webnovel

Galit

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 17: Galit

"Talagang may lakas ka ng loob na itanong sakin yan? Wag mong sabihin na nakipagkita ka na sa kanya," matalas na tiningnan ni Yang Meirong si Huo Mian.

Hindi makapagsalita si Huo Mian. Totoong nagkita na sila ni Qin Chu, kahit hindi naman ito sinasadya.

Pero, kailanman hindi nakinig ang nanay niya sa mga paliwanag niya. Kaya lahat ng sasabihin niya ngayon ay paniguradong mas makakapagpagalit sa kanyang nanay.

"Ma, magpahinga ka na. Babalikan nalang kita bukas."

"Hindi ko kailangan ng awa mo. Kung may natitira ka pang hiya, wag ka nang magpapakita sakin kahit kailan. Ikaw ang magiging dahilan kung bakit ako mamatay ng maaga katulad ng ginawa mo sa Uncle Jing mo."

Ang masasakit na salita ng kanyang nanay ay sobrang tumagos sa puso ni Huo Mian.

Pitong taon na niyang sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Uncle Jing. Sa buong seven years na yun, wala nang mas lulungkot kaysa sa kanya.

Dahil naalala na naman niya, tumahimik nalang siya. Tumalikod, binuksan ang pintuan at umalis.

"Ate, ihahatid na kita palabas."

Sumunod palabas si Jing Zhixin, alam niyang nalulungkot na naman ang kanyang ate.

"Ate, mainitin lang talaga ang ulo ni mama. Huwag mo na isipin yung mga sinabi niya. Sa mga nagdaang taon, ganyan na talaga siya. Saka may nabasa ako, pwede ng magmenopause si mama sa edad niya. Siguro yun nga ang nangyayari kay mama ngayon."

"Ano ba yang mga librong binabasa mo?" tiningnan ni Huo Mian ang kapatid, naiinis at natutuwa siya dito.

"Ate, wag ka na mag-alala sa mga nangyayari dito. Andito naman ako para alagaan si mama. Gawin mo lang ang dapat mong gawin."

Tumango si Huo Mian. "Sasabihin ko sa trabaho na off muna ako para maalagaan ko siya, ikaw naman, pumasok ka na sa school bukas. O, ito din pala yung pera para sa gastusin niyo sa susunod na buwan. Kunin mo na."

Naglabas si Huo Mian ng one thousand yuan sa kanyang wallet at ibinigay sa kapatid.

"Ate, di ko pa kailangan nito. May natitira pa kong pera galing last month. Saka, may part-time naman ako sa school kaya kahit di mo na ako bigyan ng pera ulit. Ikakasal ka na at paniguradong marami kayong kailangan pagkakagastusan ni Zhiyuan."

"Kunin mo na. Kahit pa ikasal ako, magbibigay pa din ako sayo kahit gaano kaunti. Zhixin, alam kong nag-aalala ka sakin, kaya tinitipid mo ang pera mo. Pero, hindi mo dapat tinitipid ang pera mo para sa mga bagay na kailangan mo. Lumalaki ka palang at kailangan mong kumain ng maayos," ginulo ni Huo Mian ang buhok ng kanyang kapatid bilang paglalambing.

"Alam ko, ate. Sana ikaw rin."

Umalis si Huo Mian sa ospital nang may mabigat na kalooban.

Hindi niya inakalang mahahanap agad ni Qin Chu ang kanyang nanay at kapatid. Ano bang balak niya?

Siguro nga, kailangan nila mag-usap…

Inilabas niya ang kanyang cell phone, at tiningnan ang call history. May isang unfamiliar number na nagtatapos sa 8866 at paniguradong siya ito.

Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, tumawag siya.

Pagkasagot ng tawag, pagalit na nagtanong si Huo Mian, "Hoy, Qin Chu. Ano ba talagang kailangan mo sakin?"

"I'm sorry, nasa meeting pa si President Qin. Pwede ko bang malaman kung sino yung tumatawag?" sabi ng isang hindi pamliyar na boses ng lalaki sa kabilang linya.

Dahil sa pagkagulat, hindi makapagsalita si Huo Mian.

"Ako ang assistant ni President Quin, si Yang. Pwede ko bang makuha ang message mo para sa kanya?"

"Hindi na, thank you," walang emosyon niyang pagsagot at pagkatapos, binaba na niya.

- GK Headquartes, sa loob ng isang executive meeting room-

Nakasuot ng isang black dress shirt na custom-made galing sa Italy si Qin Chu, meron din itong mga diamond cuffs. May pagka-misteryoso ang dating niya.

Walang makikitang ngiti o sigla sa gwapo nitong mukha. Kahit ang mga tingin nito ay walang emosyon.

Yung araw na bumalik siya sa bansa, kinuha niya agad ang posisyon na CEO sa GK. Ang tatay naman niya ang chairman ng corporation at semi-retired na rin kaya masaya itong ipasa ang family business sa kanyang anak.

"President Qin, approved na po ni Chairman ang Greenfield Manor project. Ang kailangan nalang nito ay ang pirma niyo po. Kung titingnan niyo… kung may oras po kayo, pwede po bang pirmahan niyo itong document, para masimulan na po ang construction?" maingat na tanong ng Director of the Land Development Department.