webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Like and Girlfriend

Matapos ang practice pumunta agad ako sa parking lot. Nasa labas ng kotse si Mara at saka ngumiti sa'kin.

"Gab"

Nginitian ko siya at saka pumasok sa loob hahaha.. napapagod na paa ko kakatayo eh.

Pumasok na rin siya.

"Hatid mo ako sa Crimson Building"

Iyon talaga ang bungad ko sa kaniya.

"Wow.. that's an exclusive condominium for a millionaire only."

Napa tigil ako sa pag tangka kong mag seatbelt.

"Millionaire?!"

"Yeah.. they won't let you get a unit if you don't have a million and you need to give a proof that you really have a million. Business or bank account something like that."

Alam ko namang pang sosyal ang mga condo pero itong sinasabi niya hindi birong halaga.

Gano'n kayaman ang pamilya ni Lexie?!

Or should I say her Dad. Binili raw ng Papa niya 'yon at regalo sa kaniya.

"Sila na ba ang may ari no'n kapag nakuha na nila?"

Sinamaan niya ako ng tingin kasi nag tatagalog ako. Ganto ata talaga ako pag shock na shock na sa buhay ko.

"Well I heard to my cousin's that renting that place will be worth a hundred thousand and owning 1 unit will be a million worth."

Kung totoo lang ang jaw drop baka kanina pa 'to nalaglag sa sahig.

Kailangan kong baguhin ang isip ni Lexie kung sakaling nag ri rent lang siya. A hundred thousand? Tapos hindi naman siya doon umuuwi?! Ano 'yon display?!

"That's ridiculous"

Napa sandal nalang ako sa upuan at hindi na tinuloy ang pag siseatbelt ko.

"Who will you meet there? Will they let you pass?"

Oo.. pinakiusapan na nila ang bantay doon na papasukin ako basta ipakita ko ang student ID ko.

"A photographer who will teach me photography for incoming contest"

Masyado na akong maraming nasalihan ngayong taon. Siguro after ng photography hindi na muna ako sasali sa mga ECA.

"Will you be safe there?"

"Yeah, I'm with a woman so no need to worry about it."

Tumango siya at saka inistart ang kotse.

"Ano nga pala 'yong gusto mong sabihin?"

Kinunutan nanaman niya ako ng noo.

"I mean what do you want to say. Is that urgent?"

"Not really, I'm just going to inform you that I like your friend."

.

.

.

Loading

.

.

.

"Come again?"

Nababaliw na ata pandinig ko, may naririnig akong kakaiba.

"That Abby Inocensio, I like her."

Napa nganga nalang ako at tinuro siya

"Y-you're a gay?"

Hindi makapaniwalang tanong ko.

"What's shocking about it? I liked you for a year and now I like your friend, I've move on about you."

Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mata ko.

Ako?! Mara! Ang ganda ganda mo!

"Paano mo nasasabi 'yan na parang wala lang? You've just confessed about your previous feelings to me then you will act like it's normal?"

Wow! Grabe na 'tong araw na 'to!

Dami kong na encounter na nag out ng gender preference nila.

"That's the sign that I already get over you. It's really hard to get over you ah. It took me a year before finally accep-"

"Wait wait! Wag mo na ikwento 'yon, kwento mo 'yong kay Abby? You said you like Abby? Don't you know that she's teasing me to you, that you are my girlfriend?!"

Napa hawak nalang ako sa noo ko.

Nag simula na siyang pa andarin ang sasakyan.

"Really?"

Natatawang tanong niya

"Yeah!"

"So she knew who am I? That's cool"

Anong cool! Abnormal din 'tong isang 'to.

"Did you saw her somewhere before I met her?"

Hindi ko lang talaga lubos maisip na may ganito.

"Well.. fortunately yes, in music wave last 3 years. Every year I saw her in music wave and when you talk about her that's when I finally know her name."

There's a smile in her lips when I glimpse at her.

Owshoot! She's fuckin' serious!

"I can't believe- oww.."

Lalo lang ata akong napailing nang maimagine ko silang mag kasama.

"Hey haha.. are you ok?"

She laughed at me

"Don't laugh Mara, she has a M.U now and probably soon to be boyfriend, I don't think I can help you."

