webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Abnormal Heartbeat

GABRIELLE'S POV

Parang buong araw nalang akong nahihiya dahil sa kaniya.

No'ng tinawag niya ako kanina habang naka paligid sa kaniya ang maraming studyante doon palang nahihiya na ko.

Everything is unexpected.

Huminto ako kanina para itanong kung ako nga ang tinatawag niya kasi sino ba naman ako para makilala ng isang Lexie Jane Fistorn.

Napaka good catch niya at hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit pati babae ay nag kakagusto sa kaniya.

Maganda, mayaman, mabait, sobrang talino at gentlewoman pa.

Ihing ihi na ako kanina at kaya ko ibinigay sa kaniya ang bag ko para hindi niya maisip na tatakbuhan ko siya, urgent lang talaga 'yong nasa pantog kong pasabog na.

Gusto ko rin siyang makasama sa photography lesson na siya mismo ang mag coconduct pero hinihila ako ng responsibility ko sa pamilya ko.

Kailangan kong mag kapera para mapagamot si Mama, si Mama nalang ang meron ako pati na ang nakababata kong kapatid na si Gavin, hindi ko na kakayanin kapag nawalan pa ako ng isang magulang.

First year palang ako crush na crush ko na si Ms. Lexie. Hindi naman masamang humanga sa kaniya dahil kahanga hanga naman talaga siya pati na ang mga achievements na mga nakuha niya lalo na ang mga magiging achievement palang niya. Ang daming open na opportunity sa kaniya kaya mapapa wow ka talaga pag nakilala mo siya.

Naaawa ako sa sarili ko kanina sa convenient store pero mas lalo kong kinaawaan ang sarili ko nang makita ko siya doon at pinag tatanggol ako kahit first meet palang namin kanina.

Naaantig ako dahil sa ginawa niya pero kailangan ko ng trabaho. Pero thankful pa rin ako sa kaniya.

Nasa kotse na kami kanina at bawat galaw niya talagang nababahala ako, hindi dahil may gagawin siyang masama kundi dahil sa amoy ko no'n.

May paka masungit siya pero lamang pa rin ang bait niya.

Hindi niya alam kung gaano ko kahirap nilabanan ang sarili ko para pigilan ang sarili kong mag take advantage sa kaniya.

Basta lahat naman ginawa ko at hanggang ngayon napipigilan ko pa naman.

Inosente si Lexie at halatang walang alam sa mga makamundong bagay kaya hanggat kaya ko hindi ko sisirain ang pangalan ko sa kaniya.

Malamig na tubig ang bumalot sa katawan ko kaya nabawasan ang init ng katawan ko.

Init dahil sa inis at init dahil kay Ms. Lexie.

Pag labas ko ng CR ay naka handa na sa sala ang mga pagkain at ang dami no'n.

"Uh.. you're done, come sit here"

Nakita ko nanaman ang ngiti niyang nakakapag baliko talaga sa mga straight.

Nasa harap siya ng laptop niya at parang may inaayos.

"May hinihintay ka bang bisita?"

"Ha? Wala naman, why?"

Napatingin ako sa fiestang nasa harap ko.

"Ang dami nito"

Ngumiti siya sa'kin

"Kung hindi natin ma ubos pwede mo namang iuwi sa mga kapatid mo, kung may kapatid ka"

Grabe na 'to, nakakahiya!

"Hindi na kailangan-"

"Walang kakain niyang mga yan dito bukas baka masira lang, sayang naman"

Napalunok ako habang naka tingin sa mga pagkain at oo nga sayang kung masisira, magugustuhan ni Gavin 'tong ipapasalubong ko sa kaniya.

"Here"

Nag abot siya ng 1k

"Para saan 'yan?"

"Payment for your ruined day at work. Just give me a 2-3 days, I will look for a good and non abuser job for you."

Heto nanaman siya, kapag mas lalo siyang nagiging mabait mas lalo kong hindi mapigilang humanga sa kaniya.

"Hindi na kailangan, kaya kong humanap ng-"

"I insist, wala akong tiwala sa ibang tao na papalit sa'kin sa photography contest gusto ko ikaw lang ang papalit sa'kin."

*Dug dug dug dug*

Tinatambol nanaman ako

"Hindi ko mapapantayan ang galing mo."

Nakayukong sagot ko

"Wala naman akong sinabing pantayan mo, all I want is to do your best so it'll all be worth it."

Payakap naman Ms. Lexie masyado kang pa fall!

"Pero-"

"Babayaran ko ang walang pasok mong araw until I find a suitable job for you. I can help, I have a many sources"

Napalunok nalang ako.

Alam ko naman na marami siyang kapit lalo na at marami rami na rin siyang nakilala dahil sa dami ng mga sinasalihan niya kaya hindi na questionable ang popularity niya.

"Bakit mo ako tinutulungan?"

Wala na kasi akong ibang masabi at isa pa first day of official meeting palang namin pero ganito na ang ginagawa niya.

"Because I can, hindi naman ako madamot"

Wala naman akong sinabing madamot siya, sadyang nakakapag taka lang.

Kahit sino naman siguro kakabahan kapag ganito kaganda ang kaharap tapos nag ooffer ng tulong kahit kakikilala niyo palang. Hindi ko naman sinasabing masama ang pakay niya pero kasi nakaka nginig sa kaba.

Nag tuyo nalang ako ng buhok habang siya nangangalikot pa rin sa laptop niya.

Maya maya namatay ang ilaw at bumukas ang TV sa likod ko. Nagulat ako do'n.

"Come here, sit beside me."

Simple words pero yung kaba ko para akong mamanyakin.

Husko Gabrielle Rhemzo, mas inosente pa 'yan sa'yo.

Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa tabi niya dahil hindi rin naman ako makakanood kung nakatalikod ako sa TV at isa pa, harang ako sa view.

"Kumain ka na, next time huwag kang papasok sa trabaho na walang laman ang sikmura mo, that's not good"

I know pero kung may pera naman diba? Bakit ako papagutom?

Binuksan niya ang wine na tinitingnan ko kanina, never pa akong naka tikim ng alak kahit 19 na ako.

Hindi kasi happy happy ang trip ko sa buhay, masyado akong maraming raket para mag happy happy.

"Here"

Inabot niya sa'kin ang wine glass

"A-ah h-hindi kasi ako umiinom eh"

Nilapag niya 'yon sa mesa sa harap ko.

"Then that's good, I told you I won't allow you to go home at this hour, you don't need to think something just drink"

Pwede bang itong softdrinks nalang?

"Thank you"

Mahinang bulong ko.

Kumain na muna ako at ngayon nalang ulit ako nakatikim ng pizza at itong mga nasa mesa.

"Hindi ka ba kakain?"

Tumingin ako sa kaniya at nakasalubong ko mata niyang nakatingin din sa'kin. Hindi ko alam kung kanina pa o kakatingin lang niya pero ang sigurado ako ay kinakabahan ako sa tingin niya.

"I will"

Mula sa pag kakasandal niya ay inabot niya ang lasagna at saka tumikim.

"Kumain ka na ba kanina?"

"Yeah"

Simpleng sagot niya

"Kumain ka na pala sana good for two person nalang ang binili mo para mas makatipid ka."

Mukha naman kasing titikim lang siya.

"Hindi ko nga kasi alam kung anong gusto mo kaya ayan"

Tinuro niya ang mga pagkain

Naalala ko ang dahilan kung bakit siya nasa store kanina, hindi niya nabili dahil sa'kin.

Buti nalang ngayon hindi na ako nahihiyang lumapit sa kaniya dahil hindi na ako gano'n ka baho.

Pero nahihiya pa rin ako kasi nakita niya ako sa  gano'ng itsura.

"Thank you"

Wala na akong ibang masabi eh, grateful talaga ako sa ginagawa niya.

Sa sobrang kaba ko nainom ko ng straight 'yong wine na hinanda niya sa'kin.

"H-hey hahaha.. hindi ganiyan pag inom niyan."

Napapikit ako sa pait no'n pero may nalalasahan pa rin akong grapes.

Napa ubo ako ng konti dahil gumuhin iyon sa lalamunan ko.

"Bakit *cough* ganito lasa?"

Tinawanan niya lang ako. Seriously bakit mo ko tinatawanan ToT

"Bakit mo naman kasi ininom ng gano'n."

"Wala naman nakasulat sa bote na don't drink it straight"

Mas lalo lang ata siyang natawa

"You can do it but not in your first time."

Napahawak ako sa leeg ko kasi ang init no'n sa loob lalo na sa tyan ko.

Kinuha ko ang softdrinks at saka uminom ng kaunti.

Kahit papaano ay naibsan ang mapait na lasa sa dila ko.

"You ok?"

Hindi ko alam kung nag pipigil ba siya ng tawa o concern siya.

Tumango lang ako.

Nilagyan niya ulit ako ng wine sa baso.

"This time drink it slowly, wala naman hahabol sa'yo"

Natawa siya ng mahina

Kinuha ko ang basong may wine at saka inamoy muna 'yon.

Mabango siya, fruity ang amoy niya.

Hindi ko man tingnan pero alam kong naka masid lang sa ginagawa ko si Ms. Lexie.

Tumikim ako at doon mas naging magaan ang pag inom ko.

"Masarap?"

Nakangiti akong tumango saka nag patuloy sa pagkain.

Lalagyan pa niya sana ako pero sinabi ko nang ako na ang mag lalagay.

Sumandal nalang siya at nanood ng palabas habang ako panay ang nguya.

Maya maya ay naramdaman ko ang pamamanhid ng pisngi ko.

Nakayuko ako at pag tingin ko sa TV ay parang bumigat ang ulo ko at nahihilo ako.

Para akong lumulutang.

"Hey? Are you ok?"

Inaantok na ako dahil sobrang bigat na ng talukap ng mata ko.

Umalis siya sa pagkakasandal at tiningnan ako.

Hinawakan niya sa dalawang kamay niya ang mukha ko.

Bigla akong napa ngiti sa ginawa niya at sa maganda niyang mukha. Para na talaga akong lumulutang.

LEXIE'S POV

"Shit! You almost emptied the bottle"

She just giggled while I'm holding her both cheeks.

Oh come on don't look at me like that, your so fuckin' cute.

"Ang ganda mo naman Miss"

"I know"

Poker face na sagot ko.

I'm not good at handling a drunk person and for goodness sake, it's just a wine.

"What do you want to have? Coffee? Water?"

Umiling iling siya at saka tinuro ang wine.

She's really a stubborn

"No, enough for wine"

"Dapat hindi ka nalang nag tanong"

What the-

Muntik na akong matawa sa sagot niya.

"Let's go to bed"

Bigla niya akong tinulak kaya napa sandal ulit ako sa upuan. Niyakap niya ang sarili niya.

"What are you doing?"

"Hindi mo pa ako pwedeng makuha, bawal pa"

Napanganga ako sa sinabi niya.

Is she for real? What the hell is she saying?

"What?"

Bigla siyang lumundag payakap sa'kin kaya na pa higa ako couch at siya naka hawak sa balikat ko.

"H-hey Ms. Rhemzo-"

Ano ba 'to?! Wala na ata akong ginawa buong mag hapon kundi pakalmahin ang abnormal kong puso.

She's now on top of me and I don't fuckin' know what to do.