng simpleng istratehiya si Marvin, at iyon ay ang paggamit ng pera.

Matapos siyang gumastos ng 10 Blood Essence Stone, hindi na kinailangan pumila ni Marvin at dumeretso na siya sa pakikipagkita sa matanda.

Sampung tao kada araw lang pala ang kinikita nito. Sinwerte naman si Marvin dahil maaga siyang nakarating at kakasimula lang tumanggap ng bisita ng matanda.

Sinamahan siya ng isang gwardya sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy na nasa tuktok ng pinakamataas na burol.

Ang maliit na bahay ay puno ng simple at malinis na awra. At nakakagulat na hindi ito naka-enchant sa ano mang paraan: ang kung gaano ito kalaki sa labas, ganoon lang din ito kalaki sa loob.

Maayos na nakahilera ang mga mga item, at karamihan ng mga bagay sa loob ng bahay nito ay maayos at malinis ang pagkakasalansan. Isang matandang medyo kuba ang nakaupo sa may bintana at mayroong maliit na lamesang kahoy sa kanyang harapan.

Tiningan din ni Marvin kung saan ito nakatingin at nakakita lang siya ng isang maliit na lawa.

Sa gitna ng lawa, isang napakagandang Black Swan ang sinusuklay ang kanyang pakpak.

Sinasabing kayang maglakbay sa oras ng mga Black Swan na ito at maghatid ng impormasyon sa lahat ng uri ng plane.

"Halo-halo ang awra sa katawan mo… Devil, Human, Slaughter, Shadow… At mayroon pang kaunting Nature."

Kalaunan ay humarap at tumingin na ang matanda kay Marvin.

Malalim ang boses nito.

Tiningnan naman ni Marvin pabalik ang matandan, pero isang ordinaryong mukha ng matanda lang ang kanyang nakita.

Puno ito ng kulubot.

Isa itong makapangyarihang Disguise. Hindi makita ni Marvin ang nasa likod ng Disguise na ito.

"Anong kailangan mo?" Tanong ng matanda.

Tumango si Marvin. "Nabalitaan ko na kaya mong magpadala ng mga mensahe… sa iba't ibang plane."

Mahinahon naman na sumagot ang matanda, "10 Blood Essence Stone para sa isang mensahe."

"Walang problema." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Marvin.

Mayroong siyang higit sa 200 na Blood Essence Stone na nakuha mula kay Balkh kaya medyo mayaman na siya. Gayunpaman, wala nang silbi ang perang ito pag-alis niya sa Crimson Wasteland.

Kahit na maikling panahon pa lang ang lumilipas mula noong umalis si Marvin sa White River Valley, bahagya pa rin siyang nag-aalala.

Lalo pa at parehong umalis si Daniela at Waynw, at siya mismo ay wala rin sa teritoryo. Ang isang Sanctuary na walang isang Powerhouse ay madali pa ring punteryahin.

Habang ang Thousand Paper Crane naman na ibinigay sa kanya ni Shadow Thief Owl ay gagamitin niya lang para sa matinding pangangailangan. Kaya naman, kung mayroong ibang paraan, iyon ang pipiliin niya.

"Eto, 20 Blood Essence Stone, Kailangan kong magpadala ng mensahe at makuha ang sagot."

Agad na ibinigay ni Marvin ang Blood Essence Stone sa matanda, na tahimik naman na iniabot ng matanda ang isang piraso ng dilaw na papel at lapis habang tumatango.

Kinuha ni Marvin ang lapis at walang alinlangan na nagsimulang magsulat.

Gusto niyang magtanong tungkol sa kalagayan ng White River Valley at Feinan. Ilang pangungusap lang ang sinulat niya tungkol sa kanyang sarili. Lalo pa at pinaalam na niya sa White River Valley ang tungkol sa kanyang sitwasyon bago siya nagtungo sa Crimson Wasteland.

"Isulat mo ang eksaktong lokasyon ng plane sa dulo ng liham," paalala sa kanya ng matanda, "Kung hindi, hindi mahahanap ng Swan ang daan."

Nang marinig ito, sumimangot si Marvin "Hindi ko alam ang eksaktong lokasyon ng plane ko."

Alam niya ang eksaktong lokasyon ng White River Valley sa loob ng Feinan, pero ang plane mismo…. Hindi siya isang caster na malawak ang kaalaman sa plane, kaya hindi niya maisusulat ng eksakto ang lokasyon ng plane na pinanggalingan niya.

"Saang plane ka ba nanggaling?" Tanong ng matanda.