Umiling siya habang nakangiti

"I just need your support and I'll do the rest."

Tumango ako, basta kung sa'n siya masaya ayos na ako doon pero syempre ayoko rin siyang masaktan lalo na't kumplikado ang gusto niyang tao.

"At least I warned you, don't blame me if you cry in the end."

Umiling siyang habang natatawa.

"I won't blame you don't worry, this is my choice."

So eto pala ang gusto niyang sabihin sa'kin? Na bakla siya at gusto niya si Abby. Wow grabe ka talaga kupido, paka bobo mo pumana.

Napailing nalang ako.

Niyaya niya akong kumain pero sinabi ko na hindi talaga ako makakasama sa kaniya ngayon, bawi nalang ako kapag tapos na mga ECA ko.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor ni Lexie, dalawang bahay lang ang nasa floor na 'yon kasi mukha naman talagang malaki ang mga unit na 'yon.

Nag doorbell ako para lang ipaalam na nandito na ako saka ko pinindot ang pincode niya.

Syempre alam ko kasi sinabi niya sa'kin no'ng nakaraang araw.

Gusto ko nang umuwi para mag bihis, medyo na aasiwa kasi ako sa uniform namin, naka long sleeves at skirt, hindi naman sobrang ikli, sakto lang.

Pag bukas ko ng pinto nagulat ako nang mabungaran ko si Lexie na nakangising nakatingin sa'kin.

"L-Lexie-"

Hinila niya ako at sinandal sa gilid ng pinto.

Mabilis niyang sinara ang pinto at saka sobrang lapit niya sa'kin.

Nangangatog ako sa kaba. Anong ginagawa niya.

"You're late."

Syempre may practice ako, sinabi ko na 'yon sa kaniya ah.

Inamoy niya ang mukha ko na para nanaman siyang nangingilalang aso.

"K-kasi may practice-"

She sealed my lips with hers.

It widens my eyes because of the surprise.

Libo libong bultahe nanaman ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

She pinned me in the wall and deepen' the kiss.

Sheeet! You need to stop now Gab, baka umabot ulit kayo sa katulad ng nangyari kahapon.

But how can I stop this?

Should I push her?

Should I turn my head to left? Or right?

She pulled my waist.

Gumilid sa pisngi ko ang halik niya.

"Lexie!"

Bahagya mo siyang tinulak.

Baka kasi ang baho ko na, nakakatakot baka ma turn off siya sa'kin at saka bakit niya ginagawa 'to? She's pregnant and has a fiancé.

"What?"

Inosenteng tanong niya

"A-ano-"

"Hindi ka mabaho"

Pag aassure niya.

Nag init ang mukha ko sa mga katagang iniwan niya.

"I-I'm just hungry."

Nakayukong tugon ko.

Lumapit ulit siya sa'kin at saka pinatong ang baba niya sa balikat ko. Napasinghap nalang ako.

"You don't know how beautiful you are in that uniform."

She whispered

Lahat nang ginagawa niya nakakapag patindig ng balahibo ko at nakakapang gulo sa sistema ko.

Panay siya ganito pero in the end sasabihin niyang that's what friends for.

Lintek na friends, una palang na friendzoned na ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit.

Nag make out kami tapos sasabihin niyang friends kami. That's really absurd.

"We'll order what you want to eat."

Sabi niya habang nakahilig sa'kin.

"Tapos sangkaterba nanaman ang oorderin mo."

"Pfft.. coz I don't know what you want. Name what you want then we'll buy it."

Kinalas ko siya sa pagkakayakap at saka hinipo ang leeg niya kung may lagnat pa siya and unfortunately meron pa rin pero hindi na sing init ng kahapon.

"After you eat in canteen did you take your med?"

Umiling siya.

"Why not?"

"I forgot to bring one"

Napapikit nalang ako sa inosente niyang sagot.

"You forgot or you don't just want to bring?"

"I hate capsules or tablets"

Tumalikod na siya at nag lakad palayo. Ayan nanaman siya, napaka moody niya.

"Edi sana hindi mo hinayaang mag kasakit ka"

"It's not that I want this"

Mataray na sagot niya.

