Nagkaroon ng malabong panaginip si Huo Mian…
Patuloy niyang nararamdaman na maty nanonood sa kanya sa kwarto niya pero hindi siya magising.
- Kinaumagahan -
Tumayo at naligo si Huo Mian ng mga bandang 6 AM ng umaga, Pagkatapos, bumaba siya bago pa magising ang iba.
Gusto niyang umalis sa mansyon ng Huo Family kaagad dahil ayaw na niya manatili rito ng matagal...
Pero, nagulat siya dahil nakasalubong niya si Huo Yanyan na kakauwi lang sa may pinto.
Mukhang kababalik lang nito at meron pa rin siyang full makeup…
Ang buhok niya gulo-gulo rin at ang heels niya ay puno ng dumi…
"Bakit ka nandito?" Tumingin si Huo Yanyan kay Huo Mian at pabalang kinuwestyon siya.
"Bakit hindi ako pwede rito, ang apelyido ko rin ay Huo," sinadya siyang hamunin ni Huo Mian.
"Huh… hindi ka pa rin pampublikong kinikilala ni Dad kaya huwag kang sumipsip sa amin ng may nanay na ganyan."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com