webnovel

Aksidente

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 44: Aksidente

Sabi ni Jing Zhixin, "Ate, hindi mali ang magmahal at hindi mo kasalanan ang lahat. Napakasama ng Qin Family para gumamit ng mga underhanded tactics para lang sapilitan kayong paghiwalayin noon. Ang totoo ay, nasaktan ka din, di ba? Sobrang mahal mo pa din si Qin Chu, tama?"

"Zhixin…" biglang hindi alam ni Huo Mian kung ano ang sasabihin.

"Hindi ako isang bata lang na walang alam. Alam ko rin ang paghihiwalayan niyo ni Zhiyuan. Noong isang araw, tinawagan ko siya. Alam kong may mali sa tono ng boses niya. Kahit hindi niya direktang sabihin, alam kong may nangyaring hindi maganda sa inyong dalawa. Bago pa madala si Mama sa ospital, dumating si Qin Chu sa bahay. Pag pinaglink mo ang dalawang nangyari, naisip ko hindi mo talaga mahal si Zhiyuan, Ate. Mahal mo pa rin si Qin Chu, at hindi mo siya ma-let go. Kaya hindi kita masisisi. Patay na si Papa, at hindi na mababalik ang patay. Ang gusto ko lang naman Ate, hindi mo na hayaan ang sarili mo na mas marami pang pagsisihan simula ngayon. Mabait nga si Ning Zhiyuan pero hindi mo siya mahal. Ayoko habangbuhay sumama ang kapatid ko sa isang taong hindi niya mahal. Kung may gusto ka pa rin kay Qin Chu, sumama ka sa kanya. Kahit ayaw pa ni Mama, kahit kamuhian ka pa niya o sigawan, hindi ko yun gagawin sayo. Maiintindihan ko. Ang dapat sisihin ay ang mga responsable, at ang ginawa ng Qin Family ay dapat hindi idiin kay Qin Chu, kaya sasabihin ko ulit ito, magiging masaya ako basta masaya ka, Ate."

Pagkatapos magsalita ni Zhixin, puno ng luha ang mukha ni Huo Mian.

Hindi siya iyakin. Noong naghiwalay sila ni Ning Zhiyuan, hindi siya naiyak kahit man lang isang patak.

Pero, yung sinabi ng nakakabata niyang kapatid ay tumagos sa kanya.

19 years old palang ang kapatid niya. Sobrang precious na kaya nito ilagay ang sarili nito sa kalagayan niya at maintindihan kung ano ang pinagdadaanan niya.

Bigla niyang naalala ang lumang sikat na kasabihan, 'Madaming naka-abang kung gaano ka kataas lilipad, ngunit ang mga tunay na may malasakit sayo ay makikita kung gaano ka napapagod.'

Sobrang sweet ng kapatid niya, lagi niyang binibigyang-lakas si Huo Mian pag malungkot ito.

Nitong mga nakaraang taon, maliban sa pagsustento niya sa kapatid niya, pakiramdam ni Huo Mian, hindi siya naging isang mabait na Ate.

Hindi siya nagmalasakit o nag-alala sa kanyang kapatid katulad nito sa kanya, at hindi niya pinapansin kung ano iniisip ng kapatid niya.

"Ate, tahan na. Hindi ka na bata. Halika, punasan natin yang mukha mo, ang gulo mo tingnan," inabutan siya ni Jing Zhixin nang isang pack ng tissues.

Pinunasan ni Huo Mian ang kanyang mga luha, kahit medyo di pa nabalik sa dati ang kanyang paghinga.

"Zhixin, hindi ko alam na naiintindihan mo ang lahat. Salamat sa pag-intindi."

"Anong kalokohan to? Magkapatid tayo! Ikaw at si Mama ang dalawang taong pinakamamahal ko sa buong mundo," ngumiti si Jing Zhixin, makikita ang kanyang dalawang palabas na canine teeth nito.

Kumikislap ang mga luha ni Huo Mian kapag tinatamaan ito ng ilaw.

Inisip niya, Uncle Jing, pwede bang gabayan niyo kami ni Zhixin. Sana lagi kaming maging okay, wala ng gulo. Hindi na namin kayang mawalan pa.

1 PM na noong naglakad sila palabas sa public cemetery.

"Hindi mo ba kailangan pumunta sa library para mag-aral?"

"May oras pa ako. Ate, gutom na ako. Kain tayo."

Tumango si Huo Mian.

Pagkatapos, sumakay ang dalawa ng bus pabalik sa city at kumain sa isang maliit na restaurant malapit sa university ni Jing Zhixin. Nag-order sila ng dalawang putahe at sabaw.

Kahit simple lang ang pagkain, sobrang nag-enjoy sila.

Nasa second semester na ng kanyang freshman year si Jing Zhixin. Hindi pinakamaganda ang university, pero hindi rin ito pangit. Ito ay isang second-tier university.

Nag-aaral siya ng civil engineering at base sa pagkakarinig niya, plano nito maging engineer pagka-graduate.

"Ate, pag naka-graduate na ako at nakahanap ng trabaho, kaya ko na ring suportahan ang pamilya kasama ka. Kapag nangyari yun, hindi niyo na kailangan magtrabaho ni Mama."

"Oo," nakangiting tumango si Huo Mian.

Pagkatapos mananghalian, bumili si Huo Mian ng ilang prutas para sa kanyang kapatid at inihatid ito sa school gates.

"Ate, umuwi ka na. Tawag ka lang pag may nangyari," sabi ni Jing Zhixin at nakaway kay Huo Mian.

Pagkadating ni Huo Mian sa kanyang apartment, inubos niya ang araw niya sa paglilinis ng buong apartment. Dahil galing siya sa medical field, sobrang obsessed niya sa hygiene.

Malapit na mag-6 PM nang matapos siya.

Dahil sa pagod, umupo muna siya sa sofa at nanood ng tv para pangpalipas oras. Nang biglang, nagring ang phone niya. Pagkakita niya sa caller-ID, isa itong unfamiliar number.

"Ikaw ba ang kapatid ni Jing Zhixin?" tunog natataranta ang lalaki sa kabilang linya habang nagtatanong.

"Ako nga."

"Ako ang roommate ni Jing Zhixin. Nabangga si Jing Zhixin sa may campus. Dinadala na siya ngayon papuntang First Hospital para malapatan ng lunas. Bilisan mo ang pagpunta."

Pagkarinig niya nito, nagdilim ang paningin ni Huo Mian. Halos mahimatay na siya.