Umupo siya sa sofa at nakapikit na hinilot niya ang noo niya.

"Oo na, order na tayo ng food at siguraduhin mong marami kang kakainin ah para maka inom ka na ng gamot."

Mabuti nalang lagi akong may extra ng gamot sa bag incase na mag kasakit habang nasa mga ECA ako.

"Ok!"

Masayang tugon niya.

Ako na ang nag order ng makakakain namin. Ngayon magaan ang loob ko kasi may sarili akong pera na naka card pa. Dati kasi pera mismo ang problema ko.

Mukhang dito kami matutulog ngayon ah?

Hindi siya pwedeng mag drive at tinatamad naman akong bumaba. Ayos lang naman sa kaniya kahit saan siya matulog basta may computer.

Nag linis ako ng katawan at kumuha ng damit sa isang closet. Natulog na rin ako no'ng nakaraan dito kaya may damit pa akong masusuot.

Pag bukas ko no'n andaming mga damit na nakahilera doon kahit sa pag kakatanda ko ay ang mga sinuot ko no'ng mga araw na 'yon lang ang iniwan ko dito.

Kinuha ko nalang ang mga damit ko at iyon ang sinuot ko.

No'ng natulog ako dito noong nakaraan wala siyang ginawa kundi ang tumutok lang sa computer kaka type niya tapos naka connect 'yon sa isang machine at sinusubukan niyang paganahin.

Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya pero ang cool no'n.

Pag labas ko nakatutok nanaman siya sa computer at ibang machine naman ang sinusubukan niyang paganahin, hinayaan ko nalang siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Maya maya lang ay may nag doorbell na kaya nag madali akong tingnan 'yon sa screen. Isang crew dito ang nag hatid ng order kasi syempre hindi pwedeng basta basta pumasok ang hindi taga dito.

"Thank you po"

Magalang siyang tumango sa'kin at umalis na ng floor namin.

"Lexie, mamaya na 'yan kumain na muna tayo"

Akala ko ba tuturuan pa niya ako pero mukhang ang ending namin hindi niya ako tuturuan at mag bababad nanaman siya sa ginagawa niya ah.

Ok lang naman sa'kin kasi marami na rin siyang naturo at halos lahat naman naturo niya na.

"Just a minute"

Ayan nanaman siya sa just a minute niya.

Sosyal na version ng wait lang, lintek lagi nalang kaming ganito pag kainan na.

Hindi kasi siya tumitigil kapag may nasisimulan na siyang gawin hanggat hindi niya 'yon natatapos.

Nakasalamin siya habang tutok na tutok ang mata sa tinatype niya. No choice ako kundi ang ihanda sa sala ang pagkain kung saan malapit siya.

"Eat Lexie Jane, iinom ka pa ng gamot mo."

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pag tatype niya.

"Lexie Jane"

May bantang tono ko

"Just a minute more"

Langya talaga.

Inis akong kumagat ng french fries habang hawak ko ang mga kakainin niya at humarap sa kaniya.

"Hey! Kumain ka na"

Sabi ko sa kaniya habang may kagat kagat akong french fries.

Nakakagigil na talaga 'tong ginagawa niya ah! Kaya pala hindi na rin siya kinaya ng mga pinsan niya at kinailangan na ng tulong ng iba.

Sumulyap siya sa'kin at nag mamadaling nag type.

Talaga naman-

Tumayo siya at kinain ang fries na nasa labas ng labi ko saka umupo ulit habang nginunguya ang fries na kinuha niya sa'kin.

"Thank you"

Napatanga nalang ako sa ginawa niya.

Nag wawala nanaman ang puso ko, kung ano ano nalang pinag gagagawa niya sa'kin tapos aarte siyang parang walang nangyari.

Napaka daya niya. Hindi ko kayang mag first move kahit gustuhin ko, sobrang daming pumipigil sa'kin.

Dalawang beses lang akong nag first move sa kaniya, isa no'ng lasing ako at sa kwarto niya.

Namula ako nang maalala ko 'yon.

"K-kainin mo na 'to!"

Tapang tapangan ko.

"Just put it there"

Binaba ko sa tabi niya ang pagkain niya.

Kung hindi pa talaga siya pipilitin mag papalipas nanaman siya ng gutom.