"Feinan."

Biglang nangilabot ang katawan ng matanda.

Tiningnan niya si Marvin na para bang nakakita ito ng isang multo. Agad naman itong bumalik sa ulirat at tumawa nang malakas at sinabing, "Hindi ko inakalang may makikilala pa kong nanggaling sa Prime Material Plane paglipas ng napakaraming taon."

"Ang Universe na 'to…. Hehe."

Nagatataka si Marvin kung ano ang ibig nitong abihin, pero hindi na siya nakapagtanong dahil kinuha na ng matanda ang lapis at papel at nagsulat ng kumplikadong lokasyon sa dulo ng papel.

Mabilis ang pagkilos nito at lumipad ang liham papalabas. Isang Black Swan ang biglang lumipad paasli ng lawa at nilunok ang liham bago lumipad patuno sa walang hanggang void.

"Limang minuto," sabi ng matanda. "Pwede ka munang lumabas at haharapin ko muna ang susunod na bisita."

,

Umiling si Marvin. "Kailangan ko pa ang tulong niyo sa ibang bagay," sabi nito bagi ilabas ang mga item na nakuha niya kay Balkh.

Naramdaman ni Marvin na hindi sakim ang matandang lalaki na ito.

Sinusuportahan niya ng mag-isa ang pwersa ng Black Swan Hill. Mayroon sigurong interesanteng kwento sa likod nito.

Sayang lang at wala nang oras si Marvin para alamin pa ito, dahil kailangan niyang mahanap agad si Minsk. Kapag mas mabilis niyang mahanap si Minsk, mas marami siyang oras para planuhin ang nalalabi niyang oras sa Crimson Wasteland.

Hindi lang puro panganib ang nasa lugar na ito, kundi marami ring oportunidad na matatagpuan dito.

Tulad na lang ng posibleng paglitaw ng Cold Light's Grasp sa Holy Light City. Isa itong oportunidad na mahirap makuha sa Feinan.

Sadyang napakaraming mga God, Demon, Devil , at iba ang mga nilalang na natapos ang buhay sa Crimson Wasteland.

"Mataas ang sinisingil ko para mag-appraise," babala ng matandang lalaki habang tinitingnan ang tatlong item na nilabas ni Marvin.

Nagkibit-balikat lang si Marvin, at sinesenyasan itong sabihin kung magkano.

"Greyhawk Staff."

Tinuro ng matanda ang berdeng staff, at biglang may malakas na Nature Power ang lumabas mula sa staff na parang isang bukal. Mukha itong isang Fairy na mayroong transparent na pakpak na sumasayaw.

"30 Blood Essence Stone."

Kumibot ang mata ni Marvin.

Napakamahal ng Pagpapa-appraise?

Nagtanong-tanong siya tungkol sa halaga ng mga Blood Essence Stone. Sapat na ang tatlumpu nito para makabili ng magandang sandata. Kahit na hindi ito sapat para sa isang Legend Weapon, siguradong maaaring makakuha ng Magic Weapon sa ganitong halaga.

Pero ang pag-appraise sa Greyhawk Staff ay katumbas na ng presyo ng isang Magic Weapon?

Pero hindi magpapakakuripot si Marvin sa pagkakataon na ito. Sinenyasan niya ang matanda na ipagpatuloy ang pag-appraise.

Agad naman napunta ang daliri ng matanda sa staff.

Ilang malamlam na rune ang lumabas mula sa kanyang daliri, na pakiramdam ni Marvin ay isang ilusyon ito. Tila may koneksyon ang matandang ito sa Greyhawk Staff.

 Mabilis niyang natapos ang pag-appraise sa staff, at hindi na nagtagal bago lumitaw sa harap ni Marvin ang mga attribute ng Grehawk Staff.

Tila natuliro si Marvin habang ipinatuloy na niya sa matanda ang pag-appraise sa dalawa pang item.

Paglipas ng ilang minute, bumalik na ang Black Swan at ibinato ang isang liham sa kamay ni Marvin. Natapos na rin ang matanda sa tatlong appraisal booklet.

Ang bawat booklet ay mayroong detalyadong deskripsyon. Ito ang kakayahan ng isang Grandmaster Appraise. Kaya nitong mailathala nang buo ang lahat ng katangian ng isang item.

Matapos makuha ang tatlong appraisal booklet at ang liham mula sa Feinan, nangalahati na ang perang hawak ni Marvin.

Ngayon ay mas lalo pa niyang gustong malaman ang pinagmulan at pagkakakilanlan ng matandang lalaki.

