Chapter 916: Kinuha Ang Bawat Oportunidad na Kayang Kunin (7)
Niyakap siya ni Qin Chu sa bandang beywang; binuhat niya ito at inilapag sa sopa. Hindi siya gumamit ng dahas, ngunit hindi rin siya maingat.
Alam niya na galit ito.
"Huo Mian, hindi pa tayo tapos mag-usap, paano mo nagawang umalis?"
"Tungkol saan? Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?" Sa sagot ni Huo Mian.
"Naalala ko na tinanong mo ang opinyon ko… bakit mo pa rin ginawa, kahit na alam mong hindi dapat?" Hindi kailan man nagalit si Qin Chu kay Su Yu o kaya ay magselos sa kanya, kahit na kinantahan nito si Huo Mian noong 30th anibersaryo ng GK…
Ngunit ngayon, hindi na niya ito kinaya…
Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba, o sa mga chismis. Ang mahala lang sa kanya ay ang puso ni Huo Mian.
Natakot siya na baka may nararamdaman si Huo Mian kay Su Yu.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com