Mabilis ang reaksyon ni Huo Mian at tumalon siya kaagad pagkadaplis ng paa ng baboy sa balat niya. Pagkatapos, tumakbo siya papunta sa lababo.
Pinadaanan niya ng malamig na tubig ang hinliliit niya… Hindi naman ito ganun kaseryoso, medyo mapula lang ito.
Nung nakabalik na sa wisyo ang lahat, nakabalik na si Huo Mian sa upuan niya.
"Um… bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?" Napansin ni Huo Mian na nakatingin sila sa kanya ng may mga weird na ekspresyon sa mga mukha nila.
"Tingnan ko nga." Kinuha ni Qin Chu ang kamay ni Huo Mian at sinuri ito.
Nakampante na siya nung hindi ito masyadong malala…
"Patawad… patawad talaga..."
Ang naghain ay isang batang lalaki, nasa 18 o 19 taong gulang na ito. Mukha siyang magulo… pero totoo ang ekspresyon niya.
"Ayos lang, hindi mo naman ito sinasadya." Ngumiti si Huo Mian.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com