Dahil ang tatlong item na ito ay magkakaiba ang saklaw ng larangan ng kaalaman.

Sa katunayan, kakailanganin sana makahanap ni Marvin ng tatlong magkakaibang Grandmaster Appraise para ma-appraise ang tatlong item, pero nagawa itong lahat ng matanda.

Sadyang nakakatakot ang ganitong uri ng kaalaman.

Tiningnan ni Marvin ang mapayapang mukha ng matanda at biglang naisip na magtanong:

"Kilala niyo ba si [Minsk]?"

Biglang tumaas ang kilay ng matanda at mukhang may naisip ito, pero sa huli bumaba rin ang mga ito.

"Hindi ko alam. Tapos na ang planar communication at appraisal. May iba ka pa bang kailangan?" malumanay na tanong nito.

Sumimangot si Marvin.

Normal lang ang naging reaksyon ng matanda, pero naramdaman ni Marvin na mayroong mali.

Malamang ay natakpan ng Disguise ang tunay na reaksyon nito. Limitado rin kasi ang Earth Perception sa Lugar na ito.

Wala siyang nagawa kundi umalis sa maliit na bahay matapos magpasalamat.

Ang liham na galing sa Feinan ay galing kay Anna.

Detalyado ito at nilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng Sanctuary.

Natuwa si Marvin na malaman na maunlad naman ang Sanctuary.

Napakahusay na tagapamahala ni Anna, napanatag naman si Marvin na malaman na nasa likod niya si ito.

Ang mga halimaw sa paligid ng Sanctuary ay napapanatiling kontrolado dahil sa patuloy na paglakas ng pwersa ng White River Valley. Dahil ito kay Black Dragon Izaka at sa Mechanical Titan na nagbabantay sa teritoryo. Mukhang walang gumagambala sa White River Valley noong mga nakaraan.

Abala pa rin ang mga God sa pag-atake ng Universe Magic Pool, at kahit na mas marami pang Chaos Magic Power ang bumuhos sa Feinan, hindi naapektuhan nito ang mga tao sa Sanctuary.

Tungkol naman sa ibang mga lugar, sabi ni Anna ay tulad pa rin ito ng dati, si Constantine at O'Brien ay nasa Norte pa rin, habang si Endless Ocean ay nasa Green Sea Paradise pa rin. Tila nasa panahon ng kapayapaan bago ang kaguluhan ang buong Feinan.

Pagkatapos naman magtungo ni Wayne sa kasukalan noong araw na iyon, hindi pa rin ito bumabalik.

Kahit na nag-aalala si Marvin sa kanya, alam niya rin na hindi ganoon kapambihira ang kanyang kapatid. Dahil nagkaroon ito ng rekasyon sa kapangyarihan na nasa kasukalan, siguradong nakatadhana siya.

Ang magagawa na lang niya ngayon ay magsanay sa Crimson Wasteland, hanapin si Minsk, at mabilis na magpalakas.

Matapos niyang basahin ang tatlong booklet, pakiramdam naman ni Marvin na sulit ang Blood Essence Stone na ginastos niya.

Dalawa sa tatlong item ay mga Legendary Item!

[Greyhawk Staff (Nature)]

[Quality: Legendary]

[Property: Nature Magic proficiency]

Mukha lang itong walang kwentang effect, pero magugulat ang sino mang nakakaalam ng tungkol dito!

Isa itong effect na maaaring gawing isang Nature Wizard ang isang ordinaryong tao.

Ang Nature Magic proficiency ay nangangahuluhan na ang lahat ng Nature Spell na mas mababa sa Legend level ay maaaring magamit.

Nakadepende naman sa constitution ng gumagamit nito ang dami ng spell na magagamit nito.

 .

Kahit walang Magic Power, maaaring gamitin ng gumagamit nito ang iba pang mga item gaya ng mga scroll, magic powder, at iba pang mga bagay para mapuno uli ito at ma-activate ang mga spell ng staff.

Sa madaling salita, kahit na walang kahit anong Nature Spell si Marvin, maaari siyang maging Wizard na marunong gumamit ng Nature Spell basta hawak niya ang staff.

Ang susunod na item ay tinatawag na Time Funnel. Isa rin itong Legend Item!

[Time Funnel (Mysterious)]

[Quality: Legend]

[Property: Area Time Freeze sa loob ng 1 segundo, o single target Time Freeze sa loob ng 3 segundo.]

[Remaining uses: 2]