webnovel

Kalungkutan

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 82: Kalungkutan

"Mama, ayaw ko. Bukod sa apelyido ko, wala na akong kinalaman sa pamilyang iyon. Bukod pa roon, ayaw ko sa taong iyon."

Pagkamuhi lang ang nararamdaman ni Huo Mian para sa kanyang tunay na ama, si Huo Zhenghai, isa sa sampung pinakamayamang tao sa city.

Sa mga nagdaang taon, hindi man lang nangamusta ang taong iyon. Wala rin siyang naibigay ni kahit isang sentimo at umaarte ito na hindi sila nabubuhay.

Hindi rin siya nagpunta sa burol ni Uncle Jing, kahit na si Uncle Jing ang naging tagapagmaneho niya sa loob ng sampung taon.

Hindi siya nararapat na maging tatay niya dahil wala siyang puso.

"Bumalik ka roon, narinig kong pumanaw na ang iyong lola," sabi ni Yang Meirong na may kaunting lungkot sa kanyang boses.

Kung mayroon mang isang mabuting tao sa Huo Family, ito ay si Lola Huo.

Isa siyang matandang babae na may relihiyong Budismo, at ilang taon na na rin siyang bumukod sa Huo Family para tumira sa isang templo sa Southern China.

Isang beses lamang sila nagkita ni Huo Mian. Isang beses, ipinagmaneho ng isang driver si Lola Huo, at binilhan nito si Huo Mian ng magagandang damit at binigyan ng pera.

Pero hindi tinanggap ng kanyang nanay ang pera. Nangyari ito sampung taon na ang nakakalilipas, noong nagdadalaga palang si Huo Mian.

Nalungkot si Huo Mian nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang lola. Ito ay isang hindi magandang pakiramdam.

"Dapat kang pumunta, huwag mo na lang pansinin ang iba. Maganda ang trato sa iyo ng iyong lola at dinalaw ka pa niya noong bata ka pa. Pumunta ka roon para makita mo siya sa huling pagkakataon."

"Tama," pagkatapos ng ilang sandali ng pag-aalinlangan, pumayag si Huo Mian.

Lumakad siya papunta sa kanyang damitan para humanap ng itim na damit na isusuot niya sa burol. Ngunit naalala niya na kakalipat lang niya at wala siyang itim na damit dito. Ang tanging mayroon lang siya ay ang mga damit niyang pangtrabaho at ang puting t-shirt at pantalon lamang na suot niya ngayon.

Nag-aalala, binuksan niya ang kanyang damitan at agad-agad na nagulat sa laman nito...

Dose-dosenang damit, lahat ay bago at nakakabit pa ang mga tag nito. Lahat din ng mga damit ay mamahalin, bawat isa ay nagkakahalaga ng mahigit sa apat na numero.

Mga dress, pantalon, t-shirts, cardigans, jackets, shawl, evening gowns, kumpleto ito ng lahat ng kailangan niya…

 

LV, Chanel, Versace, DG, Dior, Gucci, Prada, Valentino…

Inilipat niya ba ang mga tindahan sa kanyang damitan?

Kaswal na pumili siya ng tag; napansin niya na ang lahat ng sukat ay S, at ito ang sukat niya. Inihanda ba ni Qin Chu ang lahat ng ito para sa kanya?

Pero bakit wala siyang sinabi na kahit ano? Ang lalaking ito talaga…

Pagkatapos magulat, pumili na si Huo Mian ng itim na dress. Sinuot niya ito, at napakaganda nito sa kanya.

Sumakay siya sa taxi at pagkatapos ng 40 minutes, dumating siya sa mansion ng Huo Family, na matatagpuan sa labas ng lungsod.

Mula sa malayo, nakikita na niya ang mga itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng pinto. Mukhang nagpunta ang lahat para makipaglibing.

Mabagal na naglakad si Huo Mian…

"Excuse me, patingin ng iyong imbitasyon," pinatigil ng guwardya si Huo Mian sa harap ng pinto.

Kailanman, hindi pa nakakapunta si Huo Mian sa bahay na ito, kaya natural lang na hindi siya kilala ng mga guwardya.

"Nandito ako para makipaglibing sa aking lo--" hindi na natapos ni Huo Mian ang sasabihin nang may isang itim na Maserati na pumarada sa tabi niya. Ibinaba ang bintana ng sasakyan.

Sabi ni Huo Siqian sa guwardya, "Papasukin mo siya, siya ang aking nakababatang kapatid na babae."

"Opo, Young Master."

Binuksan ng guwardya ang pinto, at pumasok si Huo Mian…

Pagkatapos iparada ni Huo Siqian ang kanyang sasakyan, hinabol niya si Huo Mian at sinabing, "Hindi ko inaasahan na pupunta ka. Akala ko ang pagpunta rito ang pinakahuli mong gagawin."

"Syempre, ayoko pumunta. Nandito lang ako para makita ang lola ko sa huling pagkakataon, at wala itong kinalaman sa kahit kanino," sabi ni Huo Mian.

"Mian, ang ganda mo ngayon," pagkatapos magsalita, hindi na hinintay ni Huo Siqian ang sagot niya at pumunta na ito sa mourning hall.

"Baliw."

Tiningnan ni Huo Mian ang postura ni Huo Siqian at sinabing, "Araw ito ng pagluluksa, hindi naaayon dito ang pagpuri sa itsura ng iba, di ba?"

Laging nararamdaman ni Huo Mian na kakaiba si Huo Siqian, kahit na sikat ito sa mga kakabaihan at iginagalang siya sa Huo Family.

Naglakad na rin si Huo Mian patungo sa mourning hall… Lahat ng kabilang sa Huo Family ay nakaluhod doon…

Ang asawa ni Huo Zhenghai, si Jiang Hong, ang kabit niyang si Shen Jiani, si Huo Yanyan, at si Huo Siyi ay nandito..

Nasa gitna ang kanyang ama, na matagal na niyang hindi nakita – si Huo Zhenghai.

"Ikaw si…?" tiningnan ni Huo Zhenghai si Huo Mian; hindi man lang niya ito nakilala.

"Dad, siya si Huo Mian," pagpapakilala ni Huo Siqian.

Nagulat si Huo Zhenghai sa mga sinabi ni Huo Siqian…

Tinawagan niya si Yang Meirong at inimbitahan si Huo Mian para pumunta, pero hindi niya naisip na malaki na ang kanyang anak.

Lahat ay tumingin nang marinig ang pangalan ni Huo Mian. Ngunit, si Huo Mian ay nanatiling tahimik na nakatayo, walang emosyon ang mukha nito.