"Mr. Huo, kailangan kita kausapin ng pribado," sumulyap si Huo Mian kay Siyi, ito kasi ay nasa loob ng kwarto rin. Hindi natuwa si Huo Siyi sa kanyang sinabi at umismid, "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Hindi naman ako taong labas; anak ako ni dad, hindi katulad mo, anak ka lang sa labas." Malamig na tumingin sa kanya si Huo Mian at sumagot, "Parang hindi ka rin anak ng isang kabit ha."
"Anong sabi mo?" Kaparehas ni Siyi si Huo Yanyan - hindi kalmado, mapagmataas, spoiled at sanay na nakukuha ang gusto.
Pagkarinig sa sinabi ni Huo Mian, kaagad naman itong nagalit.
Mabuti nalang, iniangat ni Huo Zhenghai ang kanyang ulo at pinigilan ang kanilang pagsasagutan. "Siyi, lumabas ka."
"Dad…?" Halatang ayaw masunod ni Siyi.
"Ayos lang, may mga bagay akong kailangan pag-usapan kasama siya." Seryoso ang mukha ni Huo Zhenghai.
Matalim na tumingin si Huo Siyi kay Huo Mian at pagkatapos, umalis ng labag sa kanyang loob.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com