Kumain nalang ako habang nanonood sa cellphone ko ng mga music video, syempre 'yong mga kakantahin ko bukas ang pinapakinggan ko.

Syempre naka earphone ako, baka maistorbo ko pa yung may ari ng bahay.

*1 message received*

From: Abby<3

~Beh, chinat ako ng girlfriend mo~

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya HAHAHAHA kinikilig ako hahaha!

May kung anong na eexcite sa loob loob ko.

"Who's Abby-"

"AYANAKNGTIPAKLONG!"

Gulat na sabi ko na parang siya nagulat din sa pag sigaw ko kasi medyo napa atras siya.

Muntik ko pang mahulog ang cellphone ko kung hindi ko lang naagapan.

Kanina pa ba siya diyan?

Nasa likod siya ng inuupuan kong sofa at prente nang baka tukod ang parehong siko sa sandalan sa may gilid ko banda.

"I didn't chat her"

Simpleng aniya.

Wait-what?!

Omy- kumalma ka Gab- pero paano ako kakalma kung parang sinasabi niyang siya ang girlfriend ko.

Tinakpan ko ang bandang pisngi ko kasi na iinit nanaman ang mukha ko.

Bumaling na ako sa iba kasi baka makita pa niya ang mukhang kong mukhang sasabog na sa pamumula.

"Kasama ko 'to kanina sa canteen, kaibigan ko-"

"Then who's the one she's pertaining, girlfriend? I'm sure it's not me."

Hindi ko siya tinitingnan, pinag lalaruan lang ng hintuturo ko ang balat ng hinlalaki ko. I'm nervous, seriously.

"S-si Mara-"

"Ahh.. you're bestfriend."

Gulat akong tumingin sa kaniya.

"Pa'no mo 'yon nalaman? Feeling ko hindi ko naman nakwento sa'yo so Mara ah?"

Nginisian niya lang ako.

"Of course you did."

Hindi naman kami sobrang close para ikwento ko 'yon sa kaniya, unless it's about bed thing.

"I can't recall"

"You're answering me while you're asleep."

Lalo lang ako namula nang maalala kong may nangyaring gano'n, akala ko panaginip lang na tanong.

Tumayo ako at tiningnan siya ng masama, tinawanan naman ako.

"Sabi mo hindi ako nag salita!"

"I never said that HAHAHA.."

This so embarrassing! Naalala ko pa rin 'yong panaginip na 'yon kasi feeling ko talaga nag salita ako no'n. Tumatawa siya pag gising ko eh!

"Pero parang gano'n na rin 'yon!"

"Tinanong kita kung bakit mo 'yon nasabi but I never said that you didn't sleep talk."

Arrrrhhhhggg!! Nakakahiya!

Kung titingnan ko ang itsura ko ngayon sa salamin baka pati pinaka mahusay na pintor hindi ako maiguguhit.

Magaling lang talaga siyang mangasar at tuwang tuwa siya kapag inaasar niya ako.

She's so moody.

"Huwag mo muna ako kausapin-"

"Where is your SIM card again?"

Nang aasar na tanong niya.

"Waaaaah!"

Nag takip ako ng mukha at saka tumakbo papasok sa kwarto niya at sinara 'yon.

"HAHAHAHA.. I still have a lot of questions Gabrielle."

"Shut up!"

Nakakahiya talaga!

Napa sabunot nalang ako sa ulo ko nang maalala ko ang mga sinagot ko sa mga tanong niya.

Jeez!

To: Abby<3

~Oh? Anong sabi?~

Pero kinikilig pa rin ako sa kanila. Nakakaawa nga lang si Mara kasi sa kumplikado siya nag kagusto.

Umupo ako sa may kama at sumandal sa headboard habang ang isang unan ay nasa lap ko.

From: Abby<3

~Nag papalike ng page (@_@;)~

What the f! HAHAHAHA

Akala ko matapang na sablay rin pala.

Walanjo ka Mara.

To: Abby<3

~Bakit kailangan mo pang sabihin sa'kin?~

From: Abby<3

~Because she's your GIRLFRIEND~

Bakit feeling ko sinisigawan niya ako.

Mabilis na pumasok si Lexie sa pinto at pakiramdam ko inisang hakbang niya lang ang pag lapit sa'kin at inagaw ang cellphone ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!"

Nilayo niya sa'kin ang cellphone ko at tiningnan ang text box namin.

Inabot abot ko ang cellphone pero tumingkayad siya para mas hindi ko makuha.

"She's really persistent about the girlfriend thingy ah?"

"Ibalik mo na sa'kin yan Lexie Jane!"

"She's not Gab's girlfriend, I'm Gabrielle Rhemzo's girlfriend"

Natigilan ako sa sinabi niya at saka tiningnan ang ginagawa niya. She's recording it!

"Lexie Jane!!"

BALIW NA TALAGA SIYA! SANDAMAKMAK NA TANONG NANAMAN ANG ITATANONG SA'KIN NI ABBY NITO! ANONG GIRLFRIEND?!! GAGAWIN NIYA BA TALAGA AKONG KABIT?!

Naagaw ko ang cellphone ko sa kaniya at huli na ang lahat it's already sent.

"Anong ginawa mo Lexie Jane Fistorn? Waaah! Hindi na ako tatantanan nito dahil sa sinabi mo."

Naiiyak na sabi ko sa kaniya.

Hindi niya alam kung gaano kakulit si Abby at hindi titigil 'yon hanggat hindi naiaangkop ang sagot mo sa naiisip niya.

Kinakabahan ako shiiiit!!

*Abby<3 calling*

Waaaaaaah!!!

"HAHAHAHA.. you look cute Gab."

Inis na pinakita ko sa kaniya ang tawag na 'yon.

"See, mag sisimula na siyang kulitin ako dahil sa kalokohan mo"

Pag tataray ko sa kaniya

"Then I'll speak to her"

Kukunin niya sana ang cellphone ko pero agad kong iniiwas 'yon

"Mas lalo mo lang paguguluhin ang lahat."

Inirapan ko siya saka nag lakad palabas ng kwarto para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Who's that? That voice sounds familiar?"

Napapikit ako nang mariin at saka tiningnan ang lumabas sa kwarto na si LJ na may mapang asar na ngiti kaya napa irap nalang ako sa kaniya.

"Don't mind her, she's just pranking me-"

"Are you with Lexie Jane?"

Syempre mabobosesan niya 'to. Bukod sa fan sila ay nakita nila ako kanina kasama si LJ.

"Y-yeah-"

"Are you both dating?"

Tumabi sa'kin si LJ at saka ako tinitigan. Mukhang narinig din niya ang tanong na 'yon ni Abby.

"No.."

Diretsong sagot ko.

"You're not lying right?"

Nginitian lang ako ni LJ

"I'm not."

"Where are you? I'll fetch you"

"No, I'm still with my photography lesson."

Napakagat nalang ako ng labi kasi hindi naman kami nag lelesson ngayon, nang aasar lang siya sa'kin.

"She's your mentor?"

"Yeah?"

Nag aalangan ako sa mga isasagot ko.

"Ok, let's talk about this next next day. I'm watching you Gabrielle."

May bantang aniya at saka pinatay ang tawag.

"So? Wanna drink wine?"

Sinamaan ko siya ng tingin, parating na ang kalbaryo ko!

"No! Just give me a lesson"

"Bed lesson?"

The hell!!

Masyado na siyang nagiging manyak! Nawala na ang inosenteng Lexie Jane ko!

"Photography lesson! Pervert!"

Tinawanan niya ako at sa totoo lang nakakatunaw ng puso ang tawa niya.

"You like it too-"

Tinakpan ko ang bibig niya kasi masyado na siyang mahalay. Nahihiya ako sa mga sinasabi niya kasi syempre sa'kin niya 'yong ginagawa!

"Tumigil ka na."

Gigil na sabi ko sa kaniya at kahit nakatakip ang kamay ko sa bibig niya nagagawa pa rin niyang tumingin at tumawa sa'kin nang may pang asar.

Di ko na take lahat ng mga kilos at salita niya ngayon, ganiyan ba epekto ng pag kakasakit niya?

O baka ako talaga ang pinag lilihian niya?

Waaaaah!! Litong lito na talaga ako!